Chereads / My Innocent Maid / Chapter 12 - My Innocent Maid XII

Chapter 12 - My Innocent Maid XII

Katherina

Niyaya ko sina Inang at mga kapatid ko na kumain sa bayan. Ayaw pumayag ni Inang dahil gaatos lang daw ang iniisip ko, pero hindi ako pumayag.

"Ako po ang bahala, Inang. Minsan lang naman ito bago ako bumalik sa Maynila sa susunod na linggo. Gusto ko mapasaya ko kayo." nakangiting sabi ko at inaayos ang bestida ni Inang.

"Puwede namang magluto nalang ako ng makakain natin. Hindi na natin kailangang lumabas." tanggi nito.

"Aba, Inang. Minsan lang magyaya si Ate kaya lumarga na tayo." sabad ni Pamela habang feel na feel niyang ilakad ang bago niyang bestida.

"Inang," tawag ni Kasandra at hinawakan si Inang sa balikat. "Kilala niyo namam si Ate, hindi ba? Kahit anong tanggi niyo, wala kayong magagawa. Pinaglihi niyo kaya 'yan sa bato sa katigasan ng ulo." natatawang sabi ni Kasandra na ikinabatok ko sa knya pero mahina lang.

"At kailan ba natuto si Inang na kumain ng bato?" kunot-noong tanong ko. "Hindi siya si Darna, kaya huwga niy na uulitin 'yon. Buti hindi nalagas mga ngipin niyo sa pagkain ng bato Inang." sabi ko at hinawakan ang mukha ni Inang at tinignan lahat ng gilid.

Nagtawanan silang lahat, ultimo si Inang tawa nang tawa. Grabe ang saltik naman ng mga ito. Bigla nalang tatawa. Kinalabit ko si Inang,

"Inang? Bakit kayo tawa ng tawa? Share niyo naman para hindi kayo parang tanga." tinignan ako ng masama ni Inang bago nagsalita.

"Apat kaming tumatawa kaya hindi kami tanga, Anak. Ayos-ayusin mo ang buhay mo, Anak." natatawa ulit na sambit nito.

"Ate..." nagpipigil ang tawa na tawag ni Isabela sa akin.

"Oh!" nakairap na sagot ko, tumatawa sila hindi man lang nila ako isama. Kainis! Nagsosolo silang apat.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Patawa ka pa din kahit kailan." natawa nang sabi nito sa akin.

"Sige, sige, magsawa kayo! Tumaw lang kayo. Hindi ko kayo ibibilhan ng bagong sapatos. Hmmmp!" talikod ko at kunwari ay nagtampo ako sa kanila. Mamaya pa ay naramdaman ko na ang yakap nilang tatlo maliban kay Inang na umiiling lang sa gilid.

"Ay ang ganda naman ng Ate namin." sabi ni Pamela habang yakap-yakap ako.

"Sobrang ganda niya. Alam niyo 'yon mga Ate. Napakabait niya pa, wala na tayong mahihiling pang Ate katulad niya." nangingiti nmaang sabi ni Kasandra.

"Kaya nga, pang-diyosa ng kagandahan ni Ate." huling sabi ni Isabela bago nila hinigpitan ang yakap nila sa akin at nglalambing. Alam kong binobola lang nila ako pero feel na feel ko naman.

"Talaga?" masayang sakay ko sa sinabi nila.

"Oo Ate. Sobra." sabay-sabay nilang sabi habang nakangiti at nakatingin sa akin.

"Biro lang 'yong bagong sapatos. Oh diba, gumana. Ang bilis niyong tumigil sa pagtawa."natatawa kong sabi sa kanila na ikinasimangot nilang tatlo.

"Akala naman namin, magkakaroon na kami ng bagong sapatos. Kawawa na kasi 'yong dati naming ginagamit. Laging gutom noh, Pamela?" paawang tanong ni Isabela kay Pamela. Ahad namang tumngo ang huli bago nagsalita.

"Oo nga eh, kulang nalang kainin niya na ang buo ang buong baryo sa pagkagutom." sagot nito at sumisinghot-singhot pa. Magsasalita pa sana si Kasandra nang pinutol ko.

"Ops! Huwag ka nang dumadagdag sa paawa-awang hitsura na 'yan. Ang papanget niyo." natatawa kong sabi sa kanila na mas ikinahigpit nila ng yakap sa akin.

"Ate naman eh, paasa ka naman." nakasimangot na silang tatlo kaya hindi ko maiwasang guluhin ang buhok nila at mapangiti.

"Oo na, ibibili ko kayo ng kahit anong gusto niyong sapatos. Basta isa lang at dapat 'yong nagagamit niyo sa pagpasok." paalala ko sa kanila na ikinatango nila.

"Katherina, masyado nang madami ang nagagastos mo mula ng umuwi ka. Ibinilhan mo pa ako ng maliit na reprigerator. Baka wala ng matira sa 'yo." sabi nito at tumingin sa akin bago sa mga kapatid ko.

"At kayo naman, sinasamantala niyo ang kabaitan ng Ate niyo." sermon nito sa tatlo na ikinakalas nila ng yakap sa akin at napayuko. Naglakad ako patungo kay Inang at hinaplos ito sa braso.

"Inang, ako ang may kagustuhang bilhan kayo ng mga bagay na kailangan niyo. Kaya ako nagtrabaho sa malayo para sa inyo. Kaya huwag po kayo mag-alala sa akin. Masaya ako pag nakikita ko kayong masaya." nakangiting sabi ko kay Inang at napaharap sa tatlo.

"Tama na ang simangot diyan, ayaw ni Ate na pumangit kayo. Bibilhan ko kayo ng sapatos niyo ngayon. Umayos na kayo." masayang sambit ko pero malungkot pa rin sila.

"Tama si Inang, Ate. Sorry kung hindi namin iniisip 'yong hirap mo. Okay lang kami, Ate. Ang importante magkakasama tayong lahat." sabi ni Pamela na humaplos sa aking puso.

"Naiyak naman ako. Huwag kayo mag-alala kay Ate. May ipon ako at kaya ko bilhin ang mga gusto niyo. Huwag lang 'yong masyadong mahal." nakangiting sambit ko sa kanila. Pero nag-aalangan pa sila dahil kay Inang.

Tumingin silang tatlo kay Inang at hinihingi ang pagsang-ayon nito. Nakita kong sumaya ang mukha nila nang makita nilang napabuntong-hininga si Inang bago tumango. Agad silang tumakbo sa amin ni Inang at pinalibutan nila kami ng yakap.

Sobrang namiss ko ang ganito. Masaya kaming lahat, hindi katulad ng mamatay si Tatang. Halos walang umiimik sa amin noon at puro kami nagmumukmuk sa isang tabi. Alam kong masaya na si Tatang kung nasaan man siya ngayon.

Inaya ko na silang umalis dahil anong oras na. Habang naglalakad kaming mag-iina. Hindi namin maiwasang maalibadbaran sa tingin ng mga bubuyog naming mga kapitbahay.

"Huwag niyo na silang pansinin, mga Anak. Naiinggit lang ang mga 'yan sa kagandahan niyo." bulong ni Inang sa amin na ikinangiti naming apat.

Madami kasi sa mga taga dito sa amin na mga tsismoso't tsismosa. Mas inuuna nila ang punain ang ibang tao kaysa sa sarili nilang buhay. Lahat papansinin nila sa 'yo. Kaya kaming magkakapatid ay bihira lang lumabas. Mas gugustuhin nalang naming tumambay sa ilog kaysa ang makihalubilo sa mga plastik na taong katulad nila.

Sumakay na kami ng trycycle at nagpahatid sa bayan. Maunlad na rin naman ang bayan namin dito sa probinsiya. May palengke din naman sa baryo namin kaso maliit lang at mga pangunahing bilihan lamang ang nandodoon. Hindi katulad dito sa bayan na may mga istraktura na ring nagtatayugan at madaming nagbebenta ng mga kung ano-anong mga bagay.

Dahil tanghali na, inaya ko muna silang kumain bago namin libutin ang bayan para mamili. Papasok na sana ako sa kainan ng pigilan ako ni Inang.

"Mahal diyan, Anak. Sa iba nalang tayo." sabi nito at may itinuro sa kabilang kanto. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni Inang.

"Inang, minsan lang naman ito. Saka hindi naman masyadong kamahalan. Kaya naman ng bulsa ko, kaya ayos lang. Huwag na kayo mag-alala Inang. Hindi tayo paghuhugasin dito." biro ko na ikinangiti ni Inang.

Hinawakan ko ang kamay ni Inang at naglakad na papasok sa kainan. Simple lang na kainan ang pinuntahan namin, pero matagal ko na kasing gusto na pakainin sina Inang dito kaya ayos lang kahit medyo kamahalan.

Pinaupo ko na sila at pumunta sa pinagsasabihan ng order. Hindi ko na isinama pa si Inang, baka kontrahin niya na naman ang mga kukunin ko lalo na't may mga presyong nakalagay.

Itinuro ko lahat ng nagustuhan ko bago ko binayaran. Pagbalik ko sa mesa namin ay naiiyak na naman si Inang.

"Inang, huwag kayo umiyak dito baka sabihin nilang pinalo namin kayo." sabi ko na ikinatawa nito ng mahina.

"Kahit kailan ka talaga, Katherina. Alam mo kung paano mo ako patatawanin." nagpupunas nang luha na sabi niya.

"Aba, Inang! Ginawa mo pa akong payaso sa lagay na 'yan." sabi ko at napangiti ng makita kong tumawa ulit ito. Minsan mo lang siyang makitang tumawa kaya lulubos-lubusin ko na siyang titigan. Sumeryoso bigla ang mukha ni Inang at kinuha ang mga kamay namin at hinawakan ito ng mahigpit.

"Mahal na mahal ko kayo, mga Anak. Lagi niyong tatandaan 'yan. Nawala man ang Tatang niyo sa atin, ay masaya pa rin ako dahil sa inyong apat. Huwag kayo magsasawa kay Inang ha." sabi nito at isa-isang hinaplos ang mukha namin. Napangiti naman kami at niyakap si Inang.

"Tama na Inang, hinding-hindi ka namin iiwan kahit anong mangyari." buong pagmamahal na sabi ko at nakangiti nang bumalik sa kinauupuan ko nang makita kong ibibigay na ang order namin.

Nagulat si Inang sa mga kinuha ko kaya nginitian ko lang siya at pinisil sa kamay. Nang mailagay na lahat ng inorder ko. Nag-umpisa na kaming kumain hanggang sa maubos namin lahat ng pagkain sa mesa.

Nang matapos kaming kumain, nagpahinga muna kami sandali bago ko sila niyayang mamili na. Halos inabot din kami ng dalawang oras sa kakahanap ng magandang sapatos na mura lang. Ibinilhan ko na rin si Inang ng sandalyas niya.

Huli naming pinuntahan ay ang pamilihan. Bumili ako ng mga kailangan nila sa bahay. Lahat ng pangunahin nilang kakailanganin pag nakaalis na ako. Hindi na ako bumili ng bigas dahil nakabili na ako kahapon sa pamilihan sa baryo. Nang makita kong kompleto na ang lahat. Inaya ko na silang umuwi dahil magtatakip silim na rin.

Masaya ako dahil nakikita kong masaya sila sa ginawa naming pamamasyal. Lalo na si Inang, nakapaskil na sa mukha nito ang ngiti na minsan nang nawala sa mukha nito dahil sa pagkawala ni Tatang.

"Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya kayo." sambit ko at pumara na ng trycycle para makauwi na kami.