Marco
Nagtanong-tanong pa ako sa mga tao bago ko matunton ang bahay nila. Pero pagdating ko, walang tao. At ang sabi ng mga kapitbahay nila ay umalis ang mga ito kanina pang tanghali. Sinipat ko ang oras at mag-a-alas sais na ng gabi.
Nang may tumigil na trycycle sa bahay nila, agad akong lumabas ng sasakyan nang makita ko siyang lumabas mula doon. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya nang makita niya ako. Kinusot-kusot pa nito ang mga mata niya bago ulit tumingin sa akin.
"Sen-yo-ri-to Marco?" naniniguradong tanong nito sa akin. Agad akong lumapit sa Nanay nito at nagmano. Samantalang nginitian ko ang mga kapatid niyang magaganda din katulad nito. Kinuha ko ang mga pinamili nila at binuhat.
"Magandang gabi po sa inyo, at sa inyo, magandang binibini." magalang na bati ko sa Nanay nito at mga kapatid niya. Nakita ko namang halos magkorteng puso ang mga mata ng mga kapatid niya at kinikilig na nagsisikuan.
"Mauna na po kayo sa loob, Inang. Kakausapin ko lang po si Senyorito." narinig kong sabi ni Katherina at kinuha ang mga inabot kong pinamili nila kanina.
Nang makaalis na sila, agad niya akong hinarap.
"Ano pong ginagawa niyo rito? Paano niyo rin po nalaman kung saan ako nakatira?" tanong nito sa akin na ikinakamot ko lang sa batok dahil wala akong masabi.
"Binigay ni Mom sa akin ang address niyo." magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong hinila sa kung saan.
"Doon po tayo sa ilog, Senyorito. Nagkalat na kasi ang mga bubuyog dito." mahinang sabi nito habang hila-hila niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming magkasalikop. I felt like, I'm satisfied with her holding my hands. Nakangiti ko siyang sinundan sa kung saan man niya ako dalhin. Nagtaka rin ako sa sinabi niyang bubuyog na nagkalat.
Nang makarating kami sa kubo, agad akong nagtanong dito tungkol sa bubuyog na sinabi nito kanina. I'm curios.
"Ano 'yong sinasabi mong bubuyog kanina? Wala naman akong nakita kahit isa." takang tanong ko na tinawanan niya lamang.
"Hindi naman po literal na bubuyog ang sinasabi ko, Senyorito. Dito sa amin, 'yan ang tawag ko sa mga tsismosang pakialamera sa buhay namin. Mga walang magawa sa buhay kubg hindi ang gumawa ng kuwento at pasamain ka sa mga mata ng iba." Namangha ako sa sinabi nito. May mga tao palang ganoon dito. Nasanay kasi akong nasa bahay lang at hindi masyadong naglalabas. Saka walang pakialamanan ng buhay ang mga kapitbahay namin dahil mga matataas din silang tao sa lipunan.
Napangiti ako nang makita kong hawak-hawak pa rin nito ang kamay ko kahit nakaupo ito at nakatayo ako sa harap niya. Nakaramdam ako ng kilig sa simpleng ginagawa nito sa akin. Ito ang unang beses na napakilig ako ng isang babae sa simpleng gawa lang nito. Even Trish, hindi ko naramdaman ito sa kanya. I'm happy being with her.
Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kamay namin ay agad niya itong binawi at namumulang napayuko. She's really beautiful when blushing. Nang maalala ko kung bakit ako nandirito ay napatikhim ako bago nagsalita.
"Andito ako para humingi ng tawad sa 'yo, Katherina. Sobrang nagsisisi ako sa nagawa ko. Hindi ko sinasadya lahat ng sinabi ko. Sana mapatawad mo ako." yumuko at lumuhod ako sa harapan nito.
Nakita ko siyang tumayo at nagmamadaling hinila ang mga braso ko para tumayo.
"Huwag niyo po akong luhuran, Senyorito. Hindi po ako Diyos. Pinatawad ko na po kayo matagal na. Sa katunayan nga niyan, nagpapasalamat pa ako sa inyo." nakangiti ng sabi nito at pinaupo niya ako sa upuang gawa sa kahoy.
Mas humanga pa ako sa pananaw niya. Kung ibang babae lang 'yan, malamang humihingi na ito ng kahit ano, kapalit ng kapatawaran nila. She's really an amazing girl. That's why I like her.
"Wait! Did I just say I like her?" tanong ko sa isip ko at napatingin sa babaeng kaharap ko. Nakatingin ito sa ilog habang nililipad ng hangin ang mahaba nito buhok. "Now I know why I bursted out. I'm jealous, aren't I?" mahinang tanong ko sa sarili ko.
Umupo naman ito sa di kalayuang upuan at nagsalita ulit.
"Kung hindi dahil sa nangyari, malamang hindi ko makikita ang pamilya ko. Nang araw na 'yon, nagpaalam ako kay Senyora. Pero sa kasamaang palad ay hindi niya ako pinayagan at binigyan niya lamang ako ng isang linggong bakasyon." saad nito na nakapagpatigil sa akin at hindi makapaniwalang tumitig dito.
"Wait, wait, what?" gulat na tanong ko, hindi ko na naalalang hindi pala nito naiintindihan ang English. I'm just shock of what she just say. Seriously? Mom knows that she'll be back after a week because she suggested it.
"What the fucking fuck! Mom played me. That's obvious," umiiling na sambit ko. Nakita kong nakatingin lang si Katherina sa akin na para bang nagtatanong ang mata niya. Naalala kong nagsalita pala ako sa lengguwaheng hindi nito naiintindihan.
"Patawad, alam ni Mom na uuwi ka din?" paninigurado kong tanong dito na ikinatango niya. Confirm! Mom played cupid to me. Alam kong hindi ito boto kay Trish dahil may pagka eskandalosa ito. And Trish disrespect Mom kaya hindi nito hinaharap si Trish pag pinupunta ko sa bahay.
Napabuntong-hininga nalang ako sa ginawa ni Mom. But deep inside of me was very happy of what Mom just planned. I'll thank Mom when I get back.
"Gabi na po, Senyorito, dito nalang po kayo magpalipas ng gabi. Bukas nalang po kayo umuwi." suhestiyon nito. Hindi ko balak makitulog lang ng isang gabi sa kanila.
"Sa totoo lang, Katherina. Gusto ko sanang dumito muna sa inyo. Sabay nalang tayong umuwi sa isang linggo. Kung okay lang sana sa iyo?" tanong ko na ikinalingon niya sa akin.
"Po?" gulat na tanong nito sa akin.
I smile, "Sabi ko, kung pupwede bang makituloy muna ako sa inyo. Sabay nalang tayong umuwi ng mansiyon." nakangiting ulit ko.
"Sigurado kayo, Senyorito? Wala pong kutson dito, matigas po ang higaan at wala pong aircon dito." paliwanag nito na ikinangiti ko.
"Okay lang, gusto ko namang maranasan ang buhay dito sa inyo. Malay mo magustuhan ko at pabalik-balik akong pumunta dito sa inyo." nakangiting saad ko na ikinamulagat nito.
"Si-sigura-do po ba ka-yo?" utal na tanong niya sa akin na ikinatango ko nang nakangiti.
"Sige po, sa kuwarto ko nalang kayo manuluyan. Makikitulog nalang po ako kina Inang at sa mga kapatid ko. Pagpasensiyahan niyo nalang po ang bahay namin dahil maliit lang ito." sabi na nito nang nakangiti.
"Ayos lang sa akin, Katherina. As long as I'm with you." sinadya kong hindi nito maintindihan ang huli. Napansin ko ang pagkunot nito ng noo dahil sa huling sinabi ko. Binalewala ko na lang ito at tumabi sa kinauupuan niya.
"Salamat sa pagtanggap mo ng kapatawaran ko, Katherina. Masaya ako at maayos na tayo. Hindi kasi ako mapalagay sa kaalamang galit ka sa akin. Okay na tayo ha?" nakangiti nang tanong ko dito. Tumango naman ito at nakangiting tumingin sa payapang tubig sa ilog.
Napatitig ako dito dahil sa gandang taglay nito habang nililipad ng sariwang hangin ang kanyang mahabang buhok.
"What a beautiful view to see." sabi ng isip ko habang pinagmamasdan ito. Maya-maya lang ay nag-aya na itong bumalik sa bahay nila.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang imaginin na hawak ko pa rin ang malambot nitong kamay hanggang ngayon. Magkasabay kaming naglalakad habang tahimik lang ito. Nang malapit na kami sa bahay nila ay medyo nahiya naman ako. Simple lang ang bahay nila. May maliit silang tindahan at may upuang gawa sa kawayan sa harap nito na parang sinadya para pagpahingahan.
Pagpasok namin ay agad na tumambad sa akin ang maliit na sala, upuan, at mesang gawa sa kawayan. Napansin ko ang dalawang hating kuwarto sa gilid. Kahit maliit ang bahay nila ay ayos pa rin itong tignan. Malinis at maaliwalas pagmasdan.
"Inang, nakauwi na po kami." mahinang sigaw nito. Agad namang dumungaw ang tatlo niyang kapatid sa isang pintuan na kurtina lamang ang sarahan.
"Ate, galing ba kayo ng ilog?" tanong ng isa sa mga kapatid nito. Nakita ko namang tumango si Katherina at nagtanong ulit.
"Asan si Inang?"
"Nangapitbahay lang sandali, Ate. May kinuha lang sa bakuran nila Aling Esmi." sagot uli ng kapatid nito na ikinatango ulit nito.
"Tapusin niyo na ang ginagawa niyo. Huwag na namang puro harutan ang gawin niyo ha? Baka masunog niyo ang bahay." paalala nito sa tatlo pero parang wala silang narinig at nakatayo lang sa may pintuang dinungawan nila.
"Pssst! Ate!" mahinang tawag nila sa Ate nila. Tumingin naman si Katherina sa kanila pagkatapos niya akong paupuin.
"Bakit?" tanong nito at humarap sa tatlo. Natawa tuloy ako sa sinagot ng mga kapatid niya.
"Hindi mo pa kami pinapakilala sa guwapo mong bisita, Ate. Napaka-makasarili mo talaga." nakangusong sambit ng isa sa kanila. Nakita kong minulagatan sila ng Ate nila kaya nagmadali na silang bumalik sa loob.
"Sabi nga namin, Ate, mamaya nalang pag andiyan na si Inang." kumakamot ng batok na sabi ng isa at nagmadali na silang pumasok.
"Pagpasensiyahan mo na ang mga kapatid ko, Senyorito. Ganyan lang sila kakulit pero mababait din sila." hinging paumanhin nito sa akin.
"Okay lang, walang problema." nakangiting sabi ko dito.
"Dito po muna kayo sandali, Senyorito. Aayusin ko lang po ang magiging tulugan niyo. Sandali lang po ako." paalam nito sa akin na tinanguan ko. Agad naman itong tumalikod at pumasok sa isang pintuan sa gilid. Naiwan akong mag-isa dito sa sala nila. Napangiti ako mag-isa dahil sa kaisipang makakasama ko siya ng ilang araw.
"I'll make this vacation very happy and memorable for us. I'll make everything for you to like me, nor love me, Katherina." nakangiting sambit ko at nakatingin sa pintuang pinasukan ni Katherina kani-kanilang.