Chereads / My Innocent Maid / Chapter 11 - My Innocent Maid XI

Chapter 11 - My Innocent Maid XI

Marco

I was damn frustrated right now. I wanted to apologize to her but I just can't. I'm afraid that she won't accept it. And I can't blame her for that. I'm a total idiot for bursting out without any reasons. And I can't even understand why I'm totally pissed off that day.

"Fuck!" I cursed,

I don't even know what to do. I wanted to talk to her but I just don't know how. Paano ko naman siya lalapitan kung natatakot naman akong deadmahin niya lang.

It's been two days at hindi ko pa siya nakikita at nakakausap. Ilang beses ko na ring sinubukang puntahan ito at kausapin kaso sa sala palang ay umaatras na agad ako. Napasabunot ako sa buhok ko at nahahapong napaupo sa kama. Simula nang mangyari ang sagutan namin ay hindi na ako mapakali.

"I need to talk to her right now." desididongĀ  sabi ko at tumayo sa kama. Agad akong lumabas ng kuwarto at kinakabahang tumungo ng kusina.

Pagdating ko doon, hindi ko siya nakita. Si Manang lang ang nandoon at nagluluto.

"Magandang umaga po, Manang. Nasaan po si Katherina?" Gulat itong napatingin sa akin.

"Nakakagulat ka naman, Hijo. Si Katherina ba?" tanong nito na ikinatango ko. "Hindi ko nga alam kung nasaan ng batang 'yan. Dalawang araw ko na nga rin siyang hindi nakikita." nanghina ako sa sinabi nito. Ibig sabihin umalis ito pagkatapos nang sagutang naganap sa pagitan namin. Hindi ko maiwasang murahin ang sarili.

"Fuck you, Marco! What have you done!" mahinang sambit ko.

Nang may maalala ako, agad akong nagpaalam kay Manang at tumakbo pabalik sa kuwarto ko para magbihis. Kung tama ang hinala ko, alam ni Mom kung nasaan ito.

Nang makabihis na ako, agad akong umalis at nagpunta sa opisina ni Mom. Nagbabakasakaling alam nito kung saan ko siya mahahanap.

Pagdating ko sa opisina nito, agad kong tinanong ang secretarya nito nang mapansin kong wala si Mom sa loob.

"Good morning, Miss Zelle. Where's Mom?" tanong ko, nakita ko namang tinignan niya muna ang relo nito bago sumagot sa akin.

"She's in the middle of a meeting with Sandovals Group and Companies. She'll be here anytime soon." nakangiting sagot nito sa akin.

"Thank you, Miss Zelle. I'll just wait for her at her office." sabi ko at naglakad na papasok sa opisina nito. Pasalampak akong naupo sa sofa at napabuntong-hininga.

"Hoping that Mom knows where Katherina lives." umaasang sambit ko. Sumandal ako at napapikit sa frustration na nararamdaman ko. I need to think.

Wala pang isang oras nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Mom. Agad akong lumapit dito at humalik sa pisngi niya.

"What brought you here, Son?" nagtatakang tanong nito sa akin.

"I just want to ask something, Mom."

"And what is it? I think, It's really that important dahil sinadya mo pa ako dito sa office ko." Nailing ako sa sinabi ni Mom sa akin.

"Not that much important, Mom." Nakita ko namang napa-Oh siya sa sinabi ko.

"Is that so? The Marco I used to know didn't bulge here in this hour to ask some stupid things only." Tinignan nito ang relo nito at napangiti. "In this hour, I know you're in your bed and dreaming. So..." putol nito at tinignan ako ng mataman.

Mom is right, sa ganitong oras talaga ay natutulog pa ako. It's only nine in the morning at bihira akong lumabas sa ganitong oras. And I don't visit Mom's office without an important or urgent reasons. Now, I'm fucked up. I know she'll only tease me. Magsasalita na sana ako nang marinig ko na siyang magsalita ulit.

"...what's totally brought you here, Marco? Spill," saad nito at naupo sa upuang nasa harap ko.

"Ahmm... Can I... Tsk!" napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil hindi ko masabi o matanong ang ipinunta ko. I know Mom will laugh at me.

"What?" naiintrigang tanong ni Mom sa akin. Hindi pa din ako nakapagsalita. I stayed silent for a couple of minutes. Napalingon na lanh agad ako kay Mom nang magsalita ito.

"Lemme guess..." tila nag-iisip na sabi nito at inilagay pa ang daliri sa baba nito. Ang sumunod na sinabi ni Mom sa akin ang nakapagpagulat ng tuluyan sa akin.

"Is this all about Katherina?" nanunuksong tanong nito.

"No!" tangging sigaw ko, "I-I mean yes." mas lalo kong nakita ang mapanuksong ngiti ni Mom sa akin. "Stop grinning Mom, hindi bagay sa 'yo." inis na sambit ko na nakapagpatawa sa kanya nang malakas. "Tsk!"

"Okay, okay." sumusukong sabi ni Mom at itinaas pa ang kamay. "Now I know why she chose to go home and work on their province. Now tell me, Marco. What did you do to her?" naging seryoso na si Mom nang tanungin niya ako.

"I'm sorry, Mom. I didn't mean to do that." paliwanag ko, "I don't even know why I was angry seeing her with Ezra." seryosong saad ko at tumingin sa glass wall ng opisina ni Mom. "Nagkasagutan kami ng araw na 'yon at hindi ko sinasadyang insultuhin siya. I shouted at her and Lhynne at the kitchen. And I don't know why I bursted out like that. All I know is that I'm pissed with Ezra." nahihiyang amin ko at napayuko na ng tuluyan.

"I never teach you to insult people, Marco. I raised you with good behaviors and now you're telling me, you insulted her for you don't know why? That's absurd, Marco!" medyo galit na sabi ni Mom sa akin. Alam ko na magagalit siya pag nalaman niya pero kailangan kong tanggapin. It's all my fault.

"I'm sorry, Mom." nakayuko pa ding sambit ko.

"You should be! My God. Marco! Ang bait niyang tao. Wala ka nang mahahanap pang katulad niya. Now! How can you bring her back?" Hindi ko makita ang expresiyon ni Mom dahil nakayuko ako. Ang alam ko lang ay galit ito.

"I don't know, Mom. Kaya ako nandito, nagbabakasakali akong alam niyo kung saan siya nakatira sa probinsiya."

"Yes, I know where she lives." sabi nito at tumayo sa pagkakaupo at pumunta sa mesa nito. Agad akong napatingin dito dahil sa sinabi niya.

"Mom... Can you give me her address?" tanong ko.

"What will you do if I don't give it to you?" nakataas ang kilay na sabi nito at tuluyan nang naupo sa swivel chair niya.

"Ano nga ba ang gagawin ko?" tanong ng utak ko. Natahimik ako at napaisip kung ano nga ba ang gagawin ko.

"I'm waiting, Marco. And you know how busy I am." sabi nito at inatupag na ang mga papeles sa harapan niya. Now I'm thinking.

"Please, Mom, please give it to me." pakiusap ko. Tumingin siya sa akin ng nakataas ang kilay. Wala akong maisip na isasagot dahil blangko nag isip ko at iisa lang ang laman.

"Let her be, Marco. Tama na ang ginawa mo, huwag mo na siyang guluhin." seryoso niyang sambit at itinapik-tapik ang ballpen sa mesa nito. Napabuntong-hininga nalang ako.

"If you have nothing to say, Son. You can go." pagtataboy nito sa akin.

Hindi ako tunayo at nanatili lang sa kinauupuan ko. I need to think of something else para makuha ko ang address niya sa probinsiya.

Tumayo ako at lumapit kay Mom. Agad ko siyang niyakap at nilambing. I know it won't work for Mom but atleast I tried.

"Please, Mom, I need to apologize to her for what I did. Sobrang nagsisisi na ako sa nagawa ko. And I want to get her forgiveness. Please, please, Mom, just this once. I badly needed it." pagsusumamo ko. I'm really serious for getting her address but Mom didn't want to give it.

"I'm sorry, Son. But it's her choice not to let anyone know." Napakalas ako at napatayo sa narinig ko. Agad akong lumayo at naglakad na palabas. I'm so disappointed. Alam niya pero ayaw niyang sabihin sa akin. I'm her Son at hinahayaan niya akong magmakaawa.

Inis akong humarap kay Mom at nagsalita.

"Fine Mom! You don't want to give it to me. Then I'll find another way! Ngayon lang ako humingi ng pabor na galing sa inyo, Mom. Pero hindi niyo ako mapagbigyan. I even pleaded..." inis na sigaw ko.

"Don't use that tone on me, Marco." she warned me. Natauhan naman ako sa nagawa ko.

"I'm sorry, Mom." sumusukong hingi ko ng tawad sa kanya. "I just wanted to know where she is. You don't know how fucked I am, Mom. It's been two days and I can't barely sleep thinking of her. I really need to talk to her but it seems I have to find another way." malungkot na saad ko at humingi ulit ng tawad.

"I'm really sorry for my behavior. I'll go ahead and thank you for the time, Mom." hindi ko na hinintay pang sumagot ito. Nanlulumong naglakad ako palabas ng opisina at tulalang naglalakad palabas ng building.

Papasakay na sana ako ng sasakyan ko nang mag-vibrate at phone ko. Pagtingin ko, napakunot ang noo ko dahil si Mom ang nagtext. Pagkabukas ko ng mensahe, napangiti ako nang malapad at hinalikan pa ang phone na hawak ko.

"Thank you so much, Mom. You're the best! I love you! I'll be gone for days and please, if Trish ask about me. Don't tell him where I am. I don't want her to ruin everything. See you soon, Mom." mahabang mensahe ko kay Mom nang nakangiti.

Agad akong sumakay at bumalik sa bahay para kumuha ng ilang gamit. Mag-iisang oras na ang nakalipas at binabagtas ko na ang daan patungo sa probinsiya nito. I'm hoping that I can bring her back.