"Ayusin mo naman 'yang pagdikit mo sa gawa namin ni Noah!" Pagsaway ko kay Paul na kanina pa humihikab habang ginagawa ang project namin."Ayos 'yan, pramis. Kahit tingnan mo pa sa malapitan" Panghahamon niya sa akin na ikinaikot ng mata ko. "Arte nito..." Dagdag niya.Bigla siyang tumayo at iniunat ang katawan niya bago tumingin sa aming dalawa ni Noah na naggugupit ng mga nakaprint na materials."Baba muna ako. Natatae na ako eh" Sabi niya sabay hawak sa pwetan niya bago nawala sa harapan namin.Nang umalis si Paul sa kwarto ay natahimik ang apat na sulok ng kwarto. Walang may kumibo sa aming dalawa ni Noah kaya imbis na sa mag-isip ako ng kung anu-ano ay nagfocus na lang ako sa paggugupit.Hindi parin bumabalik ang kumag hanggang sa natapos kami sa ginagawa namin. Napaunat kaagad ako ng katawan dahil matagal din akong nakaupo at hindi nagbago ang posisyon sa ilang oras."Ba't ang tagal niya?" Hindi ko mapigilang banggitin.Tumayo naman ako at maging si Noah at iniligpit na muna ang mga gamit sa hapag."You can lay on my bed if you want" Pag-aya niya sa akin na tinanggihan ko. "Why?" Nagtatakang tumingin siya sa akin."Baka ano ang masabi ng mommy mo, 'no? Buti sana kung matagal na matagal na tayong friends..." Paliwanag ko sa kanya. "Dito na lang... Paupo ako ha?" Pagpapaalam ko sa kanya nang makita ko ang swivel chair na nasa kwarto niya.Tumango naman siya kaya naupo na kaagad ako. Natahimik kami ulit pareho nang hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa kisame."Anong pinag-uusapan ninyo kanina ni Paul?" Bigla kong narinig na tanong niya kaya napatingin kaagad ako sa direksyon niya. Nakahiga na siya sa sariling kama at nakaharap sa akin."Ah... Tungkol kay Leila. Tinanong ko lang ulit para makasigurado" Sagot ko naman."You're very protective when it comes to your friends..." Sabi niya kaya tumango kaagad ako."Oo naman. Mahal ko kaya mga kaibigan ko" Agad-agad na sagot ko."Oh? So you love Paul and I too?""Yes. Oo, natural!" Confident kong sagot."But who do you love the most? Ako ba o si Paul?" Pagbabagsak niya ng tanong na hindi ko agad mabigyan ng sagot. Natigilan ako saglit at hindi ko na naman maiwasang umiwas ng tingin."A-Ano bang klaseng tanong 'yan? Syempre pantay ang pagmamahal ko sa lahat" Ang pinakamabilis na sagot na naisip ko.Ngumisi siyang tumitingin sa akin.."But why are you stuttering?" Nanunuksong ngiti ang nasa mukha niya ng sinabi 'yon."Nagstutter ba ako? Parang hindi naman yata, ah?" Bawi ko sa sinabi niya na mahina niyang ikinatawa.Bigla namang dumating ang mommy niya na may dalang mga pagkain kasabay si Paul na may dalang pitsyel ng juice."Kumain muna kayo habang nagpapahinga..." Sabi ng mommy ni Noah kaya nagpasalamat kaagad ako at tumulong sa paglalatag ng mga pagkain."Huwag kayong magreklamo sa akin. Tumulong ako kay Tita sa pagluluto. Anong akala niyo?" Depensa kaagad ni Paul sa sarili dahil pareho kaming nakatingin ng masama ni Noah sa kanya.Tumawa naman ang mommy ni Noah sa sinabi ni Paul habang kami ay napailing na lang sa kanya.Lunes ng tanghali nang pabalik ako sa building namin para kunin ang wallet ko na naiwan sa room. Nagugutom na ako kaya nilakad ko na agad ng mabilisan ang distansya mula sa student council papuntang senior high school building.Bigla kong narinig na may naglalakad rin sa likuran ko kaya nilingon ko kaagad kung sino. Si Ryde na nakapayong at biglang lumapit sa akin."Pabalik ka na sa building natin?" Tumango ako at pinayongan kaagad niya ako habang nagsimula kaming dalawa na maglakad.Ang gentleman talaga ng lalaking 'to."Salamat, Ryde. Ang bait mo talaga..." Puri ko sa kanya habang naglalakad kami."You're welcome"Tipid na sagot niya sa akin.Nasa student council na rin siya ngayon kasama ko at siya na ang pumalit sa akin bilang president ng curriculum namin lalo na't graduating na ako ngayon.Nagpasalamat ako sa kanya nang makarating kami sa first floor bago umakyat. Ngumiti lang siya sa akin at umalis nang wala man lang pasabi.Naboring siguro habang kasama niya ako.Umakyat na kaagad ako dahil randam ko na ang gutom. Buti nalang at wala kaming klase ng dalawang oras ngayong hapon kaya okay lang kahit matagalan ako sa pagla-lunch. Nang dumating ako sa room ay si Leila at Therese lang ang tao saa room."Kumain na kayo?" Tanong ko."Not yet" Si Leila ang unang sumagot."Tapos na ako" Singit ni Therese."Tara lunch?" Aya ko kay Leila na ikinatango niya at sumunod sa akin."Hindi ka ba sasama, Therese?" Tanong ko sa kanya na nakahiga ang ulo sa desk niya."No, I'm good. Matutulog lang ako" Sagot niya."Okay. Sasabihan ko yung mga classmates natin na umakyat dito para may kasama ka" Sabi ko na ikinathumbs up niya.Hindi ko kasama ang dalawa ngayon dahil ang alam ko ay maaga silang nakapaglunch kanina para magbasketball kasama ang ibang mga classmates namin nang malamang dalawang oras kaming vacant."So, kamusta naman kayo ni Paul?" Tanong ko kay Leila habang pababa kami.Ngumiti siya sa akin ng pagkalapad-lapad at hinampas pa ako ng marahan."Kinikilig ka na agad kahit binabanggit ko palang ang pangalan niya?" Hindi makapaniwalang tanong ko na ikinangiti niya pa lalo bago nagsalita."To be honest, I'm kind of skeptic noong una... Alam mo naman na lapitin siya ng mga ibang babae. But he's so sweet and kind to me, you know? He's cute too..." Salita niya habang nakangiti sa kawalan."Ang bilis mo naman tinamaan agad. Kasisimula palang ng ligawan niyong dalawa, ah?" Tumawa siya at humarap sa akin."Can't you just support me as my friend? I'm happy naman, can't you see? I know I got your back if ever he'll gonna mess it up, 'di ba?" Tumango ako saka bumuntong hininga."Okay, basta kung saan ka masaya ay doon ako. Alam mo naman 'yan atsaka ano pa bang magagawa ko?" Sabi ko sa kanya na ikinayakap niya agad sa akin.Pareho ko silang kaibigan kaya hangga't maaari ay ayokong may hindi magandang mangyari kapag naging sila talaga para sa isa't isa."But you know what, Reyn?" Singit niya nang biglang napayakap sa akin."Hmm?""I think it's about time that you date someone too. You already forgot about that bastard, right? May natitipuhan ka ba these days?" Sabi niya na ikinakalas ko agad sa pagkakayakap niya sa akin.Mas uminit lalo ang pakiramdam ko nang sumagi sa isip ko ang mukha ni Noah."W-Wala..." Sabi ko sabay iling.Umiwas na ako ng tingin sa kanya dahil baka mahuli ako pero naibaling ko ang atensyon ko sa lalaking makakasalubong namin sa paglalakad nang makalabas kami ng building."Talaga? I heard from Liza na may ishini-ship sa'yo sa student council, ah?" Pabalik-balik akong napalingon sa kanya at kay Ryde na papalapit na sa amin.Nang tuluyan niya na kaming nakasalubong ni Leila ay umangat ang dalawang kilay niya na tumingin sa akin na sinuklian ko naman ng mahinang ngiti."Sino 'yon?" Tanong niya habang nakasunod parin ang tingin kay Ryde na kakasalubong lang sa amin."Si Ryde. Kasama ko sa student council" Sagot ko sa kanya."Gwapo rin... Mukhang strict na mabait pagdating sa'yo. He greeted you with his brows, eh" Pinandilatan ko kaagad siya dahil baka may makarinig."Tumigil ka na nga sa pagiging kupido mo na 'yan!" Saway ko sa kanya at hinatak na siya papuntang canteen dahil habang tumatagal ay mas lalong napapalakas na ang tawa niya.Pagdating ng hapon ay napagdesisyonan naming tatlo na ipagpatuloy ang paggawa ng project namin. Ihahatid na muna ni Paul si Leila kaya kay Noah na ako sasakay papunta sa bahay nila.Kumindat pa si Paul sa akin at binigyan ako ng nanunuksong tingin habang sinusuot ko ang helmet na ibinigay ni Noah sa akin. Kukurutin ko sana siya pero mabilis niyang pinaandar ang motor niya at pinaharurot papaalis.Umangkas na kaagad si Noah sa motor niya at nagsimulang paandarin ang makina. Pagkatapos ay sumakay na rin ako at mahigpit na humawak sa dulong bahagi ng upuan ng motor niya."Where's your hand?" Tanong niya sa akin."Dito sa dulo" Sagot ko."Put your hands on my shoulder or hold me here" Bigla niyang iginaya ang kamay ko papunta sa tiyan niya na ikinagulat ko ng sobra. Kumalas kaagad ako mula sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko."Sa balikat mo nalang..." Mariing sabi ko na ikinatawa niya at nagsimulang patakbuhin ang motor.Walang tao sa bahay nila nang makarating kami. Medyo kinakabahan pa ako habang papaakyat dahil kami lang ang nasa kwarto niya kahit alam ko namang susunod sa amin si Paul dito. Pakiramdam ko ay may mali sa ginagawa namin.Pagdating namin sa kwarto niya ay bigla siyang kumuha ng mga damit mula sa cabinet niya matapos mailapag ang mga bag at gamit niya sa maliit na mesang meron siya."I'll just change my clothes in the other room and get our stuff..." Tumango ako at nagkunwaring may kukunin sa bag.Nang makalabas siya ay todo bawi ako sa paghinga ng malalim dahil kanina ko pa ramdam na parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba nang biglang may tumunog na phone. Notifications ng messenger kaya tiningnan ko kung sa akin at hinalungkat ang bag ko pero hindi pala sa akin. Hinanap ko kung saan nanggaling dahil mahinang tumunog ulit ito.Phone pala ni Noah na natabunan ng hoodie niya na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi sinasadyang napasulyap ako sa screen nang mabasa ko ang isang pamilyar na pangalan at ang chat nito.Messenger Keirra: Call me kapag tapos na kayo, okay? We're not okay right now but I guess we'll be fine naman...Ang nabasa ko na bigla kong ikinatigil at sandaling hindi maiproseso ang lahat. Hindi ko maipaliwanag kung anong mararamdaman ko nang mabasa ko ang mga salitang 'yon sa screen.May pilit na kumukumbinsi sa akin na i-open ang chathead at basahin ang convo nila pero pumasok sa isip ko na baka kapag kung anong mabasa ko ay masasaktan ako. Nanginginig na sinubukan kong abutin ang phone ni Noah.Nang bigla kong marinig ang yapak niya pabalik dito sa kwarto kaya ibinalik ko kaagad ang hoodie niya sa lamesa at ipinaibabaw sa phone niya kagaya ng kanina. Hindi ako mapakali kaya napaupo kaagad ako at natatarantang nagkunwaring may ginagawa sa phone ko.Anong meron sa kanila?Sila ba?Kailan pa?Buong gabi akong nakahawak sa dibdib ko dahil sa pangyayaring 'yon na hindi ko na ikinaidlip ng maayos kahit nang dumating ang mga sumunod na araw.