Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 17 - The Girlfriend

Chapter 17 - The Girlfriend

Tumayo kaagad ako nang pakiramdam ko ay hindi ko na kaya dahil alam kong ilang segundo na lang ay papatak na ang luha sa mga mata ko."Kailangan ko na palang bumalik... Ikaw ba?" Tinatatagan ko ang loob ko para wala siyang makitang kung anong pagbabago sa ekspresyon ng mukha ko."Okay. I'll just head to the gym now..." Sabi niya sabay mahinang ngumiti.Nang paalis na kami ay bigla niya akong inakbayan habang papalabas. Napakagat ako sa labi ko ng marahas. Pakiramdam ko ay sasabog na ang nararamdaman ko.I did my very best na humarap sa kanya."Sige na. Baka hinahanap ka na nila atsaka baka magtaka narin si Keirra ba't ang tagal mo dito..." Sinubukan ko pang ngumiti sa abot ng makakaya ko.Lumapit siya sa akin sa huling pagkakataon at marahang ginulo ang buhok ko habang nakangiti."Okay. Just come back to the class as soon as you're done here" Tumango ako dahil hindi ko na alam kung ano ang sasabihin.Nakatingin ako sa likod niya habang naglalakad siya papalayo at nang tuluyang nawala siya sa paningin ko ay dali-dali akong umakyat pabalik ng rooftop.Tahimik na napaupo sa hapag at hinayaang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.Naiinis ako sa sarili ko dahil ngayong nakumpirma ko nang may gusto ako sa kanya ay kailangan ko ring maging masaya para sa kanya na may gusto siyang iba.Hindi ko naman inaasahan na hahantong pala sa ganito ang lahat. Hindi ko naman inexpect na mangyayari 'to.Nagpalipas lang ako ng oras doon. Nang makabalik ako sa room ay nakita ko agad silang dalawa sa hallway ni Keirra. Kumindat siya sa akin nang mapansin ako at nang mapatingin si Keirra sa akin ay pinilit kong ngumiti.Papasok na sana ako sa room nang bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Lara."That bitch... She's really stealing what's mine" Salita niya kaya napatingin ako sa kanya habang nagpapalit ng sapatos sa tsinelas.Nakalimutan ko nga palang may gusto rin siya kay Noah. Ang masaklap lang ay hindi siya ang pinili kagaya ko. Napasulyap ako ulit sa dalawa na masayang nag-uusap."Hey..." Tawag pansin sa akin ni Lara."Hmm?""Okay ka lang sa kanila? I mean she's stealing Noah from us" Napatawa ako ng mahina na ikinasama ng tingin niya sa akin."Kailan pa naging pag-aari si Noah? Tao siya hindi pag-aari, Lara" Pagtatama ko sa kanya at inilagay ang sapatos ko."I'm so mad... I thought she was my friend. She knows I like him and yet she-""Ang tanong gusto ka ba?" Prangkang tanong ko sa kanya."I really think that we could never be friends..." Seryosong sabi niya sa akin habang nakakrus ang dalawang braso."Same. The feeling is mutual. Huwag kang mag-alala" Huling sabi ko bago pumunta na sa upuan ko.Nakita ko naman ang naiinis niyang pagpadyak pabalik sa upuan niya. Nang makarating ako sa row ng mga upuan namin ay napansin ko ang hindi pamilyar na bag na nakalagay sa katabi kong upuan."Kanino 'yan?" Turo ko sa bag na katabi ni Paul."Ay, oo nga pala..." Salita niya at inilipat ang bag na 'yon sa katabing upuan niya sa kanang bahagi at inilagay ang bag niya sa tabi ko. "Dito na muna ako. Dito na muna raw kasi si Keirra sa atin. Inaaway kasi kanina ni Lara kaya dito na namin pinaupo" Paliwanag niya sa akin.Napabuntong hininga akong umupo nang hindi ko namalayang napatitig siya sa akin."Teka, umiyak ka ba?" Bigla niya lang nsaabi kaya napatakip kaagad ako sa bibig niya. "Umiyak ka?" Pag-uulit niya habang nakabulong.Hindi ako sumagot at sa halip ay inihiga ang ulo ko sa desk at sinubukang matulog. Masakit na rin kasi ang ulo ko kanina pa.Kinukulit pa niya ako pero hindi na ako kumibo at nagdesisyong matulog.Ilang araw din akong nagpakabusy at halos hindi na ako pumapasok sa room namin kapag walang klase. Ayos lang din naman sa akin dahil ayoko muna kasing makita sila Keirra at Noah at baka lalo lang ako mainggit.Tahimik na sana akong nagsusulat sa mesa ko nang biglang may lumitaw sa harap ko. Napatingin kaagad ako at si Liza at Ryde pala."Ano? Hindi ka ba magla-lunch? Tama na muna 'yan" Pagpapatigil ni Liza sa akin at hinila ako papaalis sa inuupuan ko."Hindi pa naman ako gutom" Reklamo ko habang hinihila niya ako palabas. Samantalang nakasunod naman sa amin si Ryde"Sige na, libre naman ni Ryde. Minsan lang 'to kaya sumama ka na..." Pagpilit niya pa sa akin.Bumuntong hininga ako bago tuluyang nagpatangay sa kanya. Pagdating namin sa canteen ay hindi ko naman sila nakita gaya ng ikanakabahala ko.Baka tapos na silang kumain.Si Liza na ang bumili ng pagkain ko at inutusan niya na lang ako na humanap ng mauupuan."Ay, tama nga pala... Baka gusto mo sumali sa amin sa journalism. Kulang pa kami sa participants" Bigla niyang sabi habang kumakain kami."Yeah, if ever interesado ka. Just tell us..." Singit ni Ryde."Hindi ko naman alam pa'no 'yan. Sa iba na lang" Pagtanggi ko sa kanila."Don't worry, tuturuan ko naman lahat ng mga newbies. I'll train you" Pang-eeganyo pa ni Ryde na ikinatango ni Liza."Oo, magaling 'yan. NSPC qualifier kaya 'yan" Sabi ni Liza sa akin na ikinailing niya.Nang matapos siya kumain ay tumayo na siya at ibinalik ang tray niya. Nakasunod lamang ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya palayo sa amin ni Liza."Ang gwapo 'no?" Kaagad akong napatingin kay Liza. "No, walang malisya 'yon. I mean tingnan mo naman. Mabait, matalino, magaling mag-lead at ang perfect ng mukha. Matangkad, moreno, at ang galing pa pumorma n'yan kapag hindi nakauniform" Pinanliitan ko siya ng mata."Hindi ko alam na nagkakacrush ka pala..." Bigla siyang natawa."Huy, oo naman. Anong akala mo sa akin? Tao din ako 'no, nagkakagusto rin ako sa lalaki" Sabi niya bago sumubo ulit ng pagkain niya. "Pero alam mo, compliment ko lang kay Ryde 'yon kanina. Hindi ko siya type 'no? Ang ibig ko sabihin kanina baka bet mo siya jowain, ganon!" Muntik na akong mabilaukan ng dahil sa sinabi niya habang siya ay natawa ulit. Pinandilatan ko kaagad siya."And'yan ka na naman? Tigilan mo na nga ako baka may makarinig pa sa'yo" Pagsaway ko sa kanya."Wala pa naman..." Sagot niya sabay tingin sa paligid bago nagsalita ulit. "Pero seryoso, bet ko si Ryde for you. Single ka naman ngayon 'di ba?" Tumango ako habang ngumunguya."Wala akong time sa lovelife ngayon. Lalo't graduating na ako" Dahilan ko na halatang hindi niya pinaniwalaan."Hala siya... Hindi ba masisingit ang landi d'yan sa time mo? Ano namang problema if ever? Single rin naman si Ryde sa pagkakaalam ko atsaka may chismis sa'tin sa SC na crush ka niya, matagal na. Kaya nga siguro sumali pa 'yan sa student council kahit busy na sa school paper dahil sa'yo" Nabibigla ako sa mga sinasabi niya habang siya ay nakangising tumatang-tango sa sarili niya.Magsasalita na san ako pero bumalik na si Ryde sa mesa namin kaya natahimik na kaming dalawa. Inilapag kaagad ni Ryde sa harap ko ang isang orange juice habang kay Liza ay isang bote ng tubig."Ay, thank you dito... Galing ha, kitang-kita ko ang favoritism mo sa orange juice at tubig" Sarkastikong banat niya kay Ryde nang maupo ito."I just thought that you preferred water than juice" Diretsong sagot ni Ryde sa kanya."Eh, bakit orange juice kay Rianne?""I gave her one last time so I bought it again for her" Sagot niya habang hinihintay kaming matapos."Ahh... Ganon ba?" Tatango-tangong sabi niya habang nanunuksong nakangiti sa akin.Pinandilatan ko siya ulit at mas lalo lang siyang natawa habang si Ryde ay mukhang hindi naman yata kami nahalata dahil nakatutok na sa phone niya.Nang uwian ay itinext ako ni Paul at tinanong kung gusto kong sumabay sa kanila ni Noah pauwi. Tumanggi ako at nagdahilan na medyo matatagalan ako sa student council kahit malapit na naman kaming matapos at umuwi.Nang makalabas ako sa building kung nasaan ang SC office ay natanaw ko pa ang ilang estudyante na nagkukumpulan sa mga kubo sa harap ng building ng senior high.Tatalikod sana ako para umatras pabalik nang malaman kung sino ang mga estudyanteng 'yon nang huli na ang lahat at tinawag ako ni Leila."Riannie!!!" Malakas na napabuntong hininga ako at walang nagawa kung hindi maglakad papunta sa direksyon nila."Oh, ba't nandito pa kayo?" Tanong ko sa kanila.Una-una kong napansin si Keirra na kasama si Noah at bitbit ang helmet na suot ko dati nang pumunta kami sa bahay nila."We're waiting for you! Hindi kana namin mahagilap sa room kaya naisip namin na kumain muna tayo bago umuwi" Sagot ni Leila sa akin.Napansin ko naman si Paul na nag-aalalang tumingin sa akin. Lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako."Oo nga, best friend. Tara kain muna tayo!" Dagdag niya sa sinabi ni Leila."I already told your brother a while ago. Tara?" Biglang singit ni Noah.Napatingin ako sa kanilang apat."Aba ayos, ah! Ako pa talaga ang napili ninyong magthirdwheel sa inyo?" Biro kong sabi."It's fifth wheel. We're two couples here and you're the single one" Pinilit kong hindi magbago ang reaksyon ko sa sinabing 'yon ni Noah."Anong ako lang ang single? Bakit kayo na ba ni Keirra?" Nagpipigil ako na manginig ang boses ko habang sinasabi 'yon. Sa kaloob-looban ko ay malakas na ang kabog sa dibdib ko na pakiramdam ko ay sasabog na.Kitang-kita ko kung paano hinawakan ni Noah ang kamay ni Keirra at ipinagbigkis ito na ipinakita sa akin."This is news for you but yeah... Keirra and I are official. We're dating" Nakangiting sabi niya sa akin.Nahihiyang ngumiti si Keirra sa sinabi niya habang ako ay pakiramdam ko ay iiyak na sa ano mang sandali. Sinubukan kong pilitin ang sarili ko na huwag baguhin ang ekspresyon ko. Tumikhim ako ng malakas bago nagsalita sa kanila."Hindi, seryoso... Kayo na lang muna kanina pa kasi masama ang pakiramdam ko kaya kailangan ko na sigurong magpahinga. Kayo na lang muna, next time na ako sasama..." Sabi ko at impit na pinagdadasal na sana ay maniwala sila at sana umalis na."Then we should cancel the plans today-" Biglang sabi niya na ikinagulat ko."Huwag niyo nang i-cancel. Sayang naman" Pagtutol ko."No we should cancel it. Ihahatid ko na lang muna pauwi ang girlfriend ko" Nanginginig na ako dahil sa pagpipigil.Tumutol pa ako sa huling pagkakataon pero hindi nakinig si Noah. Nakita ko pa ang pagsuot niya sa helmet kay Keirra kaya nag-iwas na ako ng tingin."Bye, guys. Mauna na kami... Rianne, I hope you'll feel better next time" Bigkas ni Keirra sa amin kaya pilit akong ngumiti sa kanya at kumaway hanggang sa makaalis ang motor nila papalayo.Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko nang tumingin kay Paul habang nag-alala namang lumapit kaagad si Leila."What happen?" Nag-aalalang tanong ni Leila sa akin nang hindi na nakayanan ng tuhod ko at napaupo na. Hindi ako nakasagot at sa halip ay tiningnan si Paul."Kaya mo ba ako pinapasabay umuwi para dito?" Tanong ko habang naiiyak.Nakiupo narin silang dalawa para lumibel sa akin. Nanlulumong tumingin sa akin si Paul habang pinapatahan naman ako ni Leila."No... Kami lang dapat ang naghihintay sa'yo eh. Kaso dumating yung dalawa" Sabi niya. Bumuntong hininga ako pero nagsisi rin ako dahil mas lalo akog napaiyak.Hindi na ako nakasagot at napahikbi na sa harapan nilang dalawa.Hindi ko maintindihan kung bakit sa simpleng pangyayari lang ay umiyak na kaagad ako.Mas mabuti narin siguro 'to. At least mas maaga kong nalaman na sila na pala.Naputol kaagad ang pag-asang nararamdaman ko para sa aming dalawa ni Noah.Mas mabuti nang ganito. Alam kong mas magiging okay rin ako pagkatapos nito.Lilipas din ang lahat ng 'to.