Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 23 - Jealous

Chapter 23 - Jealous

"Noah!"

Sigaw ko nang matanaw siya na papalabas na ng gate ng eswelahan kung nasaan kami ngayon.

"Noah, sandali! Noah!" Nakikiusap na sigaw ko sa kanya.

Hindi siya tumitigil sa mabilis niyang paglalakad.

"Putangina naman, Noah! Ano, hindi ka ba talaga titigil?!"

Hindi ko na natiis na sabihin nang tuluyan kaming makalabas at medyo makalayo sa eskwelahan. Narinig niya na yata ako dahil tumigil na siya sa paglalakad pero hindi man lang humarap sa akin.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na lumapit sa kanya. Hinila ko kaagad siya paharap sa akin.

"Bakit mo nagawa 'yon?" Seryosong tanong ko habang nakatingin sa kanya. Bigla siyang ngumisi.

"He's clearly taking advantage of you... And yet you can't see that?" Sarkastikong sabi niya sa akin. Sa inis ko sa ginawa naming paglalakad ay malakas na ibinagsak ko ang kamay niya na kanina lang ay hinila ko.

"Anong pinagsasabi mo? Hindi mo nga kilala yung tao!" Naguguluhan kong sigaw.

"Exactly! Hindi ko siya kilala then why did he hugged you?!" Bulyaw niya na ikinabigla ko. 

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya nang may pumasok bigla sa isipan ko.

"Nagseselos ka ba?" Hindi ko napigilang tumawa sa sarkastikong tono nang masabi ko ang mga salitang 'yon. Hindi siya sumagot agad at sa halip ay nag-iwas ng tingin na nagpadagdag lang sa pagdududa ko. "No way... Hindi naman totong nagseselos ka talaga 'di ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Biglang sumagi sa isipan ko ang mga dating delusyon ko tungkol sa aming dalawa. Mabuti na lang at nabura agad nang magsalita siya.

"I have a girlfriend and you're my friend..."

"Exactly rin! May girlfriend ka at kaibigan mo 'ko... Kaya naguguluhan ako dahil sa ginawa mo... Ano? Trip mo lang?" Sumbat ko sa kanya. "Noah, hindi ako nakialam sa inyo ni Paul nung naging girlfriend mo si Keirra kahit hindi ko rin siya kilala at maging kay Paul at Leila..." Hindi siya makasagot kaya nagpatuloy lang ako sa mga sasabihin ko. "Ano bang nagawa sa'yo ni Ryde? May atraso ba siya? Masamang tao ba siya para matanggap yung pamamahiya mo kanina?" Sunod-sunod kong tanong. "Mind you! Siya pa ang tumulong sa amin ni Paul para lang maiuwi ka nang nahimatay ka sa gym!" Naghahabol ako sa sariling hininga matapos sabihin ang lahat ng iyon.

Napahilamos siya sa mukha niya at napatingin sa akin bago kinuha ang mga kamay ko.

"Look... I'm sorry. Mali ang ginawa ko..." Sabi niya nang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "But you have to realize that he's clearly taking advantage of you..." Mabilis na itinabig ko ang mga kamay niya ulit.

Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ang kitid ng utak niya sa pagkakataong ito. Mahinang itinulak ko siya nang kumawala sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

"Ano bang mali kung nagyakapan kami? Nanliligaw sa akin si Ryde, okay? Hindi kita naiintindihan sa mga pinagsasabi mo ngayon, Noah..." Naguguluhang bigkas ko sa kanya.

Kitang-kita ko kung paano siya natigilan saglit at napalitan ng nangungutyang ngiti ang ekspresyon niya.

"Really?" Natatawang bigkas niya.

"Oo!" Pagkumpirma ko sa lahat ng sinabi ko.

"Anong nangyayari sa inyo-"

Dumating si Paul at hindi pa man siya natapos sa pagsasalita ay pinutol na kaagad siya ni Noah.

"Wait... You really mean that?" Sarkastikong tanong niya.

"Alin ba ang hindi mo naintindihan? Oo, nanliligaw sa akin si Ryde" Pag-uulit ko. 

Pinaghintay niya pa kami saglit sa sasabihin niya pero nang binigkas niya ang isasagot niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Then that makes you so easy... You're a girl who's easy to get-"

Hindi ko na siya pinatapos at malakas na sinampal. Nanginginig pa ang mga kamay ko matapos ang sampal na ginawa ko. Tumalikod kaagad ako sa kanya pero bigla akong pinigilan ni Paul.

"Wait... Mag-usap naman tayong tatlo— Noah you should apologize to Reyn..." Natatarantang bigkas niya sa aming dalawa. Tinanggal ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin.

"I'm sorry, Paul. Mag-usap na lang tayo kapag malamig na ang mga ulo namin" Mahinahon kong sabi sa kanya habang nakatingin kay Noah na hindi na tumingin sa akin.

Umalis na kaagad ako at pinabayaan na silang dalawa kahit pa paulit-ulit na tinatawag ako ni Paul. Pagbalik ko sa parking lot ay naabutan ko sila Liza at Ryde na nagpupunas ng dugo sa ilong niya.

"Ryde..." Bigkas ko nang tuluyang makalapit sa kanilang dalawa. 

Tumayo naman kaagad si Liza at ibinigay ang tissue na hawak niya.

"Mauna na ako sa inyong dalawa. I have to go..." Paalam niya sa amin. Nagpasalamat ako sa kanya pero isang tango lang ang natanggap ko mula sa kanya.

Nagtaka man ako ay ipinagsawalang bahala ko na muna at ibinaling ang pansin kay Ryde. May sugat siya sa bandang labi niya at pasa sa pisngi.

"I'm okay... Stop worrying" Sabi niya nang tiningnan ko ang kabuan ng mukha niya.

"Hindi ka okay... Makakapagdrive ka pa ba?" Nagbabakasakali kong tanong nang tumayo siya.

"Yes... I'm sorry, nasira ang bulaklak" Pagbigkas niya nang makita ang mga nakakalat na bulaklak sa lupa.

"Ryde, okay lang... Na-appreciate ko lahat ng efforts mo ngayong araw pero mas kailangan muna nating gamutin 'yang sugat mo" Nag-aalalang sabi ko sa kanya.

Kinuha ko ang helmet niya at pinagpag bago isinuot ng dahan-dahan sa kanya. Sunod kong isinuot ang dinala niyang helmet para sa akin.

"Tara, hanap muna tayo ng pharmacy" Sabi ko na sinunod naman niya.

Nang makabili kami ng gamot ay huminto muna kami sa isang waiting shed at nagsimula na akong gamutin ang mga sugat niya. Todo focus pa ako sa paggagamot nang magsalita siya.

"Did you and your friend fight?" Biglaang tanong niya na nagpatigil sa akin saglit. Napatingin ako sa kanya at tumango.

"Oo, nagkasagutan kami at nasampal ko siya" Pag-amin ko sa kanya. 

Malalim ang hiningang pinakawalan niya.

"Akala ko hindi ka babalik sa akin kanina..."

"Oh? Ba't mo naman naisip 'yon?" Tanong ko habang pinagpatuloy ang panggagamot sa kanya.

"I just thought that you'll choose him over me" 

Sakto natapos na ako sa paglalagay ng band-aid sa noo niya.

"Nagseselos ka ba?" Diretso kong tanong sa kanya.

"All the time that you're with him..." Mabilis na pag-amin niya na bahagyang ikinagulat ko.

"Oh? Bakit?" Tanong ko ulit sa kanya.

"He's making me feel jealous..." Napatango ako pero hindi ko mapigilang hindi ngumiti.

"Ahh... Nagseselos ka rin pala..." Sabi ko habang nililigpit ang mga binili naming gamot.

"Why are you smiling?"

"Wala... Tara umuwi nalang tayo" Nakangiti habang nag-iiwas ng tingin kong sabi.

Matapos akong ihatid ni Ryde ay pinauwi ko na rin siya kaagad dahil alam kong pareho kaming napagod sa mga nangyari ngayong araw. 

Pagdating ko sa bahay ay naabutan kong tumatawag si Papa sa amin kaya nakipag-usap lang din ako saglit bago nagpahinga.

Kinabukasan nang pumasok ako ay naabutan kong hinihintay na pala ako ni Paul sa labas ng room kahit masyado pa namang maaga.

"Good moring!" Nakangiting bati niya sa akin. Ngumiti na rin ako sa kanya pabalik bago binuksan ang room. "Okay ka na?" Tanong niya nang hindi pa kami tuluyang nakakapasok.

"Okay naman... Si Ryde ang hindi. Ang daming pasasa mukha niya" Sagot ko sa kanya habang inaayos ang paso ng halaman para pigilan ang pinto sa pagsirado. "Si Noah?" Naisip kong itanong.

"Hindi raw siya papasok ngayon..." Tumango ako sa sagot niya at pumasok na para magsimulang maglinis.

Ayoko rin naman na sumbatan si Paul dahil sa nangyari kahapon. Wala rin naman siyang kinalaman sa pag-aaway ng dalawa.

"You and Noah should talk it out soon..." Singit niya habang pareho kaming naglilinis ng bintana.

Lumingon ako sa kanya na wala ng ibang sinabi.

"Kung tutuusin nagtatampo parin ako sa kanya... Ano bang mali sa nakita ninyo kahapon? Ang gulo lang..." Hindi ko mapigilang daing sa kanya.

"Nabigla lang siya kahapon... Hindi kinaya na makitang may love life ka na" Sabi niya na may nanunuksong ngiti kaya mahinang hinampas ko ang braso niya na ikinatawa niya lalo. "Pero hindi nga? Nanliligaw na pala'yon?" Dagdag na tanong niya habang nagpapatuloy sa paglilinis.

"Oo medyo matagal na rin..." Pag-amin ko sa kanya.

"May balak kang sagutin?" Naiintriga ang tono niya habang nagtatanong.

"Malamang... Mabit naman siya. Bakit naman hindi?" Sagot ko nang biglang sumagi sa isip ko ang tungkol sa kanila ni Leila.

"Teka, kayo? Ano nang balita sa inyo ni Leila?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Ayon... malapit ng magpakasal" Nagbibiro niyang sabi na ikinaikot ng mga mata ko.

"Nagtatanong ako ng maayos... So, ano na?" Ako naman ang nanunuksong ngumiti ngayon sa kanya.

"Kami na..." Sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat.

Habang siya ay tumatawa at paulit-ulit na pinapa-apir ang kamay ko sa kanya dahil sa tuwa. Natawa na lang din ako dahil sa ginawa niya.

Masaya ako para sa kanilang dalawa bilang mga kaibigan ko.

"Oo na... Congrats sa'yo" Sabi ko para matigil lang siya.

"Ikaw palang ang nakakaalam..." Natutuwa niyang sabi.

"Okay, hindi naman ako chismosa kagaya mo" Bigkas ko.

Bigla siyang lumapit at umakbay sa akin.

"Sabihin mo rin sa'kin kapag kayo na ng Ryde na 'yon, okay?" Pangungumbinsi niya sa akin.

"Ayoko nga..." Pagmamaang-maangan ko.

"Huwag ka namang ganyan sa best friend mo" Reklamo niya na mas ikinahigpit ng pag-akbay niya sa akin.

"Oo na Anthony Paul. Ikaw ang una-unang makakaalam" Pagsuko sa kanya para lang makawala ako sa pagkakaakbay.

"Buti na lang ang ganda ng pangalan mo" Sabi niya at nagsimulang magwalis.

"Talaga..." Proud kong sabi sa kanya.

Naiinis na tumingin siya sa akin dahilan para matawa ako sa reaksyon niya.