Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 26 - Knowing Truth

Chapter 26 - Knowing Truth

Nang dumating ang araw ng paglabas ko sa ospital ay sinabi ko na kay mama ang tungkol sa amin ni Ryde. Naipakilala ko na rin siya bilang boyfriend ko sa mga kapatid ko. Alam na rin ni Elton na umabsent rin para tumulong sa amin.

"Sabay tayo bukas?" Tanong ni Elton na inaaya ako na sabay kaming pumasok bukas sa klase. "Ay, oo nga pala. Okay lang ba sa'yo, pre?" Tanong niya kay Ryde na kasama namin.

Tumango si Ryde.

"Yeah, sure. Mas convenient naman din kay Rianne" Sagot ni Ryde. "Ako na lang ang maghahatid sa kanya kapag uwian" Dagdag niya na ikina-thumbs up ni Elton.

Mabuti na lang at nagkakasundo rin silang dalawa. Ang inaalala ko na lang ay si Paul at Noah na hanggang ngayon ay hindi pa alam ang tungkol sa amin ni Ryde.

Umalis muna si Ryde sa tabi namin para tulungan si Mama sa pagpasok ng mga gamit sa sasakyan nang biglang humilig si Elton sa akin.

"Ayos, ah? Ang bait ng boyfriend mo ngayon" Biglaang komento niya na ikinasama ng tingin ko sa kanya.

"Bakit, anong problema?"

"Wala... Ang laking grasya ng lalaking 'yan sa'yo lalo na sa pag-uugali mo" Sabi niya na mabilis kong kinurot kaagad ang braso niya dahilan para malakas siyang napasigaw.

Mabilis na lumingon sila Mama at Ryde sa direksyon namin kaya ngumiti kaagad ako at pinagbintangan siya.

"Tita si Reyn inaawa—" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

"Rianne Leigh!" Nambabantang tawag ni Mama sa akin.

Kaya tumigil na kaagad ako at ngumiti sa kanya at kay Ryde na medyo nagpipigil na tumawa.

"Ikaw kasi..." Inis na sabi ko kay Elton na nandila pa sa akin.

Kinabukasan ay tinupad nga ni Elton ang sabi niya at sinundo ako sa bahay namin para sabay kaming pumasok. Halatang-halata na inaantok pa siya dahil sa mas maaga siyang gumising ngayon kahit madalas naman na late siyang dumadating sa klase.

Pagdating namin sa room ay bukas na ang pinto at naabutan naming naglilinis si Paul ng mag-isa.

"Ay, ang bait naman ng kaibigan ko na 'yan..." Banat ko nang maabutan namin siya.

Napalingon kaagad siya at nang makita kaming dalawa ni Elton ay malapad siyang ngumiti bago mabilis na tumakbo papunta sa amin.

"Welcome back mga best friends!" Pasigaw na bigkas niya na ikinagulat naming pareho ni Elton.

Akala mo naman ay hindi siya bumibista sa akin sa ospital.

Nang pumasok na kami ay kinuha niya pa ang mga bag naming dalawa habang nakangiti at ibinigay sa akin ang isang duster na palinis ng bintana.

"Finally, ikaw na ulit ang magdadala ng susi..." Guminhawang sabi niya at ibinigay na ang susi sa akin ng room.

"Nga pala, pinapasabi ni Ma'am Lou na kung nakapag-decide ka na kung saan ang napili mong field para sa work immersion natin, punta ka lang daw sa kanya" Tumango ako at naglakad papunta sa bintana.

Si Elton naman ay pumunta kaagad sa upuan niya at nagdesisyon na matulog na muna. Hinayaan ko na lang dahil siya naman ang naghatid sa akin ngayong umaga.

Nang matapos akong maglinis ay pumunta na muna ako sa faculty para ipaalam kay Ma'am Lou na pumasok na ako. Sasabihan ko na rin siya kung anong field ang pipiliin ko para sa work immersion.

"Oh, Rianne..." Bigkas niya nang makita ako. "Buti naman nakalabas ka na ng ospital" Masayang sabi niya.

"Oo nga po ma'am... Naibalik na po ni Paul sa akin ang susi ng room" Sabi ko sa kanya. "Sa work immersion ko po pala—sa earlychildhood education po yung napili ko" Pagpapaalam ko sa kanya.

"Okay, sasabihin ko na lang sa coordinator ng education field para masama ka sa list" Sabi niya sa akin bago ako umalis.

Pumunta rin ako sa SC para ipaalam sa mga kasama ko na last week ko na ngayon as a member dahil mas magiging busy na ako lalo na kapag magsisimula na ang immersion namin.

"Si Elton ang sumundo sa'yo?" Tanong ni Ryde na sinamahan ako pabalik sa building namin.

"Oo. Natulog nga ulit kanina sa room dahil napaaga siya ng gising para masundo ako sa bahay" Mahina siyang tumawa.

"He cares for you like a sister. Ayon ang nakikita ko" Komento niya sa aming dalawa ni Elton.

"Malamang, sabay kaya na lumaki ang mga bituka namin. Ako lang ang kalaro niya nung mga bata kami—hindi kasi yun pinapalabas ng bahay para maglaro. May sakit kasi sa puso..." Kuwento ko sa kanya habang naglalakad pa kami.

"By the way, half day tayo this Friday... If you want, let's go out?" Banggit niya.

"Pwede naman, huwag lang tayo magpagabi atsaka sasabihan ko pa si Mama" Sagot ko sa kanya nang nasa palapag na kami ng room nila.

"Okay, I'll ask Tita na rin to give her consent" Sabi niya na nakapagpangiti sa akin.

"Best friend na kayo nitong mga nakaraan ni Mama, ah?" Bigkas ko nang huminto muna kami sa may hagdanan.

"Syempre, she'll be my Mom too in the future..." Biro na sabi niya habang ako naman ay nagkunwaring nandidiri sa banat niya.

"I'm just kidding..." Pagabawi niya at napakurot sa pisngi ko. "Just for now..." Nanlolokong ngiti na dagdag niya.

Napailing lang ako habang siya ay tumatawa. Humiwalay na siya sa akin at nagsimulang maglakad pabalik sa room nila. Umakyat na rin ako dahil malapit na ang first subject.

Buong umaga ang naging klase namin kaya naman nang dumating ang pananghalian ay halos lahat kami ay tinatamad ng bumaba para mananghalian. Nag-text sa akin si Ryde na sasabay siyang kumain sa akin kaya nang nag-aya na sila ay sinabi ko sa kanila.

"Pwedeng sumabay sa atin si Ryde?" Tanong ko kay Paul na kasalukuyang ibinabalik ang mga notebook sa bag niya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Hindi ba pwede?" Tanong ko dahil para yatang nairita siya bigla.

"Sasabay ba boyfriend mo?" Biglaang sabi ni Elton na ikinadilat ng mata ko.

Huli na ang lahat dahil nakatingin na silang apat sa akin.

"Oh, I didn't know you have a boyfriend" Komento ni Keirra na pati siya ay nagulat saglit.

Masamang tingin ang ibinigay ko kay Elton na umiwas kaagad sa akin ng tingin. Napabuntong hininga ako bago sumagot sa kanila.

"Oo, kami na ni Ryde..." Simpleng pagkompirma ko sa kanila.

"Oh my gosh! Yung palaging bumibisita sa'yo?" Tanong ni Leila na ikinatango ko.

Habang sila Paul at Noah ay wala paring imik sa sinabi ko.

"Pasabayin mo sa'tin... I want to meet him din" Excited na sabi ni Leila.

Nang bumaba kaming anim ay nagpahuli ako dahil ka-text ko si Ryde na nauna na pala sa canteen at nakahanap na ng mauupuan. Nasa harapan ko naman ang dalawa na hanggang ngayon ay walang imik.

Tinapik ko ng sabay ang mga braso nilang dalawa. Sabay pa talaga silang lumingon sa akin kaya medyo natawa ako.

"Let's talk later..." Sabi ni Noah na kinawala ng ngiti ko at tumango sa kanilang dalawa.

Akala ko ay may sasabihin ang dalawa kay Ryde habang kasabay namain siya kumain. Nag-sorry rin si Noah na ikinagaan na ng loob ko sa wakas. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna kaming tatlo para makapag-usap. Sinabihan ko na rin si Ryde na wala namang ibang sinabi kung hindi pumayag.

"Anong pag-uusapan natin?" Ako na ang naunang nagtanong.

"Kailan pa naging kayo?" Tanong naman ni Paul.

"Last week" Sagot ko.

"Ba't hindi mo sinabi kaagad sa amin?" Tanong niya ulit.

"Sasabihin ko naman. Naunahan lang ako ni Elton" Sagot ko ulit. "Teka, gusto niyo lang ako kausapin dahil dito?" Tanong ko nang napagtanto.

Bumuntong hininga si Paul habang si Noah ay wala paring sinasabi.

"Sorry, nabigla lang ako..."

"I don't like the guy but it's your choice anyway..." Biglang sabi ni Noah na bigla na lang umalis pagkatapos sabihin 'yon.

Nainis ako bigla sa inasal niya kaya hahabulin ko sana siya nang pigilan ako ni Paul. Nakipag-ayos na siya kanina kay Ryde tapos ngayon sasabihin niya ang lahat ng 'yon?

"Hayaan mo muna... Nabigla lang din 'yon" Mahinahong sabi ni Paul. "Pero... Sigurado ka ba talaga, Reyn? Sinagot mo na siya?" Pagbanggit niya ulit.

"Hanggang kailan ko ba sasgutin 'yan?" Naiirita ng tanong sa kanya.

"Look... I'm just worried for you and kay Ryde. Baka siya lang ang napagtuunan ng pansin mo dahil hindi nangyari sa inyo ni Noah ang gusto mo" Sabi niya na nakapagpatigil sa akin.

Hindi ko alam ang tamang isasagot dahil biglang parang sinisigaw ng isip ko na baka nga tama siya.

"Alam ko na dati mong gusto si Noah pero hindi ka ba nag-aalala na baka kaya mo lang tinanggap si Ryde dahil nandyan siya para sa'yo at hindi si Noah?"

Pakiramdam ko ay para akong biglang binuhusan ng malamig na malamig na tubig.

Bigla akong kinabahan. Ayoko na may masaktan sa lahat ng pag-iisip kong ito.

"Hindi... Hindi ko na gusto si Noah. Si Ryde na ang gusto ko..." 

Kinukumbinsing sabi ko kay Paul at sa sarili ko.

Nasabi ko man ng harap-harapan sa kanya pero kitang-kita ko ang hindi naniniwalang mukha niya matapos ko sabihin ang lahat ng iyon.

"We both know the truth, Reyn..."