"Buti na lang talaga walang nangyaring masama sa'yo!"
Sigaw ni Paul habang nakahiga ako sa isa sa mga kama ng ospital.
Habang sa katabi kong kama ay si Elton na tinatakpan ang parehong tenga niya dahil sa ingay ni Paul na kasalukuyang pinapagalitan kami. Tahimik lang ang dalawa naming kasama na kanya-kanyang naghihiwa ng mga prutas.
"Buhay naman kami ngayon, okay? Hayaan mo na tapos na naman lahat..." Sabi ko para matigil na sana siya pero binigyan pa ako ng masamang tingin.
"Anong hayaan?! Kung hindi kami dumating kaagad, ano nang nangyari sa inyo?!"
Naiintindihan ko naman kung gaano siya ka-concern sa amin ni Elton pero hindi ko alam na ganito pala siya mag-aalala. Sobrang-sobra kung mag-aalala.
Hinayaan ko na lang muna maubos ang galit niya sa amin bago ako nagsalita ulit.
"Ano? Tapos ka na?" Tanong ko sa kanya nang maupo siya dahil sa pagod sa pagsasalita.
"Why did you do that?" Napatingin ako sa nagsalitang si Noah. Umirap kaagad ako sa kanya at hindi siya pinansin.
"Teka, unang-una sa lahat pumunta kami ni Elton doon na may plano—Hindi kami nagpadalos-dalos lang..." Depensa ko sa lahat ng sinabi ni Paul. "Alam namin kung paano mag-isip ang gagong 'yon kaya nga sinabihan ko si Leila para if may nangyari nga which is nangyari na, at least buhay pa kaming uuwi sa mga pamilya namin..." Paliwanag ko.
"Ayon na man pala. Alam mo kung papaano mag-isip ang lalaking 'yon kaya sana sinabihan mo kami para nasamahan namin kayo" Pagpupumilit ni Paul.
Napabigkis ang mga braso ko.
"Hindi mo ba gets? Kung may kasama kami hindi matatapos lahat. Walang magiging panlaban kay Alex aside sa mga ebidensya na meron kami. Alam mo kung gaano kadumi maglaro ang mga pamilya na gaya nila—hindi basta titigil hangga't hindi nahuhuli sa akto" Ang mga gusto kong ipunto sa kanila.
Napahinga ng malalim si Leila na tingin ko ay naririndi na sa amin.
"Pwede ba tumigil na kayo? Both of them are alive and well. They're safe and sound... Pagpahingahin naman natin sila" Reklamo niya na ikinapasalamat ko.
Ang pinoproblema ko na lang ngayon ay ang mga magulang namin ni Elton. Sigurado akong sobra ang pag-aalala nila sa amin ngayon. Pansamantalang hawak ng mga awtoridad si Alex pero alam kong hindi pa kami dapat makampante.
"I'll have to go. Hinahanap na ako sa amin" Anunsyo ni Leila na ikinatango namin ni Elton.
"Salamat sa tulong mo, Lei..." Nakangiting sabi ko dahil ang tatay niya ang may hawak ng kaso namin.
"I'll visit you both tomorrow... Magpagaling kayo" Bilin niya sa amin bago sila tumayo ni Paul para umalis.
"Hatid ko muna si Leila... Babalik rin ako mamaya" Sabi ni Paul sa amin. Nakiusap na ako sa kanya bago siya tuluyang umalis.
"Paul, pakisabi kay mama na nandito kaming dalawa, please?" Pakiusap ko sa kanya na ikinatango at ikinasimangot niya.
Napangiti ako dahil sa pagkamasunurin niya. Lumingon ako kay Elton at tinanong siya kung kamusta ang pakiramdam niya. Mas nag-aalala ako sa kanya kaysa sa sarili ko.
"Okay ka na?" Tanong ko na sarkastikong ikinatawa niya.
"Ikaw dapat ang tanungin ko n'yan" Banggit niya.
"Ayos lang ako..." Sabi ko na ikinairap nilang dalawa kaya nakuha na ni Noah ang pansin ko.
"Ba't nandito ka pa? Umuwi ka na sa inyo baka hinahanap ka na..." Sabi ko habang sinusubukan na hindi maging pagtataboy ang magiging dating sa kanya.
Masamang tiningnan niya ako at si Elton.
"I'm here cause both of you were idiots. Lalo ka na..." Sumbat niya na itinuro pa talaga ako.
"Ba't ka galit?" Balik ko agad sa kanya. "Ayos ah, galit ka pa sa amin ngayon—Eh hindi pa nga tapos yung pagtatampo ko sa'yo dahil sa ginawa mo sa manliligaw ko" Ako naman ang nanunumbat sa kanya.
"May manliligaw ka?!" Gulat na gulat na bigkas ni Elton.
Hindi ko nga pala nasabi sa kanya.
Tumango ako sa tanong niya dahil sa gulat parin ang mukha niya.
"Ayos ah, kaya pala hinayop-hayop mo na lang si Alex dahil talagang nakapag-move on ka na" Natatawang napagtanto niya.
"Nakakapikon ka na ngayong araw, ha?" Sarkastiko kong banat sa kanya na ikinagisi niya. "Ikaw... Absent ka, 'di ba? Ba't ka biglang sumulpot kanina?" Naguguluhang tanong ko kay Noah.
"Sinabihan kami ni Leila tungkol sa inyo. Both Paul and I—And I happen to be in the same location just a few minutes from that place" Napatango-tango kami ni Elton. "By the way, I'm sorry for last time... I'll try to apologize to that guy too" Bigla niyang pagbanggit sa nangyari kay Ryde.
Napabuntong hininga ako. Ayokong isipin niya na wala kaming utang na loob kaya nagpasalamat na ako sa kanya.
"Salamat, No... Hindi ko alam kung ano ng nangyari sa amin kung hindi ka agad dumating" Taos-pusong pasasalamat ko sa kanya.
"Thank you, pare... Baka wala na kami kung wala ka kanina" Singit ni Elton.
"You both should really rest. I'll wake you up if both of your families are here" Sabi niya at parehong inayos ang mga kumot namin.
Napagdesisyonan kong umidlip na rin muna dahil hindi pa ako nakakatulog simula nang dumating kami dito sa ospital.
Maya-maya rin ay nagising ako sa narinig kong mabibilis na yabag mula sa pinto. Lumitaw si Mama na punong-puno ng pag-aalala ang mukha. Sumunod din ang nanay at tatay ni Elton.
"Anak!" Sigaw ni mama na mabilis niyang ikinalapit sa akin. Tiningnan niya ang kabuoan ng mukha ko na magang-maga dahil sa ginawa ni Alex sa akin.
Dagdag pa na may nakalagay sa leeg ko dahil sa pagkakasakal ni Alex sa akin. May mga sugat rin ako sa loob ng bibig ko dahil sa lakas ng pagkakasampal kaya medyo mahirap sa akin na kumain.
"Bakit ba kayo nakipagkita pa kay Alex?!" Narinig kong sigaw ng tatay ni Elton.
Hindi makasagot si Elton at mas piniling yumuko na lang.
"Tama na... Pwede bang magpasalamat na lang tayo na okay ang mga bata?" Sabi ng nanay niya nang ibaling nilang dalawa ang tingin sa akin.
"Tingnan mo, mas malala pa ang tinamo ni Rianne kaysa sa'yo... Lalaki ka ba talaga?!" Sigaw na naman ng tatay niya.
Alam ko naman na medyo hindi maganda ang relasyon nila ng tatay niya at ni Elton pero sobra naman yata na ganito niya tratohin si Elton habang nandito kami na mga kaibigan ng anak niya.
"Tito, ayos lang po ako... Pasalamat na lang po ako nandoon si Elton" Sabi ko para matigil na siya sa pagsasalita.
"Kung tutuusin hindi na dapat kayo sumasali sa mga problema ng mga nakakatanda. Wala akong pakialam kung mawalan kami ng trabaho ng nanay mo. Pwede kaming humanap ng trabaho anytime, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ilalagay niyo sa panganib ang mga sarili niyo sa hindi niyo naman responsibilidad..." Mariin na sabi ng tatay ni Elton. "Galit kami dahil nag-alala kami sa inyo. Intindihin niyo rin sana kami bilang mga magulang ninyo" Dagdag niya.
"Sorry, po... Tita, Ma, pasensya na po kung nagpadalos-dalos kami..." Sabi ko na sinundan kaagad ni Elton.
"Sorry, Ma, Pa" Nakayukong sabi niya nang niyakap na siya ng nanay niya at mahinang tinapik ang ulo niya ni Tito.
Biglang hinawakan ni Mama ang kamay ko habang nakatingin sa akin.
"Huwag kang mag-aalala... Lalaban tayo sa kanila" Sabi ng nanay ko na nakangiting itinango ko.
Kinabukasan naunang pinauwi ng mga doktor si Elton kaysa sa akin. Kailangan pa akong obserbahan dahil kagabi rin lang ay ang pagsakit ng panga ko habang kumakain. Nalaman ko na lang na may dislocation pala ako sa bandang panga. Kailangan daw ibalik sa tamang posisyon pero aabutin ng apat na linggo bago ako gumaling. Pinagbawalan din ako ng mga pagkain na kailangan pang nguyain at pinaiiwasan din sa akin na ibuka ng malaki ang bibig ko.
Madalas na naiiwan akong mag-isa sa ospital dahil patuloy parin sila Mama at ang mga magulang ni Elton sa pag-aasikaso sa kaso na sinampa namin laban kay Alex. Hindi na pinalala ng pamiya ni Alex ang lahat dahil alam kong makakasira lang sa reputasyon nila kaya tuwang-tuwa kami nang nagdesisyon ang korte ng may kalamangan sa amin.
Pauli-ulit na binibisita ako ng mga kaibigan ko pero walang palya sa kanilang lahat si Ryde na walang araw na hindi sumulpot para tulungan ako dito sa ospital. Nagtataka pa ako kung saan nakahanap ng perang pambayad si Mama nang malaman ko na binayaran pala ng kompanya na pinagtratrabahuan ni Papa.
"Kamusta sa SC?" Tanong ko kay Ryde habang naglilibot kami dito sa ospital.
"Okay lang... Medyo busy nitong nakaraan pero I guess we're fine" Sagot niya.
Nag-aalala ako dahil baka maapektohan ang mga performance niya sa school dahil sa palaging pagdalaw niya sa akin.
"Hindi mo naman kailangan na araw-araw akong dalawin dito sa ospital..." Alam kong sobrang nakakaabala na rin sa oras niya.
"Just let me... Isa pa, nanliligaw naman ako sa'yo kaya hayaan mo na" Nakangiting sabi niya na pinagbuksan ako ng ice cream na dala niya.
Nakaupo kami sa isa sa mga sementadong upuan sa labas ng ospital.
"Ahh... So, kung hindi ka pala nanliligaw sa'kin hindi mo 'ko bibisitahin?" Nagbibirong tanong ko.
"No... I'll still visit you. Magpapalusot nga lang ako ng kung anu-ano" Mabilis na sagot niya.
Ngumiti ako sa kanya dahil hindi ako makatawa dahil sa panga ko.
"Hindi ka ba nagsasawang manligaw sa akin?" Tanong ko habang nagpapatuloy na kumain ng ice cream.
"No... Actually, I'm happy..."
"Talaga?" Tumango siya. "Ako kasi napapagod na..." Sabi ko at bumuntong hininga.
Todo pigil ako sa pagtawa nang makita ang mukha niya na biglang natigilan.
"Why? May mali ba akong nagawa? May nangyari ba?" Natatarantang tanong niya na mahinang ikinatawa ko at nagmaang-maangan na biglang kumirot ang panga ko.
Tatawag na sana siya sa nurse nang pigilan ko siya at ngumiti.
Malakas na napabuntong hininga siya sa harapan ko.
"You scared me..." Nanlulumo na sabi niya.
Hindi ko maiwasan na tingnan ang buong mukha niya. Kahit araw-araw na siyang bumibisita ay madalas na naninibago parin ako sa kada tsansa na natitigan ko ang kabuuan ng mukha niya.
Ang gwapo parin...
Ngumiti ako sa kanya kaya bigla na naman siyang nataranta at nag-iwas na ng tingin. Napansin ko ang pamumula ng tenga niya kaya kinagat ko ang labi ko para mapigilan lang ang pagtawa dahil sa kanya.
"Humarap ka nga sa'kin, Ryde..." Utos ko.
"W-Why?" Pinag-ipit ko ng todo ang pagitan ng labi ko nang makita kong nahihiya siyang tumingin sa akin.
"Lapit ka konti may ibubulong ako..." Sabi ko.
Tiningnan niya muna ako saglit bago sumunod.
Nang mailapit niya na ng tuluyan ang tenga niya ay mabilis na hinalikan ko ang pisngi niya na tuluyang nakapagpagulat sa kanya.
Hindi ko na napigilang tumawa dahil sa naging reaksyon niya. Mabilis niya namang tinakpan ang bibig ko at sinusubukan akong patigilin.
Hinawakan ko ang mga kamay niya para alisin ang pagtakip niya sa bibig ko. Kaninang umaga lang ay sinabi na ng doktor sa akin na magaling na ako pero kailangan parin ako obserbahan ng ilang araw bago ako tuluyang -discharge.
Bumalik ang tingin ko sa natatarantang si Ryde.
"Halika nga ulit. May ibubulong na talaga ako this time, promise" Natatawang sabi ko na hindi niya pinaniwalaan kaagad at binigyan na ako ng masamang tingin.
Tumikhim siya bago nagsalita.
"I respect you, Rianne... Don't joke around me" Striktong sabi niya na mas lalo kong ikinatawa.
"Assuming nito... Dali na may ibubulong ako" Pagpupumilit ko sa kanya pero lumalayo siya kaya nagkunwari na akong nagseseryoso. "Hindi na ako nagbibiro..." Sabi ko.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kahit halatang nag-aalinlangan parin siya.
"Teka si Paul ba 'yon?" Biglang sabi ko at napatingin sa may hindi kalayuan kahit wala naman talaga akong nakita.
Tumingin siya sa direksyon kung saan ako tumingin kaya hindi na ako nag-aksya ng oras at mabilis na ipinaharap ang mukha niya sa akin...
Mabilis kong hinalikan ang malambot niyang labi.
"I've been thinking lately that I should kiss your lips when I'll be saying yes..." Nakangiti kong sabi sa kanya habang nakahawak parin sa mukha niya matapos siyang halikan. "Gets mo naman ang sinasabi ko 'di ba?" Tanong ko sa hindi na gumagalaw na si Ryde.
Hindi siya makapagsalita kaya tinanggal ko na ang pagkakahawak sa mukha niya.
Masyado ko yata siyang nabigla.
Nang tingin ko ay nahimasmasan na siya ay tinanong niya ako.
"So, boyfriend mo na ako ngayon?" Tanong niya na nakangiting ikinatango ko.
"Oo, ayaw mo ba?" Tanong ko kahit medyo kinakabahan.
Hindi siya sumagot at sa halip ay niyakap ako ng mahigpit.
"I love you..." Bulong niya sa gitna ng yakap niya.
"Ako rin, Ryde... Ako rin. I love you..." Pagsasabi ko ng totoo sa kanya.
Nang kumalas kami mula sa isa't-isa ay marahan na hinalikan niya ang noo ko.
"I think we should talk about your habit of kissing me first..."
Sabi niya na ikinatawa ko habang siya ay nagmamaang-maangan nag-aalala.