Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 24 - Shouts

Chapter 24 - Shouts

Kumakain kaming apat nila Keirra nang bigla niyang naitanong sa amin kung nasaan si Noah. Late kasi siyang dumating kanina sa klase sa kadahilanang hinihintay niya si Noah na sumundo sa kanya.

"Do you guys know why Noah is absent today?" Pareho kaming napatingin ni Paul sa isa't-isa kaya sinenyasan ko siya na sumagot pero ibinalik niya rin sa akin dahilan para matuon na ang tingin ni Keirra sa akin.

"Ah, ano... Hindi rin namin kasi alam kung bakit. Hindi rin kasi siya nagre-reply sa GC kanina" Nagsasabi ng totoo kong sabi sa kanya.

"Kahit sa akin... He has not replied to my messages" Nanlulumong sabi niya.

"Baka ano... May inasikaso lang na importante na 'di niya pa masabi sa'tin" Ang tangi kong naisip na dahilan sa kanya.

Kahit si Ryde hindi rin pumasok ngayong araw. Nag-aalala rin ako dahil baka kung ano ang nangyari sa kanya pero nag-message naman siya kanina na may konting sinat lang daw siya kaya nabawasan kaagad ang pag-aalala ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagdesisyon na kaming bumalik ng room nang nakita ko si Elton na naglalakad mag-isa papunta sa direksyon kung nasaan ang gym. Kinutuban ako kaya nagpaalam muna ako sa kanilang tatlo na mauna na silang bumalik.

"Mauna na pala kayo... May kailangan pala akong puntuhan sa SC" Pangdadahilan ko sa kanila na pinaniwalaan naman nila dahil umakyat narin sila papaalis.

Mabilis kong sinundan si Elton at nang maabutan ko ay nasa gym nga siya at may kausap sa phone. 

Galit na galit siyang sumisigaw sa kung sino man ang kausap niya habang papaakyat sa mga bench.

Lumapit na ako sa kanya at matapos niyang tapusin ang tawag ay saka ko lamang naibigkas ang pangalan niya para lumingon sa akin.

"Anong nangyari?" Tanong ko nang makita ang masyadong nag-aalalang mukha niya.

"Bakit nandito ka?" Tanong niya bago nag-iwas ng tingin at akmang aalis sana kaya pinigilan ko.

"Sandali lang, Elton. Sagutin mo muna ako..." Bigkas ko nang tuluyan siyang mahawakan. "Halika nga muna... Maupo tayo" sabi ko at mahinang hinila siya papaupo sa bench.

Natahimik siya nang makaupo kaya hindi ko na muna siya tinanong ulit para naman huminahon na muna siya.

"Reyn..." Bigkas niya bago tumingin sa akin. "Hindi ko na alam gagawin... Gusto kong magalit sa'yo pero hindi ko magawa dahil kaibigan kita pero tangina sobra naman..." Dire-diretsong mga salita niya sa akin.

"Elton, ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan na rin ako.

Hindi siya agad nagsalita pero kitang-kita ko kung papaano siya nahihirapan paano ipaliwanag sa akin ang lahat. Napasabunot pa siya sa sarili at napasipa sa bench.

"Elton, ano ba?! Tama na!" Pagpigil ko sa mga ginagawa niya. "Ano ba talagang nangyayari?" Naiinis na tanong ko.

"Yung ex mo! Yung hayop na ex mo! Ayaw akong tantanan pati ang pamilya ko!" Sigaw niyang sumbat sa akin.

Gulat na gulat ako pero mas inuna ko na munang tanungin siya para malaman ang lahat.

"Bakit? Anong ginawa ni Alex sa'yo?!" Hindi ko na rin mapigilang hindi sumigaw.

Bigla siyang bumagsak at napaupo. Naguguluhang napahilamos siya sa mukha niya.

"Pinagbabantaan niya ako na kapag tumigil ako sa updates ko tungkol sa'yo ay mawawalan ng trabaho ang mga magulang ko..." Pag-amin niya. "Gusto niyang makipagkita sa'yo pero hindi ako pumayag dahil kung baka anong gawin niya pero pinagbantaan niya na naman ako" Dagdag niya.

Hindi kaagad ako makahanap ng mga salitang isasagot sa kanya dahil kahit ako ay hindi makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Napamasahe ako sa noo dahil mukhang pangungunahan ako ng galit ngayon nang nalaman ko na ang lahat.

"Kailan pa?" Hindi ko mapigilang tanong.

"Matagal na pero akala ko titigil na siya nung last time..." Nalilitong sabi niya.

"Elton, kung ako pala ang dahilan ng problema mo bakit hindi mo man lang sinabi?" Nalilitong tanong ko dahil hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi niya nasabi sa aking ang lahat.

"Hindi nga kita mahagilap paano ko pa sasabihin?"

"Nagbibiro ka ba? Elton, may chats, texts o tawag! Ano ka ba? Taong bato?!" Hindi ko mapigilang insulto sa kanya. Napayuko siya sa mga sinabi ko.

"Hindi ko masabi..." Bigkas niya nang tinakpan ang mukha niya habang bumubuntong hininga. "Hindi ko masabi dahil alam kong madami ka ring pinoproblema..." Mabilis na hinampas ko ang likod niya dahil sa inis.

"Sino bang nagsabi sa'yo na problemahin mo ang problema ko?!" Inis na inis kong sabi sa kanya. Masamang masama ang tingin niya na ibinalik sa akin.

"Oo na... Tangina lang talaga ng Alex na 'yon ayaw kang tantanan. Ano ba kasing meron sa'yo?" Nandidiring sabi niya na ikinaikot ng mga mata ko.

Naibigkis ang mga braso ko at huminahon muna kahit saglit. Nag-iisip ng kung ano ang gagawin.

"Makipagkita tayo sa kanya" Mabilis na desisyon ko para matapos na ang lahat ng ito.

"Baliw ka ba? Paano kung may mangyari sa'yo?" Sagot niya kaagad.

"Bingi ka rin ba? Sabi ko tayo. Tayo, Elton. Intindihin mo, okay?" Pamimilosopo ko sa kanya. 

Pareho kaming napabuntong hininga para kumalma.

"Anong balak mo?" Tanong niya.

"Ano pa ba? Patahimikin na natin 'yon para matigil na lahat ng katarantadohan niya" Sabi ko at tumayo.

"Papatayin mo?" Inosenteng tanong niya na nakapagpakulo ng dugo ko.

"Anong tingin mo sa'kin?! Mamatay tao?!" Inis na sigaw ko.

"Sabi mo 'patahimikin'?" 

Hindi ko napigilang hilain ang ilang hibla ng buhok niya dahilan para magreklamo siya.

"Tumayo ka na nga d'yan! Patapos na ang lunchbreak..." Hindi siya gumalaw sa banta ko sa kanya. "Tatayo ka o hindi? Papatayin ko talaga si Alex mamaya at gagawin kitang kasabwat para kahit sa kulungan friendship tayong dalawa..." Naiinis kong biro sa kanya.

Habang siya ay nandidiri ang tingin sa akin bago tumayo. Nagsimula na kaming maglakad papalabas at maya-maya pa ay umakbay siya sa akin.

"Kaya ba talaga natin mapigilan si Alex?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Oo... Huwag kang mag-aalala. Hindi ko hahayaan na mawalan ng trabaho ang nanay at tatay mo" Sabi ko sa kanya na ikinatango niya.

"May mga bodyguard 'yon. Paano kung mabugbog tayo?"

"Hindi naman tayo mamatay..."

"Okay, may tiwala ako sa'yo" Huling sagot niya bago kami makabalik sa room.

Nang mag-uwian ay sinabihan ko agad si Elton na tawagan si Alex kung saan kami magkikita. Nag-reply naman kaagad ito at medyo may kalayuan ang lugar na sinabi niya. Nakipag-usap muna ako kay Leila bago kami umalis.

"Kapag isang oras na at hindi parin ako nagchat na nakauwi na kami ni Elton... Dito mo kami hanapin" Bilin ko sa kanya nang sinabi ko ang lahat ng nangyayari.

"Don't worry I'll call the police as soon as possible... Mag-ingat kayo ni Elton" Nag-aalalang sabi niya na ikinatango naming dalawa ni Elton.

Lumabas na kaming dalawa at nauna na siyang bumaba para kuhanin ang motor niya. Nang tuluyan akong makababa ay isinuot ko na ang helmet na ibinigay niya sa akin. Nakaalis na kami ng school nang nagsimula na ang mabagal na pagpapatakbo ng motorskilo niya.

Napag-usapan na namin kanina matapos masabihan si Alex na nasa kalahating oras o mahigit ang hihintayin niya para dumating kami. Plano ko na dumating kami doon ng nasa mga sampung minuto na lang bago ang isang oras.

Sakto lang ang natitirang oras nang dumating kami sa lugar na sinabi ni Alex. Tama nga ang kutob ko. Ipinasara niya pa talaga ng maaga ang lugar para lang makausap kami.

"You're here..." Ang tanging nasabi niya nang makapasok na kami ni Elton.

Naka-school uniform parin siya kagaya namin at prenteng nakaupo sa harap namin habang ang mga bodyguard niya ay nakatayo sa labas ng pinto.

"Elton, akala ko hindi ka na tutupad sa usapan natin? You really brought what I need" Nakangising sabi niya na nakapagpayuko kay Elton kaya hinawakan ko ang kamay niya.

Nakita ko ang mabilis na panlilisik ng mga mata ni Alex dahil sa paghawak ko sa kamay ni Elton.

"Ano ba talagang gimik mo, Alex?" Tanong ko sa kanya.

"Can you take off your hands from that sick dog before I answer that?" Pekeng ngiti ang nasa mukha niya habang sinasabi ang lahat ng 'yon.

Tinanggal ko naman ang pagkakahawak ko kay Elton.

"So ano? Ano bang trip mo?" Naiinip kong tanong sa kanya nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko na kaagad kong binawi.

"I'm going to be straightforward..." Panimula niya matapos kong bawaiin ang kamay ko. "Let's get back together" Sabi niya na ikinatawa ko.

"Nagpapatawa ka ba?" Sarkastikong puna ko sa kanya. 

Nahihibang na talaga yata ang lalaking ito.

"I'm serious. I'm very serious, Rianne. Alam mo kung paano ako magalit kaya huwag mo na akong subukan!" Sigaw niya. "It's either we'll get back together o mawawalan ng trabaho ang mga magulang ni Elton" Diin niyang sabi.

"Ayoko. Hindi mo ako mapipilit at huwag mo ring pagbantaan si Elton o ang pamilya niya!" Sigaw kong sabi sa kanya at hinila na si Elton dahil aalis na kami nang bigla niya akong pinigilan.

Pumasok ang dalawang body guard niya na hinila si Elton papalayo sa akin nang bigla akong sakalin ni Alex.

"You're going to follow what I want!"

Pakiramdam ko a parang mababali ang leeg ko. Sinusubakan kong suntukin ang kamay niya pero hindi ko magawa kaya ang ginawa ko ay sinipa ang tiyan niya hangga't sa nakaya ko. Nang bumagsak kaming pareho ni Alex ay mabilis na lumapit ang isang bodyguard niya at pinigilan ang parehong braso ko habang ang isa naman ay hawak parin si Elton.

"Ano?! Anong gagawin mo sa akin?!" Galit na galit na sigaw ko.

"Kung hindi mo kayang makipagbalikan sa akin, I just have to make sure that you'll be forever mine!" Nahihibang na sabi niya.

"Baliw ka! Nagsisisi ako na naging tayo!" Sigaw ko habang pinipilit na makawala sa pagkakahawak sa akin.

Nang mabilis siyang lumapit at malakas na sinampal ang mukha ko. Sumisigaw na si Elton pero nagtataka ako dahil ang mga katabing establishment ng lugar na ito ay hindi man lang kami naririnig.

"Kahit anong gawin ninyong pagsigaw walang tutulong sa inyo dito dahil lahat sila bayad ko! Naiintindihan niyo?!" Malakas na sinuntok niya ang sikmura ni Elton dahilan para mapaluhod ito.

"Elton!" Sigaw ko. "Walang hiya ka! Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa kulungan hayop ka!" Sigaw ko dahil sagad na sagad na ang nararamdaman kong galit sa kanya.

Lumapit siya sa harapan ko at marahas na hinawakan ang pisngi ko.

"How will you do that?" Natatawang tanong niya sa akin.

"May mga ebidensya ako laban sa'yo at kung inaakala mong makukuha mo ang lahat ng 'yon nagkakamali ka! Matalino akong tao Alex kaya kahit mamatay man ako dito ngayon ay malalaman at malalaman ng lahat kung sino o ano ka!" Nambabantang sabi ko sa kanya nang malakas na malakas niya akong sinampal.

Malakas na ang sampal na iyon para sandaling mabingi ako sa lahat ng kaguluhan. Sinampal niya pa ako ulit kaya hindi ko na masyadong marinig ang pagsigaw ni Elton.

Mabagal na ang lahat sa paningin ko nang nakikita ko parin ang mukha ni Elton na kumawala sa pagkakahawak ng bodyguard ni Alex. Hanggang sa tuluyan siyang nakawala dahil may mga ibang tao na rin ang pumasok.

Lumitaw rin sa paningin ko ang mukha ng taong hindi ko inaasahang nandito at nag-aalala.

Ang kulay bughaw at pulang ilaw ang huling natanaw ko sa labas bago tuluyang dumilim ang lahat.