Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 18 - Repulse

Chapter 18 - Repulse

"Riannie..." Nag-aalalang salita ni Leila sa akin. Hinahaplos niya ang likod ko para lang mapatahan ako habang si Paul ay tahimik lang na nakaupo habang pinagmamasdan ako.Hindi muna kami umuwi at sa halip ay dinala kami ni Paul sa isang tindahan na may kalayuan mula sa eskwelahan namin. Alam kong sinadya niya talaga na dito kami dalhin dahil alam niyang walang makakakilala sa amin dito.Ayoko narin munang umuwi dahil baka magang-maga pa ang mga mata ko sa kakaiyak kanina at mag-alala pa ang nanay ko sa akin.Ilang saglit pa ay tumayo si Paul at pumasok sa tindahan. Pagbalik niya ay may dala na siyang tatlong ice cream."Heto... Ikain muna natin ng ice cream 'yan. If gusto mo pa, magsabi ka lang bibili ulit ako..." Pag-abot niya sa akin ng isang cornetto na kinuha ni Leila at binuksan bago iniabot sa akin.Nilantakan ko na agad ang hawak kong ice cream at kahit papaano ay unti-unti ng gumagaan ang pakiramdam ko. Tumigil na rin ako sa paghikbi at ngayon ay sumisingot-singhot na."Ang galing, ice cream lang pala ang makakapagpatigil sa'yo..." Biglang sabi ni Paul na ikinasama ko ng tingin sa kanya habang bigla naman siyang kinurot sa may tagiliran ni Leila.. "Sorry..." Bulong na sabi niya at nagpeace sign sa akin.Hindi ko inaasahang matatawa ako dahil hindi ko inaakalang magagawa ni Leila 'yon sa kanya. Sabay silang napatigil at napatingin sa akin."Ayon, oh! Okay na si best friend!" Masayang salita ni Paul na ikinatawa naming pareho ni Leila nang magkatinginan kami."Parang tanga ka d'yan..." Nasabi ko sa kanya habang sumisinghot parin na hindi niya man lang napansin. Napatingin ulit ako sa kalsada na kaharap lang ng tindahang tinatambayan namin. "Ang layo na pala natin..." Napagtanto kong sabi habang nakatingin sa mga dumadaang sasakyan."Syempre, alangan naman makita ka ng iba na brokenhearted sa may paresan doon malapit sa school? Anong mas gusto mo? Doon o dito?" Namimilosopong tanong na naman ni Paul sa akin. Hindi ko mapigilang hindi umismid sa kanya."Oo na... Ang dami mo namang sinabi agad" Sagot ko sa kanya."But I didn't know you liked Noah or I'm just wrong?" Biglaang banggit ni Leila na nagpatigil sa akin at kay Paul.Sandaling napayuko ako at nag-isip ng sasabihin nang inunahan ako ng tanong ni Paul."Naguluhan ka ba talaga, Reyn? O nabigla ka lang kanina?" Natahimik ako sa tanong niya."I've known you for some time but I think nabigla ka lang kanina..." Napatingin ako kay Leila nang sabihin niya 'yon. "You've been with Noah and Paul more than with me as a friend and I don't have anything on that. Ang akala ko lang talaga, all this time kaibigan lang ang turing mo sa kanya..." Hindi ako agad makahanap ng sagot sa lahat ng sinabi niya.Akala ko rin kaibigan lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa may nabago nitong mga nakaraan.Mahinang napasigaw ako at naguguluhang napasabunot sa buhok ko."Hindi ko rin alam! Argh! Nakakainis lang..." Nakabusangot kong sabi. "Okay naman ang lahat nung Grade 11 tayo. Hindi ganito na bigla nalang nabago ang pagtingin ko sa kanya nitong mga nakaraan..." Gulong-gulo na sa sarili na sabi ko."Oo nga, 'no? Nitong mga nakaraan lang din kasi ako may napansin sa kinikilos mo" Napagtanto namang komento ni Paul.Napabuntong hininga kaming tatlo dahil sa sitwasyon ko."Anong gagawin mo ngayon?" Napatanong siya sa akin."Malamang, wala... Alangan naman na sirain ko kung ano mang meron sila ni Keirra ngayon? Hindi naman ako aabot sa ganon dahil lang sa gusto ko siya..." Sagot ko sa kanya at napatingin-tingin ulit sa mga dumadaang sasakyan sa kalsada.Napansin ko na malapit ng dumilim ng tuluyan."Hindi mo na ipagalalaban?" Napatitig ako sa kanilang dalawa nang maitanong ni Leila sa akin 'yon."Huwag na..." Diretsong sagot ko. "Ano ba namang magagawa ko? Kaibigan lang ako ni Noah at hindi gusto... Lilipas din siguro 'to..." Pangungumbinsi ko sa sarili ko at sa kanilang dalawa.Tumahimik na sila pagkatapos. Nagpalipas pa kami ng ilang minuto at nagdesisyon na kaming umuwi dahil baka hinahanap na rin si Leila sa kanila. Inuna naman nila akong ihatid pauwi at pagdating ko sa bahay ay tinanong kaagad ako ni mama."Nanuod kasi kami ng movie nila Noah kanina kaya napaiyak ako..." Ang tanging dahilan na naisip kong ipalusot.Hindi na naman niya ako tinanong ulit at siguro ay naniwala rin siya sa sinabi ko.Halos ilang weeks din akong naging busy at pansamantalang naibaling ang atensyon sa nangyari sa akin patungkol kay Noah. Madalas ay hindi na nila ako mahagilap sa room dahil tumutulong ako ngayon sa gaganaping job fair event para sa aming mga Grade 12.Madalas naman silang nagcha-chat sa akin kapag wala ako sa classroom namin dahil kapag walang klase ay pumupunta kaagad ako sa student council para lang umiwas kay Noah. Blessing in disguise na rin siguro ang lahat ng ito dahil kahit papaano ay nalilimutan ko ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya.Nagdesisyon na rin naman ako na huwag nag ituloy kung ano man ang naging damdamin ko para sa kanya."Hindi ka parin ba nakapagdecide?" Biglaang tanong ni Ryde sa akin. Ilang araw na nila akong pinipilitni Liza na sumali sa journalism ng school.Kagabi ko palang pinag-iisipan at napagtanto ko rin naman na gusto ko namang subukan."Ganito, susulpot ako mamaya sa club ninyo pero kapag pangit ang nagawa ko sabihan mo 'ko kaagad dahil magba-back out agad ako, okay?" Biglang natawa ang mga singkit niyang mga mata sa akin."Anong nakakatawa, Mr. Salcedo?" Nagtataray na tanong ko sa kanya na ikinangiti niya."Wala naman, Ms. Lopez" Sarkastikog sagot niya na ikinatawa naming pareho.Lately lang rin kami naging close dahil mas madalas na kaming nagkakasama sa mga ganap namin sa student council. Ang akala ko dati na striktong lalaki ay mabait naman din pala.Nakilala ko na siya bilang overachiever pero hindi mayabang at sobrang bait. Plus points pa na sobrang pogi ng lalaking 'to. Kung hindi lang siguro sa salamin na suot niya na nakakapagpastrikto ng imahe niya ay mas madaming magkakagusto sa kanya. Halos nga lahat dito sa student council ay mas crush sa kanya sa pagkakaalam ko."Aba-aba? Baka ang susunod na n'yan is Mr. & Mrs. Salcedo na?" Pininandilatan ko kaagad sabay hampas ng mahina sa braso niya si Liza dahil sa panunukso na naman niya sa amin.Tumatawa na silang dalawa ngayon. Madalas na ako nilang dalawa na tuksuhin kaya iniiwasan ko na sumabay ang mga kasama namin sa student council sa panunukso sa akin. Ayoko naman kasing umabot sa punto na magkahiyaan kami ni Ryde gaya ng dati."Ikaw talaga Liza kung anu-ano na naman ang trip mo" Sumbat ko sa kanya na hanggang ngayon ay tumatawa parin."Ang defensive kaagad nito. Si President nga hindi nagrereklamo sa mga biro ko, 'di ba Ryde?" Napatingin kaagad ako kay Ryde na umiling lang at marahan na ngumiti."It's okay. It's quiet fun when they're teasing you..." Sabi niya na kaagad kong ikinangiwi habang sila ay masayang-masaya habang tinutukso ako at napipikon na.Natigil ang lahat ng ingay namin nang biglang may kumatok sa pinto. Pumunta naman kaagad si Liza para pagbuksan ng pinto ang kung sino man ang kumakatok. Nakita kong medyo natigilan siya nang makita kung sino ang tao sa may pinto bago lumingon sa akin."Hanap ka..." Ang tanging mga salita niya bago umalis sa may pinto.Nagtataka naman akong naglakad papunta sa pinto at nang makalabas at maisarado ito ay hindi ko inaasahan ang kung sinong bumungad sa akin. Nakatalikod man siya ay alam ko na agad kung sino siya."Noah?" Naibigkas ko na nakapagpalingon sa kanya sa akin. "Ba't ka nandito?" Nagtatakang tanong ko dahil class hours ngayon at bawal ang loitering.Bahagya siyang ngumiti at ipinakita sa akin ang isang plastik na alam kong may pagkaing laman at iniabot sa akin. Ilang araw ko rin hindi nakita ang mukha niya sa malapitan."I just passed by... Hindi ka raw kasi nag-lunch kanina kaya binilhan na rin kita. Don't worry walang class ngayon. You didn't chat with us lately too.." Nakakita ako ng panandaliang panlulumo sa mga tingin niya na nawala kaagad."Ano ka ba? Alam niyo naman na busy ako ngayon dito at pagod na ako kapag uuwi kaya hindi na ako masyadong makareply sa mga chat ninyo ni Paul" Sabi ko at nakangiting tumapik sa braso niya. "Thanks for this nga pala..." Sabi ko at binuksan ang plastik para tingnan ang mga laman nito."Sasama ka ba mamaya? Paul and I will hang out later sa bahay" Napaisip ako bigla sa pag-aaya niya."I think pass muna ulit ako. Tutulong din ako sa bahay namin mamaya. S'ya nga pala mas mabuti siguro na iwasan muna natin ang mga hang out nating tatlo lalo na't may mga kanya-kanyang love life na kayo ni Paul..." Sabi ko. Ayoko ko kasing may masabi ang iba sa pagkakaibigan naming tatlo.Naguguluhang tumingin siya sa akin."I don't understand?" Bigkas niya. "Keirra's fine with the three of us" Sabi niya na ikinailing ko."I'm just suggesting, No... Iniisip ko rin na mas maganda kung kasama natin sila Leila at ang girlfriend mo kung may mga lakad tayo. Ayoko rin kasi na may masabi ang iba sa akin lalo na't alam nila na may girlfiend ka at nililigawan naman ni Paul si Leila..." Nakita ko ang pagkainis sa ekspresyon niya dahil sa mga sinabi ko."Anong nangyayari sa'yo? Are we not okay?" Naguguluhang tanong niya sa akin."Wala naman. Okay naman tayo 'di ba? Nagsasabi lang ako sa'yo... Atsaka last mo narin 'tong pagbibigay mo sa'kin. Huwag mo na akong bigyan o hatidan ng pagkain. Mahirap na baka awayin ako ng mga fans ninyong dalawa ng girlfriend mo" Nakangiting biro ko sa kanya na sa totoo lang ay labag na labag na sa kalooban ko.Biglang bumukas ang pintuan ng SC room at naabutan kaming dalawa ni Ryde na halatang nagulat sa aming dalawa ni Noah."Uhm, nagtaka lang ako ba't ang tagal mo..." Nahihiyang sabi ni Ryde sa akin na ikinangiti ko ng marahan sa kanya.Tumalikod ako kay Noah at lumapit kay Ryde sa may pinto."Thanks dito, No! Sige na, bumalik ka na sa classroom natin. Busy pa kasi kami. Bye!" Nagmamadaling sabi ko habang ipinapakita ang dala niya para sa akin at hinila na papasok si Ryde bago mabilis na isinarado ang pinto.Wala sa sariling ibinigay ko kay Ryde ang dala ko at mag-isang bumalik sa upuan. Napahiga agad ako sa desk at paulit-ulit na bumuntong hininga.Sana lang ay hindi magmukhang itinataboy ko si Noah kanina sa isip niya.