Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 19 - Weighing

Chapter 19 - Weighing

Hindi ko alam na ilang minuto na pala akong nakatulala habang may sinasabi pa si Liza sa harap ko. Naibalik ko lag ang sarili sa wisyo nang pinatunog niya na ang mga daliri niya sa harap ng mukha ko."Ano ba naman 'yan? Magde-daydream ka na lang ba habang buhay d'yan?" Naiirita na ang tono niya na sabi sa akin."Ano nga ulit 'yon? Sorry, may iniisip lang" Paghingi ko ng tawad sa kanya.Bumuntong hininga naman siya at mas inilapit ang upuan niya sa akin."Magsabi ka nga ng totoo sa akin... Problemado ka sa lovelife mo, 'no?" Dahan-dahan akong dumistansya sa kanya at nag-iwas ng tingin."Ano na naman ba 'yang pinagsasabi mo?" Pagbabalewala ko sa tanong niya.Bumalik ako sa pagsasaayos sa mga gamit ko sa mesa at tumayo para maiunat ang katawan ko. Ilang oras na din kasi akong nakaupo. Napabuntong hininga siya uli sa harap ko bago tumingin sa akin."May girlfriend na yung lalaki kanina, 'di ba? Yung kaibigan mo?" Pagtukoy niya kay Noah na ikinatango ko. "Eh, ba't ganon? Naghahatid parin ng pagkain sa'yo kahit may girlfriend na? Sobra naman yata kayo sa friendship?" Nangdududang tingin niya sa akin kaya sinagot ko na siya."Kaya nga sabi ko sa kanya kanina, itigil niya na ang paghahatid ng kung anu-ano dito. Ayoko rin naman na may masabing masama ang ibang tao sa akin" Paliwanag ko na ikinatango niya."Tumpak! At isa pa nandito naman si Ryde for you. Hindi ka naman magugutom d'yan" Sabi niya sabay turo gamit ang labi sa kung nasaan si Ryde na seryosong-seryoso sa kung ano man ang ginagawa niya."Tumigil ka nga d'yan! Baka kung ano na ang isipin ng mga kasama natin" Pagsaway ko sa kanya dahil baka tuksuhin na naman kaming dalawa ni Ryde ng mga kasama namin sa council."Hello, ang manhid mo rin, 'no? Halos lahat kami alam na-"Naputol ang kung ano man ang sasabihin niya dahil sa biglaang pag-anunsyo ni Ryde."Guys, pwede na kayong bumalik sa mga classroom ninyo..." Sabi niya at nagsimula ng umalis ang mga kasama namin."Ano nga 'yon? Ano ulit 'yon?" Tanong ko dahil hindi ko nasundan ang sasabihin niya kanina."Wala, sabi ko alis na tayo..." Naging sagot niya sa akin at iniligpit na ang mga gamit niya.Niligpit ko na rin ang mga gamit ko at aalis na sana kasama si Liza nang tawagin ako ni Ryde."Can you stay for a while? I need your help on some things..." Hindi ako nagdalawang isip at tumango.Wala rin naman akong gagawin dahil vacant pa namin ngayon. Binigyan naman kaagad ako ng nanunuksong ngiti ni Liza bago nagpaalam sa aming dalawa."May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya."Uhm... I really need your opinions about the upcoming SHS week. You know... Ikaw ang president dati, baka lang may mai-suggest ka?" Hindi ko alam kung tama ako pero sa ikinikilos niya ay parang nahihiya siya o hindi komportable."Ah, oo naman walang problema sa'kin... Kung gusto mo pwede tayong mag-usap kapag vacant ko or vacant ng klase ninyo" Suhestiyon ko sa kanya na ikinatango niya at mahinang ngumiti sa akin bago ako sinabihang pwede na ako umalis.Hindi ko inaasahan na gagawin talaga ni Ryde ang mga sinabi ko sa kanya dahil ang nangyari ay tuwing vacant ko ay pumupunta siya sa room namin at kapag pupunta ako ng SC ay nakaabang na kaagad siya sa labas ng room namin. Nagtataka na ako pero ayoko namang pangunahan ang pag-iisp ko ng kung anu-ano.Halos hindi na ako makausap nila Paul at Noah kapag nasa room ako. Hindi naman din ako kinikibo ni Noah kaya hinayaan ko na lang muna dahil sa sobrang dami ng ganap sa school paper at SC o kaya naman napupunta sa raket ko sa paglilinis ang oras ko kapag uwian."Rianne Leigh!" Narinig kong tawag sa akin nang papalabas na ako ng room para sana pumunta sa faculty dahil pinapatawag ako."Hmm?" Ang naisagot ko habang nagsusuot ng sapatos sa lumapit na si Paul."May nangyari ba sa atin? Napapansin kong hindi na tayo gaanong nag-uusap , ah?" Nag-aalalang sabi niya sa akin."Bakit? Nag-uusap naman tayo sa chats, ha?" Sagot ko naman nang makaharap na sa kanya."Hindi na kasi umaandar ang GC natin... Nagtataka na ako at teka, nag-away ba kayo ni Noah? Hindi rin kasi siya sumasagot kapag tinatanong ko siya ng tungkol sa'yo..." Umiling ako sa kanya dahil sa tingin ko ay hindi naman naging away ang misunderstandings na nangyari sa pagitan namin ni Noah."Ah... Baka dahil nung nakaraan...." Napagtanto kong sabi sa kanya."Bakit? Anong bang nangyari? To be honest, I'm completely clueless right now..." Malalim na hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita."Pinagsabihan ko lang siya na huwag na akong bigyan ng kung anu-ano kapag nasa SC ako dahil baka kung ano ang maisip ng iba. Alam mo naman 'di ba? Umiiwas lang ako sa gulo..." Sabi ko na dahan-dahan niyang ikinatango. Bigla niya naman akong inakbayan at nagsalita."I hope we can really hang out again... Kakausapin ko ulit si Noah mamaya..." Sabi niya.Aminado naman akong umiiwas rin ako ng malala kay Noah ngayon pero feeling ko rin naman ay okay na ako na maibalik kung ano kami dati pero syempre kailangan kong ipaintindi sa kanila na ngayong may mga girlfriend na sila ay medyo mababago na ang pagkakaibigan namin. Ayoko lang talaga na may masabi pa ang ibang tao sa akin."Okay, ganito... Ako na mismo ang kakausap sa kanya kapag nagkatyempo ako..." Ngumiti kaagad siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Sige na, kailangan ko na umalis. Pinatapatawag pa ako ni Ma'am Lou sa faculty" Mabilis na paalam ko sa kanya.Ang pangako kong pag-aayos namin ni Noah kay Paul ay hindi ko inaasahang matatagalan. Hindi na ako nakahanap ng tyempo dahil mas naging babad na ako sa training namin. Mabuti na lang at tinutulungan ako ng maigi ni Ryde at sinasagot niya ako kaagad kapag may kailangan ako o hindi maintindihan sa pagsusulat."Grabe, ang close niyo na sa isa't-isa, ha? Parang kailan lang nung ako lang ang bff mo dito sa council..." Malakas ang boses na komento ni Liza nang mapansin kami ni Ryde na magkatabi dahil pinapatingnan ko ang mga naisulat ko"Parang kailan lang din nung inaya mo ako sa school paper kaya heto ako ngayon..." Pamimilosopo ko sa kanya na alam naming dalawa na totoo."I think it's okay than your previous writings... Medyo redundant lang sa ibang words but you're getting better...." Diretsahang sabi ni Ryde nang matapos niyang tingnan ang mga isinulat ko. Hindi ko naman maiwasang mapangiti lalo na't may progress na naman ang mga ginagawa ko."Thank you, Ryde!" Nakangiti kong sabi sa kanya.Nakakatuwa lang na nagbubunga na ang lahat ng pagod ko para matuto."Napaghahalataan ko na talagang may favoritism ka, Ryde..." Komento kaagad ni Liza habang nakabigkis ang mga braso niya sa harap namin."You're not asking for any help, Liza..." Naiiling na sagot naman sa kanya ni Ryde na ikinaismid ni Liza.Tumayo na si Ryde mula sa upuan at nagpaalam nang babalik na sa table niya. Nagpasalamat ako ulit dahil sa naging tulong niya sa akin."Infairness sa inyo ha, may progress na..." Biglang salita na naman ni Liza."Hay nako... Ayan ka na naman sa panunukso sa akin" Hindi ko mapigilang hindi masabi dahil madalas niya na akong tuksuhin kay Ryde at mas lalong lumalala pa ngayon na nasa school paper na rin ako."I'm just stating what I have observed, 'no? Atsaka totoo naman lahat ang sinasabi ko sa'yo..." Sabi niya habang tinatapik-tapik pa ang dibdib niya sa harap ko. "Alam mo, maniwala ka na kasi sa sinasabi ng lahat ng tao dito sa council. May gusto nga talaga si Ryde sa'yo pero hindi niya pa lang masabi..." Pangungumbinsi niya na naman sa akin na mabilis kong ikinailing.Hindi naman din ako ganon ka manhid para hindi rin sumagi sa isip ko ang bagay na 'yon. Ayoko lang pangunahan ang lahat lalo na't wala pa namang sinasabi si Ryde sa akin.I mean, I kinda like him. He's nice, way too nice to anyone.Kaya minsan ay naguguluhan din ako dahil ang kaibitan niya ay para sa lahat at alam kong hindi lang sa akin. Hindi ako nag-aassume sa mga bagay-bagay."Liza, maniniwala lang ako sa lahat ng sinasabi ninyo kapag siya na mismo ang magsasabi sa akin... Ayoko naman din na mag-assume, 'no?" Sagot ko sa lahat ng sinabi niya nang bigla namang sumagi sa isip ko si Noah.Hindi parin kami nagkakaayos kaya hindi rin siguro matahimik ang isipan ko nitong mga nakaraan. Pinangako ko rin sa sarili ko na kapag nagkatyempo ako ay kakausapin ko na talaga siya ng masinsinan lalo na't naapektuhan na rin si Paul sa amin.Hapon na nang matapos kami sa council. Inaayos ko pa ang table ko nang biglang tumunog ang phone ko. May tumatawag sa messenger.Napasinghap ako nang makita kung sino ang tumatawag. Mabuti na lang at naka-audio call lang kaya hindi niya makikita ang ekspresyon ko. Medyo nag-aalangan pa akong sagutin pero naisip ko rin na baka importante."Hello? Keirra?" Pagsagot ko."Hello, Rianne. Sorry I called you" Paghingi niya kaagad ng paumanhin na ikinailing ko."Hindi, okay lang. Patapos na naman din ako dito sa council. May kailangan ka ba?""Uhm, I have a favor sana..." Bigla akong nagtaka."Yes? Ano 'yon?""Can you check Noah for me? I think he's in the gym right now. I tried calling him pero hindi siya sumasagot, kanina pa. Can you check him just in case?" Hindi ko maiwasang mag-alala nang masabi niya 'yon."May sakit siya?" Tanong ko kaagad."Yes, he does have a fever kanina. He went to their practice kahit hindi ako pumayag. Sorry, I had to go home early that's why I called you instead..." Mabilis kong inayos ang mga natititrang gamit at isinuot na ang backpack ko."Okay, sige. Papunta na ako. Update na lang kita mamaya" Sabi ko bago namin tinapos ang tawag.Nagmamadali akong lumabas ng council pero ang sumalubong sa akin ay ang napakalakas na ulan. Hindi ako mapakali at pabalik-balik na tiningnan ang hallway kung may mga payong sa paligid pero wala akong makita. Nakapagdesisyon na ako na lulusong na lang ako sa gitna ng ulan nang naabutan ako ni Ryde na pababa ng hagdan at may bitbit na payong."Rianne, what's wrong?" Ang salubong niya sa akin. Bakas na siguro sa mukha ko ang pag-aalala."Pwede mo ba akong ihatid sa gym? Titingnan ko lang kung nandon pa ang kaibigan ko..." Pakiusap ko sa kanya.Hindi naman siya nagdalawang isip na binuksan ang payong na dala niya at sinabayan ang mabilis na lakad ko kahit pa nababasa na kami dahil sa lakas ng ulan.Pagdating namin sa lugar ay tahimik ang buong gym pero natanaw ko kaagad ang mga gamit ni Noah sa upuan sa gilid ng court. Hindi ko mapigilang hindi kabahan dahil nandoon ang bag at iba pa niyang mga gamit pero hindi ko siya mahagilap."Noah!" Hindi ko mapigilang sigaw sa loob ng gym.Tumakbo na ako papunta sa kung nasaan ang mga gamit niya at nang paglingon ko sa may gawi ng papunta sa locker room ay nakita ko kaagad ang pamilyar na taong nakahiga. Mabilis akong lumapit papunta sa taong 'yon at nagulat ako nang si Noah nga ang nakahiga.Punong-puno ng pawis ang mukha niya at mabigat ang paghinga niya nang matingnan ko. Hinawakan ko ang noo niya at mas nag-alala ako nang sobrang init nito. Tinapik-tapik ko ang mukha niya para magising."Noah!" Pagtawag ko pero hindi siya nagigising. "Noah! Gising!" Hindi ko na napansin ang pagdating ni Ryde sa tabi ko. Nag-aalalang tiningnan ko siya dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'yon. Naalala ko ang nangyari kay Mama dati."Ryde, anong gagawin ko? Ayaw niyang magising..." Nanginginig ang boses na sabi ko. "Let's check his head first..." Sabi niya na sinunod ko agad.Nang masigurado naming okay at walang kung anong posibleng sugat sa ulo niya ay ipinaupo namin siya ni Ryde. Mabigat parin ang paghinga niya at patuloy parin na pinagpapawisan."Noah... Noah, please... Sumagot ka!" Sigaw ko na ikinadilat saglit ng mata niya. "Noah!" Pagtawag ko at hinawakan ang mukha niya."I think he collapsed because of his fever..." Paliwanag ni Ryde."Noah! Asan ang gamot mo?" Tanong ko sa kanya habang nakadilat pa siya. "P-Please take me home... I'm tired..." Sagot niya na ikinatango ko kaagad.Nagdesisyon akong itayo siya at lumipat ng upuan dahil malamig ang sahig.Kinuha ko naman kaagad ang phone ko sa bulsa at nagmadaling i-dial ang number ni Paul. Nakailang ring pa nang sinagot niya ang tawag ko."Paul! Kailangan ka namin dito sa school!" Bungad ko kaagad sa kabilang linya."Anong nangyayari?!" Tanong niya."Ang taas ng lagnat ni Noah. Kailangan siyang iuwi kaagad!" Sabi ko.Narinig ko naman ang pagmamadali niya kaya tinapos ko na agad ang tawag.Bumalik ako kay Noah na na nahihirapan parin sa paghinga. Hinubad ko na ang jacket na suot ko kanina at isinuot sa kanya. Pagkatapos ay ipinasandal ang ulo niya sa mga hita ko. Halatang giniginaw siya kaya mas inayos ko ang jacket sabay hinihimas-himas ang ulo niya para ayusin ang magulo niyang buhok.Hindi parin matigil ang pagpapawis niya kaya pinupunasan ko na gamit ang panyo ko."Is he just a friend to you?" Napatingin kaagad ako kay Ryde nang magsalita siya at seryosong tingin sa tabi ko."O-Oo, bakit?" Sagot ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin bago nagsalita ulit."This is my first time that I've seen you cared for someone. Nagulat lang ako..." Sabi niya habang nakatingin sa ring ng basketball court."Ganon din naman siguro ang magiging reaksyon ko kapag nangyari 'to sa iba ko pang kaibigan..." Sabi ko habang nakatingin na rin sa kung saan siya nakamasid.Saglit kaming natahimik dalawa at ang tanging naririnig ko ay ang mahirap na paghinga ni Noah at ang malakas na ulan sa labas ng gym nang magsalita siya ulit."But would you care more if it was me?" Biglaang pagbato niya ng linyang 'yon sa akin.Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa lalim ng mga titig na ibinigay niya sa akin matapos niyang sabihin 'yon.Tuluyang natahimik sa pandinig ko ang paligid at hindi ko na namalayang nakatingin na pala ako sa kabuuan ng mukha niya at nagsimulang kabisaduhin ang bawat sulok nito mula sa labi niya hanggang sa mga mata.