Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 20 - A Confession

Chapter 20 - A Confession

Naagaw ang pansin ko sa dumating na sasakyan sa hindi kalayuan. Nakita ko kaagad ang nagmamadaling lumabas at tumakbo papunta sa amin na si Paul. Medyo nagulat pa siya nang makita si Ryde pero mas pinili niya akong tanungin tungkol kay Noah."Anong nangyari?" Naguguluhang tanong niya."Ang taas ng lagnat ni Noah. Kailangan natin siyang iuwi..." Kaagad kong sagot kaya pinabangon na namin si Noah at ipinasakay ko sa likod niya."Mauna ka sa kotse, Reyn. Ikaw na magbukas para sa amin""Okay, sige..." Sabi ko at naunang tumakbo sa kanila.Nalimutan ko pa ang mga gamit ni Noah na kinuha na pala ni Ryde at nag-uusap na sila ni Paul habang papunta sa akin. Nang mabuksan ko ang pinto ng sasakyan ay kinuha ko na agad ang mga gamit ni Noah mula kay Ryde."Thank you nga pala sa tulong, Ryde. Sorry kung naabala pa kita..." Sabi ko sa kanya."Pumasok ka na para maalalayan mo ang kaibigan mo sa backseat" Tumango na ako at nagpasalamat ulit sa kanya Ryde bago pumasok na ng tuluyan.Ipinasok na nila si Noah sa loob ng sasakyan at pinasandal ko naman ang ulo niya ulit para makaalis na kami."Pasensya na talaga, Ryde. Kailangan na naming umalis" Sabi ko sa huling pagkakataon."Don't worry about me. Magpapasundo na lang ako" Sabi niya at isinarado ang pinto ng sasakyan.Kumaway siya habang nakatanaw ako sa bintana nang papaalis na ang sasakyan namin.Pawis na pawis parin si Noah at hindi parin bumababa ang lagnat niya. Hindi na rin kami nakapag-usap ni Paul dahil nakatutok din siya sa pagmamaneho. Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Noah ay tinawagan na ni Paul ang si Tita para ipaalam ang nangyayari."Hindi pa makakauwi sila Tita kaya tayo na muna ang mag-aaasikaso kay Noah" Sabi niya sa akin nang matapos ang tawag.Pinagbuksan naman kami ng gate ng nakababatang kapatid ni Noah na ngayon ko lang nakita. Nang maipasok na ni Paul ang kotse sa garahe ng bahay ay mahinang tinapik ko na si Noah para magising. Sumasagot naman siya kahit papaano kaya umakyat na kaming tatlo papunta sa kwarto niya habang ang kapatid niya ay nakasunod sa likod namin."Bihisan mo muna si Noah, maghahanda lang ako ng bimpo at tubig sa baba" Tumango naman si Paul kaya lumabas na ako ng kwarto.Hinarap ko na ang kapatid ni Noah para kausapin dahil kanina pa siya sumusunod sa amin at alam kong naguguluhan siya sa mga nangyayari. Magkasing edad lang yata sila ng bunso kong kapatid."Hello, I'm Rianne..." Bahagyang nakangiti na nagpakilala ako sa kanya."I'm Raven..." Sagot niya habang mahinang kumaway sa akin."Can you help me para mapagaling si Kuya mo?" Tanong ko na ikinatango niya.Siya agad ang nag-guide sa akin pababa at hindi ko mapigilang mapangiti habang nakahawak siya sa kamay ko.Tinanong ko agad sa kanya kung nasaan nakalagay ang mga gamit na kailangan ko pati ang kung saan nakalagay ang mga gamot kung maya sakit sila. Mabuti na lang at alam niya lahat kung saan nakalagay. Ang hula ko ay sanay na siya na mag-isa sa bahay kaya halos kabisado niya na kung saan inilalagay ang mga gamit o kung anu-ano.Naalala kong kailangan ko palang i-update si Keirra. Kaya nagchat na kaagad ako sa kanya sa nangyari kanina.---Rianne: Huwag kang mag-alala kami na ang bahala ni Paul sa kanya...Keirra: No, I insist. Pupunta ako d'yan sa bahay nilaNaguguluhan akong binasa ang naging reply niya dahil hindi ko alam kung nakapunta na siya dito o hindi pa.Rianne: Alam mo na kung saan ang address?Keirra: Yes. I visited there last time to meet Noah's momBiglang bumigat ang pakiramdam ko nang mabasa ang naging reply niya. Nagkita na rin pala sila ng nanay ni Noah.Rianne: Okay... Ingat ka on the way----Huling message ko sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa ko.Umakyat na ako para mapunasan si Noah habang nakasunod parin si Raven sa akin. Sakto namang pagdating ko ay nabihisan na siya ni Paul."Magluluto na lang muna ako ng makakain nating apat" Sumang-ayon ako sa kanya at nagsimulang magpunas sa mukha ni Noah.Chineck ko pa ang temperature niya at ang taas parin ng lagnat niya. Nakikita ko namang medyo effective ang pagpupunas ko sa kanya dahil unit-unting bumubuti ang ekspresyon niya kaysa sa kanina. Nang nagpupunas na ako sa palad niya ay bigla siyang nagising."Reyn...." Bigkas niya kaagad habang nanlilit pa ang mga mata na nakatingin sa akin."Hmm?" Imik ko habang nagpapatuloy sa pagpupunas."You're here..." Nanghihinang ngumiti siya sa akin kaya tumango ako."Oo... Magpahinga ka na muna. Mamaya na tayo mag-usap kapag maayos na ang pakiramdam mo" Sabi ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para saglit na matigil ako sa pagpupunas."Stay with me..." Sabi niya na hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o hindi. Hinawakan ko narin ang kamay niya."Hmm... Nandito lang ako. Don't worry..." Pangungumbinsi ko sa kanya na nagpapikit ulit ng mga mata niya at hanggang sa nakabalik siya sa pagtulog.Dahan-dahan ko ng tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at pinagmasdan na muna siya kahit sandali nang matapos na ako sa pagpupunas.Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Ryde kanina. Wala sa sariling inilabas ko ang phone ko at nag-message sa kanya.Tinanong ko na muna siya kung nakauwi na ba siya at nagpasalamat ako ulit nang sinagot niya ang message ko pero nang napagtanto ko kung bakit ko siya naichat ay kaagad kong pinatay ang phone ko dahil bigla akong nanibago.Inaamin kong hindi maalis sa isipan ko ang sinabi niya kanina. Naguguluhan ako kung bakit niya nasabi ang lahat ng 'yon. Napatitig pa ako kay Noah na ngayon ay mahimbing ng natutulog at nang sumagi na naman sa isip ko ang sinabi ni Ryde kanina ay bigla akong napatakip sa mukha at napabuntong hininga.Ano na naman ba 'to...Nagdesisyon akong bumaba na muna dahil tulog pa naman si Noah at sakto ay naabutan ko si Keirra na nagpupunas ng buhok niya sa sala. Hindi ko namalayang nakadating na pala siya. Tumingin kaagad siya sa gawi ako kaya mahinang ngumiti ako."Akala ko hindi ka aabot dahil sa lakas ng ulan..." Sabi ko at nagmadaling ilagay ang planggana at bimpong dala ko at tinulungan ko na siya sa pagpupunas.Nagluluto si Paul habang si Raven ay mag-isang naglalaro sa phone niya."I should really thank you. Kung hindi mo nahanap si Noah, baka kung ano ng nangyari sa kanya" Nag-aalala niyang sabi. "Can I see him?" Wala akong nagawa kung hindi ang tumango.Ayoko maging kontrabida na girl bestfriend sa kanilang dalawa ni Noah."Ah, oo naman... Nandon lang siya sa kwarto niya natutulog" Sabi ko at nang matapos siyang magpunas ay nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako."Thank you, Rianne..." Bulong niya sa akin kaya mahinang napatapik-tapik ako sa likod niya.Nakasunod ang mga tingin ko sa kanya habang umaakyat siya papunta sa kwarto ni Noah."Ano, okay ka pa ba?" Tanong ni Paul habang hinahalo ang sopas na niluluto niya. Napansin niya siguro ako.Napaupo ako sa counter at pinagmasdan siya habang nagluluto."Ano ka ba? Para namang hindi mo ako kilala?" Sagot ko sa sinabi niya. Seryosong tumingin siya sa gawi ko. "Really, Paul... Totoo na wala akong problema sa kanila" Pangungumbinsi ko sa kanya. Natahimik na sana siya pero hindi niya napigilang may idagdag."Napapadalas ang pagsama mo sa lalaki kanina, ah?" Banggit niya habang patuloy na hinahalo ang niluluto niya."Kilala niyo naman si Ryde 'di ba? Kasama ko sa council... Mabuti na nga lang sinamahan niya ako kanina... Kung hindi siguro ay napraning na ako" Komento ko nang maalala ang nangyari kanina."Napaghahalataan kong may gusto sa'yo 'yon" Sabi niya matapos mapatay ang stove.Naguguluhang tumingin ako sa kanya nang humarap siya sa akin."Ano ba naman 'yan? Pati ba ikaw? Tigilan niyo na nga ako sa mga hula-hula niyong 'yan. Ayokong mag-assume..." Sabi ko sabay na napabigkis sa mga braso ko. Habang siya ay mahinang napatawa sa reaksyon ko."Basta, if ever tama nga ako... Siguraduhin niya lang na hindi ka niya sasaktan. Tatlo talaga kaming gugulpi sa kanya" Sabi niya habang pinapakita sa akin ang kamao niya."Tatlo? Sinong tatlo?""Ako, si Noah, and Elton. Sino pa bang ini-expect mo?" Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya."Hindi pwede si Elton. Huwag ninyong isama 'yon, baka mapagod lang 'yon ng hindi pa nagsisimula ang gulpihan" Sabi ko."Favoritism ka rin talaga! Ayos ka rin bilang bestfriend, 'no?" Pamimilosopo niya sa akin."Ayos ka rin bilang future house-husband..." Sabi ko dahil ngayon ko lang napansin ang apron na suot niya.Bigla niyang ipinitik ang daliri niya sa noo ko at tinawanan niya lang ako nang magreklamo ako. Nang nasabihan kami ni Keirra na gising na si Noah ay inihatid ni Paul ang isang mangkok ng niluto niya sa taas.Isinabay na namin si Raven sa pagkain nang makababa siya para makapaghapunan na rin kami. Nagdesisyon si Paul na dito na muna matutulog sa bahay nila Noah dahil hindi rin makakauwi ang mommy nila Noah ngayong gabi. Ipinabantay na muna niya kay Raven si Noah nang kailangan na naming umuwi dahil kukuha rin siya ng mga gamit mula sa bahay nila pagbalik dito.Pagkauwi ay naligo na muna ako bago natulog. Nang makahiga ay saka ko lang naalala ang phone ko. Pag-on ng screen ay ang pangalan kaagad ni Ryde ang lumitaw sa notifications.Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil medyo kinakabahan ako nang nabasa kong gusto niya raw na makipag-usap bukas sa akin. Hindi ako sigurado kung ano ang pag-uusapan namin kaya walang pagdadalawang isip na pumayag naman ako at pagkatapos ay natulog na.Kinabukasan ay halos wala kaming naging klase kaya pumunta na lang ako sa training namin dahil nalalapit na ang DSPC. Pagkarating ko ay busy si Ryde sa pag-consult sa ginawang article niya sa coordinator namin. Hindi ko nalang muna siya dinisturbo at pumunta na sa bakanteng upuan nang hindi ko sinasadyang magsalubong ang mga tingin naming dalawa. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya na ibinalik niya naman din sa akin.Nang mag-lunch time ay lalabas na sana ako para pumunta ng canteen dahil nagugutom narin talaga ako nang biglang may pumigil sa akin. Nang makalingon ako ay si Ryde, nakita ng mga kasama namin ang ginawa niya kaya umingay ang buong room at nagsimula na naman silang tuksuhin kami. Hindi ko na natiis ang mga tuksuhan sa amin kaya hinila ko siya papaalis ng room at tumakbo papunta sa rooftop.Hiningal akong bumitaw sa braso niya nang makarating bago nagsalita."May sasabihin ka?" Hinihingal kong sabi at napahawak sa parehong tuhod ko.Hindi kaagad siya sumagot kaya naguguluhang tiningnan ko siya ulit. Hindi niya suot ang saliman niya ngayon kaya mas malinaw ang mukha niya sa paningin ko kumpara kahapon."Ano? Wala?" Paniniguradong tanong ko. Nang makabawi na ako sa paghinga ay tumayo na ako ng maayos at humarap sa kanya. "Maging malinaw nga tayo tungkol kahapon... Anong ibig sabihin ng sinabi mo sa'kin? Medyo naguluhan ako kung anong iisipin ko..." Hindi ko mapigilang daing sa kanya. Bigla siyang ngumiti kaya napairap ako.Malalim na hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita."Sorry... I'm just so glad hearing from you that you've been thinking about me too" Hindi mapigilan ang mga ngiti niyang sabi sa akin.Bigla akong nataranta ng wala sa oras dahil hindi parin siya tumitigil sa pagngiti at ngayon ko lang siya nakitang hindi nakasalamin. Hindi ko na napigilang hindi mapansin ang mga features nang mukha niya ngayon.Napabigkis ako sa mga braso at tatarayan na sana siya nang magsalita siya ulit."I don't want the things to be unclear when it comes to me and you..." Panimula niya na ikinabawi ng ekspresyon ko. "So, please listen to what I will say..." Sabi niya at nagsimulang paghiwalayin ang nakabigkis kong braso at dahan-dahang hinawakan ang mga kamay ko at tumigil na siya sa pagngiti pero malalim at seryoso na ang tingin niya sa pagkakataong 'yon."It's been a long time since the fondness of you grew in me... It's been a long time that I didn't count kung ilang beses na akong natutuwa kapag nand'yan ka o kapag magkasama tayo..." Pinipisil niya ng mahina ang mga daliri ko sabay nakatingin sa mga kamay niyang hawak ang mga kamay ko. "I really thought that it's just a simple admiration as a guy but lately it's been clear to me that I want to take my shot..." Pagpaptuloy niya na habang tumatagal ay pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa kaba. Hindi ako prepared sa lahat ng nangyayari pero hinihintay ko parin kung ano ang susunod na sasabihin niya."Can I court you?"Huling salita niya na nagpabigla sa akin pero hindi ko inaakalang ikakatuwa pala ng puso ko.