"Oh, buti nandyan na kayo..." Bungad ni Liza nang makabalik kami sa room kung saan kami nagtre-training. "Kumain na kayo ng lunch?" Tumango ako sa kanya. "Ay, ayos ah? May lunch date na kayo..." Nanunuksong sabi niya sa aming dalawa."Shh... Ayan ka na naman sa mga pinag-iisip mo na kung anu-ano" Pagsaway ko sa kanya para sana matahimik pero hindi parin siya tumigil."Nga pala, pumunta kanina yung kaibigan mo dito. May dalang pananghalian yata kaya inilagay ko na lang sa upuan mo" Nagulat ako kaya ichineck ko kaagad ang upuan ko at may nakalagay nga.Tiningnan ko ang laman ng paper bag. May kanin, ulam, prutas at orange juice. May kasama pang note at napangiti ako sa nakasulat.Thank you for taking care of me last night...Nagdesisyon akong kainin ang dinala ni Noah sa akin dahil alam kong magtatampo 'yon kapag nalamang hindi ko kinain ang dinala niya. Binilisan ko lang kumain at pagkatapos ay nag-chat ako sa kanya para magpasalamat.Ilang minuto ang lumipas pero wala akong natanggap na reply kaya naisip ko lang na baka may ginagawa sila ngayon sa room. Nang mailigpit ko na ang pinagkainan ko ay hindi sinasadyang napatingin ako sa gawi ni Ryde na nakatingin pala sa akin. Ngumiti siya na sinuklian ko rin ng marahang ngiti.Hindi parin ako makapaniwala sa nangyaring usapan namin kanina. Sa totoo lang ay masaya ako sa lahat ng sinabi niya sa akin at dahil tinanggap niya ang desisyon ko na bigyan muna ako ng time para makapag-isip. Naninibago ako sa nararamdaman ko pero alam kong nagugustuhan ko ang kung ano man ang nararamdaman ko para kay Ryde.Nang matapos kami sa training ay si Liza muna ang sumabay sa akin pabalik sa building namain dahil kinakausap pa si Ryde ng coordinator."May nangyari ba kanina sa lunch time ninyo ni Ryde?" Biglaang tanong niya na nakapagpailing sa akin at hindi napigilang ngumiti. "Ahh... So meron nga..." Nasabi niya nang napagtanto dahil sa ekspresyon ko."Wala akong kailangang sabihin..." Sabi ko na nakataas pa ang kanang kamay.Tinusok-tusok niya naman kaagad ang tagiliran ko para makiliti ako habang tinutukso at itinanggi ang lahat ng paratang niya."Ayoko na nga!" Pagsuko niya sa huli nang wala siyang napala sa akin. "Di bale, malalaman ko rin naman kapag kayong dalawa na... Feeling ko mangyayari yun soon..." Sabi niya at mahinang tumili habang pabalik kami sa kanya-kanyang mga room namin.Nang papasok na sana ako sa room namin ay siya ring paglabas ni Noah kaya hindi na ako nagdalawang isip na batiin siya."Hi! Thank you sa-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay nilagpasan niya ako at hindi pinansin.Hindi man lang siya lumingon hanggang sa pababa ng hagdan at para bang nagmamadali rin kaya ipinagsawalang bahala ko nalang din sa huli.Pagdating ko sa row namin ay naabutan kong natutulog sa upuan ko si Paul kaya umupo na muna ako sa tabi niya dahil ayoko rin naman siyang gisingin. Nginitian ko lang si Leila nang mapansin niya ang pagdating ko habang bigla akong kinausap ni Keirra."I thought you can't make it to the class today..." Nasabi niya nang makaupo ako sa tabi ng natutulog na si Paul."Ahh... Napaaga lang kami ngayon dahil may kailangan asikasuhin yung coordinator namin..." Sagot ko sa kanya na ikinatango niya."Right. By the way, thank you kagabi... I really appreciate your help" Pagtukoy niya sa nangyari kay Noah kahapon."Wala 'yon... Kaibigan ko naman si Noah kaya matic na tutulungan ko siya" Sagot ko sa kanya."I'm really glad that he has such nice friends..." Bigkas niya at napagawi sa direksyon ni Lara na ngayon ay busy sa pakikipagchimisan sa katabi niya. "I really hope that I can have that again too..." Sabi niya habang hindi nawawala ang tingin kay Lara.Bigla kong hinawakan ang kamay niya nang hindi ko intensyon na gulatin siya. Nabigla siya saglit kaya nahihiyang binawi ko ang kamay ko sa kanya."Alam mo, Keirra. Kaibigan naman na din ang turing ko sa'yo. I mean, girlfriend ka naman ng kaibigan ko kaya kaibigan narin kita..." Walang halong biro na sabi ko sa kanya. "Siguro naninibago ka pa dahil hindi mo na kasama yung kaibigan mo dati pero hindi rin naman kita pipilitin kung gugustuhin mo na hindi kaibigan ang turing mo sa akin. Ang alam ko lang, basta kapag kailangan mo ng tulong pwede mo ako tawagan anytime..." Sabi ko at bahagya siyang ngumiti sa akin matapos at napayuko saglit bago tumingin ulit sa akin."You know... I'm quite uncomfortable with the thought that I might get in the way of the three of you. I mean sa friendship ninyo..." Biglang pag-iiba niya sa usapan. "I think Noah really values the two of you kasi hindi kayo nawawala sa mga usapan namin...."Ngayon ko lang narinig ang lahat ng mga iniisip niya kaya hindi muna ako nagsalita."But don't get me wrong, I admire what you guys have that's why I think I should not be getting in the way. I always thought that something was going on with you and Noah or you and Paul because I have never believed that a friendship between a boy and a girl could exist, but from what I see I think my thoughts are all wrong... That's why thank you for being a nice friend to Noah and hopefully with me too..." Napangiti ako sa lahat ng sinabi niya."Okay lang naman kung lahat yng 'yon naisip mo. Hindi rin naman kita masisisi atsaka hindi lang naman din ikaw ang nag-iisip ng ganyan sa aming tatlo kaya naiintindihan ko rin. Basta, if kailangan mo ng matatawag na kaibigan. Call me, no lies... Dadating talaga ako kapag kailangan mo" Sabi ko at akmang makikipagshakehands sana sa kanya nang bigla siyang tumawa."What are we doing now? Are we doing business?" Tatawang-tawa na sabi niya kaya nahihiyang babawiin ko na sana ang kamay ko nang siya na mismo ang tumuloy na makipagshakehands.Natawa na rin ako habang paulit-ulit naming ginalawa ang mga kamay namin.Unang araw ng DSPC at nang pagdating namin sa venue ay pakiramdam ko ay masusuka ako dahil sa dami ng mga tao. Dagdag pa na hindi ko na alam kung kinakabahan ako ng todo o mahihilo lalo na nang malaman ko na ngayong araw ang competition sa kategorya na sinalihan ko."Sabi mo mag-eenjoy tayo... Sinungaling ka, Liza. Kayo ni Ryde..." Naiiyak na sabi ko sa kanya at binigyan ng masamang tingin si Ryde na ngayon ay pinipigilan ang sarili niya na tumawa."Enjoy naman talaga, ha? Tingnan mo ang paligid natin, ang daming gwapo..." Natutuwang sabi niya sa akin na tuluyang nakapagpabusangot sa akin kaya nahampas ko ang braso niya dahil sa inis. Tumawa pa siya habang ako ay pikon na pikon na. "Ang sakit, ha? Hindi ko naman alam na hindi ka mag-eenjoy sa dahilan ko..." Patuloy parin ang pagtawa niya. "Ay, oo nga pala. Hindi mo na need mag-searching gaya ko kasi may gwapo ka na sa life mo" Panunuksong sabi niya dahilan para mag-ingay ang kumpulan ng grupo namin."Ay, bahala nga kayo d'yan!" Pagsuko ko sa lahat ng panunukso nila. "Sir, bili lang ako ng gamot medyo nahihilo na ako" Paalam ko sa coordinator namin at tumalikod na sa kanilang lahat."Samahan ko lang, Sir..." Narinig kong sabi ni Ryde kaya mas umingay pa ang grupo namin.Mas binilisan kong maglakad papalayo sa kanya dahil nahihiya na ako sa lahat ng pang-aasar nila."Rianne!" Narinig kong pagtawag niya sa akin pero hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad ng mabilis. "Rianne!" Rinig ko ulit mula sa kanya na hinahabol na ako at nang mahawakan niya ang kamay ko ay hindi ko napigilang mainis at itinabig ang pagkakahawak niya."Ano?!" Hindi sinasadyang sumbat ko sa kanya. Natigilan siya saglit kaya agad akong napayuko nang napagtanto ang nangyari. "Sorry... Hindi ko sinasadya na masigawan ka" Sabi ko at nang pagtingin ko sa mukha niya ay mahinang ngiti ang bumungad sa akin."It's okay. You must really feel dizzy kaya ganyan ka... Tara sa kabila, nandon ang canteen nila sa school na 'to..." Pakiramdam ko ay gusto ko na kainin ako ng lupa at mawala sa harap niya na parang bula dahil sa hiya.Hindi na ako nakatingin sa kanya habang pinapasunod niya ako sa kanya habang nakahawak parin siya sa mga kamay ko. Pinaupo niya ako sa nakita naming upuan at siya na ang bumili ng gamot at pagbalik ay ipinainom sa akin.Napaka-green flag kung tutuusin ng taong 'to. Hindi ko alam kung hanggang saan niya ako matitiis.After niya akong painumin ay natahimik na ako at hindi parin makatimik sa kanya. Nakokonsensya parina ko sa inasta ko kanina. Pati siya ay hindi na rin nagsalita kaya hindi ko na natiis at nagsalita rin ako sa huli."Sor-""Are you-"Nagulat ako dahil sa sabay kaming bumigkas at sabay ding napatingin sa isa't-isa."Sorry, may sasabihin ka?" Tanong ko sa kanya."No, baka may gusto ka munang sabihin..." Napabuntong hininga ako at tumingin ng masinsinan sa kanya."Sorry, talaga kanina. Nahihilo na talaga ako... Hindi ko sinasadya na masigawan ka atsaka thank you sa pagsama sa akin at pati narin dito..." Pagtukoy ko sa gamot at tubig na binili niya."It's okay... You don't need to feel bad about it" Mahinahong sabi niya. "I should understand all of your mood swings as much as possible so I can handle a lot more better in the future..." Pinipigilan kong ngumiti sa abot ng makakaya ko at ginawa ang lahat para kumalma ang sarili ko dahil sa sinabi niya. "But that's just in case. Hindi kita pini-pressure..." Dagdag niya nang naalalang nanliligaw pa lang siya kaya napangiti na rin ako sa huli."I hope hindi ka talaga basta-basta susuko hanggang sa sagutin kita if ever. Hindi kita binibigyan ng flase hope pero masaya ako sa kung anong meron tayo ngayon, Ryde..." Nakatingin sa mga mata niya na sabi ko. "I hope okay 'yon sa'yo..." Sabi ko na hindi parin mawala sa pagtingin sa kanya."Yeah... No problem, just take your time to know me..." Sagot niya bago tumayo at inilahad ang kamay niya sa akin. "Let's go? Malapit na tayong mag-start" Sabi niya.Tumango ako at tinanggap ang kamay niya.