Chereads / Our Mellow Skies / Chapter 16 - Like Her

Chapter 16 - Like Her

Kitang-kita sa mga mata ko na hindi na ako nakakatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw. Simula kasi nung gabing nabasa ko ang chat ni Keirra kay Noah ay hindi na ako napakali. Kaya balak ko na ring tanungin si Noah kung ano ba talagang meron sa kanilang dalawa nang matapos na 'tong dilemma ko sa buhay."'Nak napapansin ko mas mukha kang pagod nitong nakaraan. Hinay-hinay lang sa pagsa-sideline mo d'yan. Pag-aaral mo huwag mong papabayaan..." Paalala ni Mama sa akin habang binabalot ang baonan ko.Nakabili kasi siya ng baboy kaya lahat kaming kapatid ay may baon ng pananghalian at hindi na kailangan naming gumastos ng pagkain sa canteen."Opo, Ma... Una na po ako" Paalam ko sa kanya at pumasok na sa eskwela.As usual ako pa lang ang tao nang binuksan ko ang room namin kaya naglinis na kaagad ako. Papasok pa ako sa meeting namin mamaya pagkatapos ko.Pinupunasan ko na ang bintana nang dumating si Paul. Bilib rin ako sa kanya dahil palagi siyang maaga pumasok."Good morning, best friend number two!" Malakas ang boses niyang bati sa akin na ikinabusangot ko lang at bumalik sa pagpupunas. "Ang aga-aga ang sungit mo naman!" Sumbat niya nang mahubad ang sapatos niya at nagpalit ng tsinelas niya sa room.Kumuha kaagad siya ng basahan at tinulungan ako sa pagpupunas at tumabi sa akin. Bigla nalang siya tumikhim bago nagsalita."So, yung usapan natin. Ano na?" Tumingin ako sa kanya."Walang problema kay Leila..." Tanging sagot ko."Eh, bakit ka nagsusungit kung walang problema?" Naguguluhang tanong niya.Tumigil ako sa pagpupunas at tumingin-tingin sa paligid. Sinisugardo kong walang tao dahil baka may makarinig sa usapan naming dalawa."May nakita ako kahapon..." Mahinang sabi ko na ikinalapit niya sa akin."Ano?" Tumingin ulit ako sa may pintuan at nang masiguradong wala pang dumating ay nagpatuloy na ako sa sasabihin."Nakita ko yung notif sa messenger ni Noah kahapon... May chat na 'call me kapag tapos na kayo, okay?' at nabasa ko ang pangalan. Kay Keirra nanggaling..." Bulong na sabi ko sa kanya na ikinadilat ng mga mata niya."Naku... Pano 'yan? Ano susuko ka na agad?" Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya pero sa bandang huli ay napabuntong hinnga ako ng malalim."Ewan ko... Ang gulo!" Nasabi ko sabay napagulo sa buhok ko. "I mean, hindi ko na alam. Ia-assume ko na lang na may something sa kanila at itong nararamdaman ko, wala lang talaga 'to. Lilipas lang 'to..." Pangungumbinsi ko sa sarili at sa kanya.Umakbay naman kaagad siya sa akin."No problem ka d'yan best friend. Akong bahala, tatanungin ko 'yon mamaya" Nakangising sabi niya. Kumalas kaagad ako sa pagkakaakbay."Huwag na. Gaya ng sabi ko lilipas lang din 'to. Hindi lang ako sanay, ayon lang 'yon..." Pagpigil ko sa kanya. "At isa pa, kilala ko naman ang sarili ko. Kung gusto ko yung tao, hindi naman ako magdadalawang isip hindi kagaya nitong sitwasyon ko ngayon" Dahilan ko."Hindi, ipipilit natin 'yan. Tatanungin ko 'yon. Sayang naman yung taya ko sa manok ko..." Naibato ko na kaagad sa kanya ang basahan na kalaunan ay ibinato niya rin ang basahan na hawak niya sa akin habang tumatawa.Nang dumating ako para sa first subject galing meeting ay saka ko lang naalala na katabi ko nga pala si Noah at hindi ko siya basta-basta maiiwasan kahit gusto ko pa. Umakto ako kagaya ng dati kong ginagawa at pumunta na sa upuan ko."You're back. Akala ko hindi ka aabot sa first subject ngayon" Bungad niya sa akin."Ah... Maaga kaming natapos ngayon kaya nakaabot pa ako" Sagot ko sa kanya at tumalikod na dahil kukunin ko na ang notebook ko.Nang umayos ako ng upo ay napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa isang direksyon kaya sinundan ko kaagad ang mga mata niya at hindi na ako nagulat nang nakita kong nasa kung nasaan nakaupo si Keirra.Napatingin na ako sa direksyon na 'yon at hindi ko mapigilang ibalik ang tingin sa kanya para tingnan kung kailan siya titigil sa pagtitig sa direksyon na 'yon. Matagal bago siya bumalik sa wisyo at umayos sa pagkakaupo nang dumating na ang first subject namin.Bigla akong nalungkot sa hindi maipaliwanag na dahilan.Can't he look at me like that too? I guess he won't...Napatingin ako sa direksyon nila Keirra nang magtama ang mga mata namin ni Lara na hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago ay inikutan parin niya ako ng mata at tinaasan ng kilay.Natahimik na ako buong klase simula ng sandaling 'yon.Linggo lang ang lumipas pero ngayon ay nakikita ko ng magkausap si Keirra at Noah sa klase. Hindi ko mapigilang hindi ikompara ang sarili ko kapag ako ang kausap niya at sa ngayon na kausap niya Keirra.Hindi ko parin natatanong si Noah tungkol sa kanilang dalawa at ayoko namang magmukhang kontrabida kung totoo man na may namamagitan na sa kanila."Tinanong ko siya kagabi..." Biglang salita ni Paul sa akin. "Sabi niya, they're getting to know each other..." Dahan-dahan akong napatango sa sinabi niya kahit pakiramdam ko ay may kumirot sa dibdib ko.Getting to know each other palang naman 'diba?Baka may pag-asa pang tumingin siya sa gawi ko.Ako na mismo ang nagdadahilan ng kung anu-ano sa sarili ko pero alam kong hindi kailanman mangyayari ang gusto ko para sa amin ni Noah."Ede, congrats nalang sa kanila. Kaibigan niya naman tayo, ano bang gagawin natin? Ede, sumuporta" Sabi ko sa nanlulumong mukha ni Paul."Sigurado ka?" Tanong niya at tumango kaagad ako."Kaibigan ako, Paul. Kaibigan lang... Ayoko namang ipilit ang sarili ko" Sabi ko kahit alam kong labag din sa damdamin ko ang mga sinasabi ko.Sa student council ako nananghalian dahil alam kong hindi maganda para sa akin na makita si Noah at Keirra. Tulala lang akong nakaupo nang biglang may kumatok."Pasok..." Sabi ko sa kung sino man ang kumakatok.Paborito siguro talaga ni Lord na gulatin ako dahil ang pumihit ng pinto ay si Noah na may bitbit na plastic. Walang ibang tao dito ngayon at tanging ako lang."Oh, anong ginagawa mo dito?" Hindi ko mapigilang mainis dahil pakiramdam ko ay kinukutya ako ng pagkakataon.Ipinakita niya kaagad ang dala niya."I thought you did not have your lunch that's why I bought these..." Sabi niya.Gustong-gusto kong maging bayolente sa mga oras na 'yon dahil hindi ko maikakailang medyo napasaya ako na nandito siya.Lord.... Ba't naman ganito?Ibinigay niya ang dala niya sa akin."Ang dami naman nito..." Komento ko dahil sa may apat na inumin. Nang may bigla akong naisip. "Halika, doon tayo sa taas... Hindi ko naman 'to mauubos kaya samaham mo muna ako" Pag-aya ko sa kanya papuntang rooftop.Mabuti nalang at hindi mainit ngayon pero medyo makulimlim ang langit. Kumuha ako ng inumin sa dala niya at ibinigay sa kanya ang isa."May tanong ako..." Hindi na ako nakapagpigil dahil sa tyempong 'to. "Hindi ko sinasadyang mabasa ang chat ni Keirra sa'yo noong nasa bahay niyo ako..." Paliwanag ko kahit pakiramdam ko ay medyo kinakapos ako sa hininga dahil kinakabahan ako. "Kayo ba ni Keirra?" Nakatitig kong tanong sa kanya. Natigilan siya saglit pero hindi nagtagal at sumagot rin nama siya."Paul asked the same yesterday" Sabi niya habang marahang ngumiti. "I'm getting to know her... Honestly, I love whenever I'm talking to her..." Diretsong sagot niya sa tanong ko.Hindi ko alam kung inaasaan ko ba o hindi ang sagot na 'yon. Ilang gabi akong hindi nakatulog ng maayos para lang makakuha ng sagot sa pagkakataong 'to at ito mismo ang nakuha ko.Napalunok ako ng ilang beses at napatango-tango."Ede, congrats if ever. Mabait din naman si Keirra. Maganda pa..." Paulit-ulit akong uminom sa inuming binila niya pagkatapos kong marinig 'yon. Pakiramdam ko ay hindi ako makalunok ng maayos sa mga oras na 'yon.Nakatanaw pa siya sa malayo habang nakangiti nang sumagot siya sa sinabi ko."Yes, she is. She's nice and kind. I think I like her..."Salita niya na agad na nagpatingin sa akin sa makulimlim na langit na parang nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon.Ipinagdasal ko ng paulit-ulit sa pagkakataong 'yon na sana ay dumating na ang ulan.Dahil kung iiyak man ako ay at least iiyak ako ng nakatago.