Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Among Legends: The Vampire King's Bride

YueAzhmarhia
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
46.7k
Views
Synopsis
"Sa ngayon mananatili ka sa palasyo ko bilang isang prinsesa hanggang sa dumating ang araw na sumapit ka sa wastong edad, saka kita gagawing aking reyna. Mamili ka, dito sa poder ko at maging aking asawa, o ibibigay kita kay Vincent para maging pagkain niya? Madali akong kausap Elysia, alin man diya ang piliin mo ay buong puso kong ibibigay sayo," saad nito sa mababang boses na nagpatindig sa kaniyang mga balahibo. Buong buhay ni Elysia ay sunud-sunuran lamang siya sa mga utos ng kaniyang pamilya, ngunit dumating ang araw na makakawala siya sa pagmamalupit ng kaniyang itinuturing na kamag-anak. Ngunit, ang kalayaang iyon ay kapalit naman ng buhay niya. Buong puso niya iyong tinanggap kapalit naman ng mga alaalang iniwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang na hawak ng kaniyang tiyahin. Subalit ang inaasahan niyang kamat*yan ay hindi naganap, sa halip ay isang kasunduan ang inilatag sa kaniya ng inaakala niyang tatapos sa buhay niya. Si Vladimir na siyang hari ng mga bampira na matagal nang nabubuhay sa mundong ibabaw. Ang kasunduan bang iyon ang siyang magbabago ng buhay ni Elysia o ito rin ang siyang magpapahamak sa kaniya? Sa mga buhay nilang binabalot ng lihim, magkapuwang kaya ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang magkasalungat na angkan at lahi?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Sa Maliit na bayan na sakop ng Romania...

Nakatira ang isang dalagang nagngangalang Elysia, maganda, makinis at tila kumikislap sa kaputian ang balat, may maamong mukha at nangungusap na mga mata, may balingkinitang katawan at taas na naaayon sa kaniyang edad na labing-anim.

Mula sa angkan ng mga manunugis ng bampira si Elysia, ang kaniyang ama at ina ay prehong napat*y ng bampira noong pangalawang digmaan sa pagitan ng lahi ng mga tao at bampira. Ngunit dahil malalakas ang mga ito ay walang nagawa ang mga tao kun'di ang mapasailalim sa kapangyarihan ng mga ito. 

Bata pa noon si Elysia, walang kamuwang-muwang sa mga pangyayari. Hindi na niya nakamulatan ang mukha ng kaniyang mga magulang, ni wala siyang alaala sa mga ito-wala kahit litrato.Ngayon ay labing anim na taong gulang na siya at lumaki siya sa poder ng isang malayong kamag-anak, magulo ang buhay na kaniyang nakagisnan—palaging lasing ang kaniyang tiyuhin at mabunganga naman ang kaniyang tiyahin. May dalawa siyang malalayong pinsan, isang lalaki at isang babae, parehong malupit ang mga ito sa kaniya at halos lahat ng gawaing bahay ay sa kaniyang pinapagawa.

"Hoy Elysia, ang kupad-kupad mo, aba naman sayang ang pinapalamon namin sa'yo kung ganyan ka kakupad. Tingnan mo 'to madumi pa rin ang sahig, maalikabok ang mga bintana at mesa, ang daming kalat." Bunganga agad ng Tiya Elena niya ang bumungad sa kaniya kinaumagahan. Nasa labas siya at nag-iigib pa ng tubig mula sa balon na ilang dipa rin ang layo sa kanilang bahay. Inuna niya ang tubig dahil ayaw niyang makipagsiksikan sa balon kapag marami na ang tao.

"A' tita, nag-igib pa kasi muna ako ng tubig sa balon." wika niya ngunit sa halip na tumigil ito sa kakangawa ay lalo lamang itong nanggalaiti sa galit.

"Nagdadahilan ka pa? Dapat kasi inuna mo muna ang paglilinis ng bahay bago ka nag-igib. Umiinit ang ulo ko kapag nagigising ako na marumi ang bahay, napakawalang kuwenta mo talaga kahit kailan." Galit na galit na wika nito at inihagis sa kaniya ang walis. Agad naman niyang nasalo iyon bago pa tumama sa kaniyang mukha. Napatingin na lamang siya sa kalat na nasa sala nila bago nagbunga ng malalim na buntong-hininga.

"Bakit kasi hindi utusan ang mga anak niyang mahilig magkalat e'," pabulong niyang wika. Napakahina nang pagkakabulong niya ngunit umabot pa rin ito sa tainga ng kaniyang tiyahin.

"Anong sabi mo? Hoy, Elysia, sampid ka lang sa bahay na ito, bakit ko uutusan ang mga anak ko kung nandiyan ka naman. Tandaan mo, utang mo sa akin ang buhay mo, pasalamat ka nga at kinukupkop pa kita kahit wala kang kuwenta." saad pa nito at padabog na nilisan ang kanilang sala. Napasimangot naman si Elysia at sinimulan nang linisin ang mga kalat doon. Patapos na siya nang magising ang kaniyang dalawang pinsan, humilata agad sa sofa ang pinsan niyang lalaking si Roman habang prenteng naupo naman si Alicia sa isa pang sofa habang kumakain ng tinapay.

"Elysia, ikuha mo nga ako ng tubig," agad na utos sa kaniya ni Alicia. 

"Malapit lng naman ang kusina Alicia, ikaw na ang kumuha," mahinahong wika niya habang dinadampot ang mga kalat at isinisilid sa basurahan.

"Hindi mo ba narinig ang utos ko? Ikuha mo ako ng tubig, ano ba!" Sigaw ni Alicia na nagpapitlag sa kaniya. Halos umusok sa inis ang ilong ng dalaga habang namimilog pa ang mga pisngi dahil sa nginunguya nitong tinapay. Dali-dali nang sinunod ni Elysia ang utos nito at kumuha ng isang pitsel ng tubig at isang baso bago dinala sa harap nito.

"Susunod ka rin pala, hihintayin mo pang sigawan ka, umalis ka na nga rito, naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo." Inis na wika pa nito kaya dali-dali na siyang umalis at tinungo ang kaniyang silid. Tapos na niya ang lahat ng iniutos nila kaya wala na siyang rason para manatili sa sa loob ng bahay nila.

Tinungo niya ang likod bahay at ilang lakad lamang ay narating na niya ang dating kulungan ng mga manok na siya ngayon pahingahan niya. Ayos na rin iyon kaysa naman sa lansangan siya matulog. Bukod sa malamok, delikado din dahil sa mga gumagalang ligaw na bampira sa gabi. Matagal nang pinamumugaran ng mga bampira ang kanilang lugar, ilang taon na rin ang lumipas simula nang magapi ng mga bampira ang halos lahat ng manunugis at kabilang sa mga nasawi ang kaniyang mga magulang. 

Wala siyang mapuntahan kaya tinitiis niya ang lahat ng masasakit na salitang ibinabato sa kaniya ng mga taong kumupkop sa kaniya. Wala din siyang kaibigan at walang masyadong kakilala sa lugar nila. Ang bahay ng tiyahin niya ay nakatirik sa isang maliit na pamayanan, normal silang namumuhay sa lugar na iyon sa umaga subalit kapag sumasapit ang gabi ay nilulukob sila ng takot dahil sa paglipana ng mga nilalang na nambibiktima ng mga tao.

Hindi lamang sa maliit nilang pamayanan ngunit maging sa iba pang lupalop na sakop ng Romania.

Kada sampong taon ay obligado ang lahat ng nakatira sa Romania na mag-alay ng isang babae na kabilang sa kanilang pamilya. Ang mga babaeng iaaalay ay dapat na malinis at nasa wastong edad na dise-otso.

Ito ang tradisyong nakamulatan na nila sa lugar nila at kung hindi nagkakamali si Elysia ay ngayon ang taong muling lalabas ng palasyo ang mga tauhan ng hari upang maningil para sa malaya nilang paninirahan sa lugar na iyon.

Isang araw habang nagluluto siya ng agahan ng pamilya ng kaniyang tiyahin ay narinig niya ang usapan ng mga ito. Mangiyak-ngiyak pa noon si Alicia dahil ngayong taon ay saktong nasa dise-otso na siya.

"Ma, gusto ko pang mabuhay, ayoko pang mamat*y." umiiyak na wika nito habang nakayakap sa matabang braso ni Elena. Malalim itong nag-iisip at inis na tinanggal ang pagkakayapos ni Alicia sa braso niya.

"Tumahimik ka nga muna Alicia, hindi ako makapag-isip sa ingay mo e'," saway ng ginang sa anak.

"Ma, bakit hindi na lang si Elysia ang ipadala natin sa palasyo para maging pagkain ng mga halimaw na iyon?" Nangingislap ang mga matang suhestiyon ni Alicia.

Napaangat naman ang kilay ni Elena at napatingin sa anak.

"Wala pang dise-otso si Elysia."

"Ma, hindi naman nila malalaman na wala pang dise-otso si Elysia, 'di ba at isa pa, maaatim mo bang ibigay ako sa mga halimaw na 'yon? Ako ang anak mo at hindi si Elysia." Nakabusangot na wika ni Alicia. Agad na nagliwanag ang mukha ni Elena nang mapagtanto ang nais ipahiwatig ng anak. Tama nga naman ito, hindi naman malaman ng iyon ang tunay na edad ni Elysia.

"Hoy Elysia, lumapit ka nga dito." Tawag ni Elena at napangisi nang makitang nalingon ang dalaga. Agad namang sumunod si Elysia rito at mahinahong nagtanong.

"Bakit po tita?"

"Isa sa mga araw na ito ay bababa sa ating pamayanan ang grupo ng utusan ng hari, alam mo naman siguro iyon. Naisip ko dahil, ikaw lang naman ang pabigat sa bahay na ito, papalitan mo ang pinsan mo upang maging alay sa hari, naiintindihan mo ba?" Tanong ni Elena at napamulagat ng mata si Elysia.

"Pero tita wala pa ako sa tamang edad," tutol niya.

"Wala akong pakialam, ikaw ang papalit sa pinsan mo tapos. Kaya ihanda mo ang sarili mo. Araw ng byernes kung bumaba sila kada sampong taon at sa darating na byernes na iyon. Huwag kang magkakamaling ilaglag kami dahil sinasabi ko sayo, lahat ng alaala ng nanay at tatay mo, magiging abo." Banta ng ginang at natahimik naman si Elysia. Ang tinutukoy kasi nitong alaala ay ang mga naiwang gamit ng kaniyang mga magulang na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasisilayan. Minsan na itong ipinakita sa kaniya ng tiyahin niya ngunit isang litrato lamang ang nakita niya ngunit mabilisan pa. Kaya naman buhat noon ay hindi na niya magawang taliwasin ang kaniyang tiyahin sa takot na hindi na kailanman mapupunta sa kamay niya ang mga alaalang iyon.

Wala na ngang nagawa si Elysia kun'di ang sumang-ayon sa plano ng mga ito. Nakipagkasundo din siya rito na sa araw ng kaniyang pag-alis ay ibibigay ng tiyahin ang kalahati ng kahong iniwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Noong una ay tumutol pa ito pero kalaunan ay pumayag rin nang mangako siyang walang makakaalam ng kasunduan nilang iyon.

Napanatag ang loob ni Elysia dahil sa pangako ng kaniyang tiya. Hindi niya alintana na ang araw na iyon ang huling araw na din niyang masisilayan ang sikat ng araw. Hiling lamang niya na sa huling sandali ay masilayan niya ang litratong naiwan ng kaniyang mga magulang upang sa pagsunod niya sa kabilang buhay ay makilala niya ang mga ito kung saka-sakali.

Matuling lumipas ng mga araw at dumating na nga ang araw ng byernes.

"Tita, puwede ko na bang makuha ang kahon ng aking mga magulang?" tanong ni Elysia. Kasalukuyan silang nakatayo sa harap ng kanilang bahay habang hinihintay ang pagdating nga mga tagasilbi ng hari.

Sumimangot ang kaniyang tiya bago ito pumasok sa loob ng bahay. Paglabas nito ay dala na nito ang isang maliit na kahong kulay abo at marahas na ibinigay sa kaniya.

"O' ayan, siguro naman tutupad ka sa ating usapan." Inis pang wika ni Elena sa pamangkin. Marahang tumango naman si Elysia at tahimik na napatitig sa hawak niyang kahon. Hinaplos niya ito bago ito marahang binuksan. Mula sa loob ay bumungad sa kaniya ang isang litrato, nakita niya doon ang mukha ng isang dalagang kamukha niya yakap ng isang binata na sa pakiwari niya ay ang kaniyang mga magulang noong kabataan pa nila.

Tipid na napangiti si Elysia at marahang tumalikod na sa tiyahin. Matiyaga niyang hinintay ang mga taong kukuha sa kaniya. Dapit-hapon nang dumating ang mga ito, lulan ng isang magarang karwahe na kulay itim. May mga desinyo itong kulay ginto na nagsisilbing palamuti sa bawat sulok ng sasakyang iyon. Sa isip-isip pa niya ay napakagara naman ng karwaheng huli niyang sasakyan bago siya ihatid sa kabilang buhay.