Chereads / Among Legends: The Vampire King's Bride / Chapter 92 - Chapter 92 Finale

Chapter 92 - Chapter 92 Finale

Umugong naman ang sigawan ng mga kawal, hudyat ng kanilang pagkakapanalo. Siya ring paglabasan ng mga tao sa kani-kanilang pinagtataguan. Nagsitalunan pa ang mga ito sa labis na katuwaan sa kanilang pagkakapanalo sa laban. Kasalukuyan nang papalubog ang araw nang mga oras na iyon, nang mapatingala si Elysia sa kalangitan, doon niya napagtanto na tumila na rin ang ulan. Unti-unti na ring nagiging maaliwalas ang langit at nasilayan pa nila ang napakagandang paglubog ng araw. 

Yakap siya ni Vladimir, at pareho silang punong-puno ng sugat dahil sa kakatapos na laban. NAiiyak na natatawa pa noon si Elysia dahil alam niyang ang susunod na araw ay ang araw ng koronasyon niya.

"Napakarami kong sugat, Vlad, hindi ba ako pagtatawanan ng mga tao dahil haharap ako sa koronasyon na ganito?"

Marahang pinitik ni Vladimir ang noo ng dalaga at natawa. "Bakit ka nila pagtatawanan? Kung ang mga sugat na iyan ay marka ng pagliligtas mo sa buong Nordovia. Nakamit na natin ang hustisya para sa mga nasawi at naipagtanggol natin ang mga buhay ng natitira." Tugon ni Vladimir at umiiyak na napatango si Elysia. Tila doon lang sumabog sa sistema niya ang takot na pilit niyangt kinakalimutan kanina. Maging ang kalungkutan para sa mga nagbuwis ng kanilang buhay para lamang maipanalo ang laban na iyon.

Kinabukasan, naging abala ang Nordovia hindi para sa koronasyon, kun'di para sa paglilibing ng mga nasawi. Ang mga kawal na nagbuwis ng buhay, may iilan ding taong lobo ang hindi nakaligtas at mga yuri na nasawi din sa laban. Halos hindi naman magkamayaw ang grupo ni Loreen sa panggagamot sa mga nasugatan. Habang inuuna nila ang malulubha, tahimik lang na naghihintay ang iba. May iilan din silang sorcerers na nasugatan sa laban, kung kaya't kulang sila ng kasama. Maging sina Vladimir at Elysia ay nilapatan lamang ng paunang lunas at itinaboy na nila pabalik sina Loreen sa pagamutan ng palasyo.

"Hindi kakayanin nina Auntie Loreen ang panggagamot sa lahat ng sugatan, kagabi pa sila walang pahinga." puna ni Vladimir at bakas sa mukha ni Elysia ang pag-aalala. 

"Prinsesa, bakit hindi tayo humingi ng tulong kay Prinsipe Zuriel, nasa Astradel si Prinsesa Ria, at malaki ang maitutulong niya sa atin." sabad ni Lira

"Prinsesa Ria? Sino 'yon?" nagtatakang tanong ni Elysia.

Ngumiti naman si Lira at hindi sinagot ang tanong ng dalaga, bagkus ay bigla itong lumipad papalayo at naglaho. Maging si Vladimir ay napataas ang kilay nang lumingon sa kaniya ang dalaga bago ito nagkibit-balikat. Ilang oras ang nakalipas, isang bisita ang gumulat kay Elysia. 

Sa pagbukas ng pinto ng bulwagan, nagmartsa papasok si Zuriel kasama ang isang napakagandang babae. Tila nagliliwanag ang awra nito dahil sa malaginto nitong buhok at kulay asul nitong mga mata, matamis ang ngiting nakapaskil sa maamo nitong mukha at maging ang paglalakad nito ay banayad na animo'y lumulutang lang ito sa hangin. Nakasunod naman sa mga ito si Lira na may malapad na ngiti.

Hindi na siya nakapagsalita, dahil bago pa man bumuka ang bibig niya ay isang mahigpit na yakap na ang natanggap niya mula sa babae.

"Natutuwa akong makita ka Ely," wika ng babae at nakangiting nakatitig lang sa kaniya. Nagtatakang tumingin naman si Elysia sa kapatid, ang mga mata ay tila nagtatanong rito.

"Siya ang Ate Ria mo, prinsesa ng mga sylphira at ang aking asawa," paliwanag naman ni Zuriel. Nanlaki naman ang mata ni Elysia sa nalaman. Walang sabi-sabi'y pinaupo si ng babae sa upuan at agad na tiningnan nito ang mga natamo niyang sugat. Maluha-luha pa ito habang marahang hinahaplos ang mga sugat sa braso niya.

"Isa kang babae, hindi ka dapat nakakaranas ng ganitong sakit. Pero naiintidihan ko naman, kailangan at responsibilidad mo ito. Pero sana sa susunod mag-iingat ka na." Bumuntong -hininga si Ria at isang liwanag ang bumungad kay Elysia. Nagmumula ito sa kamay ni Ria at kakaibang init ang naramdaman niya habang dumadaan sa balat niya ang palad ng dalaga. Dahan-dahan ring naglalaho ang kirot na nararamdaman niya at napalitan iyon ng ginahawa.

Kalaunan, tuluyan na ngang gumaling ang lahat ng sugat ni Elysia. Ang sunod namang ginamot ni Ria ay si Vladimir. Kakaiba ang panggamot nito, dahil, paghaplos lang ang ginagawa ni Ria at wala siyang ginagamit na kahit anong gamot para sa sugat. Mapaghimala, iyon ang unang pumasok sa isip ni Elysia.

"Magaling na kayo, huwag kayong mabahala dahil sa mga oras na ito, naroroon na ang mga alagad ko at ginagamot na rin ang iba pang may malulubhang pinsala. Natutuwa akong makatulong sa inyo, hindi na ninyo kailangan pang magpasalamat, dahil bilang kapamilya, responsibilidad ko ang tumulong. Para sa napakaganda kong nakababatang kapatid." Masayang wika ni Ria habang hinahaplos ang buhok ni Elysia. Bakas sa mukha nito ang kasabikan at tila naiilang naman si Elysia sa napakainit na pagtrato ng babae sa kaniya.

Lumipas pa ang araw, tuluyan nang nanumbalik ang lakas ng lahat ng mga nasugatan. Isang araw pa silang nagpahinga hanggang sa sumapit na nga ang araw ng koronasyon ni Elysia.

Napuno ng masasayang tunog ang buong palasyo ng Nordovia, magtitipon-tipon ang mga tao sa malawak na bulwagan kung saan gaganapin ang koronasyon. Naroroon ang mga mahahalagang personalidad na naimbitahan para sa gaganaping seremonyas habang ang mga tao naman ng Nordovia ay matiyagang naghihintay sa labas sa pagbungad doon ng kanilang bagong Reyna. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasabikan na makita si Elysia.

Sa pagkakataong iyon, nasa loob na ng bulwagan si Elysia, suot ang kulay itim na bestidang sumasayad sa lupa, napapalamutian ito ng gintong linya tila inuukit ang kaniyang pagkakakilanlan bilang reyna. Ang mahabang buhok ni Elysia ay nakaluhay at napapalamutian ito ng magagarang bato nasa noo naman niya ang isang gintong korales.

Dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa harap ng bulwagan habang matiyagang naghihintay naman doon si Vladimir kasama ang hari ng Ravaryn at si Duke Morvan na siyang naatasan sa pagbabasbas at pagkorona kay Elysia.

Nang makarating na ang dalaga sa harap. Nagkaroon ng maikling pagbati si Haring Leodas para sa mga naroroon. Kasabay noon ang seremonyas ng kasal ni Vladimir at Elysia. Sandugo ng naganap sa dalawa. Dahil kapwa may dugong bampira, bawat isa sa kanila ay sinugat ang palad at ipinatak sa isang gintong mangkok ang kanilang mga dugo. Matapos sambitin ng hari ang orasyon ay sabay nilang ininom ang dugo ng bawat isa.

Naghiyawan ang mga tao nang matapos ang seremonyas na iyon. Penal at opisyal nang asawa ni Vladimir si Elysia. Ilang sandali pa ay lumuhod na sa harap si Elysia at dahan-dahang nang inilapag ni Haring Leodas ang korona sa ulo ni Elysia.

Kasabay ng paglapat ng korona, ay ang masasayang sigawan naman ng mga nakasaksi. Maluha-luha pa noon si Loreen habang pinapanood ang pagtanggap ni Elysia sa korona.

Sa wakas, matagumpay na natapos ang koronasyon at opisyal nang umupo si Elysia sa tabi ni Vladimir bilang Reyna ng Nordovia. Napuno ng palakpakan at pagbati ang buong bulwagan. Pagkalipas ng ilang minuto, inalalayan ni Vladimir si Elysia na lumabasa sa balkonahe ng bulwagan kung saan naghihintay na ang mga tao sa paglabas ng kanilang bagong Reyna.

Umulan ng mga bulaklak at maligayang pagbati ang buong paligid. Naluha naman si Elysia nang makita ang masasayng mukha ng kanilang nasasakupan. Magkahugpong ang kanilang kamay habang ang kanang kamay naman niya ay walang hunpay na kumakaway sa mga tao.

"Simula pa lamang ito, alam kong mamahalin ka ng mga tao hanggang sa katapusan ng mundo. Maraming salamat at pinaunlakan mo ang alok kong maging aking reyna. Hindi man tayo nag-umpisa ng maganda, magtatapos naman tayo nang masaya." Wika ni Vladimir at maluha-luhang tumango namna si Elysia.

At doon na nga nagsimula ang bagong buhay ni Elysia. Hindi lamang Nordovia ang nagdiwang, kun'di maging ang astradel ay nagdiwang din sa koronasyon ni Elysia. Ang pag-iisang dibdib ni Elysia at Vladimir ang siynag nagjng hudyat nang mapayapnag pagkakahugpong ng angkan ng mga Alarion at Dhampir.

Nagjng mapayapa ang sumunod na mga taon, matiwasay na namuhay ang mga tao at mas nagjng malapit pa nag mga ito sa kaharian ng Nordovia. Nagkaroon sila ng kapayapaan at lalong naging mas masagana nag kanilang mga buhay.

Sa ika-isang daan at anim na pu't dalawang taon ni Vladimir, saktong ipinanganak ang kauna-unahan nilang supling ni Elysia. Isang malusog na prinsipe na may kulay puti at itim na buhok. Naging matalinhaga ang pagkakaluwal ng unang anak ni Vladimir at Elysia dahil na rin sa napakagandang anyo nito na maging ang mga Yuri ay namangha rito.

Buhat noon, lumaking masayahin ang bata na pinangalanan nilang Valiente. At simula din noon, mas naging masaya pa at sagana ang buhay sa buong Nordovia at hindi na sila kailanman nakakita ng kahirapan at pagdurusa, dahil sa din sa tuluyang pag-upo ni Elysia, bilang reyna ng mga bampira.

—Wakas—