Crown 5 – Private Life
"Alam mo bang pamilya ang aking pinakamalaking ginto at swerte sa aking buhay kaya ko ito ginagawa Kaya ako nabubuhay at nagpapatuloy sa buhay."
Sabi ni Midnight Alex habang aabutin ang kamay ni Kyro sa gitna ng laban na siya ay napaupo dahil sa araw na ito ay sila ang magkakampi.
Natural kay Alex ang pagkakaroon ng kakaibang lakas kahit bilang babae.
"Ako rin, kaibigan. Importante rin ang aking pamilya. Bakit gusto mo bang dumagdag doon? Bukas ang aking kamay sa taong sinasagip ang aking buhay. Kasi para sa'kin ang kaibigan ay isa na ring pamilya."
"Kung iyong nais! Bakit ako tatanggi."
Tumawa lang ito nang mahina.
Si Alessia ay nabuhayan.
Bukas na bukas na ang kaarawan ni Alessia Marcella.
Pero bakit andito dumalo ang prinsipe?
Isang punta pa niya sa Black Arena ay talaga namang siya ay napahamak ngunit iniligtas na naman siya ni Midnight Alex.
Sa pagsunod niya dito ay natagpuan niya rin na sa Dark Street ito nakatira.
Liblib at talagang hindi pa niya naisama si Zeno kaya kinakabahan na siya.
"Anong ginagawa mo dito? Magpakilala ka!"
Tinapat nito ang espada sa kanyang likod.
Tinaas niya ang dalawnag kamay niya.Dahan-dahan na lumingon at ngumiti sa dalaga.
"Hindi ako masamang tao, gusto lamang kitang makilala nang lubos."
Malumanay na pagpapaliwanag ni Kyro rito kay Alex.
"Hindi ba ay labag sa batas ang pagsunod sa isang tao nang walang permiso?"
Matapang na pagsagot sa kanya nito.
Siya ay napangiti lalo.
Ito talaga ang tipo niya, yung palaban.
Natatawa na lamang si Kyro sa sagot ni Alex sa kanya.
Wala pa rin ideya na ito ay si Prinsesa Alessia.
Kabang-kaba si Alessia buti na lamang ay pag-uwi niya sa Dark Street ay nakasuot pang-alis pa siya at kumpleto pa rin ang suot niya sa Black Arena na maskara at kapa.
Ibinaba na rin ni Alessia ang espada niya at inilagay sa lalagyan.
Lagi niyang dala ito, bigay ng kanyang tatay-tatayan upang protektahan ang kanyang sarili maliban sa mga armas na pwedeng hiramin sa Black Arena kapag lamang lalaban.
"Hindi naman ako masamang tao, gusto ko lang malaman ang iyong pagkatao."
Ngumisi si Kyro kay Alex na parang nagtataka na kanina pa sa kanya.
"Anak, tara na sa loob. May inihanda ang iyong ina."
Sabi ng matandang lalaking lumabas, ang tatay ni Alessia na nag-ampon kanya dati.
Napatingin ito kay Kyro na kinakabahan na. Inayos pa nito ang suot.
"Oh, sino iyang binata? Iyan ba ang iyong natatangi? Hindi mo man lang papasukin sa ating tahanan? Dabil ngayon ka lamang nagdala ng binata sa ating tirahan."
Natawa si Kyro sa sinabi ng ama ni Alex.
"Hindi ho. Maaari pong sa susunod ay maging na po."
Sabi ni Kyro kaya hinampas siya ni Alex sa balikat.
"Biro lang po."
Natawa naman ang tatay ni Alessia sa narinig kay Kyro.
Hindi alam ni Alessia ay alam ng kanyang tatay na dating kawal sa palasyo na ito ang nagiisang anak ng mga Augustus, ang prinsipe.
Dati kasi siyang kawal kaya napadpad si Alessia sa kanila para proteksyonan.
Pamilyar ang kanyang mukha.
Siguradong siya ang mahal na prinsipe.
Batid nito sa kanyang sarili.
Umupo si Kyro sa lumang silya nila Alex.
Hindi mapakala dahil hindi siya sanay.
Luma ang kanilang kabuoang bahay.
Pero nakita niyang kakaiba sa nakasanayan ang mga inihain ng nasabing ina ni Alex.
Dahil iba ang pagkain sa palasyo.
"Sinong itong nakakabighaning binatang dala mo, Ale---?"
Natutuwang sabi ng kanyang ina habang sumesensyas si Alessia gamit nag hintuturo sa kanyang labi para sabihing isikreto ang kanyang pangalan.
"Alex! Oo, Alex. Sino siya?"
Dagdag ulit nito na ikinatawa rin nito.
"Ako po si August, kaibigan ng iyong anak."
Habang hindi pa nakukuronohan ang prinsipe. Hindi pa pwede itong magpakilala sa ibang tao.
Upang proteksyonan din ang kanyang katauhan.
Kaya isang bansag na lamang ang kanyang kailangan ipakilala.
"Akala ko naman iniibig."
Tumawa ang kanyang ina. Lumabas sa silid ang dalawang maliit na bata.
"Sino po siya, ama?"
Sabi nung batang lalaki.
"Oo nga po! Nakakatuwa may bagong bisita."
Sabi nung batang babae.
"Magpakilala kayong dalawa."
Isang babae at isang lalake.
Magkamukha pero magkaiba ng kasarian.
Isang kambal.
"Ako si Francis!"
Sabi ng lalaking kambal.
"Ako naman si Amore."
Sabi nung isa pang bata, iyong babae kambal.
Napangiti si Kyro, hindi niya akalain na makikilala niya ang pamilya ni Alex.
Frank at Samantha Arellano ang pangalan ng ama at ina kinikilala din ni Alessia.
"Hindi mo pa po ba aalisin ang iyong maskara, Ate Alex?"
Hindi mapigilan na sabihin ni Francis.
Nagkatinginan ang ama at ina ni Alessia.
"Hindi pwedeng makita ni August ang aking malaking sugat sa'king mukha."
Sabi ni Alex sa mga ito.
"Aba ay lantakan na lamang natin ang ating mga pagkain sa lamesa. Wag mo na iyong problemahin."
Sabi ng ama ni Alessia.
Umubo naman si Alessia.
"Tayo ay mag-usap muna, August. Kailangan nating mag-usap sa labas."
Pawis na si Alessia akala niya makakapahinga siya sa isa pa nilang bahay maliban sa palasyo.
Ayun pala, may asungot na pupunta at puputulin ito.
"Hindi mo na pwedeng itong gawin ulit, August. Kahit kaibigan kita. Masyadong mahalaga ang aking totoong katauhan."
Sabi ni Alex.
Kahit alam niyang bukas naman ay magkikita sila para naman sa kanyang kaarawan.
Hindi pa kasi ito ang oras para malaman niyang si Alessia Marcella at Midnight Alex ay iisa.
Hindi pa ito ang tamang panahon.
Upang magawa pa rin niya ang kanyang hangarin na malayang makapasok sa Black Arena ng hindi nabubuko.
Siguradong pagbabawalan siya ng kanyang kababata, ang prinsipe Kyro Augustus.
Baka nga isumbong pa siya nito kay Zeno Willard na pinsan din nito, ang naghahatid ng mga chismis sa palasyo at makarating sa kanyang totong ama at ina.
"Magkikita pa rin naman tayo, hindi ba?"
Nagdilim ang ekspresyon sa mata ni Kyro.
"Oo naman pero pribado ko itong buhay."
Banggit nito at nalungkot na rin.
Kasi ayaw niyang maging malapit kay Kyro bilang Alex.
Kung hindi ay bilang Alessia Marcella, ang kanyang tunay na pagkatao.
"Aalis ako ngunit ibibigay ko itong papel kung saan ay may iginuhit na ako bilang tanda ng ating pagkakaibigan. Huwag mo itong iwawala. Ibalik mo ito sa akin kapag handa ka nang magpakilala. Dahil sana sa susunod ay makilala na kita nang lubos at malaman ang iyong tunay na pangalan. Ako'y lilisan na."
Mahabang pasabi ni Kyro kay Alex sa likod na si Alessia na hindi pa niya nakikilala.
Iniabot niya ang guhit ni Prinsesa Alessia na ibinigay noon ni Alessia kay Kyro, ngayon na para kay Alex.
Napangiti sa loob-loob ni Alex dahil sa ginawa ni Prinsipe Kyro.
Akala nga niya kilala siya ni Kyro bilang Alessia pero mukhang hindi.
Ibabalik din pala sa kanya ang kanyang iginuhit.
TInanggap niya na ito at lumisan na si Kyro sa harapan niya.
Lumabas ang kanyang ina.
"Bakit hindi mo siya pinapasok at pinakain sa loob ng bahay? Ayaw mo bang malaman niya ang iyong katauhan? Hindi ba't siya ang iyong mahal na kababata noong pumasok ka sa palasyo pagkatapos ka namang alagaan noong bata kang naibigay sa-min?"
"Ngunit ina, hindi niya dapat ako makilala sa katauhang ito. Ang gusto ko lamang itago iyon, dahil barumbado si Alex at hindi niya kailanman makikitang isang babae. Ang aking katauhan bilang Alessia ang gusto kong kanyang magustuhan. Ngunit buong buhay niya na kong hindi napupusuan, hindi nakikita."
Nalulungkot nitong pahayag sa kanyang ina, na niyakap na lamang siya.
Bukas na ang kaarawan ni Alessia Marcella at ang kaarawan ulit ni Deon na inihanda na noon dahil sa gusto niya ulit maghanda para sa natapos niyang kaarawan.
Kahit ang totoong may kaarawan ay si Alessia.
Ang dalawa sa kanilang prinsesa sa Elysian Kingdom.
Naghahanda na si Kyro Augustus sa kanyang pagpunta sa kaarawan ni Alessia bilang kasama nito pero hindi niya matanggal sa isip niya si Midnight Alex.
Hindi naman niya siguro balak seryosohin ang dalaga.
Bakit siya nagkakaganito?
Nimukha nga nito ay hindi niya alam.
May malaki pa daw itong sugat sa mukha o peklat ayon kay Alex.
Kaya naman siguro ay ganon na lamang ang pagtatago nito ng mukha.
Nagkakagulo ang lahat, bali-balita ay ngayon lang ipapakilala si Alessia Marcella bilang prinsesa dahil noong bata siya ay nawala siya sa palasyo buong buhay niuya.
"Nakakabighani ang itsura ni Alessia at ng buong lugar ngunit hindi pa rin ako mapakali."
Bigkas ni Kyro sa kanyang sarili.
Bakit nga siya sinama ni Alessia?
Itong babaeng ito ay kababata niya noon pa man.
Pero hindi sila masyadong malapit sa isa't isa dahil na rin siguro sa kasarian bilang babae at lalaki.
"Lady Alessia Marcella."
Banggit ng lalaking tagapagsalita.
Lumabas si Alessia na nakakulbit ang kamay kay Kyro.
"Lord Kyro Augustus."
Ngumiti naman si Kyro sa mga nakuha ng litrato.
"Simula na ang sayawan!"
Sabi pa nitong tagapagsalita sa lahat.
Si Alessia lamang ang walang maskara sa mga kababaihan dahil sa pakulo ni Deon Marcella.
Habang si Kyro ay nakasuot nito.
"Nasaan ang iyong maskara, Prinsesa Alessia?"
"Hindi na kailangan, mahal na prinsipe. Ako naman ang bituin ng gabing ito."
Sabi ni Alessia sa kanya.
Kinabahan naman siya doon.
Sila ay nasa gitna.
"Tayo ay sumayaw."
Hindi makatingin si Alessia kay Kyro na kanina pa nakangiti.
Nakita ni Deon si Alessia at Kyro na nagsasayaw ay siya ay biglang lumapit.
Gamit at suot ang puti nitong gown pati maskara nito na kalahati ng mukha ang nakatakip.
Noon pa man ay napapansin ni Alessia si Kyro na malapit din sa kanyang pinsan.
Nakatingin si Alessia kay Deon Marcella, usap-usapan na dating kasintahan ni Kyro sa malapit lamang nakatayo.
Para kay Alessia ay may laban naman ang suot rin ni Alessia na asul na gown.
**