Crown 10 – Crazy Escape
Nakangisi si Kyro sa kanyang trono pero totoong inisip ay kung paano makakaalis.
May plano na silang dalawa pero hindi pa rin nila alam kung magiging maayos.
Ngayon ay gusto na niyang lumisan dahil nabanggit ang kanyang pinsan na si Axel Tresvenor.
Nasa gilid ang tatlong binibini ang kanyang mga asawa, mga pang-gulo sa eksena.
"Bakit ka ba may maskara? Siguro ay hindi kaaya-aya ang iyong itsura?"
Tumawa si Yanes at tumingin kay Leyla.
"Oo nga, siguro ay ikaw ay may balat o kung ano."
Tumawa nang mas malakas si Leyla, nang-aasar.
Pero hindi natinag si Alex.
Si Deres naman ay nakangisi kay Prinsipe Celestino sa di kalayuan.
Napagdesisyonan na lamang ni Alessia na lumapit sa gilid ni Kyro sa trono bago iyon ay may gusto siyang sabihin.
Si Alessia naman ay hindi na pinagtaka ng mga ito dahil sinabi niya bago siya lumapit kay Kyro,
"Ako ay may peklat sa buong mukha kaya hindi kaaya-aya ang aking itsura kaya ako ay may maskara."
Sinabi niya ito sa tatlong asawa ni Prinsipe Celestino ala Kyro nangulit ngayon sa kanya.
Nagulat siya nang bigla siyang pinaupo ni Kyro sa kanyang mga hita.
"Kailangan na nating umalis mamaya."
Sabi nito sa kanyang tenga, malumanay.
Nagulat si Alessia at nag-init ang mukha niya sa hiya.
"Hindi mo naman kailangan akong yakapin. Manyak."
Tumawa si Kyro sa sinabi ni Alex kaya lalo niya itong niyakap.
"Kailangan nating maging kapanipaniwala. Kasi asawa kita dito."
Sagot pa ni Kyro na ikinagulo nang utak ni Alessia.
Hindi mapakali si Alessia kung saan titingin kay Kyro.
Tumunog naman bigla ang napakaromantikong kanta.
"Sasayaw tayo, mahal ko. Lilinlangin pala nila tayo. Tayo ang lilinlang sa kanila."
Bulong niya kay Alex, natutuwa sa kanyang sinabi.
Hinampas siya nang mahina ni Alessia sa balikat at tumawa.
"Ulol ka talaga. Bwisit. Lapastangan. Hindi mo naman ako kailangang ganitohin."
Bulong ni Alessia kay Kyro.
"Mali ka at ako ang tama. Kailangan ito para maging makatotohanan."
Ngumiti ulit si Kyro, medyo kapilyuhan ang naiisip.
Tumayo na si Alessia at sumunod si Kyro sa gitna.
Sumayaw silang dalawa habang naalala ang nakita nila sa kusina.
Sumayaw si Alex at Kyro sa gitna habang nagsimula nang kumain ang iba at iba ay nagsayawan.
"Hindi ka pa rin nagbabago, matalino ka pa din."
Sabi ni Kyro kay Alessia, nakangiti sa kanya.
"Ikaw din, mahal na prinsipe Celestino ala Kyro."
Nag-apir sila noong nakalabas sila.
Nilagyan nila nang pang-papalakas nang kabag ng tyan ang mga pagkain.
Kaya naman nagkagulo-gulo ang mga tao.
May mga kumain na kaya naman ay nalaglag ang mga plato at iba naman ay nagsitakbuhan.
Hanggang sa pinakadulo nang pintuan ay lumabas si Kyro at Alex.
Tumakbo nang napakabilis.
Hindi pa rin sila nakakaalis.
Nang malaman ni Axel na nawawala si Alessia ay nagtataka siya.
Ngunit si Kyro ang dapat lamang na nawawala.
"Hindi kaya magkasama si Alessia at Kyro?"
Nagtatakang tanong ni Axel kay Avery.
May pangamba si Zeno sa loob niya.
Ano kayang pakiramdam maging isang Tresvenor?
Ngayon lang niya nabatid.
Habang nakatitig nang maigi si Avery Marcella kay Axel na malalim ang iniisip.
"Hindi naman siguro."
Hinila niya si Avery pagkatapos niyang ibinababa pagkatapos habulin nang baboy ramo ito kanina lang.
Hinding-hindi siya maiinggit.
Hindi iyon ang kanyang hangarin.
Hindi naman siguro gusto ni Avery si Axel hanggang ngayon.
Pagtanggi niya sa kanyang isip.
Mababaling din yan sa'kin.
Pagkapositibong pagiisip nito sa kanyang sarili.
"Ayos ka lang ba? Ayun ang importante ngayon."
Tinignan maigi ni Zeno si Avery.
Ngumiti ito sa kanya at tumango, medyo naalibadbaran sa kanyang malapit na sabi nito sa kanyang mukha.
"Gusto mo buhatin na lang kita sa likod ko?"
Ngumisi si Axel kay Zeno, medyo naiintindihan na ang mga pahiwatig ni Zeno kay Avery.
"Hindi na."
Umiling si Avery.
"Mabigat ako, Axel."
Tumawa siya at tumingin kay Axel.
"Mas matangkad ako."
Ngumiti rin si Zeno nang nakatingin kay Axel.
"Ako na lang."
Sabi ni Zeno kay Avery habang may iba pang ibig sabihin na hindi nito napansin.
"Ako na lang ang bubuhat sa'yo."
Sabi ulit ni Zeno kay Avery.
"Hindi na, ayos lang ako, Willard."
Nagtaka si Zeno sa tawag ni Avery sa kanya.
Napangiti lalo si Axel na parang nanalo na naman.
"Ako naman bubuhat sa kanya."
Kinuha ni Axel ang kamay ni Avery kaya naman binuhat na ulit ni Zeno si Avery.
"Magiging parehas din kayo ni Kyro."
Bulong ni Axel sa kanilang dalawa.
"Alam kong ikakasal na siya ngunit hindi kay Alessia."
Banggit ni Axel habang kinuha na si Avery kay Zeno na natigil.
Malapit na sila sa isang bukid.
Nasa likod ni Axel si Avery habang nakaalalay si Zeno sa likuran nilang dalawa.
Walang nagawa si Alessia.
Kung hindi magtago na naman sa isa pang kagubatan kasama si Kyro, nakita niya sa kalayuan.
Pero nahuli sila nang mga kawal.
Kaya naman ay pumasok muli silang dalawa sa loob.
"Hindi ba pwede na lumaban na lang tayo?"
Bulong ni Alessia.
"Gusto ng mga Tresvenor. Maghari pero hindi maaari. Magtago na lamang tayo sa gubat."
Sabi ni Kyro habang lumiko sa palabas sa daanan.
Hindi alam ni Kyro na mawawala si Alex sa kanyang paningin.
Nagkahiwalay sila sa sobrang pagtakbo.
May mga baboy ramong lumapit kay Alessia.
Wala siyang kahit anong sandata maliban sa kahoy na napulot niya.
Hinabol ni Kyro ang kanyang hininga dahil sa sobrang pagtakbo.
Nahuli ni Kyro kung nasaan si Alex.
Pero parehas silang tumakbo.
Nang malaglag sa bangin si Alex.
Nanlaki ang mga mata ni Kyro nang mabitawan ni Alex ang kanyang kamay.
Tumakbo ulit si Kyro para maghanap nang daan papunta sa nilaglagan ni Alex.
Ngunit siya ay hinabol nang mga baboy ramo sa kaliwa kung saan kabaliktaran ng bangin kung saan nalaglag si Alessia.
"Hanapin niyo sila, bilisan niyo. Katangahan nang lubos! Ito ang mapapala mo kung mawawala si Kyro sa'tin."
Nakarinig si Kyro nang putok nang baril dahil sa pagbaril sa kasamahan nito.
Napatago si Kyro sa mga damuhan.
Naalala niya si Alessia ngunit nasa kabilang dako na ito nang gubat.
"Paano na si Alex?"
Nag-aalalang tanong nito sa kanyang utak.
**