Chereads / Somewhere Only We Know (Completed) / Chapter 17 - Crown 16 – Island of Heartbreak 

Chapter 17 - Crown 16 – Island of Heartbreak 

Crown 16 – Island of Heartbreak

"Hindi ba dapat nating pagusapan ang paggawa ko ng mga liham sa'yo. Kaysa ang ugnayan si Deon at Kyro pati ni Alessia. Ako nga pala, ang iyong bagong kasulatan simula labing-isang taon pa lang tayo. Kaya hindi tayo pwede mag-usap kasi alam kong si Axel Tresvenor yung gusto mo."

Pagpapaliwanag ni Zeno ng nakangiti.

Pinaharap ni Zeno ang balikat ni Avery sa kanya para dumungaw ng atensyon sa dalaga.

Hindi makapagsalita si Avery kay Zeno kasi naguguluhan na siya sa kanila ni Axel na matagal na niyang gusto.

Hindi ito nagpapadala ng litrato.

Simula nung labing isa pa lamang sila.

Ayun pala ay napupunta sa maling tao ang kanyang mga likha at pagkwento ng kanyang buhay.

Nakita ni Kyro ang mukha ni Midnight Alex. Nagulantang siya.

Hindi niya alam kung bakit siya nalungkot na si Deon pala si Alex.

Bakit siya nagtaka?

Bakit siya naguluhan?

Hindi niya alam na si Deon pala ay magaling makipag-away.

Nagtitigan sila.

Hindi niya alam kung bakit siya malungkot.

Dahil ba kay Alessia? Dahil sa halikan nila ni Alessia.

Bago iyon, ngayon lang nagkaroon ng pagbabago ang tingin niya kay Alessia.

Kumbaga, nakaramdam siya ng bago.

Pero kay Alex, nung nalaman niyang ang dati niyang kabiyak na niloko siya ang taong gusto niya ngayon.

Parang may kung anong pumasok sa puso at isip niyang pangamba.

Niyakap pa rin niya ito pero puno ng pag-aalala ang puso niya.

"Hindi ako makapaniwala na ikaw si Alex."

Napangiti na rin siya kasi ito ang kanyang bagong natitipuhan.

Akala niya pagkakaibigan lang. Bakit ganito?

"Siguro nagulat kita. Ako yung hinahanap mo."

Natahimik si Kyro.

Naalala niya si Alessia.

Ayaw niya kasing balikan pa si Deon pero ito si Alex.

Yung babaeng nakasalamuha niya sa hirap. Sa mga labanan.

Napangiti siya. May kung anong pumasok na tabing sa kanyang lalamunan.

Pero nalunok niya rin ito agad parang ganoon. Natanggap na niya.

Natahimik si Kyro at lumingon muna para makapag-isip

"Naalala ko bigla ang una nating pagkikita, yung kabayo, yung pagkakaibigan natin, ang pamilya mo at higit sa lahat, nagpanggap tayo na na mag-asawa."

Pero umalis bigla sa kanyang harapan si Alex.

Nawala ito sa paningin niya sa loob ng barko.

Hindi nito narinig ang kanyang sinabi, parang nawala na parang bula.

Nagkaroon ng usok sa likod ng barko.

Lumapit si Alessia sa gilid ni Kyro.

Nakita rin niyang lumapit si Axel, nagtataka.

"Anong nangyayari? May sira ba ang barko?"

Sabi ni Kyro kay Axel, nakakunot ang noo.

"Siguro hindi ko alam, malay ko. Kapit lang kayo dyan baka malaglag kayo sa barko."

Kaso nga lang naout balance si Kyro at nalaglag sa barko.

Tumalon si Alessia para sagupin ang hindi marunong lumangoy na si Kyro.

Bumaba rin ng barko si Axel para sagupin si Alessia.

Kaya nga lang, naiwan sila ng barko.

"Lumangoy na lang tayo sa islang iyon."

Sabi ni Axel, itinuro ang isla. Naaasar.

"Marunong ka bang lumangoy, Kyro. Kaya mo pa ba?"

Tanong ni Alessia kay Kyro, nag-aalala.

"Marunong na ko lumangoy, bakit kasi bumaba kayong dalawa?"

Natatawang sabi ni Kyro, medyo natuwa pa rin sa ginawa ni Alessia.

Lumangoy sila sa sa malapit na isla.

"Nagugutom na ko."

Sabay hawak ni Kyro sa kanyang tyan.

"Sino ba kasing may kasalanan sa taong hindi marunong kumapit at nalaglag sa barko?"

Nakangising sabi ni Axel kay Kyro, pero seryoso pa rin pagkasabi niya.

"May mga prutas ata dito."

Sabi ni Alessia, itinuro ito.

Nagulat sila kasi umakyat ng puno si Alessia.

"Anong ginagawa mo dyan?"

Natatawang sabi ni Kyro kay Alessia.

"Paano ka nakakaakyat?"

Tanong ni Axel, nagalit.

"Syempre gamit paa at kamay."

Pilosopong sagot ni Alessia, natutuwa sa dalawa lalo kay Kyro.

Naalala niya ang pagkabata nila ni Kyro.

Minsan paglumalabas sila ay naakyat sila sa puno o kaya naglilibot at nagpapanggap na normal na tao at hindi dugong bughaw.

Kumain sila ng tag-iisang mangga na nakuha ni Alessia.

Binalatan nila ang dilaw na mangga gamit ang ngipin dahil sa lambot nito.

Nakita nilang naglakad si Axel sa loob ng gubat, gustong may gawin.

"Ako na bahalang maghanap pa ng kakainin."

Sabi ni Kyro pero pinigilan siya ni Axel.

"Sama na ko."

Sabi ni Axel.

Iniwan nila si Alessia para mas maganda kung nandoon lang siya sa harapan. Dahil mapanganib.

Nagkahiwalay si Axel at Kyro. Hindi makita ni Kyro si Axel.

Muntik na mag-gabi kaya naman lumakad na lang si Kyro pabalik pero wala pa rin si Axel doon.

Napaupo si Kyro sa tabi ni Alessia na may dalang mansanas.

"Bakit mo ko hinalikan?"

Tanong agad ni Alessia na ikinagulat ni Kyro.

"Ikaw bakit ka umalis nung hinalikan mo ko pabalik?"

Tanong pabalik ni Kyro habang nakangisi.

"Ikaw muna. Sumagot sa tanong."

Natatawa si Alessia sa narinig kay Kyro.

Tumingin maiigi si Kyro kay Alessia.

"Kasi asawa kita."

Nagkatitigan silang dalawa habang nakagat sa mansanas na nakuha ni Kyro.

"Anong sinasabi mo dyan? Wala pa kong asawa. Bata pa ko."

Nahalata na kaya ni Kyro na ako si Alex? Sabi-sabi niya sa utak niya.

Kasi nagpanggap kami noon na mag-asawa bilang Alex.

Pero nilalaliman kasi niya ang boses niya pag siya si Alex kaya hindi nito mahahalata.

"Itinakda ako sa'yo dahil ako ang unang prinsipe. Sa'yo ko pa lang 'to sinasabi. Walang nakaaalam na ako ang susunod na hari."

"Anong koneksyon ko sa pagiging hari mo?"

Sagot naman ni Alessia. Kumagat ulit sa mansanas.

Kitang kita ang paglubog ng araw.

Hindi pa rin nalalaman na nawawala silang tatlo.

Dahil sa laki ng barko.

"Ikaw ang unang prinsesa ng Marcella. Natural na ikaw ang reyna."

Sabi ni Kyro ng seryoso ang mukha.

"Paano kung sabihin kong ayaw kong magpakasal sa'yo?"

Pabirong sabi ni Alessia, gustong makita ang reaksyon ni Kyro.

"At ayaw kong maging reyna?"

Dagdag pa niya para subukan kung anong sasabihin nito.

"Pero may natitipuhan na ko. Naguguluhan na nga ako sa inyong dalawa."

Pag-amin ni Kyro ay nanlaki ang mata ni Alessia.

Tila para siyang natabunan ng malaking bato sa ulo. Ay hindi, kanyang puso pala.

Si Avery ba o Deon? O ibang babae? Pagtataka ni Alessia. Wala siyang ideya kung sino.

Medyo may kumirot sa kanyang puso.

Hindi niya namalayan.

Kuryosidad ang pumasok sa kanyang utak.

Sino ang maswerteng babaeng iyon?

**