Chereads / Somewhere Only We Know (Completed) / Chapter 18 - Crown 17 – Dance With Confusion

Chapter 18 - Crown 17 – Dance With Confusion

Crown 17 – Dance With Confusion

"Sino ba talaga si Alex?"

Tanong ni Zeno.

"Kapatid ko, si Alessia ang totoong Midnight Alex."

Sagot ni Avery kay Zeno.

"Sasabihin ko na kay Kyro."

Bulong ni Avery na may halong galit.

"Mas maganda kung huwag na para alam natin kung may gusto si Alessia kay Kyro. Hayaan mong siya ang magsabi. Makakatulong yan sa kanilang dalawa."

sabi ni Zeno.

Hinila ni Zeno si Avery palayo kay Kyro at Deon.

Nakita ni Zeno kung paano tumalon ang tatlong hayop sa malayo.

Pero hindi niya alam kung bakit.

Basta ang alam niya ay baka gusto lang nitong lumangoy.

Napahawak siya sa nasirang hawakan kaya siguro nalaglag.

Hindi pa rin nakakabalik simula kanina yung tatlo: Axel, Kyro at Alessia.

Sinumbong na ni Zeno na nawawala sila kaya bumalik ang barko pero tumagal ng kaunti.

Nagmukmok si Alessia at Kyro at natahimik.

Dumating din si Axel.

Dala ang maraming prutas.

"Hindi niyo man lang ako hinananap."

Bulong ni Axel.

Nakahiga si Alessia sa tabi ni Kyro.

Nag-aalala si Alessia habang nakapikit at nagpapanggap lang na tulog pero hindi siya makatulog.

"Isa kang lalaki. Hindi ba't dapat hindi ka tumatabi sa isang dalaga? Takot tuloy ako."

Pang-aasar ni Alessia kay Kyro na nasa tabi niyang nakahiga sa mga malalaking damong nakita nila kanina.

Pinagmamasdan niya si Alessia na nakahiga.

"Paano pag si Alessia ang napangasawa ko tulad ng sabi ng mga magulang ko? Itong mukha ang makikita ko sa umaga at gabi. Walang tatanggi sa kanyang mukha. Pero mas nababahala ako kapag hindi ko na nakita si Alex pero si Deon ang totoong siya."

Bulong niya sa sarili niya.

Napapaisip na tuloy si Kyro.

Masyadong masakit ang kanila ni Deon pero iba si Alex.

Bakit kaya hindi ko na lang tanggapin ang pag-ibig na ito?

"Ang mga lalaki ay mga lobo. Nangangain ng buhay kapag dating sa mga babae. Lalo pa sa babaeng tipo niya. Bakit ka naman nagtiwala agad sa'kin at talagang natulog na. Akala ko ba nakakatakot ka?"

Tumawa si Kyro sa natutulog na si Alessia.

Imbis na magsalita, nagpanggap na lang si Alessia na tulog pero hindi siya mapakali.

Baka halikan siya ni Kyro.

Pumikit siya nang madiin.

Hindi niya maintindihan ang balak ipahiwatig ni Kyro tungkol sa mga lalaki at babae.

Kasama kaya ako sa mga tipo niya?

Kasi lumalim ang gabi at talagang nakatulog siya. Walang Kyro ang natatnan niya sa tabi.

May mga dalang pailaw.

Ang mga nasa bangka.

Nahuli kung nasaan silang tatlo.

May mga nakahanap pala sa kanya.

"Ang mga magulang niyo po ay nasa kabilang isla na."

Sabi nung lalaking nagpapaandar ng bangka. Nagsakayan sila sa bangka.

Sobrang tuwa nila ng may nakakita sa kanila.

Mas magulat sila ng sobrang seryoso ni Zeno sa loob ng bangka.

"Kumusta ang bakasyon?"

Pang-aasar ni Zeno sa kanila.

"Nag-aalala na si Avery sa isla, napaihi na sa damit niya dahil sa sobrang takot."

Tumango si Kyro at tumawa.

"Iningatan namin si Alessia kaya wag kang mag-alala din."

Sabi ni Kyro kay Zeno.

Nakapunta na sila sa isang mas magandang isla at mas malawak.

May mga pailaw sa taas.

Maliwanag at may mga pagkain ng nakahain sa lamesang malawak.

Nagsimula ng magpatugtog ng mga tugtog doon.

Lumapit si Avery kay Zeno.

"Paano natin sila mapagsasama? Gusto ko si Alessia para kay Kyro."

Sabi ni Avery kay Zeno.

"Importante ay magselos si Kyro kay Axel. Alam kong baliw si Axel kay Alessia."

Sagot ni Zeno. Base sa tono ay seryoso na siya.

"Ikaw ba, may naisip ka kung paano mo ako magugustuhan?"

Tumawa si Avery.

"Nako, Willard. Alam mong may gusto ako kay Axel. Pasensya na."

Umiling si Zeno.

"Hihintayin kita."

Sa pagsabi niya noon ay hinatak niya si Avery sa gitna ng sayawan.

Nagpalit na si Axel, Alessia at Kyro ng mga kasuotan bago kumuha ng plato si Alessia.

Balak niya sanang kumain pero hinila siya ni Axel.

Akala niya si Kyro.

"Sayaw muna tayo. Maaga pa."

Sabi ni Axel.

"Alessia, magpapaalam na ko sa'yo. Kung sakaling, kayo man ni Kyro at hindi ako naging hari. Alam kong si Kyro ang pipiliin mo. Kayo na ba talaga ni Kyro? Sa halik pa lang ay alam ko na."

Sabi iyon ni Axel pero hindi siya naniniwala.

Siya ang magiging hari.

"Hindi ito ang tamang oras. Mahal na mahal kita noon pa man Alessia. Pero gusto mo ba si Kyro. Kasi kung oo, gusto ka rin niya. Kasi kung hindi, kukuhanin kita sa kanya."

Seryosong banggit ni Axel habang tinigtignan si Alessia sa gitna ng pagsayaw.

"Hindi pa rin, ayaw pa rin niya sa'kin. May iba siyang iniisip na babae."

Sagot ni Alessia.

"Baka si Avery o Deon." 

Pagliligaw ni Axel kahit alam niyang hindi ito ang totoong mahal ni Kyro.

"Kita ko sa kanya na mahalaga pa rin sa kanya ang noon kung si Deon at kung si Avery naman ay ingat na ingat niya kaso parang kapatid."

Sabi ni Axel.

"Axel, matagal ko ng hinahahangaan si Kyro. Hindi kita pwedeng paasahin."

Sabi ni Alessia na may lungkot.

"Kaya naman, wag mo na kong hintayin."

Umiling si Axel.

"Maaari ko na ba siyang isayaw rin?"

Sabi ni Kyro kay Axel.

Lumapit siya kay Alessia at Axel na nagsasayaw sa gitna.

Tumango si Axel.

Hindi si Alessia ang totoong naninanais niya.

Kung hindi si Avery Marcella pero saan ang pagibig kung ang pangarap ay hindi maaabot.

Masayang masaya si Zeno kay Avery.

Napatingin si Axel kay Zeno.

Kasinungalingan pala ang lahat ng tungkol kay Alessia.

Umalis si Axel sa gitna. Umiwas si Alessia.

"Kakain muna ako. Nagugutom na ko."

Sabi ni Alessia.

Nilapitan siya ni Kyro sa lamesa na may pagkain.

"Mukhang may alitan silang dalawa." 

Tumawa ang ama ni Alessia, Aeroll Marcella.

Nakatingin sa malayo sa kanilang dalawa. Nagiinuman.

"Dadating din ang panahon, malalaman din ni Alessia ang gusto niya."

Sabi ng ama ni Axel, Alesander Tresvenor.

"Mukhang hindi sila sigurado sa isa't isa."

Sabi ng ama ni Kyro, Dashiel Augustus.

"Baka hindi si Alessia ang kanyang gusto. Si Avery ang panganay mong anak, kailangan mo ba sasabihin."

Bulong ni Alesander.

**