Chereads / Somewhere Only We Know (Completed) / Chapter 22 - Chapter 21 – Exchanged Letters

Chapter 22 - Chapter 21 – Exchanged Letters

Chapter 21 – Exchanged Letters

 

Umalis nang mabilis si Alessia sa harapan ni Kyro. Tumakbo siya sa malayo. "Magkikita rin tayong muli, Kyro." Sabi ni Alessia bago lumingon palayo kay Kyro.

 

Natapos ang araw na may kung anong pagdiriwang sa isip ni Kyro. Hindi niya alam kung saan galing ang siglang meron siya. Nagkaroon siya ng lakas na manalo sa paligsahan. Nakalima siyang usa.

 

Hindi alam ni Alessia kung bakit andito sila ni Zeno sa isang kainan para magkita. Gusto ba talaga ng mga magulang niyang ipares kay Zeno Willard?

 

"Magandang araw, Alessia." Ngumisi si Zeno kasi imbis na si Kyro na kanyang inaasahan na pupunta ay wala rito. Anong kalokohan naman ito?

 

"Wag kang mag-alala. Pumunta lang ako para sabihin ang katotohanan." Nakangiting sabi ni Zeno sa nakatayo sa gilid ng upuan na si Alessia. Nakakunot ang noo at nagmamatyag sa kanyang mukha at plano.

 

"Anong katotohanan? Ipinagkasundo ba ko ng ina sa iyong ama?" Tanong ni Alessia na halong pait.

 

"Maupo ka muna, Alessia. Kalma ka lang." Pahayag ni Zeno at lumapit na kay Alessia.

 

"Wag ka ng maghintay. Puntahan mo si Kyro." Payo ni Zeno habang nakaupo na sa harapan ni Alessia. May lamesa sa kanilang gitna.

 

"Sila ba ni Avery ang nag-usap na magkita rin tulad natin?" Tanong ni Alessia na may pag-aalala sa boses.

 

"Basta ang alam ko, si Midnight Alex ang gusto ni Kyro at hindi si Deon Marcella." Pagkasabi ni Zeno nun at tumayo si Alessia papuntang pinto palabas.

 

"Magtiwala ka sa'kin ako ang kanyang malapit na pinsan!" Sigaw pa ni Zeno sa malayol. Kahit talaga namang paniwalang-paniwala na ito. "Nasa bilihan sila ng wedding gown!" Dagdag pa nito sa kanya.

 

Nagdaan si Alessia sa may mga Flea Shops. Maraming nagtitinda bago pa ang mga tindahan ng wedding gown.

 

Nagulat siya ng may humila sa kanya sa gilid ng eskinita. "Huwag kang maingay. Ipagkatiwala mo ang sarili mo sa'kin. Marami kasing kawal na nahabol sa'kin." Tumakip si Kyro sa katawan ni Alessia kasi may dumaan na mga lalaking may espada, kawal ng palasyo.

 

"Paano ang paghahanda niyo sa kasal niyo ni Avery? Paano ang kasalan?" Tanong ni Alessia kahit ayaw niya sanang mangyari ito. Kahit kailan.

 

"Hindi ako pumunta sa paghahanda ng kasal kasi inaalala kita." Nakangiting sabi ni Kyro. Alam niyang may pagtingin sa kanya ang kababata niya noon pa man. Yun lang ba ang rason? Naguguluhan siya.

 

Naalala ni Kyro ang sinabi ni Zeno nung isang araw. "Pag-uulit ko, hindi si Deon si Midnight Alex, naiintindihan mo ba?" Seryoso si Zeno sa sinabi.

 

"Si Alessia ang tanungin mo." Ngumisi na parang gago si Zeno. "Ano ba talaga?" Kinwelyuhan niya si Zeno.

 

"Siya si Midnight Alex. Si Alessia Marcella. Hindi si Deon Marcella. May pagkahina ang iyong ulo." Natatawang banggit ni Zeno. "Wag mo nga kong awayin. Gusto ko lang na walang ibang pipila pagdating kay Avery Marcella. Akin lang siya. Alam mo na?" Tumawa na si Zeno at tinulak si Kyro palayo.

 

"Matagal mo na kong gusto hindi ba?" Ngumiti na parang napakasaya ni Kyro kay Alessia. Alam ko na ang iyong sikreto. Sabi niya sa utak mo. Kaya pala hindi ako mapalagay. Dagdag niya pa sa utak niya.

 

"Anong ibig mong sabihin? Inaasar mo ba ko, Kyro?" Pagsusungit ni Alessia kay Kyro kahit ang lapit ng sobra ang mukha nito. "Alam kong ikaw ang panganay na anak ng mga Marcella." Pagdiin niyo ng mga sinabi.

 

Umiwas ng tingin ni Alessia. "Panganay akong anak pero anak ako sa labas ng aking ina." Malungkot nitong sabi sa kanya. Kinuha nito ang baba ni Alessia. at pinaharap sa kanya.

 

"Magiging asawa din kita." Seryosong sabi ni Kyro kay Alessia.

 

"Mali ka, unahin mo muna ang taong gusto mo." Sagot ni Alessia kay Kyro. "Talagang ayaw mo akong maging asawa?" Dagdag ni Kyro sabay naglakad paalis ng eskinita. Nasa gilid nila ang Flea Shops.

 

Nakita ulit ni Avery ang mga liham na ibinigay sa kanya ni Axel Tresvenor pero hindi pala ito pareho ng pagkakasulat. Puro ito tula at iba ang pagkakasulat ng mga bagong sulat. Galing ito kay Zeno Willard.

 

"Hinintay niya talaga akong napaka tagal." Ngumiti si Avery sa kanyang sarili. "Ako'y hindi pinabayaan ng mga sulat na ito. Nagpatuloy ako dahil dito kahit wala akong masyadong mga kaibigan." Tinago niya ulit ito sa kanyang cabinet.

 

Lumabas siya at natagpuan ang mga sulat. Nagulat siyang makita ang kanyang pangalan, Avery Marcella. Ito ang mga liham at tula na pinadala niya kay Axel Tresvenor. Ayun ang akala niya, pero si Zeno Willard pala ito. Bakit niya binalik ito sa kanya?

 

May isang liham sa taas. Zeno Willard, na may sulat kamay talaga ng Axel Tresvenor na kilala niya. Niyakap niya ang mga sulat. Napaluha siya. Matagal na panahon ng hindi man sinabi nito dahil kay Axel Tresvenor.

 

Tumakbo siya sa hallway ng palasyo para puntahan si Zeno at sa harapan niyang tanungin ang mga nararamdaman nito para sa kanya.

 

"Ang alam ko po ay aalis na po si Prinsipe Zeno sa susunod na buwan pero mukhang mapapaaga po ngayong buwan." Nagtago si Avery sa gilid ng loob ng palasyo. Narinig niya ang mga katulong na nag-uusap-usap.

 

"Nasaan na ngayon si Zeno! Magsalita kayo!" Lumapit na si Avery sa isang katulong na may desperasyon ang boses. Hinila niya ang balikat nito at inalog.

 

"Kakaalis lang po niya kasama ang kanyang ama ni Zoren Willard, baka po maabutan pa po niyo sa kanyang silid."

 

Tumakbo muna siya sa kabilang palasyo. Sa palasyo ng mga Willard.

 

"Kailangan ko lang makausap si Zeno Willard. Mahalaga." Pinapasok naman siya ng mga ito. Tumakbo siya ng napaka bilis.

 

Luminga siya sa bukas nitong kwarto sa loob. Napaiyak siya sa labas ng kwarto nito ng wala siyang natagpuan na Zeno.

 

Nilagay niya ulo niya sa kanyang hita at umupo sa sahig ng labas ng pinto. "Avery? Bakit ka nandito?" Nagulat siya nung bumalik si Zeno sa hinala niya.

 

"Hindi pa ko aalis ngayong araw. Baliw ka talaga!" Tumawa si Zeno pagtapos umupo rin sa kanyang harapan. "Namiss mo naman ako agad!" Tumawa pa ito ng napaka lakas.