Chapter 25 – Last Time
Hindi pa rin pinapakilala kay Alessia ang kanyang prinsipe. "Ang unang pumasok sa loob ng pintong yan. Iyon ang iyong mapapangasawa." Natatawang banggit ng kanyang katulong, Giah. Naghahanda sila ng magarbong gown pangkasal.
Nagulat na lamang siya na si Zeno ang unang pumasok. "Nahuli na ba ko sa balita?" Panimula nito na ikinagulat ni Alessia. "Siya po ba?"
"Himala, Prinsipe Zeno nauna kayo dito?" Natatawa ulit ang kanilang katulong na si Giah. "Hindi si Zeno, Alessia." Lumabas si Avery sa likod ni Zeno.
"Ako ba ay nahuhuli sa okasyon?" Natatawa si Kyro, nagmamadali pumasok sa pinto. Gulo pa ang kurbata.
Lumapit siya kay Alessia. Inayos naman ni Alessia ang kurbata nito.
Nakapanggown siya. Hindi pa alam ang pipiliin sa nakahalerang mga gown. "Parang hindi totoo. Ikakasal na talaga ako." Tumulo ang luha ni Alessia.
"Gusto ko may gloves ako." Nauutal pa nitong sabi kay Kyro.
"Kahit ano naman dyan, bagay naman sa'yo lahat."
Lumuhod si Kyro sa harapan ni Alessia. Nagpalakpakan naman si Avery at Zeno. Tumili pa si Zeno na parang babae. Pang-asar sa kanilang dalawa.
"Umabot pa tayo sa ganito." Lumuha na rin si Kyro. Tagal niyang hindi inaasahan 'to. Ang mga proteksyon niya kay Alessia. Ang pangbabakuran niya dito noon hanggang ngayon.
"Oo, gusto ko si Alex nung una. Siya lang. Sabi ko sa sarili ko noon, hindi ako iibig sa'yo. Pero nandito ako ngayon para kunin ang kamay mo sa kasal. Mahal na mahal kita, Alessia. Gusto kitang ingatan. Matagal akong naging bulag sa pag-ibig mo. Hindi ko nakita kung gaano mo ko kamahal. Ako ngayon, magpapatunay ng pagmamahal ko para sa'yo." Nilabas niya ang singsing sa harap ni Alessia.
Sinuot niya ito sa kamay nito. Umiyak silang dalawa sa sobrang pagkamangha na aabot sila rito. Umiyak rin si Avery sa sobrang saya.
Nagkaroon ng matagal na paghahanda. Sobrang naging tahimik si Axel Tresvenor sa kanilang paghahanda. Wala silang balita kay Deon Marcella.
Nahanda na ang lahat. Nakasuot na ng wedding gown si Alessia sa isang silat. Nagulat si Alessia ng bigla siyang buhatin ng mga kalalakihan na kakapasok lang sa kanyang kwarto.
Nakita niyang pumasok ang kanyang kamukha. Parehong mukha, parehong damit.
Anong nangyayari? "Saan niyo ko dadalhin? Tulong!" Sigaw ni Alessia.
Pinasok siya ng isang kotse at dapat itatali. Nagsisimula na ang kasal. Gamit ang mukha niya pero hindi siya yon.
Binugbog niya ang lalaki gamit ang kanyang ulo. Inuntog niya ang ulo niya sa ulo nito.
Tumakbo siya sa napakalawak na simbahan. "Ako si Alessia Marcella! Hindi po ang babaeng iyan!"
"Ituloy niyo po, Father." Sabi ni Kyro sa pari.
Tumakbo siya. "Itigil ang kasalan! Wag mo siyang pakasalan! Ako ang totoo mong asawa!"
"Natatandaan mo ang pagkabata natin, Kyro! Ang pagpapanggap kong si Midnight Alex! Ang kabayo! Ang black arena! Isla kasama si Axel! Ang pagpapanggap na mag-asawa! Ang tattoo ko sa paa!" Buong pusong sigaw nito kay Kyro. Habang siya ay hinu-huli ng mga kawal.
Napalingon si Kyro at tinignan ang nasa harap niyang babae na hindi ito ang babaeng hinahanap niya. "Sino ka?" Natatakot niyang pahayag.
"Hulihin niyo ito!" Tinuro niya ang katabi niya. Nagyakap sila ni Kyro at itinuloy ang kasal.
Hinding-hindi niya inaasahan ang mga pangyayari sa mismong kasal niya.
Nalamang si Deon Marcella ang nagpaoperang si Alessia Marcella, hindi pa rin nahuhuli ang Tresvenor at nagtago-tago. Nagpatattoo na rin si Kyro sa paa ng mga ibon. Bilang tanda ng kalayaan at pagmamahalan nila ni Alessia.
Ayaw pa rin magpakasal ni Avery at Zeno dahil sa nangyari.
"Siguro naman ay pwede na." Sabi ni Kyro sa kanilang kwarto. Tumawa si Alessia.
"Kailan mo nalaman na mahal mo na ko bilang Alex?" Tanong ni Alessia na medyo kinakabahan.
"Nung una pa lang tayong maglaban. Napaibig mo na ko." Sagot niya rito at hinalikan ang noo.
Parehong silang humalakhak sa sagot ni Kyro. "Hindi ba iyong nakita mo akong hubad at sinabing ako si Alessia sa talon?"
"Hindi no. Hindi talaga! Hindi mo ba tatanungin kung paano naman bilang Alessia?"
"Ayoko nga, baka hindi ko magustuhan ang sagot mo." Sabi ni Alessia na may pekeng pagkalungkot. Yumuko kasi siya.
"Nung una ka pa lang tumungtong dito sa palasyo. Madami ka sanang manliligaw pero lahat nawala no? Bakit kaya?" Hinampas ni Alessia ang balikat ni Kyro.
"Lahat ng mga nang-aaway sa'yo nung bata pa tayo. Lahat 'yon may gusto sa'yo lalo kapag lalaki." Niyakap niya ito nang mahigpit.
Sabi nila kapag nagkagusto ka sa isang tao. Hindi mo agad maamin iyon sa iyong sarili. Lahat ng tao ay may harang sa puso natin. Kapag ang isang taong iyon ay nakahanap ng paraan para matunaw ang harang ay sigurong makukuha nito ang kiliti natin.
Para kay Kyro, si Alessia ang pinakahindi niya inaasahan sa buhay niya. Hindi rin niya mabatid kung bakit ganon ang pagkahumaling niya kay Alex. Siguro kahit wala itong mukha ay nakakabighani ang puso nito para sa kanya.
Nakakahumaling ang postura nito, malakas ang dating at magandang mga buhok. Boses nito na medyo paos ang minsang nagpapatawa sa kanya kapag naaalala niya bago siya matulog sa gabi. Minsan na siyang hindi pinatulog nito nung mga bata pa lamang sila.
Bawat paghikbi ni Alessia sa kasal ay alam niya na agad na tama siya ng desisyon na ibigin ang katulad nito. Nag-antay sa kanya ng napakatagal na panahon. Hindi ba't mas maganda sana kung umamin na siya noon pa man. Para hindi tumagal ang paghihintay nila sa isa't isa.
May pag-aalinlangan sa puso niya. Ngayon nasagot na niya. Ayaw niyang mawala ang babaeng ito sa kanya.