Chapter 23 – Real Identity
Hindi pa rin nila sinasabi kung sino talaga ang bagong hari. Hanggang hindi natatapos ang pagpili. Siguro nga ay mas gusto nilang ang prinsesa ang mamili.
Nasa lamesa nakaupo si Alessia. Lumapit naman si Kyro sa tabi ni Alessia kahit puro babae ang nasa lamesa. "Bakit ka nandito?" Bulong ni Alessia kasi masyadong malakas ang tugtog.
"Gusto kong makasama ka." Nakangiting sabi ni Kyro sa kanya. Si Zeno ay gumaya din kay Kyro. Binulungan niya si Deon para lumipat pero ayaw nito.
"Umalis na tayo dito." Bulong ni Kyro kay Alessia. "Ako lang, maiwan ka na." Natatawa na sabi ni Alessia. Tumayo na si Alessia sa upuan at tuluyan ng dumiretso sa labas ng dalawang pinto ng party hall.
Pumasok si Alessia sa kanyang kwarto. Hindi niya namalayan na sumunod pala talaga si Kyro. Nagulat si Kyro sa laman ng dingding ng kwarto ni Alessia.
Sobrang daming iba't ibang makukulat na pinta at likha. "Ikaw gumawa lahat ng mga yan?" Tinuro niya ang nasa dingding.
"Oo, kapag kasi wala akong magawa. Yan ang libangan ko. Nakakapag-alis ng lungkot ko kapag masyado akong nag-iisip. Nauubos yung oras kapag gumuguhit ako. Gumaan ang loob ko. Nawawala lahat ng iniisip ko." Paliwanag ni Alessia habang nakaupo sa kama.
"Nakakabawas nga ng angas kapag hindi trip yung kinalabasan." Dagdag niya habang inaayos ang mga kwaderno na may laman na mga pinta niya.
"Hindi ka ba kinakabahan." Bulong ni Alessia na medyo nahihiya kay Kyro. "Ikaw? Sakin? Tama naman, ikaw talaga kakabahan." Ngumisi si Kyro sa kanya.
"Kung hanggang ngayon ay ako pa rin o ako ang susunod na hari, baka may nangyari na sa'tin." Nagseryoso ng mukha si Kyro at lumapit kay Alessia. Pero tumawa habang inaabot ang mga kwaderno ni Alessia na balak pa niyang itago.
"Ano 'tong tinatago mo dyan?" Sabay agaw sa kwaderno. "Bakit ako nandito sa mga likha mo?" Pagbuklat niya ay isang lalaking naka tingin sa malayo at nakagarbong suot at nasa hardin nakaupo.
"Hindi ba't ako ito?" Nagbuklat pa ulit siya ng mga pahina nang mabilis.
"Umalis ka na nga sa kwarto ko. Baka aswangin mo pa ko." Natatawang sabi ni Alessia habang inaagaw ang mga pahina ng kanyang iginuhit na binata.
"Hindi, ikaw ang magiging hari. Hindi pa sigurado." Lumingon si Kyro sa gilid at nakita ang maskarang itim at itim na cape ni Alessia. Napangiti siya dahil alam na niya.
Hindi nga lang naamin ang dalaga sa kanya. Kaya hinayaan lang niya. "Kami pa rin naman sa huli." Bulong ni Kyro kay Alessia pero para kay Alex ang ibig niyang sabihin at siya yon. "Nino?" Tanong ni Alessia, hindi makatingin.
"Tayo." Nilapit niya ang mukha ni Alessia at hinalikan ang pisngi. "Hindi pa pwede. Alis na muna tayo." Tumawa siya sa sinabi niya.
"Hanggang di ka umaamin." Sa nararamdaman ba o katauhan? Alin kaya doon, baka parehong gusto ni Kyro sabihin iyon.
"Tutal ako naman ito. Akin na ang buong kwadernong ito." Sabi ni Kyro bago umalis dala ang kwaderno. "Hindi nga pwede." Sabi ni Alessia. "Iingatan ko naman 'to."
Nakakita si Avery ng bagong pupuntahan. Sabi ni Zeno ay magkita raw sila doon. Nakita niya ang puno kaso nga lang may bahay sa taas nito. Isang tree house.
Umakyat siya gamit ang tali na parang hagdan. Nakita niyang nakahiga ang isang lalaki na may takip ang mukha doon at natutulog. "Nakakagulat nang lubos. Bakit siya nandito?"
"Wag kang umalis." Natahimik siya ng si Zeno pala ang lalaki. Dahil boses ito ni Zeno. Magkahawig naman kasi sila ng kanyang pinsan.
"Samahan mo muna ko." Payahag ni Zeno at hinila papasok ng tree house si Avery ng kaunti.
"Nagluto ako." Nakita ni Avery ang mga putahe sa lamesang kahoy.
"Marunong kang magluto kahit lalaki ka?" Nagtataka si Avery.
"Oo naman, nakahanda na talaga ako bago pa ko ikasal. Biro lang. Tinuruan ako ng aking ina." Paliwanag niya.
"Maswerte naman ang magiging nobya mo." Nahihiya niyang banggit, kasi maliit ang kanyang boses. Nararamdaman na niya na may ipinapahiwatig ito sa kanya noon pa man.
"Maswerte ka." Natatawang sabi ni Zeno.
Nakita ni Kyro Augustus si Midnight Alex sa Flea Shops. Naglalakad sa mga nagtitinda. Nakamaskara at itim na cape.
"Kailangan ko na talaga siyang sundan. Mapanganib." Kita niya kung paano lumabas si Alessia sa likuran bilang Alex. Nasa loob siya ng karwahe papuntang ibang palasyo.
Sinundan niya ito sa labas. Napaaway naman ito dahil sa pag-awat sa mga lasinggerong nag-aaway sa daanan.
"Iakyat niyo yung babae rito. Yung may maskara at nakaitim." Sabi niya sa nagmamanahe ng kanyang karwaheng may kabayo.
"Wag ka ng lumaban. Sumakay ka na." Sabi niya sa loob ng bintana ng karwahe. Sumakay na rin ito dahil binuhat ng dalawang kawal niya.
"Bakit mo naman ako isinakay? Pinagtinginan ako ng mga tao." Baka malaman na may koneksyon siya kay Kyro Augustus o kaya prinsesa.
"Namiss din kita." Panimula ni Kyro.
"Sa tingin ko, dapat ka ng tumigil sa pagiging si Midnight." Payo niya nung nasa loob na ito katapat niya.
"Bibigyan na kita ng pera, tumigil ka ng maging si Midnight Alex."
"Bakit? Hindi mo naman ako kilala o lubos na kilala. Hindi mo naman kailangan gawin na bayaran pa ko."
"Pakasalan mo na ko." Seryosong tumitig si Kyro at kinuha ang kamay ni Alex.
"Alam ko na kung sino ka. Pero hindi ko sasabihin kung paano ko nalaman." Natatawa na sabi ni Kyro.
Nanliit ang mga mata ni Alessia, "Hindi mo naman talaga alam. Pinapaamin mo lang ako. Bababa na ko."
"Sasama ka sa'kin, dahil ako ang hari." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Alessia. Alam na kaya talaga ni Kyro ang katauhan ni Alex? Sana hindi, isip-isip ni Alessia.
Parang nananaginip siya, hinahabol na siya ni Kyro Augustus na dati lang ay kababata niyang sumasagip sa pang-aalaskador nila sa kanya.