Chapter 19 – Not Her
"Nag-aalala ako sa'yo." Banggit ni Kyro kay Prinsesa Alessia na balak paalisin si Zeno sa silid. Tinignan niya ng nakakunot ang noo at nilisik ang mata kay Zeno kaya napansin nito iyon at ngumisi siya.
"Maiwan ko na kayong dalawa. Mag-usap kayo. Madami pa ata kayong dalawang pag-uusapan." Ngumiti si Zeno kay Kyro. Tumango si Kyro na medyo hindi makaraos sa ginawang paglagay ng kamay ni Zeno sa gilid ni Alessia sa dingding.
"Payong kaibigan lang, Wag niyo ng pakawalan ang isa't isa!" Sabi ni Zeno nung nasa pinto na. Tumawa naman si Alessia. "Nag-aalala ako satin." Pag-ulit ni Kyro.
"Hindi naman, ayos lang. Alam ko na nung una pa lang na si Avery ang unang prinsesa. Kaya nga nagtataka ako nung sinabi mong asawa mo ko. Lalo naman, akong naguluhan nung hinalikan mo ko." Tumawa bahagya si Alessia. Napatawa na rin si Kyro sa sinabi ni Alessia.
"Nasasaktan ka ba?" Kinuha ni Kyro ang kapirasong buhok ni Alessia at hinalikan. Umiling si Alessia at ngumiti.
Lumabas si Axel sa kwarto niya at nakita si Deon. "Deon, Kapag nakauwi na tayo. Ang gawin mo, magpanggap ulit na Alex sa liham pero magpakita ka bilang Deon." Bulong ni Axel habang lumilinga-linga kung may nakarinig.
"Yung pangako mo, Axel. Tuparin mo." Tumango si Axel sa pahayag ni Deon. "Oo, ikaw ang magiging reyna at ako ang magiging hari. Ganon lang kasimple." Ngumiti si Axel. Niyakap niya si Deon.
"Alam ko pero wag mong idamay si Zeno." Sabi ni Deon kay Axel. "Gusto ko siya para sa'kin." Ngumisi si Deon
Hindi rin nagtagal ay nakaalis na sila sa isla. Isisiwalat lang pa lang si Avery at Kyro ang ikakasal. Hindi pala si Alessia. Alam ni Alessia ito noon pa man, na siya ang nawawalang pangalawang anak. Itinago para maprotektahan si Avery, ang totoong prinsesa ng mga Marcella.
Nagpadala ng liham para kay Kyro Augustus. Midnight Alex ang nakalagay sa labas ng sobre. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang napangiti sa nakitang pangalan sa labas ng sobre. Binuksan niya ang sobre.
"Gusto pala ni Deon na kitain ko siya." Bulong niya at napalitan ang ngiti ng pagseseryoso habang tinitignan ang mga liham.
Habang sa labas naman ng hardin ay lumabas si Zeno at nakita si Avery na paalis dala ang basket sa kaliwang kamay. Nakasimpleng gown lamang, upang magpanggap na isa sa mga commoner sa labas. "Saan siya pupunta ng mag-isa? Isa siyang babae." Bulong ni Zeno.
Sakto namang nakita ni Axel si Zeno na susundan si Avery kaya nagtago rin siya sa damuhan at puno para sundan din si Zeno. "May gusto siguro siya kay Avery? Hindi ako makapaniwala. Hindi maaari. Panalo kung ako ang magiging asawa ni Avery. Pero nag-aalala ako para kay Alessia." Lumakad si Axel pasunod sa naglalakad na si Zeno.
Nawala sa paningin ni Zeno si Avery. "Nasaan siya nagpunta?" Nilinga niya ang mga tao. Nasa Flea Market siya dumaan kaya ang daming namimili pero wala siyang nadatnan na Avery.
Sumunod naman sa may poste si Axel. Napansin ni Zeno ang isang kainan. Pamilyar na mukha ang nakita niya. Nasa labas siya sa malayo habang nasa labas ng kainin na lamesa ang dalawa. Hindi niya aakalain kung sino.
"Si Alessia ang kinukulit niya nung una, tapos si Avery ang mapapangasawa niya tapos si Deon ang kinikita niya dito. Ano ba talaga 'to, Kyro?" Sabi ni Zeno sa kanyang sarili.
"Balak niya atang magipon ng mga babae. Tama?" Sabi ni Axel sa kanyang tabi. Hindi niya napansin na nandito na pala ito kanina pa. Lumapit sa kanya.
"Nanadya ka ba talaga, Augustus?" Pahayag ni Zeno. "Ako ng bahala. Kalma ka lang, Zeno. Hindi yan ang totoo niyang gusto." Nakangising sabi ni Axel at tinapik ang kanyang braso.
"Nagkabalikan na ata sila. Kung nag-aalala ka para kay Alessia. Ituloy mo. Kasi ako, pakiramdam ko dapat mapunta sa'kin si Avery." Ngumisi pa rin si Axel. Napaseryoso ang mukha ni Zeno.
"Hindi iyon mangyayari, Axel." Umalis si Axel at naiwan si Zeno doon.
Nagtago naman sa isang eskinita si Avery. Nasa harapan si Alessia na may cape at maskara. "May pekeng ikaw." Paunang bati ni Avery kay Alessia o mas kilalang Alex sa kanyang itsura at postura.
"May nagpapanggap na ikaw bilang Midnight Alex kay Kyro Augustus. Kailangan mo na talagang sabihin sa kanya na ikaw si Alex."
"Hindi pwede, hindi ko balak sabihin sa kanya. Ayokong maayawan niya ako lalo. Lalo akong matatalo ng misteryosong babaeng na gusto niya ngayon."
"Hindi ako matatalo agad ng kahit sino maliban sa babaeng mahal na mahal niya." Dagdag pa niya. "Mananatili akong sikreto habang buhay ako." Ngumiwi si Alessia, tila ba nalungkot sa sinabi niya mismo.
"Hindi mo ba hihiwalayan si Avery?" Paunang banggit ni Deon. "Hindi mo itutuloy ang kasal diba?" Dugtong niy na may panunuya sa boses.
"Hindi ko alam. Naguguluhan na ko. Ang alam ko lang ay mahal kita." Seryosong sambit ni Kyro. Hinawakan niya ang kamay ni Deon sa lamesa. Nag-aalala siya. "Pero niloko mo ko noon." Sabi niya na may malulungkot na mata.
"Midnight Alex. Mahal kita. Pero hindi pwedeng hindi ako sigurado." Binawi niya ang kamay niya. "Kilala muna natin ang isa't isa." Ngumiti siya sa kanyang sinabi kay Deon.
Napansin ni Deon si Zeno sa di kalayuan. "Hindi niya pwedeng malaman." Bulong ni Deon kaya dali-dali siyang tumayo at naglakad.
"Sa susunod ulit, mahal na prinsipe." Banggit ni Deon bago umalis.
Lumapit si Zeno kay Kyro. "Binabantaan kita. Tandaan mo 'to, Kyro. Hindi si Deon si Alex." Nilagay ni Zeno at kamay sa balikat ni Kyro at tinapik. Bago umalis palayo.