Chapter 18 - Jealousy
"Itaas niyo ang mga baso niyo. Ihahandog namin ang handaang ito para sa pagiisang dibdib ni Kyro Augustus at" Tumayo si Kyro sa gitna pero bago iyon, "Avery Marcella." Natahimik siya at nanlaki ang mata. Nilingon niya si Alessia na nasa gilid nakaupo sa tabi ni Axel sa kaliwa at sa kanan naman ay si Avery, Deon at Zeno.
Lumapit si Kyro sa harap ni Alessia bago lagpasan at kinuha ang kamay ni Avery habang nangangamba. Nanlisik ang mata ni Axel. Habang naguusok ang ilong ni Zeno sa galit at pagtataka sa isang emosyon.
Nilingon muli ni Kyro si Alessia bago tumalikod. Tumango si Alessia sa kanya. Ngumiti si Alessia kay Kyro. Nagulat ang lahat sa natanggap nilang balita.
Pinangako ng ama ko pero hindi pala sinabi ng mga Marcella na si Avery ang kanilang panganay na anak. Alam ng mga magulang ni Kyro pati ni Kyro na si Alessia Marcella iyon.
"Ikaw ang gusto ni Kyro na tumayo doon." Sabi ni Zeno sa gilid ni Alessia. Si Axel naman parang nalaglagan ng bato ang ulo dahil walang nasabi sa nangyari. Mali pala siya ng ginawa. Dapat ang kababata ang kanyang pinili. Ang totoo niyang mahal.
"Hindi naman kasi ako ang gusto niya." Sagot ni Alessia at naluha. Hindi alam kung bakit.
"Bakit ka niya hahalikan kung hindi ka niya gusto? Sa kanya galing ang mga bulaklak at mga pagkain dahil siya ang nagtatagong tagahanga mo. Hindi si Axel o ako." Sabi ni Zeno kay Alessia.
"Hindi, kasi pakiramdam ko last choice ako. Dahil kababata niya kong kaibigan." Sagot pa nito habang naluluha.
"Mang-aagaw ka, Kyro." Sabay na sabi ni Zeno at Axel. Nagkatinginan sila.
Hindi pa rin naguusap si Avery at Kyro sa nalaman. Basta alam nila. Hindi ito pwede.
"Masunurin pa man din si Kyro. Hindi siya lalabag sabi niya hanggang hindi niya nakikita ang gusto niya." Sabi ni Zeno kay Avery nung umaga.
Sumama si Kyro sa kanyang tagapaglingkod. Ganun din si Avery kaya nagpaalam na si Avery kay Zeno. "Mamaya na natin planuhin. Basta kailangan ko munang umalis. Babalik din ako, Zeno." Banggit ni Avery na ikinatuwa ni Zeno kasi pangalan na talaga niya ang tawag nito sa kanya.
Nagkita si Kyro at Avery sa loob ng kwarto. Kinulong sila sa isang kwarto. Tinulak ni Kyro ang pinto pero nakasara.
Nagulat si Alessia nang hindi mabuksan ni Zeno ang pinto. "Anong kalokohan ito?" Sabi ni Alessia kay Zeno. Tumawa si Zeno. "Panigurado pakana ito ng aking ama." Sabi niya kay Alessia habang binubuksan ang pintuan.
"Ano bang kahibangan ito? Hindi naman tayo ang ikakasal diba?" Sabi ni Alessia na may halong galit.
"Hindi mo yan mabubuksan. Paniguradong planado ito." Kalmadong sabi ni Zeno. Alam niyang may darating sa kwartong ito. Ngumisi siya na ikinakunot ni Alessia.
Tahimik lang si Avery na nakaupo sa upuan sa kabilang gilid ng kwarto. Habang nakatayo si Kyro sa pinto.
"May gusto ako kay Zeno." Panimula ni Avery at pambasag sa katahimikan. "Akala ko ba si Axel?" Natatawang sabi ni Kyro habang kinakabahan din.
"Huli ka na sa balita. Hindi pa rin ako umaamin katulad mo." Dagdag pa ni Avery sa sinabi niya kanina.
"Hanggang dito ka na lang ba? Alam kong may gusto ka kay Alessia. Baka ibinigay nila si Alessia kay Axel o Zeno—" Umalis na din si Kyro sa bintana, "lalo kapag si Alessia si Midnight Alex."
Nakarinig si Zeno ng bumagsak. Kaya naghanda siya ng sarili niya at ngumiti. Nilapitan niya si Alessia hanggang sa umurong sa dingding.
Nilagay niya ang kamay niya sa gilid ng ulo ni Alessia. "Dadating din ang iyong mahal na prinsipe." Ngumiti si Axel kay Alessia. "Dito ka lang muna." Dagdag ni Zeno.
Naligaw si Deon sa silid na nilabasan ni Avery. "Bakit ka pa lang nagpapanggap na si Alex?" Sambit ni Avery kaya lumingon si Deon na dapat aalis na.
"Hindi mo ko kalaban, Avery. Gusto ko lang maging reyna. Hindi ko na gusto si Kyro at Axel. Gusto ko si Zeno." Paliwanag niya na hindi matanggap ni Avery.
"Hindi mo dapat ginawa iyon. Nakakagulo ka." Sabi ni Avery bago umalis nang tuluyan si Deon.
Lumabas si Axel sa may hardin. Nakita niyang naglalakad nang paulit-ulit si Avery.
"Maaari ba tayong lumabas na dalawa?" Nagulat si Avery sa sinabi ni Axel.
Nakita niya ang lugar kung saan siya dati dinala ni Zeno. Pero iba na ang kanyang kasama. "Ikaw po yung kasintahan ni Zeno Willard." Tumawa ang naghahatid ng pagkain. "Hindi po." Sabi niya.
"Siya na ba?" Hinawakan niya ang kamay ni Avery. Madilim talaga ang tinatahak ni Axel. "Nasasaktan ako, Avery."
Bakit parang iba na ang lahat? Hindi na si Zeno ang kasama niya. Naaalala niya ang pangungulit ni Zeno sa kanya.
Sa bintana pumasok si Kyro. Hinila niya palayo si Zeno. Sinapak niya ito sa mukha. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Akala niya siguro ay maghahalikan ito.
Napuno ng selos sa puso ni Kyro. Hindi na alam ni Kyro ang pumasok sa utak niya para awayin si Zeno para kay Alessia.
Niyakap niya si Alessia. Para ikumpirma ang isang bagay. Ang kanyang nararamdaman? Hinahangaan niya si Alessia sa labis nitong kagandahan pero hanggang doon lang ba iyon? Naalala niya si Alex.
"Hindi ko alam kung bakit sinasabi ni Avery na ikaw si Alex. Pero ayokong mapunta ka kay Zeno kahit pa hindi ikaw si Alex." Sabi ni Kyro.
"Paano ang taong nagugustuhan mo?" Hindi sumagot si Kyro sa sinabi ni Alessia. Niyakap pa rin niya ng mahigpit si Alessia.