Crown 15 – Mutual Kiss
Nagsiakyatan ang mga tao sa loob ng malaking barko sa piyer.
Pumasok si Zeno Willard sa loob.
Nauna siya dala-dala ang kanyang imbitasyon at mga gamit.
Sunod na pumasok si Kyro.
Nakaayos ang kanyang suot dala-dala ang kanyang gamit.
Gusto sana niyang maghintay sa labas hanggang sa makita niya si Alex. Pero pumasok na lang siya para masupresa siya.
Nilagay niya sa liham na gusto na rin niyang makilala ang tunay na mukha ni Alex.
Nag-aalinlangan si Alessia kung papasok ba siya bilang Alex o Alessia.
Pero sinamahan na niya si Avery. Galing sa bahay.
"Gusto ng makilala ni Kyro ang totoong ako bilang Alex."
Bulong niya kay Avery.
"Huwag. Magagalit ang iyong amang nagpalaki sa'yo. Kapag nalaman na nakikipaglaban ka sa Black Arena kapalit ng iyong ama. Binabayaran ang mga magulang mo sa pagkabata dahil sa mga labanan kapag nanalo ka diba? Doon kayo nabubuhay. Dahil nahihiya ka kala inang reyna na manghingi ng pera. Hindi pwede."
Suway ni Avery kay Alessia bago pumasok sa loob ng barko.
Naiwan si Alessia sa labas.
Nakahanda sa gamit niya ang bago niyang maskara at cape.
Pero hindi niya sinuot.
Normal na gown ang kanyang suot ngayon.
Pumasok na rin silang dalawa.
Sumunod ang nakangising si Axel sa loob dala rin ang kanyang mga kagamitan sa maleta.
Nagtago sa likod ng barko ang nakamaskarang babae at nakaitim na cape na pumasok sa barko. Luminga siya sa paligid.
Hindi makita ni Kyro si Alex.
Siguro ay hindi ito pupunta.
Nagsimula nang umandar ang barko.
"Gusto kong ipakilala mo ang sarili mo sa iyong mapapangasawa."
Nagulat si Kyro sa sinabi ng kanyang amang si Dashiel Augustus.
Hindi nakatanggi si Kyro sa sinabi ng ama niya. Kinabahan siya bigla.
Paano na parang kapatid ko na si Alessia.
Habang lumalaki ito ay napakaganda nitong babae.
Hinila ni Zeno sa gitna si Alessia para sumayaw.
Kinabahan si Alessia dahil binirang magsalita si Zeno.
"Hindi si Axel Tresvenor ang iyong mapapangasawa kung si Kyro ang gusto mo, dapat siya ang iyong habulin."
Sabi ni Zeno sa gilid ni Alessia.
Nagpayo siya bago umalis na ngumiti.
Nakita kasi niya ang pagtitig ni Alessia kay Kyro.
Aayain sana ni Alessia si Kyro nang may dumating sa gilid niyang nakamaskara at nakaitim na cape.
Teka, sino iyon?
Alam niyang siya si Midnight Alex, sino ang babaeng nagpapanggapp na siya?
Nagyakapan si Kyro at ang babaeng iyon.
Nagulat si Avery sa nakita niya. Nagtago siya sa gilid.
Gumabi na. Nasa gilid ng barko si Kyro nainom ng juice galing sa mga tauhan ng barko naghahatid ng pagkain.
Naalala niya si Axel kanina. Maraming itong sinabi.
"Gustong-gusto ko si Alessia. Kaya ibigay mo siya sa'kin. Kung hindi mo siya iingatan."
Ang gulo ng isip ni Kyro.
"Siya ang nakatakda para ikasal sa'yo? Hindi ba? Hindi iyon mangyayari."
Ngumiti nang mapait si Axel.
Nakatingin sa malayo kay Avery.
Parang may ibang gusto rin sabihin kay Avery.
"Wag mo siyang paasahin. Alam mong may gusto sa'yo si Alessia. Itigil mo na ang mga bulaklak. Bawal siya sa mga bulaklak dahil allergic siya doon. Payong pinsan."
Tawa ni Axel habang kinukwelyuhan si Kyro.
"Hindi siya mapupunta sa'yo. Dahil akin na siya noon pa napagdesisyonan yan."
Sabi niya pero hindi siya sigurado kay Alessia.
Naisip bigla niya si Alex at ang pamilya nito.
Tinanggal ni Kyro ang kamay ni Axel at lumapit sa nag-iisang si Alessia.
Kinuha niya ang kamay ni Alessia. Mabilis siyang lumapit dito.
Dinikit niya ang mga labi sa labi ni Alessia.
Nakamulat pa si Alessia nung una pero napapikit ito.
Hinawakan ni Kyro ang batok ni Alessia.
"Akin ka simula pa nung una. Wag kang lalapit kay Axel."
Hindi niya alam kung saan niya ito nakuha.
Nagtilian ang ibang mga tao.
Ibang mga tao ay napatitig na lang sa kanila.
Ang iba naman ay nag-usap usap.
Natulala din si Kyro nang humalik pabalik si Alessia.
Sila ang pinagusapan noong gabing iyon.
Natuwa ang mga magulang ni Kyro na nakakita.
Lalo si Dashiel Augustus, ang kanyang amang hari.
Tumawa ang ama ni Alessia, na si Aeroll Marcella sa tabi ng ama ni Kyro.
Nagseryoso ang ama ni Axel dahil kabagalan ng kanyang anak sa pagkuha kay Alessia Marcella, si Alesander Tresvenor.
Galit na galit ang mukha nito bago tumawa sa gilid ni Dashiel at Aeroll at nagipagtabi ng kanilang mga baso.
Tumakbo palayo si Alessia sa sobrang hiya kay Kyro.
Alam niyang walang gusto sa kanya si Kyro.
Dahil kay Deon Marcella.
May yumakap kay Kyro nung umalis siya sa gitna.
"Nahihiya na sa'kin si Alessia? Himala."
Bulong niya sa sarili na parang nawawala na ata sa sarili dahil sa halik ni Alessia.
Pumasok bigla sa isip niya ang itsura ni Alex.
Isa ba itong pagtataksil?
Nakita ni Avery na umalis si Alessia at may lumapit kay Kyro, si Alex?
Kung andun sa malayo si Alessia, sino ang babaeng yumakap kay Kyro.
Nagulat na lamang siya ng halikan si Kyro ni Alex na peke.
Binaling naman ni Zeno ang mukha ni Avery.
"Avery,"
Inabot niya ang liham at ngumiti.
"Ito ang sagot ko sa mga liham mo."
Mas lalo siyang nagulat.
Kaya pala nagiba na lamang ang paggawa ng mga sagot ni Axel Tresvenor.
Umalis si Zeno, balak ng umalis ng Elysian Kingdom pagkatapos ng koronasyon.
"Natatakot akong aminin na ako na ang iyong kasulatan. Alam ko kasing si Axel ang iyong mahal."
Pag-amin ni Zeno.
"Hindi iyon ang mahalaga ngayon. Kailangan kong tulungan ang kapatid kong si Alessia para kay Kyro Augustus."
Sabi ni Avery na hindi pa naintindihan ang mga sinabi ni Zeno.
Nakita niyang hinalikan ng babaeng iyon si Kyro.
"Hindi ko balak maging hari. Aalis na ko sa susunod na buwan."
Sabi ni Zeno na nagseryoso pero hindi niya pinarinig kay Avery.
Nagtago sila ni Avery sa gilid para marinig ang konbersasyon ni Alex na peke at ni Kyro.
Nagtanggal si Alex na peke ng maskara.
"Ito ang totoo kong mukha. Ako si Midnight Alex."
Sabi ng babaeng ito bago tanggalin ang maskara.
Nagkunot ang noo ni Avery at Zeno nang makita si Deon.
"Si Deon pala ang natitipuhan ni Kyro ulit."
Natatawa si Zeno sa narinig pero hindi natutuwa si Avery.
"Hindi siya si Midnight Alex."
Banggit ni Avery pero hindi gumalaw ang paa para sabihin kay Kyro.
**