Crown 13 – Alex's Clone
Lumabas si Midnight Alex sa gitna. Hindi mawala sa isip ni Kyro na mag-alala.
Alam niyang nasaktan ito sa pagkalaglag sa bangin nung isang araw.
Pumunta siya sa Dark Arena para makita muli ito.
Nakakunot ang noo ni Axel sa loob ng maskara at cape niya.
Asan na ba si Kyro at gusto na niya itong kalabanin.
Hindi siya papayag na hindi ito matalo ngayon.
"Siguro ay hindi ito makikipaglaban ng patas at magpapatalo. Dahil kay Midnight Alex."
Bulong niya sa sarili.
Sumunod na nga ay nagtaas si Kyro ng kamay para lumaban kay Alex sa gitna.
"Namiss kita, binibini."
Nanlaki ang mga mata ni Axel Tresvenor.
Bumulong si Kyro sa tenga niya. Iba pala ang relasyon ni Kyro kay Alex.
"Hindi ko alam na babae pala si Midnight Alex."
Tumawa siya sa kanyang ginawa.
"Hindi ako binibini."
Bulong niya pabalik at pinalalaki na ang boses.
Tumawa si Kyro sa sinabi ni Alex.
"Isa kang mapagpanggap na nilalang. Alam kong binibini ka. Ayos ka na ba?"
Tinignan nito ang kanyang mata at nilapit ang mukha ni Kyro kay Alex na totong si Axel Tresvenor.
"Huwag ka nang magsalita at makipaglaban na sa'kin. Alam kong hinahanap mo rin ako."
Nagsimula nang lumayo si Kyro para simulan ang paghaharap.
Hindi siya nakasalita.
"Isang kahayupan. Isang babae pala si Alex. Katangahang lubos."
Bulong ni Axel sa sarili niya.
Tumawa naman siya sa natuklasan.
"Ito pala ang kanyang tinatrabaho sa Black Arena. Isang pagkakamali."
Tawa pa niya sa sarili niya.
"Pagkahumaling sa maling tao ang dapat mong tandaan na maling galaw."
Sabi ni Axel nang malakas kay Kyro.
"Si Alessia ang dapat mo tinatrabaho kung malakas ang iyong pangarap."
Malumanay nitong sabi para maging babae ang boses ni Axel kay Kyro.
Maliit lamang si Axel at kasing tangkad ni Alessia, kaya pala ay hindi mahuhuli bilang Alex.
Hindi alam ni Axel Tresvenor na si Alessia Marcella pala si Midnight Axel.
Parehong walang alam ang dalawa.
Napaupo si Axel sa sahig nang matalas na tinabig ni Kyro ang kanyang espada.
"Ang nanalo ay si August o ang Dark Lord."
Tinaas ang kanyang kamay ng tagapagbigay ng puntos.
Hindi pa rin pala nagbabago ang pagkatalo ni Tresvenor.
Nagulat na lamang si Kyro dahil nanalo siya kay Alex imbis na matalo.
Niyakap ni Kyro si Axel o si Alex.
"Kumusta ka na? Paumanhin at naiwan kita."
Tumawa si Axel sa kanyang sarili na narinig ni Kyro.
Tumakbo ng malayo si Axel.
Ganon pala kaimportante si Alex kay Kyro.
"Siguro ito ang kanyang gusto. Alam ko na ang kahinaan mo, Augustus."
Sabi ni Axel pagkaalis niya.
Abang nang abang si Alessia sa labas kung babalik ba si Kyro sa palasyo.
Wala siyang nadatnan.
Alam niyang walang makikita si Kyro na Alex doon dahil nawala ang kanyang maskara.
Si Zeno ay nasa gilid ni Deon.
Nagsisimula na naman ang pagkakaroon ng handaan sa palasyo.
"Hindi dapat nagmumukmok ang prinsipe."
Ngumiti si Deon kay Zeno.
Nagulat si Zeno na may bumulong sa likod niya.
Binalik ni Deon ang kanyang maskara.
Hindi talaga dadalo ang prinsipeng inaabangan niya, si Axel Tresvenor.
"Pero pwede na siguro si Zeno."
Banggit ni Deon na narinig ni Zeno.
"Anong pwede na ko? Nahihibang ka ba binibini? May sakit ka ba?"
Nilagay ni Zeno ang kamay sa noo ni Deon.
"Siguro ay nahuhumaling ka sa'kin?"
Ngumisi siya kay Deon na kababata niya.
"Hindi! Ang alam ko, ikaw ang may gusto sa'kin dati. Sa mga mabulaklak mong salita at sa bulaklak na pinapadala mo sa bahay nung kami pa ng pinsan mong si Kyro."
Sabi ni Deon kay Zeno, medyo sarkastiko.
"Natatandaan ko, Miss Marcella. Ngunit hindi ko masasabing interesado pa ko."
Ngumisi ulit si Zeno at hindi pa rin umaalis.
Dumating si Avery sa handaan galing sa pinto.
Nakita kung gaano kalapit ni Deon kay Zeno.
Nagkunot ang kanyang noo.
"Nag-aaway ba sila?"
Dumating din si Axel na nagmamadali pumasok sa loob at na walang dalang maskara kasi si Avery ay nagsuot na
"O naghaharutan?"
Dagdag ni Axel sa sinabi ni Avery sa gilid ni Avery.
"Hindi rin. Siguro ay may sinabi lang siya sa nabalita mong nobya."
Mapait na sabi ni Avery para makumpira kung walang kasintahan si Axel.
Napalingon si Zeno kay Avery.
Lumiwanag ang kanyang mukha.
Nakangisi pa rin si Deon.
"Hindi lahat ng lalaki ay hahalik sa iyong paa. Hindi na ngayon, hindi mo na ko mabibiktima."
Balik ni Zeno kay Deon pagkatapos umalis na.
"Hindi ko siya nobya. Kaibigan lang. Marami pang iba dyan, Avery."
Banggit ni Axel kay Avery.
Napangiti si Avery.
"Hindi pupunta si Alessia. Sigurado dahil sa maskara."
Natatawang sabi ni Avery pagkatapos umalis sa tabi ni Axel.
"Hindi mo dapat pabayaan ang binibini."
Sabi ng kanyang tagapaglingkod.
Kakauwi lang ni Kyro galing sa Black Arena.
Lumabas si Alessia para mamili.
"Dapat mo siyang sundan, mahal na prinsipe."
Kulang na lang ay maging isa siyang stalker.
Kanina pa siya nagbabantay sa gilid ng tindahan ng gulay.
Habang nasa mga prutas si Alessia.
Nakita niyang puro ito bulaklak.
Bumahing si Alessia sa mga bulaklak na nadaanan niya.
"Ayaw ko talaga sa mga bulaklak."
Sabi niya sa sarili. Narinig ni Kyro iyon.
"Puro pa naman bulaklak ang pinadala ko."
Sabi niya sa kanyang sarili.
Nakita ni Axel si Deon sa gilid.
"Gusto mo ring maging prinsesa, hindi ba?"
Tumango si Deon.
Nagkatitigan silang dalawa.
"Hindi ako tatanggi."
"Ama, kung hindi ko po ba papakasalan ang panganay na anak ng mga Marcella. Papayag ba kayong mamili ako ng aking papakalasan?"
Sabi niya sa kanyang sarili, hindi masabi ni Kyro sa kanyang ama.
Hindi lubos na kilala si Alex. Kaya naman, ay binalikan niya ang Mystical Street.
Kung saan nandoon ang bahay ni Alex.
"Hindi ko matandaan kung nasaan."
Naglakad si Kyro doon.
Pero walang natatandaan dahil unang punta pa lang niya doon.
Nakabangga niya ang isang binata.
Nagulat siya nang mawala ang kanyang pitaka.
Nagulat siyang makita ang cape na itim ni Alex.
Nakita niya ito at sinundan.
Nakita niyang may bandaritas ang Mystical Street.
Madilim man dito ay nagliwanag dahil sa mga ilaw.
"May festival ba dito?"
Nagtataka niyang sabi sa sarili.
Ngumiti siya nang may mga bata ang nakapaligid sa kanya.
Nakikinig siya sa gilid.
Nagkukuwento ito sa mga bata. May lumapit na binata.
Ayun, yung nagnakaw ng wallet ko.
Nagtawanan sila.
Kita kasi ang labi ni Alex sa maskara nito.
Pero ang ilong ay mata ay hindi kita.
"Nasa kaedad namin ang lalaki yon. Isang magnanakaw pa talaga."
Bulong niya.
Nagkaroon ng mga mahabang lamesa.
Mayroon doong kanin at mga ulam.
Ano kayang ganap ng lugar ni Alex?
"Hindi dapat ako malamangan ng kanyang mga kapitbahay."
Sabi niya sa malayo.
**