Crown 14 – Poetry of Love
Nangako si Alessia na laging magma-maskara para hindi siya makilala bilang prinsesa sa Mystical Street.
Natatawa siya at kinabahan nang dumating si Kyro sa kanilang kabihasnan.
Kumalabog ang kanyang puso sa kaba.
"Bakit ka nandito, August?"
Tawag niya sa alias nito.
Hindi sanay sa hirap ang nasabing prinsipe.
Natabunan ng hiya si Alessia nung nakita si Kyro na kumain din sa lamesang puno ng kanin at ulam nang nakakamay.
"Sino 'yan?"
Natatatawa si Elizen sa nakita niyang dumating na magarbo pa ang suot.
"May nakapasok atang galing sa Flores De Mayo."
Tumawa ulit si Elizen.
Sobrang simple kasi ng damit ng mga kababaihan dito.
Nakadress lamang sila kumpara sa kaharian na nakagown palagi, lalo sa Elysian Kingdom.
Hinampas ni Alessia si Elizen na tumawa.
"Ako pala si August, ka-ibigan ni Alex."
Tuwang-tuwa rin si Kyro sa sinabi niya.
Talagang pinaghiwalay niya ang ka sa ibigan para idiin.
"Biro lang. Isa akong anak ng datu sa kabilang bayan."
Pagsisinungaling niya, hindi natutuwa
"Elizen, kababata niya."
Sabi ni Elizen kay Kyro, medyo mayabang.
Ito kasi ang nakasanayan niyang kaswal na kasuotan na iba sa damit niya sa palasyo.
Nag-init ang kanyang ulo.
Masyadong malapit si Alex sa lalaking ito.
"Nandito ako para umakyat ng ligaw sa'yo binibini."
Sabi ni Kyro pero binawi din niya agad.
"Biro lang."
Dagdag niya.
"Talaga po? May manliligaw na po si Ate Alex!"
Sabi ng kapatid ni Elizen.
Nagulat ang mga magulang ni Alessia na nagkupkop sa kanya bago siya naging Marcella na nasa gilid.
Nagkaroon sila nang mga manok.
Nagulat nang may nakabilog na haring sa gitna at pinasok doon ang mga manok.
Kinabahan si Kyro kasi itinulak siya sa loob ng ring na may mga manok.
Pumasok si Elizen din sa loob.
"Kung gusto mo si Alex. Dapat mo muna akong talunin."
Ngumiti ito sa kanya na may pagkamalisyoso.
Naghubad si Elizen nang pantaas.
Labas ang kanyang morenong abs.
Hindi nagpatalo ang prinsipe ng Elysian.
Naghubad din si Kyro.
Hindi magpapatalo ang katawan din ni Kyro may matigas ding abs.
Hinabol nila ang manok.
Muntik nang madapa si Kyro kasi ang bilis nang manok.
Tumili ang mga kapitbahay nila Alex na mga babae.
Hindi alam kung kay Kyro ba ang kanilang boto o sa kababatang si Elizen.
Nagtaka si Kyro kasi ngayon lang niya ito ginawa.
Si Elizen naman ay nahihirapan din.
Tumawa ang mga matatanda nakain pa rin sila sa lamesa.
Nakahuli si Elizen nung una pero inagaw ni Kyro bago niya ito makuha.
Nanalo si Kyro.
"Ako ang nanalo!"
Tumawa si Kyro.
Puro putik ang kanilang katawan.
"Isang kadayaan!"
Sigaw ni Elizen.
"May gusto ka ba kay Alex?"
Bulong ni Elizen kay Kyro.
Nabitawan din ni Kyro ang manok kaya hindi siya nanalo.
"Ikaw ba?"
Tanong pabalik ni Kyro.
"Kuya niya ko, kaya dapat malaman ko."
Sabi ni Elizen kay Kyro.
Nagliwanag ang mukha ni Kyro dahil sa narinig.
"Opo. Mahal ko po ang inyong kapatid."
Walang pag-alinlangan niyang sabi kahit hindi rin siya siguro.
"Ang alam ko ay ayokong mawala sa buhay ng inyong kapatid."
Kahit pa hindi niya alam kung maganda ba ito o kung anong itsura nito.
"Bilang kaibigan."
Pagbabawi niya.
Naalala niya ang mukha ni Alessia Marcella na napakaganda, ang nakatakda sa kanyang ikasal, ang kababata niya.
"Hindi ko siya pababayaan. Maaari ko ba siyang isama sa isang bakasyon kasama ang aking pamilya bilang aking kapares?"
Tumawa si Elizen dahil nakahuli siya ng manok.
Siya ang nanalo kahit takbo sila nang takbo.
"Papayagan kita. Kung gusto naman ni Alex ay walang kaso sa'kin."
Itinaas ni Elizen ang kamay at ang manok.
Iniluto na rin ito at ginawang ulam ang manok.
"Ikaw pala nagnakaw ng pitaka ko."
Sabi niya kay Elizen.
"Hindi ako, ako ang nakakita kung sino."
Itinuro niya ang isa sa mga bata doon. Umiling na lang si Kyro.
"Ayos lang, hayaan mo na kung bata naman. Wala namang laman ang wallet ko."
Pagtanggi niya.
Nandoon ang litrato nilang apat nila Zeno, Alessia at Deon.
Mga magkababata.
Nagbigay sila nang mga lamesa sa gilid.
Naglabas ng mga alak ang pamilya ni Alex.
Pumunta si Alex sa gilid ni Kyro.
"Umuwi ka na."
Tinutulak niya ito nang mahina.
"Alam kong hindi ka iinom."
Dagdag ni Alessia.
"Sasama ka sa isang pagpupulong ng pamilya ko."
Sinabi niya ito na hindi paghingi ng permisyon kung hindi utos.
Inabutan niya ito nang imbitasyon.
Bago siya inakay ng mga kalalakihan sa lamesang may alak.
"Wag kang mag-alala. Hindi ako tatamaan ng alak."
Bulong nito kay Alex.
Pero hindi naman ito natuloy,
"Isasama ko na lang po siya sa parada. Kayo na lang ang uminom, wag niyong idamay ang aking bisita."
Hinila niya ang kamay ni Kyro.
"Nakita kita kahapon sa Black Arena. Pero hindi ka na bumalik ngayon."
Sabi ni Kyro kay Alex.
"Ayoko ng maulit na makuha tayong dalawa. Mas maganda kung hindi na muna ako pumunta."
Sagot ni Alex kahit hindi naman siya pumunta nung isang araw.
Tinago niya ang papel na may inbitasyon ng handaan ng Elysian Kingdom.
Pupunta ba siya bilang Alessia o bilang Alex? Naguguluhan siya.
Si Zeno ay naguguluhan.
Wala naman siyang balak makipag-agawan kay Axel at Kyro.
Bakit pa kasi kailangan kong dumalo sa nasabing Koronasyon ng mga Prinsipe?
Naglaban si Zeno at kanyang tagapaglingkod ng Fencing.
May nagpadala sa kanya ng liham.
Isang tula. Sa kanya ito napunta pero kay Axel Tresvenor ito dapat.
Hindi alam ni Avery na sa kanya talaga nakakarating ang mga liham ni Avery simula nung dumating si Axel sa palasyo. Tumigil na ito nung sampung taon ito.
"Ang lalaki ay kumanta ng sobrang may pagkahumaling. Labas ang nilalaman ng puso Nakikita ng babaeng ito ay isang magandang likha lamang. Pero hindi siya naniniwala sa lalaki. Gusto ng babae ang tula at araw. Binabasa siya nito na parang libro. Lahat ay naaalala pero hindi alam ng babae ang boses ng lalaking ito."
Tula sa loob ng papel.
Ngumiti si Zeno habang binabasa ito.
Nagsimula din siyang magsulat sa papel sa harap niya.
"Hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pa itong gawin. Kung siyang malapit ng mahumaling."
Tumawa siya dahil pumayag si Avery na maging kapares nito sa koronasyon sa isang malapit na isla.
"Magpanggap ka para sa'kin."
Bulong ni Axel kay Deon.
"Para ito sa pangarap mo."
Naalala ni Deon ang sinabi ni Axel nung isang araw.
Nakatingin sa binigay nitong kahon. May laman ito.
**