Crown 11 - Left Me Behind
Sakit na sakit ang katawan ni Alessia pero nakayanan pa rin niyang tumakbo palayo nang gubat.
Nakita niya sa malayo bukid at ang kanyang kapatid kasama ang mga pinsan ni Kyro.
Nagtago siya sa gilid dahil si Avery lamang ang nakakakilala sa kanya bilang Alex.
Sumakay siya sa kurwahe ng mga palay nang paika-ika.
Papunta ito sa pabalik.
Kaya naman, alam niyang malapit ito sa kanila.
Bakit kaya naisipan ni Avery na sumama kay Axel at Zeno? Nag-aalala siya.
Siguro ay babalik rin ang mga ito.
Kailangan ko nang umuwi.
Naisip rin niya si Kyro ngunit alam niyang malapit na rin naman ang dalawa.
Bakit walang mga kawal na naghahanap sa kanila?
Hindi ba nila alam na nanawawala siya?
Napapagod si Axel kakabuhat kay Avery.
Kaya naman ay bumaba na lamang ito.
Masakit kasi ang kanyang mga binti kakatakbo at nadapa siya kanina lang.
"Siguro ay mas maganda kung umuwi na lang tayo at isumbong ang pagkawala ni Kyro?"
Sabi ni Axel kay Avery at Zeno.
"Siguro nga, sa tingin ko mapanganib itong ginagawa natin. Lalo pa't masakit ang mga binti ni Avery."
Sagot naman ni Zeno kay Axel.
Hindi naman talaga nag-alala si Avery.
Sa kanyang isip, alam niyang mas maganda kung umuwi na sila.
Naalala nga pala niya ang angking lakas ni Alessia.
Siya lang ang nakakaalam at kanyang mga magulang.
Nang paalis sila ay nakita nila ang mukhang gusgusing si Kyro.
Nagulat silang tatlo nang makita nila ito.
"Kyro! Ayos ka lang ba? Para kang pwet ng kalabaw."
Natatawang banggit ni Zeno sa sobrang itim ng mukha ni Kyro sa grasa.
"Nakita niyo ba si Alex?"
Nawawala na ata sa sarili si Kyro.
"Sinong Alex?"
Tanong ni Axel, na may ideya kung sino iyon dahil sa Dark Arena.
"Hindi mo ba nakita si Alessia?"
Tanong ni Avery.
Pero nagulat sila nang biglang lumuha si Kyro.
Napakasama ng mga pangyayari.
Kaya naman ay inakay ni Zeno si Kyro at si Axel inakay si Avery.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano pagnamatay siya?"
Paulit-ulit na sabi ni Kyro kay Zeno nang dalawang beses.
Nauna si Alessia sa palasyo.
Naiwan niya ang maskara niya sa bangin.
Ayun ang pagkaaalala niya.
Umiyak si Alessia.
"Baka napahamak si Kyro. Dahil iniwan ko siya."
Alam niyang baka malaman nito ang kanyang totoong pagkatao.
Dahil nasira ang kanyang maskara sa pagkalaglag.
Hindi na nakalabas agad si Alessia dahil sa kanyang pasa.
Hindi agad maghihilom ito kahit pa sobrang ang kanyang lakas.
Tinignan niya sa labas ang apat.
Nakita niya si Kyro na akay ni Zeno.
Nakita niya din si Deon sa hardin.
"Anong nangyari sa inyo?"
Hindi niya marinig ang sinabi ni Deon.
Pero nakita niyang bumuka ang bibig nito.
Nagtago si Alessia sa loob ng kanyang silid.
"Hindi niya ko binalikan."
Nalulungkot na pahayag niya.
"Pero siguro tama lang ito dahil baka makikilala niya ko."
Sinumpa niya sa sarili na hindi niya ipagsasabi ang sikreto ng kinakakihan niyang pamilya na mayroon siya at hindi rin sa mga Marcella.
Natuloy ang pagdiriwang sa kaarawan ni Alessia.
Ngunit hindi dumalo si Alessia sa kanyang kaarawan.
Dahil sa kadahilanang may sakit siya, sabi ng mga tagapaglingkod.
Hindi maaaring baguhin ang pagdiriwang kaya naman ay si Deon Marcella na lamang ang naging bida sa kanyang kaaarawan.
Wala namang ang mga magulang ni Avery at Alessia dahil sa bakasyon nito sa kanilang anibersaryo.
Kaya naman wala nang naghanap sa kanila.
"Hindi ko siya pwedeng iwanan. Bumalik tayo sa gubat."
Natauhan na rin si Kyro.
Pinigilan siya ni Zeno.
Umalis na si Avery para hanapin si Alessia sa palasyo habang si Axel ay hindi umalis.
"Sino ba ang binibining ito at nagkakaganyan ka?"
Tanong ni Axel kay Kyro na lumingon sa sinabi niya.
"Isang matalik na kaibigan. Naging importante na siya sa buhay ko. Hindi ko siya pwedeng pabayaan."
Sagot ni Kyro kay Axel.
"Kung ganun ay baka iniwanan ka na niya. Imposibleng tumigil siya nang matagal doon. Kung mapanganib."
Sabi pa nito bago umalis nang nakangisi.
"Tama siya. Wag mong sabihing babae siya?"
Sabi ni Zeno na hindi na narinig ni Axel dahil siya ay malayo na.
Tumawa naman si Kyro.
"Oo, pero hindi iyon tulad ng iniisip mo."
Sabi ni Kyro sa kanyang pinsan.
"Maganda, ano? Kaya ka nagkakaganyan."
Sagot agad ni Zeno na nagseryoso ang mukha.
Nagtataka siya.
Paano nagkaroon ng bagong kakila ito nang hindi niya nalalaman?
"Sino ba talaga siya?"
Sabi ni Zeno, naguluhan.
"Yun din ang gusto kong malaman."
Sabi na lang ni Kyro kahit nagkakilala na si Alex at si Zeno dahil sa kabayo noon.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo siya kilala pero nakasalamuha mo?"
Nagtataka si Zeno.
Napakunot ang noo ni Kyro dahil hindi niya matandaan ang bahay nila Alex.
"Wala akong alam sa kanya kung hindi alias."
Sabi pa ni Kyro kay Zeno.
"Hindi mo siya mahahanap sa lagay na 'yan. Sigurado akong importante siya sa'yo. Paano na si Deon at ang kasal?"
Sabi ni Zeno kay Kyro.
Binabanggit ang ala-ala ni Kyro sa ibang babae, yung noon. Yung dati.
"Anong Deon? Si Deon Marcella?"
Nagtataka siya.
Wala na siyang koneksyon sa babaeng iyon.
"Hindi daw si Alessia o Avery. Baka si Deon, sabi ni Axel sa'kin kanina."
Banggit ni Zeno kahit walang nabanggit na Avery o Deon.
"Saan mo napulot 'yan? Isa sa mga Marcella, ang nakatakda para sa'kin."
Nakakunot na sabi ni Kyro.
"Alangan namang si Avery diba? Halos magkaedad lang ata si Alessia at Deon. Kaya posibleng isa sa kanila."
"Si Alessia Marcella. Dahil ako ang itinakdang maging prinsipe. Pero hindi ako susunod, kung mahahanap ko ang natitipuhan ko."
"Anong ibig mong sabihin? Bakit nahanap mo na no?"
Hindi sumagot si Kyro sa sinabi ni Zeno.
Medyo napaisip siya sa kanyang sinabi.
Nahanap na nga ba niya o nag-iilusyon lang siya?
Susunod pa rin ba siya kung nahanap niya na?
Tulad ng kanyang principles? Paniniwala noon pa man?
"Hindi ko masasagot yan."
Sabi niya kay Zeno at tinapik ang balikat.
"Sigurado ka? Pakiramdam ko, alam mo na ang sagot dyan?"
Sagot ni Zeno, nakangisi sa kanya.
Medyo pilyo ang mukha.
**