Chereads / Somewhere Only We Know (Completed) / Chapter 13 - Crown 12 – Rivalry of Romance

Chapter 13 - Crown 12 – Rivalry of Romance

Crown 12 – Rivalry of Romance

Kinubukasan ay naghanda si Axel ng pagdiriwang.

Para sa mga kalalakihan.

Nanonood lamang ang mga kababaihan sa kanilang mga labanan sa isports tulad ng Fencing.

Unang magkatunggali si Axel at Kyro.

Nanunuod si Alessia sa malayo.

Nakatingin kay Kyro.

Nag-aalala pa rin siya. Habang si Kyro ay medyo mukhang balisa din.

"Hindi ikaw ang magiging prinsipe, ako."

Bulong ni Axel kay Kyro.

"Hindi ikaw, ako."

Bulong din ni Kyro.

"Akin na si Alessia Marcella."

Sabi pa ni Axel bago magsimula ang laban.

Magkatabi kasi sila.

"Hindi ako ang magdi-desisyon nyan. Pero hindi ko siya gusto. Huwag kang mag-alala. Kababata ko lang siya."

Sagot naman ni Kyro na naghahanda ng espada para sa fencing.

Ngumiti si Kyro,

"Pero ako pa rin ang unang prinsipe at hari."

"Hindi iyon mangyayari kung hindi mo pipiliin si Alessia."

Sumagot si Axel at tumapat na kay Kyro.

Alam ni Axel ang kanyang ginawa.

Mapapasakanya ng aba si Alessia kahit noon ay iba ang kanyang nais.

Hindi masabi ni Avery kay Axel na siya ang kababatang kasulatan nito.

Para sa kanya, isa lamang siyang kababata.

Napansin ni Avery si Zeno sa gilid.

Lagi itong nakasunod sa kanya simula noon.

Nakukulitan siya rito pero bakit hindi naman siya naiinis?

Siguro ay dahil sa kagwapuhang taglay nito.

Walang masama kung makikipagkaibigan ako sa kanya.

Sabi ng kanyang ina, ang mga ganitong lalaki daw ang pinakamasarap magmahal.

Dahil sa taglay na pagiging masikap at matiyaga kapag daw naghahabol ang mga lalaki.

Hindi pa rin niya ito papansinin.

Kasi para sa kanya, hindi dapat nagpapaasa kung hindi naman gusto.

Pero hindi niya naman ito ayaw.

"Magandang araw, binibini."

Ngumiti ito sa kanya at siya naman ay nagtakip ng pamaypay.

"Magandang araw din."

Nakangiwi niyang sabi niya kay Zeno.

"Kumain muli tayo sa labas. Libre ko."

Sabi ni Zeno na ikinagulat ni Avery.

"Kung ikaw si Axel Tresvenor, mauulit iyon."

Pagsusungit ni Avery.

Natutuwa siya sa ugali ni Zeno.

Kasi hindi siya hinabol ni Axel kahit kailan.

Hindi niya gusto si Axel pero mahal niya ito.

Hindi naman niya mahal si Zeno pero bakit parang gusto niya na ito?

"Hindi ako titigil binibini, kung ako'y hindi papansinin."

Batid ni Zeno ang pagkagulat ni Avery.

Hindi talaga siya titigilan ng binata.

Mas maganda kung libangin ni Avery ang sarili sa lalaking bagong niyang kakilala.

Alam niya kung sino si Zeno Willard.

Isang mapang-akit na lalaki sa mga babae pero wala pa ring nagiging nobyo.

Ayun ang pinagtataka niya.

Si Zeno ang tipo ng taong hindi sumusuko agad.

Yun lang ang alam niya.

Tulad ng pagkahumaling niya kay Avery Marcella.

Nakita ni Axel si Zeno bago ang pagtutunggali.

Nakita niya kung gaano kalapit si Zeno kay Avery.

Naalala niya ang mga litratong pinadala ni Avery sa kanya noong bata pa lamang siya.

Sinunog kasi ng kanyang ama ang amg litrato at pinunit ang mga liham ni Avery sa kanya.

Noon pa lamang alam na niya, paguwi niya sa Elysian.

Si Alessia ang nakatakda sa kanya.

Ang panganay na anak ng mga Marcella ang pag-asa niya para maging hari.

Itinatak iyon ng tatay niya sa kanya.

Nakilala niya si Deon, ang matalik niyang kaibigan.

Ganon din ang pagkahumaling niya kay Avery Marcella.

Pero hindi na pwede.

Nanalo si Kyro dahil galit na galit si Axel kay Kyro.

Si Alessia ay nasa isang tabi lang.

Napatingin ang dalawa dito nang matapos.

"Sigurado ka na? Kasi baka ako ang piliin niya. Kapag gumalaw na ko."

Pagbabanta ni Axel.

"Hindi iyon mangyayari kung alam niyang ako ang kanyang prinsipe."

Pero alam ni Kyro na komplikado. Hindi niya lubos na kilala si Alex pero mas gusto niya ito kaysa kay Alessia.

Hindi niya rin alam kung bakit ba siya nakikipagtalo kay Axel tungkol kay Alessia.

Kasi gulong-gulo na siya.

Nagkatinginan si Kyro at si Alessia nang umalis si Kyro sa gitna.

Ngumiti si Alessia sa kanya.

Tumango naman si Kyro.

"Mukhang panalo ka na naman kay Axel pero hindi pa rin siya nadadala."

Sabi ni Alessia kay Kyro.

Tumawa si Kyro sa sinabi ni Alessia.

Parang naalala niya agad si Alex.

Siguro nga ay may peklat ang mukha ni Alex kaya hindi niya mapakita.

Tila parang bulag si Kyro kasi iisa lamang si Alex at Alessia.

Ayaw niyang aminin na ito ang kanyang kabiyak sa susunod na ipakilala na ito pero paano ang kanyang kalayaan pumili.

Ginulo niya ang buhok ni Alessia.

"Wala pa rin kasi siyang panama sa'kin."

"Magandang umaga, binibini."

Lumapit na rin si Axel kay Alessia.

Kinuha pa ang kamay nito at humalik.

Naasar si Kyro kaya umalis na siya.

Balak niyang bumalik doon pero mapanganib.

Baka kasi ang kanyang tiyuhin ang may pakana ng pagkawala niya at hindi si Axel dahil malapit lang ang edad nila. Imposibleng kasama siya.

Para kay Alessia. Balak niya nang magpakilala kay Kyro pero hindi na siya binalikan nito.

Isang katuwaan lang ang Dark Arena ngunit ito ay mapanganib at hindi legal.

Ang kanyang ama ang punot dulot ng pagsali niya rito.

Para sa paghahanap sa pumatay sa kanyang kapatid sa Dark Arena.

Kaya hindi siya pwedeng magpakilala kay Kyro.

Sabi ni Alessia noon ay siya lang pag-asa ng pamilya niya.

Kahit ngayon ay parte na siya ng Marcella. 

Para sa kanya, hindi na muna siya pupunta sa Dark o Black Arena.

Dahil sa nangyari sa Black Market.

Hindi pa rin maisip ni Kyro kung bakit hindi mawala sa isipan niya si Midnight Alex.

Balak niyang bumalik sa Black Arena bilang Dark Lord o August.

Alam ni Alex na siya si August at hindi naman siguro bilang prinsipe.

"Paano kaya kung magpakilala na kong prinsipe upang magulat siya at hindi na ko iwanan?"

Nagugulahan pa si Kyro sa kanyang sinabi.

"Gusto ko ba si Alex?"

Tanong ulit niya sa sarili.

Nag-usap si Zeno at Kyro sa labas.

"Kailangan kong hanapin si Alex. Importante na siya sa'kin."

 Banggit ni Kyro kay Zeno.

Napadaan si Axel sa hardin. Narinig ang usapan ni Zeno at Kyro.

"Pero mapanganib ang Black o Dark Arena. Hindi ko pa nga alam ang nangyari sa'yo doon nung nawala ka. Hindi ka ba magsasalita?"

Nakatingin lang si Zeno kay Kyro habang si Kyro ay malayo ang iniisip.

Si Alessia ay nasa hardin nagpipinta ulit.

Napangiti na lang siya kasi nalaglag ang mga kagamitan ni Alessia.

Matagal na niyang kilala ito pero ang layo nito sa kanya.

"Bakit ka pa babalik sa Black Arena? Baka mamatay ka na talaga sa totoo lang."

Payo ni Zeno na narinig ni Axel.

"May koneksyon sila sa Black Arena? Sino si Midnight Alex sa buhay ni Augustus? Siguro matalik na kaibigan? Pero ang ama ko ang namamahala ng Dark Arena. Isang magandang balita."

Isip ni Axel sa kanyang sarili.

Umalis na si Axel para maghanda ng kasuotan.

Para dumalo sa Dark Arena bilang ibang tao.

Gusto niyang mapababa si Kyro at ang kanyang munting kaibigan na si Alex.

"May maganda ako naisip. Siguro naman ay makakalapit na ko sa kanyang mga plano at mapagkakatiwalaan. Bukod doon, mawawala na siya nang tuluyan sa landas ko."

Sabi ni Axel sa kanyang sarili.

Nagsuot siya ng maskarang itim.

Ang cape o kapang itim at damit na mas itim pa sa budhi ng kanyang ama.

Mataas ang pangarap ni Axel Tresvenor.

Isa ito sa mga yapak para maging hari.

**