Crown 9 - Only Wife
Hindi na natuloy ay pag-aalala ni Alessia.
Dahil muling nagising si Kyro sa kanyang kama, mumulat ang kanyang mata.
Naka-abang si Alessia kay Kyro sa kama nito sa may gilid.
Bawat piraso nang kanyang mukha ay tinignan nito.
Matangos ang kanyang ilong, magagandang labi at mapungay nitong mata.
Alam niyang maganda ang itsura nito.
Wala siyang interes.
Ayon sa kanyang ina, ang mga ganitong lalaki daw ay ang pinakamahirap paibigin.
Hindi niya rin ipagkakalat ang paghilik nito sa pagtulog pero natatawa siya.
"Isang kang malaswang babae. Bakit ganyan kang makatingin sa'king katawan?"
Nang-aasar na pahayag ni Kyro pagkatapos gumising.
"Hindi iyon totoo. Isa kang mapagbintang na lalaki. Malinis ang aking konsensya. Hindi kita nais."
Nakangiting sabi ni Alessia sa kanya.
Para namang nabahala si Kyro sa sagot nito sa hulihan.
Nagseryoso ang kanyang mukha.
"Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala. Ako'y malakas at makisig. Halata sa iyong mukha na may pagtingin ka sa akin at nag-aalala ka. Huwag kang magsinungaling."
Nakangisi nitong pahayag habang nilalapit niya ang mukha kay Alex.
"Oo, totoo. Ako'y nag-aalala."
Ngumiti si Alessia.
Habang si Kyro ay natameme sa gilid.
"Ayokong mawalan ng asawa."
Banggit niya habang nginunguso si Marga sa likuran.
Akala niya ay nanghihingi ito nang halik.
Nilapit niya ang mukha niya rito.
Balak halikan ang dalaga.
Wala siyang naisip kasi dinikit na lang niya ang noo sa mukha ni Kyro pero hindi niya hinalikan.
"Nandito si Marga."
Bulong niya rito.
Amoy ang kanyang hininga.
"Inihabilin nang inyong ama ang mga asawa ninyo na papasukin sa inyong silid."
Sabi ng lalaki sa gilid ni Marga, na nagpakilalang si Shaun.
"Ako si Shaun, kapatid ni Marga."
Sabi pa nito.
Nakalinya ang tatlong babae.
Mga asawa ni Prinsipe Celestino?
Nagulat si Alessia sa narinig parang siya ay naaasar sa mga tingin nang mga ito sa kanya.
Anong mga asawa?
Isip-isip niya.
Madami pa lang asawa itong si Prinsipe Celestino.
Dagdag pa niya.
Nagkatinginan sila ni Prinsipe Kyro bilang Prinsipe Celestino.
Tinignan niyang muli ang litrato sa gilid na may mukha ni Prinsipe Kyro pero may peklat sa taas nang kanyang noo.
"Hindi ba't mas maganda kung magbagong buhay ka na, Prinsipe Celestino? Hindi mo na kailangan ng mga asawa pa maliban sa'kin."
Para kay Alessia, tama iyon.
Para makatakas sila ni Kyro.
Walang bantay.
Kasi kung mayroong mga babae ay para siyang manghihina dahil nakaabang sa kanilang dalawa.
Ngumisi si Prinsipe Celestino- ala Kyro.
Gusto pa niyang magtagal rito upang malaman na niya kung sino talaga si Midnight Alex.
Para makasama pa ito nang matagal.
Para makilala nang lubos.
Sino kaya ang nasa likod ng kanyang maskara?
"Hindi na kailangan, mahal. Gusto ko rin silang makilala."
Ngumiti ito sa kanyang parang ang saya-saya pero kabado.
"Kamalian iyan, mahal. Ako lang dapat ang iyong mahal."
Nakataas ang kanyang kilay sa loob ng kanyang maskara.
Hindi pa rin kasi makahalata si Kyro sa kanyang plano.
Para makaalis agad.
Hindi nakasagot si Kyro.
Tumingin na lamang siya sa tatlong kababaihan.
"Ipakilala niyong muli ang inyong mga sarili."
Sabi ni Marga.
"Leyla Amihan, ako ang iyong pangalawang asawa kung siya ang nauna."
Tumingin siya kay Alessia.
"Galing sa kabihasnan noon ng inyong amahin."
Tumingin ulit siya kay Kyro pagkatapos kay Alessia muli.
"Ako si Yanes Bugso, Ang iyong pangatlong irog. Pinakamagandang dilag sa Bugso."
Ngumisi si Yanes kay Alessia at hindi kay Kyro.
"Deres Camelia. Ang huling-huli. Magaling akong umawit at manahi."
Ngumiti ito kay Kyro at ang talas ng tingin kay Alessia.
Pero ngumiti muli sa huli bago tumingin kay Kyro ulit.
"Maiwan ko muna kayo, mahal na prinsipe. Sana ay iyong sila'y natipuhan. Maging mabuhay sana ang iyong araw."
Sabi ni Marga at umalis na rin kasama si Shaun na nakangisi rin.
Naguluhan si Alessia sa kanyang narinig.
"Ako si Alex."
tumango si Alessia sa kanila.
"Asawa ko."
Natatawang sabi ni Kyro.
"Pang-unang asawa ko."
Dinagdagan pa ni Kyro ang sinabi na ikinakunot ni Alessia nang noo.
Nang bigla siyang nitong hawakan ang kamay at halikan ito.
Balak ba nitong magtagal rito?
Bakit niya pinapasok ang mga hangal na mga kababaihan na ito na parang may mga balak kay Kyro at sa kanya na kakaiba?
"Aalis na ko, mahal na prinsipe. Sana ay magkakilala kayong lahat. Aalis muna ako para makapagpakilala ka sa kanilang tatlo."
Buong diin ni Alessia na sabi kay Kyro na kanina pa nakangiti at nawalan nang buhay ang mukha sa sinabi niya.
Nagulat ata ito sa kanya.
Kumaripas nang takbo si Alessia nang tumatawa.
"Ayaw pala niyang umalis. Edi huwag."
Pero biglang nagseryoso siya nang mukha.
"Ayos lang kaya iyon? Ngayon? Siguro kawawa ang kanyang asawang totoo?"
Naalala niya ang sinabi ni Kyro tungkol sa pagpapakasal sa pinagkasundo sa kanya noong nasa gubat sila kasama ang kabayo.
"Asawa ko! Mahal! Sandali!"
Narinig niya si Kyro sa di kalayuan kaya nilingon na niya na walang pantaas.
"Bakit mo naman ako iniwan doon?"
Kabado si Kyro isinara ang kanyang pantaas.
"Walang nangyari. Huwag kang sumimangot."
Sabi pa niya kay Alex na nagulat nang lubos ayon sa mukhang hindi maipaliwanag.
"Ayan na si Marga."
Sabi ni Kyro bago pa lumingon si Alex sa nasabing Marga ay niyakap niya ito nang mahigpit.
Nagpapanggap lang sila na mag-asawa para maligtas sa Celes Kingdom pero bakit ganito?
"Wala na."
Sabi pa ni Kyro at ngumisi.
Tinitignan niya kung mayroon na ba siyang pagtingin kay Alex.
Dahil sa yakap ay wala naman siyang naramdaman na espesyal.
Ayaw pa niyang umalis.
Iyon ang gusto niyang sabihin sa sarili.
"Sa ibang kwarto na lamang muna tayo, matulog. Habang nag-iisip nang plano sa pag-alis."
Naguluhan si Alessia sa sinabi ni Kyro.
"Bumalik ka na lamang sa mga babae doon at ako ang aalis kung ayaw mo."
Sabi ni Alex kay Prinsipe Kyro.
"Hindi tayo pwedeng mahuli."
Nagtago sila sa isang gilid nang makitang totong dumaan si Marga at Shaun.
"Matagal pa ba nating itatago si Kyro?"
Tanong ni Shaun kay Marga.
"Oo, ayon sa mga Tresvenor. Maganda itong plano upang si Prinsipe Axel ang maging prinsipe at hari nang Elysian Kingdom."
Sagot ni Marga, na ikinabigla ni Prinsipe Kyro at Prinsesa Alessia na galing sa Elysian Kingdom.
Malapit sa Celes Kingdom.
Nagkatinginan sila ni Kyro.
Masyadong malapit si Alessia sa mukha ni Kyro.
Umusod si Alessia palayo pero hinigit siya ni Kyro palapit.
"Dapat na tayong tumakas pero huwag kang maingay saglit."
Tinakpan naman ni Kyro ang katawan ni Alessia.
Nakatalikod si Kyro para magkunwaring kawal.
Pero hindi sila napansin si Marga at Shaun.
**