Chereads / Somewhere Only We Know (Completed) / Chapter 7 - Crown 6 – Black Market

Chapter 7 - Crown 6 – Black Market

Crown 6 – Black Market

Natutuwa na si Kyro sa dami ng dumalo sa kaarawan ni Alessia at mukha naman itong masaya.

Alam niya sa sarili niyang itong ang nakatakda para sa kanya. Ang kanyang kababata.

Pero hindi niya lubos maisip na pagtangkaan na ibigin ito maliban sa pagiging kababata.

"Nakakabighani ang iyong kasuotan."

Bulong ni Kyro sa hindi makatingin na Alessia.

"Ikaw talaga, isang mambobola. Biro lang. Salamat."

Tumawa si Alessia rito.

Matagal na siyang nitong inaasar kapag may event sa palasyo.

Mas maganda kung ikalma ni Avery ang nakakapanglaway na mga pagkain na nakahain.

Nahuli kasi siya sa pagpasok sa handaan.

Kaya ayun, hindi niya na binalak pang magdala ng escort o kasama sa kaarawan ng kapatid niya at nasabing pinsan na si Deon.

Lalantakan na lang niya ang mga desserts doon.

Ngumiti siya habang kumukuha ng cupcake.

"Magandang araw, binibini."

Sabi ng isang lalaki sa kanyang gilid, walang iba kung hindi si Zeno Willard.

Napakunot siya ng noon, nang hindi ang inaasahan niyang lalaki ang nagsalita.

"Hindi na maganda ang aking araw dahil sinira mo na, ginoo."

Pagtataray niya rito. Umismir pa siya rito at ibinaling ang tingin sa pagkain kaysa dito kay Zeno.

"Galit ka pa rin ba dahil nagpanggap akong si Axel?"

Tanong ni Zeno sa binibining kanyang kinukulit.

"Hindi naman, medyo lang."

Taas ng boses na sabi nito.

"Huwag kang magpapaloko kay Axel Tresvenor. Kahit maliit ang kanyang paglaki at pagtindig ay marami siyang galamay sa mga kababaihan."

Payo pa nito na ikinatawa rin ni Zeno.

"Kababata ko siya at matagal na kaming nagsusulatan. Kaya dapat ay naging matapat kang sabihing hindi ikaw ang aking hinahanap."

Sagot nito pagkatapos ay umusod para kumuha ng iba pang pagkain.

"Kung wala ka nang balak kainin ay gusto mo munang sumayaw, binibini?"

Nag-abot ito nang kamay.

Ngunit ay hindi siya nito pinansin.

Kaya siya ay sumunod na lamang sa lamesa nito.

Hindi dumalo si Axel Tresvenor dahil siya ay nagkasakit.

Bali-balita na si Deon Marcella ang dinala niya sa kanyang kaarawan, Na kaarawan naman talaga ni Alessia bilang kasama.

Mag-isa si Deon Marcella.

Hindi niya pa rin lubos maisip na si Kyro Augustus ang dinala ng kanyang pinsan na si Alessia.

Ang dati niyang iniibig.

Wala siyang pakialam basta siya ay masaya na.

Ngunit hindi pa rin naging sila ni Axel.

"Hindi ka ba makakasama sa kaarawan ko, Axel? Namimiss na kita."

Sabi ni Deon sa telepono.

"May sakit ako, sa susunod na lamang. At isa pa, kung sasabihin mo ulit ang tungkol satin ay hindi ito tamang oras para pag-usapan natin kung anong meron satin dahil wala. Dahil may hinihintay pa kong ibang tao."

Matatapos ba ang araw nang walang kainan? Syempre hindi.

"Kumusta na kaya si Alex?"

Sabi ni Kyro habang nakatitig kay Avery at Zeno na nakamaskara sa malayo at malapit sa mga pagkain.

Tumingin siya rito kasi naalala niya bigla si Alex.

"Si Avery pala ang sinasabi ni Zeno,akala ko si Alessia."

Bulong ni Kyro na rinig ni Alessia.

"Ano iyon? Kyro? May balak ka bang sabihin?"

Umiling si Kyro sa sinabi ni Alessia.

Lilingon sana si Alessia sa tinitingnan ni Kyro ngunit ay inilayo niya ang ulo nito pabalik sa kanya.

Ngunit may nag-eskandalong hindi inaasahan.

Isa sa mga tao sa siyudad, isang commoner ang balak mag-eskandalo.

Dahil may dalang itak ito.

Itinago si Kyro si Alessia sa likod niya.

"Mga walang hiya kayo.Kayo ang may kasalanan kung bakit wala na ang aking mag-ina. Oo dahil dati akong kawal. Ngunit ako ay inyong ginagago! Kayo ang malulupit na nang aalipin sa mga mahihirap!"

Nanlilisik ang mata nito.

Ngunit ay hinila ng dating kawal na nanggugulo si Prinsesa Alessia upang gawing panakot.

Kinuha ni Prinsipe Kyro ang sandata sa kawal.

"Kyro, Huwag kang mangingialam."

Bulong ni Alessia.

"Kung hindi niyo ibibigay ang gusto ko, papatayin ko ang babaeng ito."

Sabay lagay ng itak sa leeg nito.

"Hindi maaari, Hulihin siya!"

Sabi ng Hari, Aeroll Marcella.

"Kalma ka lamang wala kaming kasalanan sa iyong pighati. Ngunit hindi ito tama! Huminahon ka!"

Sabi ng Reyna, Regina Marcella.

Muntik ng dukutin ni Alessia ang malaswang parte ng lalaki upang bitawan siya at sikuhin ngunit nauna si Prinsipe Kyro sa pag taga sa kamay nito habang hindi nakatingin ang lalaki dahil sa hari at reyna na ama at ina ni Alessia na totoo na nakaupo doon sa taas ng hagdan ito nakatingin.

Si Alessia ay umalis sa bisig noong lalaki at tumakbo kay Avery sa likod ni Kyro.

"Muntikan ka na doon ah! Mawawalan pa ng asawa si Kyro."

Sabi ni Zeno kay Avery at Alessia.

"Ano bang ibig mong sabihin, Ginoong Willard?"

Umiling lang itong si Zeno nang nakangiti.

"Asawa?"

Takang-taka si Alessia pero parang isang pangarap at panaginip iyon.

Dahil si Avery ang totoong panganay.

Ngunit siya ang tumatayong panganay sa kanilang magkapatid dahil siya ang matapang.

Ngunit naudlot ang pagpapakilala niya sa mga tao dahil sa insidenteng ito.

Napansin ni Kyro ang sinabi ni Zeno kaya tinalas niya ang tingin niya rito.

Alam niya na iyon na si Alessia ang pinagkaiba lang nila talaga ni Zeno ay ang pagiging madaldal nito at chismoso.

Katulad ng mga tipo nila. Naalala ni Kyro ang sinabi ni Zeno.

"Ang mga tipo ko ay mahinhin at magaganda."

Sabi pa nitong noong mga bata pa sila.

"Kung sa'yo ay ganon ako ay nahihilig sa mga palaban at magaganda. Ngunit hindi ko pa siya nahahanap."

Sabi pa nito kay Zeno.

Hinuli ng totoong kawal ang lalaking nangugulo na may sugat sa kamay na pinadugo si Kyro gamit ang espada na binigay ng kawal niya.

Natapos ang handaan nang maaga.

Nag-alisan din ang mga tao at natapos ang lahat nang ganon-ganon na lang.

Kinabukasan ay todo pa rin sa pag-aayos si Alessia bilang Midnight Alex sa bagong Black Arena, nag-suot siya nang itim na kapa at maskarang itim na tumatakip sa kanyang buong mukha.

Nakita ulit ni Kyro si Alex sa labas ng Black Arena na may dalang kabayo.

"Alam kong nandito ka. Ngunit may bago nang Black Arena. Inimbita ka rin ba nila?"

Dala niya ang silver na sobre na may laban na imbitasyon.

"Oo, natanggap ko rin." Sabay taas nito sa sobre nang nakangiti.

"Oh sige mauna na ko."

Sabay sakay ni Midnight sa kabayo.

"Hindi pwede. Pasakay naman ako sa kabayo mo. Ako na magpapatakbo kasi isa akong maginoong lalaki."

Sabi ni Kyro nang nakangisi.

Walang nagawa si Alex kasi kaibigan naman niya itong si Kyro at kay Kyro ang naturingang kabayo na ninakaw niya.

"Dahil akin ang iyong kabayo. Uhm-noon! dapat ay bigyan mo ulit ako ng sakay. Kahit isa pang beses."

Pagkasabi ni Kyro ay napangiti na lang si Alex sa loob ng kanyang maskara.

Pagkasakay ni Kyro ay sumakay na rin si Alessia.

"Akin na ang iyong kamay. Ilagay mo sa aking bewang."

Sabay silang pumasok sa nasabing lugar.

Halata akong pawis ni Kyro sa mukha niya.

"Mukhang kailangan mo ng pamunas."

Hinagis ni Alex ang panyong kulang itim sa mukha ni Kyro noong naglalakad sila.

"Iyo ba tong panyong itim? kasi hihingin ko na. Bilang alalaala sa'yo. Kapalit ng ginuhit na may mukha kong binigay ko sa'yo na papel."

Ngisi pa ni Kyro rito.

Gulat na gulat naman si Alessia na ganito ang trato sa kanya ni Kyro.

Kasi iba ang konbersyasyon nila ni Kyro bilang Prinsipe Kyro Augustus kay Prinsesa Alessia Marcella at sa pagiging Dark Lord o August nito kay Midnight Alex.

"Ibalik mo yan mamaya."

Sita ni Alex.

Umiling naman ito sa kanya nang nakangiti.

"Hindi na no. Akin na 'to."

Nakangiti pa rin ito sa kanya.

Nagulat si Kyro nang posasan silang dalawa ni Alex sa isa't isa at itali.

Dinala sila sa stage ng Black Market.

Iyon ang nakalagay sa stage na signboard.

Hindi pala ito Black Arena kung saan may bakbakan ng mga gladiator.

"Ang pagbili ay simula na!"

Sigaw ng lalaki sa kaliwang bahagi ng stage.

"Pakawalan niyo kami! Mga hayop!"

Sabi ni Alex at sabi naman ni Kyro ay,

"Anong karapatan niyong ibenta kami? Labag ito sa batas, mga lapastangan!"

Nakakunot ito.

"10,000!"

Nagsalita ang mga tao ng mga malalaking halaga ng pera na sunod-sunod kaya naman ay nagulantang ang dalawa.

Natali sila dahil hindi sila handa sa harap ng naturingang Black Market.

Sila ay hinampas sa ulo bago pa magbanggit ulit ang halaga ng pera.

Paggising nila ay nasa likod na sila ng kurwareng kabayo na para sa pagpapadala ng bagahe.

"Nasaan na tayo?"

Banggit ni Kyro.

"Malay ko, nasa kawalan ata."

Sagot naman ni Alex na ikinangiti ni Kyro.

Ilang araw na ay nawawala si Alessia Marcella, naglalakad si Avery nang paulit-ulit sa loob ng bahay ng mga Willard at hindi niya alam kung bakit siya dito napadpad.

Siguro ay dahil wala siyang malapitan.

Ngunit hindi pa rin alam ng mga magulang ni Kyro ang pagkawala niya dahil ay siya ay maluwag ang pagbantay.

**