Crown 7 - Another Me
Hindi alam ni Avery Marcella ang gagawin nung mawala si Alessia nang ilang araw.
Pinagtatakpan niya ito sa kanyang mga magulang.
Nang makita niya sa hardin si Zeno ay bigla naman siya nitong kinausap.
"Magandang umaga! May problem ka ba, binibining Marcella? Mukhang balisa ka?"
Nakangiti nitong salita sa kanya.
"Nawawala si Alessia, si Kyro ba ang kanyang kasama?"
Sagot ni Avery habang hindi makatingin kay Zeno.
Hindi naman maipaliwanag ang mukha ni Zeno dahil sa narinig.
"Wala si Kyro, nung isang araw ko pa ngang hinahanap."
Lumabas naman si Axel Tresvenor sa kanyang silid nang makita si Zeno at Avery sa di kalayuan.
Hindi niya masyadong kaclose kasi ngayon lang din siyang taon bumalik sa bansa nila at nakilala si Deon Marcella.
"Anong meron dito?"
Umuubo pa si Axel nang lumapit kay Zeno at Avery.
Nagliwanag naman ang mukha ni Avery habang nakakunot noo si Zeno sa dumating.
"Wala naman, kami nang bahala."
Sabi nito kay Axel bago lumingon ulit kay Avery.
"Dwende, unano, pandak, panira nang araw."
Bulong-bulong ni Zeno na halatang may halong galit ang boses sa height kasi ni Axel ay katamtaman at mas maliit pa ng konti kay Avery.
Nakangiti si Avery kaya naman nasira ang ekspresyon at umaga ni Zeno kay Axel na kanyang karibal noon pa man.
Nang malaman niyang magkakilala pala si Axel at Avery noong mga bata pa lamang sila.
"Anong sabi mo? Kapre, Tikbalang, poste?"
Pabalik na asar nitong si Axel sa pinsan niyang nasobrahan sa height.
"Hindi, ang sabi ko. Nawawala si Alessia at Kyro."
Nanlaki naman ang mata ni Axel sa sinabi ni Zeno.
Wala nang masabi itong si Zeno kaya sinabi na lang niya kahit ayaw ng loob niyang magpatulong kay Axel na maraming koneksyon kaysa sa kanya na babae ang koneksyon. Alam niya yon.
"Magkasama ba silang nawala? Nakakapagtaka naman yan."
Banggit ni Axel kasama ng pagpansing niya sa pagtitig ni Avery.
Niliko ni Zeno ang atensyon ni Avery gamit ang kanyang balikat papunta sa gawi niya.
"Hindi, pero ako nang bahala. Samahan mo ko sa paghahanap sa kanila. Para hindi malaman nang iyong mga magulang."
Nakangiting banggit ni Zeno kay Avery.
Tumango si Avery.
"Tama, hindi pwedeng malaman ni Amang hari at inang reyna ang pagkawala ni Alessia. Hindi pwedeng maulit iyon tulad nung bata pa siya. Mahal ko ang aking kapatid. Kaya sasama ako sayo kung kailangan."
Nagliwanag na naman ang mukha ni Zeno sa sagot ni Binibining Avery.
"Hindi ako pwedeng maiwan. Kailangan ni Alessia ang tulong natin. Isa siyang babae at dalaga na. Baka mapahamak siya kung hindi agad siya mahahanap."
Dugtong ni Axel nang nakatingin maigi sa dalawa. Walang interes sa kanila.
"Pero baka nahamak na talaga siya. Ipagpaubaya na kaya natin sa mga kawal? Hindi pwedeng tayo lang no."
Sabi pa ulit ni Axel, pagbabawi sa sinabi niya kanina.
"Hindi pwede, mamaya ay mapagalitan si Alessia at mapalayas sa palasyo. Kung hindi ka sasama sa paghahanap, maaari ka namang magpaiwan. Kasing liit kasi ng iyong laki ang iyong tiwala sa sarili."
Natatawang sabi ni Zeno.
"Malaki nga ang iyong laki ngunit, maliit yung puso mo. Napakaangas mo, Zeno. Ano bang problema mo sa'kin?"
"Problema ko ba kung hindi ka na lumaki? Ah basta, sasama ka ba o hindi. Pwede namang hindi."
Naasar na sabi ni Zeno.
Alam niyang karibal niya ito. Matagal na.
"Problema ko rin ba kung nasobrahan ka sa laki. Sasama na ko. Kahit magalit ka pa."
Kahit naaasar na si Axel ay hindi siya nagpalamang kay Zeno. Wala siyang naintindihan sa balak nitong iparating.
May gusto ba ito sa katabing binibini? Hindi naman ata.
"Huwag na kayong magtalo. Umalis na tayo!"
Sabi ni Avery bago pagsamahin anhg kamay ni Axel at Zeno.
"Dapat ang magpipinsan ay natuturingang maging pamilya."
Inosenteng ngiti ni Avery.
Nagulantang na lang ang dalawa.
Si Kyro at Alex.
Nasa ibang lugar na sila ayon sa mga gusali at mga kasuotan ng mga tao. Nakaputi ang mga ito na naglalakad sa kalye.
Nasaan na nga ba silang dalawa?
Walang makakapagsabi basta alam nila ay maraming nagtitinda sa gilid at mga magagandang kabahayan at gusali ang nandoon.
Alam ni Kyro na ibang siyudad na ito base sa mga suot ng mga ito.
"Iba ang kanilang suot. Nasa ibang lugar tayo, malayo sa palasyo."
Napakamot sa batok si Kyro.
"Talaga? Paano na tayo?"
Sabi ni Alex kahit init na init na sa kanyang suot pa rin.
Nakamaskara at nakakapa na itim.
Bumaba sila sa isang mansion na parang palasyo rin ng mga diyamante.
Nakaputi ang mga ito na parang mga Diwata at diyosa.
"Prinsipe Celestino!"
May yumakap kay Kyro nung pagbaba nila sa karwahe nang nakatali.
"Kami ay madidiwang na dahil nagbalik ang prinsipe ng Celes Kingdom. Ako ito si Marga, kapatid ni Shaun. Isa ring prinsesa. Hindi mo ba ko natatandaan."
Nagtaka naman si Kyro sa kanyang narinig.
Hindi niya maintindihan yun nang ilang segundo.
"Sino ang iyong kasama? Isa ba ito sa bago mong asawa?"
Tinignan ni Marga nang maigi si Alex, na nagtatago pa rin sa kanyang maskara.
Nakaisip si Kyro nang paraan upang makatakas at hindi masaktan.
"Oo, ako si Prinsipe Celestino ngunit nawawala ang aking alalaala. Ang babaeng ito ang aking nakasama sa paglalakbay….at ang aking asawa."
Tumawa pa itong si Kyro sa kanyang sinabi sa babaeng nagpakilala na, Marga.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang pangalang Celestino at bakit siya may kamukhang prinsipe ng ibang lugar.
Napansin niya kasi na nakapaskil ang guhit ng isang lalaking seryoso na nakaupo sa upuan at higit sa lahat ay may mukha niya. Ayun ang pinagtataka niya.
"Maaari ba kaming bigyan mo ng kwarto ng aking asawa?"
Yun na lamang ang naisip ni Kyro.
Baka sa makalawa ay tumakas na sila kung makakatakas sila sa mga kawal na nakaabang sa pinto.
Nagkatinginan sila ni Alex.
Hindi niya alam ang plano ni Kyro.
"Hinihintay namin ang iyong pagbabalik pero kung iyon ang iyong nais, pagbibigyan kita. Hanggang maalala mo ang lahat ng nangyari rito."
Nakangiting sabi ni Marga bago itinuro ang kwarto.
Nagkatinginan si Kyro at Alex sa kwartong binigay nung Marga.
"Ano nang gagawin natin? Nasa ibang dako tayo ng mundo. Tapos prinsipe ka pala ng Celes Kingdom at mayroong nakakalimot na sakit?"
Naaasar na sabi ni Alessia kay Kyro.
Alam din nitong prinsipe rin ito ng Elysian Kingdom, ang kanyang kababata.
"Pero may kambal ka ba? Hindi ko akalain na prinsipe ka rito. Kapag sinuswerte ka nga naman."
Dagdag pa ni Alessia sa unang sinabi niya.
Kahit siya mismo ayaw malaman na siya ay prinsesa pero si Kyro ang kanyang gustong kulitin tungkol sa pagiging prinsipe rin pala ng ibang Kingdom.
Wala naman palang maitatago si Kyro kasi kilala ni Alessia pero magaling magtago si Alex dahil hindi pa rin nito nahahalata sa kanyang boses ni Alex na si Alessia siya kasi ang lampang kababata ni Kyro na si Alessia ay hindi magiging kasing lakas ni Midnight Alex.
Hindi siya siguro maniniwala.
"Hindi ako prinsipe dito at wala akong sakit. Sinabi ko lang yun para hindi nila tayo saktan at makatakas."
Sagot ni Kyro sa nagtatakang Alex.
Umabot na ng gabi ay wala pa ring maisip si Kyro.
"Siguro labanan na lang natin lahat at umalis kapag gumabi na."
Payo ni Kyro kay Alex.
"Pwede rin siguro? Kaso hindi natin alam ang bilang nila."
Si Alex ang nagsalita ng mahina.
"Ito ang inyong hapunan."
Sabi ni Marga na biglang pumasok.
Nanlaki ang mga mata ni Alessia.
Kakaiba ang mga nakahain sa maliit na lamesang may laman na pagkain.
Habang nakain ay nagtataka si Marga.
"Ito na, mahal. Kain ka na."
Balak subuan ni Alex si Kyro na hindi pa rin nagsuot ng bagong damit.
Kukunin dapat ni Kyro ang kutsara.
Pero sinubuan siya si Alex at nabulunan nang kaunti.
"Maaari mo na kaming iwan. Kailangan naminang pribadong oras ng asawa ko."
Pagsakay ni Alex sa sinabi ni Kyro kanina bilang asawa nito.
Umalis nang silid si Marga.
"Kung sakyan na lamang natin sila at kapag nakalabas tayo saka tayo tumakas. Hanap tayo ng tiyempo."
Plano ni Alex na inihatid niya kay Kyro na kumakain ng napakaanghang na mga putahe na kakaiba sa kanilang nakasanayan.
"Hindi ka pa rin ba magtatanggal ng maskara upang makilala kita?"
Tuwang-tuwa si Kyro sa kanyang ideya.
Pangungulit ni Kyro kay Alex ay nangasim ang mukha nito sa narinig.
"Hindi iyon mangyayari, mananatiling sikreto ito hanggang hindi pa ko handa."
Sabi nito sa sarili na hindi permanente si Midnight Alex, magpapaalam din ito kay Kyro sa susunod.
Pagkatapos kumain ay napansin ni Alex ang kama na malawak at sofa.
Umupo siya sa sofa at nahiga.
"Iyo na ang kama, walang balak ang dalagang marangal na ito na tumabi sa isang binata na nasa punto pa ng paglaki."
Natatawa naman si Kyro sa ginawa ni Alex.
"Hindi, dapat ikaw ang humiga sa kama."
Ngunit pumikit na ito at humiga.
Ilang oras na ay hindi pa rin dinadapuan ng antok si Prinsipe Kyro.
Kaya naisipan na lang niyang buhatin ang natutulog na Alex sa mahabang upuan papunta sa kanilang kama.
Hindi mapigilan ni Kyro ang kuryosidad sa mukha ni Midnight Alex.
Balak niyang tanggaling ang maskara.
"Baka magalit si Alex. Siguro hayaan na lang natin siyang magkahayag ng kanyang katauhan bilang respeto sa kanya."
Seryosong tumitig si Kyro sa nakahigang Alex sa kama.
Hinalikan niya ang noo ng babaeng ito at kinumutan.
Hindi niya alam kung bakit niya ito ginawa pero natutuwa siya.
**