Crown 8 - Inevitable War
Hindi pa rin alam nang nasa palasyo ang nangyari.
Naguguluhan si Deon kung bakit siya lamang ang nasa loob ng palasyo na lumabas para sa kaaarawan niya at si Alessia.
Wala siyang nagawa kung hindi magmukmok dahil wala si Axel Tresvenor na kanyang bagong naiibigan sa mga bisita.
Pati si Kyro Augustus na kanyang dating kabiyak.
O kaya si Zeno Willard na gusto nang kanyang mga kaibigan.
Nagulat si Alessia nang maglabas ng mga pagkain at mga lamesa sa napaka lawak na lugar sa labas.
Nung nakalabas sila.
"Anong kaganapan ang nangyayari rito?"
Tanong niya sa isa sa mga nag-aayos ng lugar.
Katabi niya si Kyro sa gilid niya, hindi maipaliwanag ang mukha.
"Kaarawan po ng mahal na prinsipe, ni Celestino po."
Nagkatinginan silang dalawa ni Kyro, mukhang hindi sila makakaalis agad.
Napangiti si Kyro.
Mukhang matagal pa niyang makakasama ang dalaga, si Alex.
Habang ang dalaga ay sobrang naghahanda na pag-alis.
Ang daming mga taong dumalo.
Mga taong hindi niya kilala.
Pero bumati ito sa kanya gamit ang pagyuko at pagngiti.
Nakaputi ang mga ito.
Parang nasa Egypt ata sila.
Puti at Gold ang mga kasuotan ng mga ito.
Nagpalit na sila ng kasuotan pero walang balak magpalit ni Alex ng kapa at maskara.
Iyong loob lamang ang napansin niyang nagbago.
Tumawa si Kyro sa kanyang utak.
Bumulong siya sa kanyang sarili.
"Mautak. Ayaw pa ring umamin kung sino. Baka nga prinsesa siya o kaya criminal."
Halakhak pa nito nang malakas na ikinatingin ni Alessia.
"Anong nakakatawa? Hindi rin tayo makakaalis agad."
Hindi narinig ni Alessia ang bulong-bulong ni Kyro.
Ngumiting muli si Kyro na ikinakunot ni Alex ng noo.
"Siguro kailangan muna natin makisama bago tayo tumakas."
Hindi alam ni Kyro ang iisipin pero mas maganda siguro itong naisip niya para tumagal sila sa lugar.
Tumayo si Kyro sa kanyang upuan.
Tinignan ang batalyon ng mga kalalakihan.
"Itaas natin ang ating mga baso."
Ngunit hindi mga baso ang itinaas ni Midnight Alex kung hindi ay sandata.
Napansin niyang may mga pumasok sa silid ng kanilang pagdiriwang.
Nagulat pa si Kyro sa pagtaas ni Alex ng kanyang espada.
Napatago siya sa likod nito at kinuha ang nakalatag na espada sa lamesa niya.
"Sandali lang. Walang gagalaw."
Ngumisi si Kyro kay Alessia na hindi pa rin niya nababatid.
Tumayo ang balahibo ni Kyro nang sugudin ni Alessia ang tatlong lalaki.
Sumunod ang mga kawal sa kanya.
Kinalaban niya ang unang lalaki gamit ang pagtusok sa leeg nito.
Yung pangalawa naman ay iniwasan niya at hinati ang likuran.
"Ayan na nga ba sinasabi ko, Asawa ko yan!"
Lumapit si Kyro dahil yung pangatlo ay muntikan na siyang mapatay sa likuran.
Tinarak niya ito sa binti at sa ulohan.
Yung mga kawal naman ay tumulong na rin sa kanila.
"Alalang-alala ka naman, kalma ka lang, asawa ko."
Tumawa si Kyro sa sagot ni Alex sa kanya.
Niyakap niya si Alex nang mahigpit.
"Muntikan ka nang mamatay."
Nag-alburoto ang tyan ni Alessia.
Pakiramdam niya ay may kung anong pumasok sa kanyang tyan.
"Hindi agad namamatay ang mga mabubuting tao."
Kumawala siya sa bisig ni Kyro.
Tinusok niya ang kanyang sandata sa leeg nang nasa likod ni Kyro.
"Tayo yon, hindi iyon mangyayari. Akong bahala sa'yo."
Tumawa si Alessia na parang walang bukas.
Tumakbo si Alessia habang hawak ang kamay ni Kyro.
Parang bumagal ang pagkakataon.
Nakita ni Kyro ang buhok ni Alessia dahil nalaglag sa kanyang leeg ang takip sa ulo ng kanyang cape.
Hindi niya alam kung bakit naghaharumendo ang kanyang puso.
Sa bilis ng pagtakbo, pagod o pagkamangha sa babaeng ito.
Hindi alam ni Kyro kung alin doon nag dahilan ng mabilis niyang pagkahiya kay Alex.
Lumabas sila at sobrang daming mga kawal ang naglalaban.
Isa pa lang lugar ng pagsubok ang kanilang pinasok.
Tinulak ni Alessia ang lumapit muli sa kanyang kawal ng kalaban at tinusok sa leeg ang espada.
Lumabas si Marga at muntikan nang mapatay.
Lumabas naman si Shaun na kapatid ni Marga para itarak sa likod ng lalaki ang kanyang sandata.
Tinarak ni Alessia ang kanyang espada sa sahig nang matapos halos lahat ay namatay. Itinaas niya ang kanyang kamay kasama ang kamay ni Kyro.
"Panalo tayo, mahal na prinsipeng Kyr--Celestino!"
Ngumiti si Kyro sa kanya.
Hindi niya na pinigilan ang dalaga.
Pinanalo nila ang bansa sa labanan ng hindi nila kilalang lugar.
Hindi kapanipaniwala. Nagamit ni Alessia ang lakas niya sa totoong labanan.
Nalaglag sa sahig ang katawan ni Kyro.
Nagulat si Alessia noong paglingon niya ay nasa sahig na si Kyro.
Lumapit siya rito para tignan.
"Wag ka pang pumanaw! Gumising ka! Lapastangan! Kailangan ka ng iyong mga sambayanan! Mahal na prinsipe. Hindi ako mapapalagay nang hindi ka nagigising. Marami pa kong sasabihin sa'yo. Asawa ko. Ano ba?"
Hindi gumising si Kyro sa sambit ni Alessia.
Inalog niya ito.
Nakita niya ay pagmulat nito.
"Daplis lang ito."
Tumawa pa si Kyro pero nagdudugo ang braso nito.
"Ano pa lang balak mong sabihin sa'kin?"
Kaso umagos ang dugo nito sa braso.
At tuluyan nang pumikit.
Hinalikan ni Alessia ang noo ni Kyro, ngumiti ito nang nakapikit.
"Buhatin niyo ang mahal na prinsipe!"
Sumigaw si Alessia. Kaso walang nakarinig.
Lahat ay nasa gitna nang laban.
Pinunit niya ang kanyang cape.
Para lamang ilagay ang kaunti sa sugat ni Kyro.
"Tulong! Tulungan niyo si Kyro! Si Celestino! Tulungan niyo, pakiusap!"
Pakiramdam niya ay mawawala ito sa kanya.
Tulad nang kanyang amahin noon sa pakikipagbakbakan sa Dark Arena.
Kahit hindi yon ang kanyang totoong mga magulang.
Hanggang sa malaman niyang siya ay parte ng clan ng mga Marcella.
"Ayos lang ako, masyado ka namang kabado."
Nakapikit pa rin si Kyro at namimilipit sa sakit.
Hindi alam ni Alessia kung bakit parang bumigat ang kanyang puso.
Akala niya tapos na ang labanan.
Nagsunod ang dalawang kilay ni Zeno nang magkasunod na naglakad si Avery at Axel.
Siya ang nasa unahan dahil siya ang pinakamatangkad.
Iyon na nga lang ba?
Hindi ba siya kakausapin ni Avery dahil hindi siya si Axel Tresvenor na kasulatan nito?
Mas maganda ngang hindi malaman ni Axel na hinahanap pa rin siya ni Avery Marcella sa loob ng ilang taon na iyon.
Akala niya ay si Kyro ang kanyang magiging kaaway.
Nasa isang kagubatan sila sa kawalan.
"Nasaan na nga ba tayo?"
Sabi ni Zeno.
"Hindi ko alam, sinusundan ka lang naman namin."
Sagot ni Axel kay Zeno, nakakaramdam ng pagkabahala.
"Kailangan na nating makita si Alessia. Importanteng tao siya para sa'kin. Hindi siya maaaring mawala."
Sabi pa nito kay Zeno.
"Sa akin din naman. Importante si Alessia. Kapatid ko siya."
Ngumiti si Avery.
Tila nabahala si Zeno kay Avery dahil alam ni Zeno ang ibig sabihin ni Axel.
Inabot sila nang kagabihan sa gubat.
Nagkahiwalay ang tatlo. Takot na takot si Avery nang siyang habulin nang baboy ng gubat.
"Tulungan niyo ako!"
Sumigaw si Avery sa kawalan.
Pinana ni Axel ang baboy.
Lumapit naman si Zeno kay Avery at niyakap.
"Magiging ayos din ang lahat."
Binuhat si Zeno si Avery na parang prinsesa habang naiyak.
**