"ANG KATOTOHANAN NG KANILANG PAGKAWALA Part 1"
ANG NAKARAAN,
Nagkatagpo na ang landas ng mga sugo nina Alpia at ang mga bagong sugo na tinawag na Guardians.
May nalaman din si Sam tungkol sa kanyang anyo bilang babae na si Samantha.
"Ang mandirigmang Prinsesa ng mga Dalaket!" Sambit ni Alpia.
Samantala nakilala naman nila Sina Alpia, Mia at Raven ang mga dugong bughaw na galing sa Dalaket at dating mga kasama Nina Jenna.
At may bagong sandata din si Samantha na galing sa Tribo ng Siteras.
SA PAGPAPATULOY...
Sa Jamais... Sa Kuta Nina Selena at Anya.
"Pinatawag mo daw ako Selena?" Sabi ni Victoria ang matapat na alagad ni Selena.
"Oo Victoria, kelangan ko ng tulong mo upang pansamantalang maka labas ang aking Kaluluwa sa Jamais. Kelangan ko silang kausapin sa Aydendril. Masyadong malayo ang mundong ito. Katulad ng Mundo ng mga mortal. " Sabi ni Selena at kasalukuyan naman nyang inihahanda Ang mga gamit sa pag sasagawa ng ritual.
"Jenna? Anot nag hahanda ka? Anong gagawin mo?" Tanong ni Anya.
"Kakausapin ko lang sila Samantha. Tungkol sa bagong pangitain ni Katalina." Sabi ni Selena.
"Masama ba ang pangitain ni Katalina?" Tanong ni Anya. Tinitigan Lang sya ni Selena at umupo ito sa gitna ng may guhit na bilog.
Dumating naman ang lambanang si Rosa at nanggaling ito sa Palasyo ng mga Lakurian.
"Ate Katalina? Napadalaw ka?" Sambit ni Victoria.
Agad namang nagbalik sa dating anyo si Rosa at naging si Katalina.
"Victoria, o Tyler naghahanda si Gerald ngayon. At hinahanap nya si Selena. Alam na ni Hex na kapag napatay nya si Jenna ay doon lamang sya makakalabas ng Jamais." Sabi ni Katalina.
"Papano nya Yan nalaman?" Tanong ni Anya.
"Dahil sa aklat ko. Naiwan ko yun sa Harte. Di ko naisip yun na magagamit ni Hex ang libro ni itay." Sabi ni Selena.
"Anong gagawin natin Insan?" Nakahanda kami ni Theo sa Lakur. Pati narin si Jake ay handa na!" Sabi ni Katalina.
"Pagbibigyan natin ang hangal na yan. Sa ngayon kelangan Kung makausap ang mga Bata sa Aydendril." Sabi ni Selena.
"Nakahanda na po!" Sabi ni Victoria.
Agad sinimulan nina Selena at Victoria ang ritual hanggang sa tuluyan nyang nahanap ang daanan papuntang Ayden.
Sa Aydendril...
Pagkatapos nang yakapan nina Aira at Sam biglang umiihip ang malakas na hangin. At mula sa kanilang likuran ay lumabas si Selena.
"Tiya?" Sabi ni Aira at agad nilang nilapitan si Selena.
"Wala ako sa Ayden ngayon tanging Kaluluwa ko lang Ang naririto. Masaya ako at nagtagumpay kayo sa inyong misyon. Ang misyon na kunin ang panibagong sandata para kay Samantha. Hindi lang para Kay Samantha yan. Ang bracelet na ito ay magbibigay sainyo ng kakaibang lakas." Salaysay ni Selena.
Lumapit naman sina Jessel, Alpia, Raven at Mia. Habang sakanilang likuran ay Sina Cloud at Kathleya.
"Jenna? Kilala ko ang wangis na yan. Minsan mo na din yang ipinakita saamin sa digmaan noon. " Sabi ni Alpia.
Tumitig lang si Selena at unti-unting tumulo ang kanyang mga luha sa magkabilang mata.
Nagtaka naman ang grupo ni Samantha.
"Alpia? Mia? Raven? Mahal na Reyna Jessel?" Tawag niya isa isa sa dati nyang kasamahan at matalik na kaibigan.
"Guro buhay ka nga ba?" Nauutal na Sabi ni Jessel at unti-unti namang nagbago ang anyo ni Selena at naging si Jenna na ito.
"Tiya?" Sambit ni Aira.
"Ang Magiting na Jenna ang mga tagalipon ng mga oroskopyo." Sambit ni Liam.
"Jenna ano bang nangyari? " Umiiyak na sabi ni Alpia akmang yayakapin na sana nya ito. Ngunit tumagos lang ito..
"Jenna, buhay ba ang mga magulang ng mga batang to?" Tanong ni Raven.
Tumango lang si Jenna. At biglang nagsalita ang Anak na lalaki nina Katalina at Theo.
"Wag na silang papakita saamin ni Kathleya. Di na namin sila kelangan!" Sabi ni Cloud at biglang naglaho ng sambitin nya ito.
Naiiyak man si Kathleya sakanyang nalaman ay mahinahon pa din itong lumapit kay Samantha.
"Tulad ng itinuro mo tiya! Binabasbasan ko ang mandirigmang ito. Na maging matagumpay sakanyang mga layunin at maging dalisay ang kanyang puso sa ano mang kakaharapin pagsubok." Sabi ni Kathleya at nagliwanag Ang kanyang mga kamay habang nakalapat ang kanyang kamay sa ulo ni Samantha.
Ngumiti naman si Jenna nang tawagin nya si Kathleya bigla naman itong umatras at nagsalita.
"Hindi namin kelangan ng mga magulang ni Cloud. Kung Pina intindi nyo lang Sana saamin ang mga bagay bagay. Matatanggap namin. Handa akong makinig Tiya Jenna. Ngunit Hindi ngayon!" Sambit nya at kasabay nyan ay ikinumpas nya Ang kanyang mga kamay at kasabay nyan ay agad syang naglaho.
"Tiya Selena? O Jenna, ibig sabihin pinsan ko sina Cloud at Kathleya?" Tanong ni Aira.
Ngumiti naman si Jenna sabay sabing..
"Hindi na bale, kung nanggaling man Kayo sa iisang dugo. Mahal na Mahal ko pa din kayo!" Sabi ni Jenna.
"Eh ako ba? Mahal mo ba ako i-na?!" Tunong galit na sambit ni Xavier.
"Oo nga pala pasensya na Guro, nagtaka lang kasi ako noong papasok sila dito sa Ay tanging ang Anak mo ang nakapag bukas ng lagusan. " Sabi ni Jessel.
"Walang problema Mahal na Reyna. Wala naman talaga sekreto ang maitatago sa mahabang panahon." Sabi ni Jenna.
"At Wala din akong balak na mag walk out! Katulad ng ginawa ng mga pinsan ko. Kelangan ako ng grupo ko. Sa ngayon wala saaking isipan ang pag tatampo. Ano pala ang sadya mo binibini?" Tanong ni Xavier.
Natulala ang lahat sa inasal ni Xavier mas pinairal nya sakanyang isipan ang Misyon.
At hindi naman nagtaggal ay isinalaysay na ni Jenna ang kanyang pakay at tungkol na din sa pangitain ni Katalina.
Pagkatapos nyang ibahagi ang mga pangitain ni Katalina.
"Kung ganun, may Alam akong isang sandata na pinapangalagaan ng mga Dalaket. Total apo sya ng aming Sinaunang Reyna Dasia. Magtutungo tayo ng Dalaket upang makuha ninyo ang ikalawang sandata. Laban sa anak ni Sitan! " Sabi ni Alpia.
"Mag-iingat kayo at naway magtagumpay kayo. Balang araw mga kaibigan ko magkikita-kita tayong muli. " Sabi Jenna nang biglang lumuwa sya ng dugo.
"Ina? Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Xavier. Dahan dahan namang naglaho si Jenna pero bago pa ito naglaho ay may naiwan pa itong isang nakakabahalang mensahe.
"Si Hex sinasalakay nya na kami..." Sambit ni Jenna at tuluyan na itong naglaho.
"Nasa panganib Sina Tiya Selena.. kayo na Ang magtutungo ng dalaket. Babalik ako ng Jamais!" Sabi ni Aira.
"Hindi pwde Aira, kelangan kayong lima ang kukuha sa sandatang iyon. Kung yun Ang ibinigay na pangitain ng aming kaibigan. Dapat sundin natin!" Sabi ni Jessel.
"Pero Mahal na Reyna?" Sambit ni Samantha.
"Samantha, Hindi mo sila matutulungan kung hindi kapa handa! " Sabi ni Raven.
"Tama si Raven bes, sa ngayon kelangan nating tapusin ang misyon. " Sabi ni Liam.
"Alam kung nag-aalala kayo kay Jenna, maging kami din lalo nat Alam namin na nasa panganib sila. Pero sundin muna natin ang plano. Oras na maging handa kayo. Hindi na kami pipigil sainyong sumugod. " Dagdag na Sabi ni Mia.
"Mia buksan mo na ang Lagusan papuntang Dalaket!" Utos ni Alpia.
"Masusunod your highness!" Sagot ni Mia sabay kumpas ng kanyang mga kamay at biglang nagbukas ang isang lagusan na sobrang dilim.
"Yan ba ang Dalaket? Bat ang dilim?" Tanong ni Samantha.
"Kasi, tayo ay uri ng isang maitim na Engkanto. Di ibig sabihing itim ay masama na. Ipapaliwanag ko sainyo Ang lahat sa daan." Sabi ni Alpia.
Nagpaalam naman sila kina Jessel at Isa isa silang humakbang papasok sa Lagusan na ginawa ni Mia.
Itutuloy....