Chereads / THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 29 - EPISODE 30

Chapter 29 - EPISODE 30

"ANG PAGTATAGPO "

ANG NAKARAAN,

Nagkita-kita na ang mga taong reinkarnasyon ng mga dating sugo at grupo nila Sam na tinatawag nilang Guardians.

Ngunit nasaan si Liam? Bakit nawala sya sa aksyon?

ANG KARUGTUNG...

Pagkatapos nilang maibalik sa dati ang Tribo ng mga Siteras. Nagkausap ang dalawang grupo tungkol sa kani-kanilang misyon.

"Marife kamusta na sila?" Tanong ni Zandro.

"Maayus na sila Zandro, pinapagaling na sila ni Lance. " Sagot ni Marife. Lumapit sina Sam at Aira sakanila.

"Hi? Zee di mo ba talaga kami naaalala?" Tanong ni Sam.

"Sorry, but I don't recognize you." Sabi ni Zandro at agad namang lumapit si Denise.

"Zandro, Prinsepe ng Hestia? Hindi mo ba talaga kami naaalala? Ako si Aira ng Aera, Joshua ng Lakur, Liam ng Andromeda? Nasaan si Liam?" Tanong ni Aira.

"Oo nga Hindi ko siya nakita kanina?" Sagot ni Sam.

Habang si Liam naman ay nasa Silid Aklatan ng Ayden. At nabasa niya ang tungkol sa kagitingan ng mga dating tagalipon at mga engkantao.

Tyempo namang dumating si Reyna Jessel at nakita nya si Liam.

"Oh Liam? Akala ko sumama ka sa lakad ng mga kasama mo? Nadukot ang dalawang manliligaw ni Samuel ng mga babaeng Tribo. Nasa Siteras sila ngayon." Sabi ni Jessel sakanya.

"Mahal na Reyna tunay ngat kay galing ng mga dating tagalipon? Sobrang lakas ng kanilang mga kapangyarihan. " Sabi ni Liam.

"Actually Mahal na Reyna jowa na ni Samuel yung poging elf, si Joshua? Jowa na nya yun. Si Xavier naman yung hot like fire from hestia. Manliligaw yun. Aba Ewan ko ba Ang gulo ng love life nila." Dagdag na Sabi ni Liam at isinara ang libro.

Napangiti na lang si Jessel sa kanyang sinabi.

"Pero Mahal na Reyna may itatanong lang ako. Papano nagkaanak ang Anak ng kadiliman?" Tanong ni Liam.

Biglang dumating sina Alpia, Mia at Raven...

"Nahanap na namin si Alice, at hindi lang pala si Alpeydous ang Anak nya dahil kambal ito." Sabi ni Alpia.

Niyakap ni Jessel ang kanyang mga dating kaibigan.

"Jessel, na miss kita!" Sabi ni Mia sabay yakap sakanya.

Habang si Raven naman ay nakatingin kay Liam.

"Si~sino sya? " Tanong ni Raven.

"Sya nga pala Isa sya sa mga guardians. Ang ngalan nya ay Liam. Guardian ng tubig." Pakilala ni Jessel.

Lumapit si Raven sakanya at sabay kinuha ang kanyang kamay at hinalikan ito.

"Kay gandang ngalan kasing ganda ng iyong kulay asul na mga mata." Sabi ni Raven.

Agad naman syang piningut ni Mia sa tenga.

"Wag ganyan, papaasahin mo nanaman yan. Tumigil kana Raven!" Sabi ni Mia.

Natawa si Liam sa ginawa ni Mia.

Pati rin sina Alpia at Jessel.

Pumasok naman si Susmihta at sabay sabing..

"Mahal na reyna, narito na Sina Cloud at Kathleya."

"Kaya pala wala sila sa Syudad. Nadito pala sila!" Sabi ni Alpia.

Agad silang nag tungo Bulwagan ng palasyo at doon sinalubong sina Sam. Na ngayon ay nasa babae pa ding anyo.

Pagkakita ni Alpia sakanya ay namangha ito sakanyang nakita.

"Prinsesa Samantha, ang Magiting na mandirigma na Prinsesa!" Sabi ni Alpia.

"Ayus ka Lang Mahal na Reyna?" Tanong ni Mia.

"Hindi ko ako nagkakamali kasing wangis nya ang mandirigmang Prinsesa ng sinaunang Dalaket." Sabi ni Alpia.

Samantala si Samantha naman ay nagulat sa reaksyon nila.

"Bakit sila nakatingin saakin?" Tanong nya.

Habang sa Jamais...

Minamasdan ni Anya ang mga natutuyong dahon ng mga puno sa paligid.

Nilapitan naman sya ni Selena.

"Namimiss mo naba ang mundo mo? Sa Dalaket?" Tanong nya.

"Oo Jenna, pero Alam naman natin hindi pa tayo makakatawid sa lagusan. Kainis!" Sabi ni Anya.

"Nako hayaan mo na, mukhang napagud si Hex sa kakagulo sa buong Jamais. Hindi rin ako nagkakamali besperas ngayon ng pasko sa mundo Ng mga tao." Sabi ni Selena.

Ikinumpas nya ang kanyang mga kamay at sa isang iglap ay pumasok ang malamig na hangin sa kubo nila at tangay ng hangin ang mga dahon kasabay nito ay nag Liwanag ito na parang isang Christmas lights.

"Ang galing, minsan din akong nakihalo bilo sa mundo ng mga tao. Nakakatuwa, " napangiting Sabi ni Anya.

"Hayaan mo mag tutungo Sina Jake dito. Mag didiwang tayo ng pasko." Sabi ni Selena.

Balik naman sa Ayden..

"Nasaan sina Lance?" Tanong ni Mia.

"Nagtungo na sa kanilang susunod na misyon!" Sagot ni Cloud.

"Tita Alpia? Anot naparito kayo?" Tanong ni Kathleya.

"Nahanap na namin ang nagluwal ng kambal na anak ni Sitan. Sabi ni Alice, kinuha ni Jenna ang kakambal ni Alpeydous. Ngunit Hindi ko Alam kung nasaan na ang kakambal ni Alpeydous.." Sabi ni Alpia.

"Si Hex, nasa mundo namin sya. Sa Jamais." Sabi ni Aira.

"Kung ganun malaki ang chansya na buhay Sina Theo. May iginawad na sumpa si Jenna sa mga bata. At Hindi ko Alam Kung ano yun. Mabuti Sana kung nandito si Katalina para malaman natin Ang nangyari sa nakaraan. Pero pati sya ay nawawala o talagang patay na sila?" Sambit ni Alpia.

"Ang gulo? Ipagpalagay nalang nating patay na sila at nasa Jamais ang kakambal ni Alpeydous. At nangugulo ito. Dapat nagkita na ang mga kambal. " Sabi ni Jessel.

"Mawalang galang na pero, Sabi ni Selena. Hindi makakalabas si Hex sa Jamais hanggang hindi ako napapatay." Sabi ni Sam.

"Nanalaytay saiyong dugo ang dugo ng isang maharlikang Dalaket." Sabi ni Alpia.

"Oo Sam, Hindi kami nagkakamali Isa ka saamin." Sabi ni Mia.

Niyakap naman sya ni Joshua at sabay sabing.

"Kahit ano kapa tanggap kita, tanggap ka namin!"

"Sandali may ibibigay ako saiyo Samantha." Sabi ni Kathleya at iniabot sakanya ang isang bracelet.

"Ano to? Para saan ito?" Tanong nya.

"Yan ang ibinigay ng mga Tribo ng Siteras. Dahil sa pulseras na yan. Ano mang kapangyarihan galing sa mga kalaban mo ay magkakaroon ka ng panggalang na hindi nila makikita. Kahit anong kapangyarihan at atake Ang kanilang gawin ay hindi ka matatablan." Sabi ni Kathleya.

Agad naman syang niyakap ni Aira at aksidente nyang mahawakan ang pulseras at nagkaroon sya ng isang pangitain.

Sakanyang pangitain, nakita niyang may bagong baluting pandigma si Samantha. At lubhang mas malakas ito sa wangis na bilang babae kesa sa lalaking anyo.

"Aira ayus ka Lang?" Tanong ni Sam.

"Hehe, ayus lang ako. Masaya ako dahil sa bago mong sandata." Ngiting Sabi ni Aira.

Itutuloy....