Chereads / THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 28 - EPISODE 29

Chapter 28 - EPISODE 29

"ANG REINKARNASYON AT MGA TAGABANTAY"

ANG NAKARAAN,

Nakilala na ni Sam ang magkapatid na Sina Cloud at Kathleya ng bumisita ito sa Ayden. Ngunit sa kasamaang palad, nadukot naman Sina Xavier at Joshua ng mga Tribo na nangangalaga sa timog bahagi ng Ayden. Nang dahil sa isang maitim na usok ay nagbago ang kanilang mga ugali.

Agad namang sumaklolo Sina Sam kasama si Dana at ang dalawang anak nina Theo at Katalina.

ANG KARUGTUNG...

"Narito na tayo sa timog na bahagi ng Ayden. Bakit ganito? Natuyo ang mga dahon dito?" Sabi ni Dana habang Isa isang hinahawakan ang mga tuyong dahon.

"Hindi ako nagkakamali Dana, Isa ito sa palatandaan na may kagagawan ito ng mga tauhan ni Alpeydous." Sabi ni Kathleya.

"Mag-iingat kayo, nararamdaman ko sila sa paligid!" Sabi ni Aira.

"Tandaan nyo, Hindi natin sila sasaktan! Kelangan nating matanggal ang sumpa kung ano mang lumulukob sa kanila. " Sabi ni Dana.

Hangga sa lumapit ang isang babae na galing sa Tribo ng Siteras.

"Dana aking kaibigan bakit na narito?" Tanong ng pinuno ng babaeng Tribo.

"Pinuno nais naming siyasatin kung narito ba ang mga kasama ko. Ang dalawang lalaki na dinukot ninyo?" Tanong ni Dana.

"Dana, tila Hindi ko nagugutuhan ang iyong mga tinuran. Anong pag dukot? Hindi na namin yan ginagawa!" Ngiting Sabi ng babaeng pinuno at mula sa kanyang likuran ay nagsilabasan ang kanyang mga kasamahan.

Habang nakikipag usap si Dana, napansin naman ni Sam na malagkit makatingin sakanya ang isang babae na mula sa Tribo. At ganoon din ito Kay Cloud.

Lumapit si Cloud sa kanya at sabay sabing.

"Mag-iingat ka Sam, it seems like we are the target." Ngiting Sabi ni Cloud.

"What are you talking about?" Tanong ni Sam sakanya. 

"Look, nung nasa ilalim pa sila ng kapangyarihan ni Sitan noon. They kidnapped some mens of Ayden. And ginagawa nilang Slave. And here's the thing, based on my aunt Jenna, ginagawa nilang sex slave until sa yung biktima nila ay maubusan ng dugo. And yes they're like succubus. But I don't know I didn't see them personally doing that. " Sabi ni Cloud.

"Ewan ko sayo Cloud. Nag iinglish kananaman pero, I get your point! So baka ~ " Naputol ang sasabihin ni Sam nang biglang tinutukan ng pinuno ng Tribo si Dana ng Espada. Agad namang gumanti si Dana at tinutukan nya ang pinuno ng Tribo ng kanyang Pana at palaso.

"Hindi kaba nahihiya Dana? Ang hawak mong Pana at palaso ay galing saaming tribo! " Sabi ng pinuno.

"Hindi ko nakakalimutan yan! Ang gusto ilabas nyo ang mga kalalakihang dinukot ninyo!" Sabi ni Dana.

"Wala kaming dinukot na kalalakihan Dana! Alam mong Nasa panig kami ni Reyna Jessel." Sabi ng pinuno.

Hanggang sa narinig nilang sumigaw si Joshua.

"Si Joshua yun!" Sabi ni Sam. At napalingon sila sa isang kubo.

"Puntahan nyo sina Joshua. Kami na ang bahala dito!" Sabi ni Aira.

"Kathleya, sunduin mo ang mga alaga natin." Utos ni Cloud sakanya.

"Masusunod! " Agad namang umalis si Kathleya. Naiwan nalang Sina Dana at Aira.

"Aira, walang gaganang kapangyarihan sa Lupain nila. Mag-iingat ka." Paalala ni Dana sakanya. Habang pinalilibutan naman sila ng mga babaeng Tribo at nanonood lang ang pinuno ng Tribo sakanila sabay sabing.

"Babaeng dayo, Hindi gagana ang iyong kapangyarihan dito? Alam mo ba yun? Tanging kapangyarihan ko lang o namin Ang gagana." Sabi ng babaeng pinuno.

Inabutan sya ni Dana ng isang sanga ng kahoy. Na galing sa kanyang bag.

"Sanga? Baka mabali Lang to Dana!" Pag aalalang Sabi ni Aira.

"Hindi yan maniwala ka!" Sagot ni Dana at agad sumugod sa mga babaeng Tribo na nakapalibot sakanila.

Samantala sina Sam at Cloud naman ay agad pinuntahan ang kubo kung saan nangagaling ang sumisigaw na boses ni Joshua.

Bago pa sila makapasok sa kubo may isang palaso ang tumama kay Cloud.

"Shit! Bakit hindi ko yun naramdaman!" Sabi ni Cloud.

"Cloud ayus ka lang?" Pag aalalang Sabi ni Sam.

"Ayus lang ako Sam, puntahan mo na sila." Sabi ni Cloud.

Nanlalabo ang paningin ni Cloud hanggang sa mawalan sya nang malay ngunit bago pa man ito mawalan ng Malay ay bumikas sya ng isang kakaibang salita. Na mula sa kanyang kamay may isang piraso ng nyebe ang lumabas at sumunod kay Sam.

Pagkabukas ni Sam ng pintuang kawayan ng kubo ay bumulaga sakanyang harapan ang nanghihinang hubot hubad na katawan Nina Xavier at Joshua.

"Dyosko! Anong nangyayari sainyo? Mahal? Xavier? Uy gumising kayo!" Sabi ni Sam.

Tatanggalin na sana nya ang mga lubid na nakagapos sa dalawa ng biglang may humampas sakanyang likud ng isang matigas na bagay.

Nang lingunin nya ito ay ang dalawang babaeng Tribo na hubot hubad din ito.

"Bakit hindi sya nawalan ng malay?" Tanong Ng isang babae.

"Hindi ko alam?" Sagot ng isa.

Samantala, dumating na ang mga kabataang reinkarnasyon na pinamumunuan ng magpipinsang Dennis at Marife.

"Mag madali kayo kelangan nila ng tulong ninyo. " Sambit ni Kathleya.

"Miss Kat? Malayo ba?" Tanong ng babae.

"Denise wag oa malapit lang. Hindi nila kakayanin Ang mga kalaban. At Alam kung mapipigilan ninyo ang pagka takas ni Sitan sa inpyerno. Kaya mag madali kayo." Sabi ni Kathleya.

Nang makaalis na ang mga kabataang pinapangalagaan nila. Ay narinig nya ang boses ni cloud na inutusan syang magdasal ng isang engkantasyon.

"Masusunod Cloud. Daming utos!" Agad nyang ipinikit Ang kanyang mga mata at kasabay nun kumapit sa katawan ni Sam ang isang nyebe na pinakawalan ni Cloud kanina. 

Nakaramdam si Sam ng kakaiba at biglang bumigat Ang kanyang harapan. At nang magsalita ito ay biglang...

"Nagiging babae nanaman ako? Pero Wala ako sa Jamais!" Tanong nya sa sarili hanggang sa tuluyan ng humaba ang kanyang buhok.

Nagulat Ang dalawang babae sa pagbabago na nangyari.

"Ano ba talaga sya babae o lalaki?" Tanong ng isang babae.

"Wala kayong paki! Mga bruha!" Sigaw ni Sam at isang malakas na pwersa ang lumabas sa kanyang kamay. At nawasak ang buong kubo.

Nagulat din sya sa nangyari. Nang tumilapon palabas ng kubo Ang dalawang babae agad niyang sinaklolohan Sina Xavier at Joshua. Dali Dali niyang hinubad ang mga lubid na nakatali dito mula sa kamay at mga paa nito.

"Kaloka ginawa ba kayong are you lost baby girl? Bdsm ba tawag dun sa may palubid lubid? Ewan. Sandali gumising na Kayo ui" tarantang Sabi ni Sam.

Dahan dahan namang nalusaw sa katawan ni Sam ang nyebeng pinalabas ni Cloud. At nanatili pa din sya sakanyang itsura na bilang babae.

Dumating naman ang mga reinkarnasyon ng mga elemento.

"Kami ang harapin ninyo!" Sigaw ni ng babae.

Nang lingunin ito Nina Dana at Aira.

"Ang mga reinkarnasyon ng mga elemento.narito na sila." Sabi ni Dana.

"Zandro? " Gulat na Sabi ni Aira.

"Hindi ako nagkakamali si Zandro ng Hestia." Sabi ni Aira.

"Sabay sabay mga kasama!" Sigaw ng babae na mula sa panig ng mga reinkarnasyon.

"Yan si Denise.. Ang babaeng Hestian!" Sabi ni Dana.

"Hestian? " Sambit ni Aira.

Ikinumpas ni Denise Ang kanyang kamay lumapit Naman si Zandro sakanya at sinabayan Ang pagkumpas ni Denise.

"Ginagawa na nila Ang pag sasama ng dalawang elemento. Tubig at apoy!" Sabi ni Dana na nakangiti sa dalawa.

"Gaano mo sila ka kilala Dana?" Tanong ni Aira.

"Kilala Lang dahil katulad nyo mga sugo din sila. Minsan na silang nag tungo dito noon." Sagot ni Dana.

" Umilag kayo!" Sigaw ng isang lalaki na nakalutang sa ire.

" Bakit sya may korteng gintong bilog sa kanyang ulo. At may papak sya ng sobrang liwanag. Sino Naman sya Dana?" Tanong ni Aira.

"Siya si Lance Ang nephilim. " Pakilala ni Dana sakanya.

Itutuloy....