Chereads / THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 24 - EPISODE 25

Chapter 24 - EPISODE 25

"ANG PAGKIKITA"

ANG NARAKAAN,

Nagpakilala na ang mga misteryusong tauhan sa ating Kwento. Muling nagbabalik sina Jenna, Jake, Katalina at ang magkapatid na Adonis na Sina Tyler at Theo. Anong magiging papel nila sa buhay ng ating mga bida.

Wag na natin papatagalin pa, ito na ang karugtung..

SA PAGPAPATULOY...

Narating na Nina Sam, Liam, Joshua at Xavier ang Baryo Marikit.

"Ito na ba yun? "Tanong ni Liam.

"Oo, sure na sure ako. Pero saan naman natin unang hahanapin si Insan? Medyo malaki ang Baryo marikit. " Sabi ni Sam.

Habang nakatayo silang apat sa gitna ng kalsada bigla silang nabangga ng isang babae at lalaki.

"Mag ingat ka nga Dennis!" Sabi ng babae habang nabangga ito kay Joshua.

Agad namang ngumiti si Joshua at sabay sabing.

"Ayus lang binibini. Mag iingat ka sa susunod!"

Sumagot naman si Dennis.

"Denise? Nandito lang ako Hindi Kita tinulak, medyo tanga ka lang talaga!" Sabi ni Dennis.

"Teka sandali, mag jowa ba kayo? Pero anyways, may itatanong Lang Sana ako! Taga Baryo Marikit ba Kayo? May hinahanap kasi kaming kaibigan. Aira ang pangalan. Pinsan ko sya kaso hindi ko alam kung saan sakanila." Ngiting Sabi ni Sam.

"Hi, Dennis nga pala!" Sabi ng lalaki sabay abot ng kanyang kamay kay Sam.

Agad namang naalarma si Joshua at siya ang umabot sa kamay ni Dennis.

"Joshua pare, boyfriend nito!" Ngiting Sabi ni Joshua na halatang naiinis.

Tumawa naman si Denise at sumagot sa tanong ni Sam.

"Ako nga pala si Denise at sya ang kaibigan kung si Dennis. Hindi kami taga rito sa Baryo Marikit. Pero pasensya na. Hindi namin kilala yan."

"Ah ganun ba? Salamat!" Ngiting Sabi ni Sam.

"Walang anuman!" Sambit ni Denise at hinila si Dennis.

"Pano ba yan? Kahit lalaki kana Sam, may nabibighani pa din sa Ganda mo! " Sabi ni Xavier.

"Nang aasar kaba Xavier o pinupuri mo ko?" Tanong ni Sam.

"Enough mag aaway nanaman ba Kayo? Hay nako Ewan ko talaga sa dalawang to! Puro away!" Sabi ni Liam.

Ngumiti naman si Joshua.

"Mabuti pa mag simula na tayong magtanong! At dito ako sa kabila kayo doon naman. Samahan moko Xavier. Kayo na love birds ang magtanong dyan banda. Magkikita tayo dito sa lugar na ito." Sabi ni Liam.

Na agad namang umalis ang apat sa ibat-ibang bahagi ng Baryo.

Samantala sa kubo ni Aira.

Nararamdaman na nyang may manyayaring masama ano mang oras.

"Hindi ako maaring magkamali. Nararamdaman ko ang awra ni Hex dito! Pero papano sya nakalabas ng Jamais? " Tanong ni Aira sakanyang sarili.

Sa Jamais naman sa Kastilyo ng Harte..

"Kelan kaba makakalabas dyan sa kulungan na mundo mo! Tandaan mo Gerald Hindi natin mabubuhay si Ama Kung Hindi. Tayo magiging Isa!" Sabi ng isang lalaki sa Salamin kaharap ni Hex.

"Alpeydous! Konti nalang! Oras na kapag mahanap ko ang mga pumatay kay ama. Isusunod ko ang pagkasira ng mundong pinagmulan nila!" Sagot ni Hex.

"Kung ganun bilisan mo! Nararamdaman kung nabubuo na ang mga asungot dito." Sabi ni Alpeydous

Pagkatapos nilang mag usap ay nag palit anyo si Hex bilang isang uwak at lumabas ito ng kastilyo.

"Saan naman kaya tutungo ang Hari? Hanggang ngayon hindi ko pa din nakukuha ang Aera." Sabi ni via.

Balik naman sa Mundo ng mga Tao sa Baryo Marikit.

Kinagabihan, patuloy pa din nilang hinahanap si Aira sa Baryo Marikit.

"Nako? Halos nalibot na natin ang buong Baryo ngunit ni anino ni Aira Hindi pa din natin Makita!" Sabi ni Liam.

"Sandali tingnan nyo?" Sabi ni Sam sabay turo sa may kakahuyan.

"Liwanag? Kakaibang Liwanag!" Sabi ni Xavier.

"Baka nandyan si Aira. Puntahan natin!" Sabi ni Sam.

Na agad naman nilang pinuntahan ang dereksyon kung saan nangagaling ang liwanag.

Nang marating nila ang kakahoyan.

Nakita nila ang limang grupo ng kabataan na pinapalibutan ang isang kakaibang mabalahibong nilalang.

"Zee? " Sambit ni Sam nang makita niya si Zandro kasama ng mga kabataan.

"Si Zandro nga!" Sabi ni Xavier akmang lalapitan nila ito nang biglang gumalaw ang mga puno at humarang ang mga malalaking ugat nito na parang hindi sila pinapalapit sa limang kabataan.

Biglang umiihip ang malakas na hangin sa paligid. At doon na nilang nakita si Aira.

"Aira? Si Aira nga!" Sabi ni Sam.

"Sandali akong bahala kaya kung kontrolin ang mga puno!" Sabi ni Joshua.

Ikinumpas niya ang kanyang mga kamay ngunit hindi ito sumusunod sakanya.

Sa kabilang dako ng Kakahoyan. Nandoon si Jake upang pigilang makalapit ang grupo ni Sam sa mga grupo ng mga kabataang nakikipag Laban sa isang kakaibang nilalang.

"Pasensya na pero Hindi pa kayo maaring mag Kita Kita! Masisira ang Plano namin!" Sabi ni Jake habang kinokontrol ang mga puno.

Sa bawat akmang pag Laban ng mga kasamahan ni Sam sa puno ay ginagapos niya ito gamit ang mga sanga at ugat.

Samantala naguguluhan na si Sam kung anong gagawin nila.

Dahil nakagapos silang apat sa malalaking puno.

"Hindi ako nagkakamali, may kakaibang malakas na nilalang ang pumipigil sa ating makalapit!" Sabi ni Sam.

"Sandali Xavier wag mong gagawin Yan! Kapag nasunog ang mga punong ito! Masusunog ang buong kagubatan. " Saway ni Liam.

"Eh anong gagawin ko? Hayaan nalang tayong madurog ang mga buto natin?" Sabi ni Xavier.

Naalala ni Sam ang itinuro ni Adrian sakanya habang nasa loob pa sila ng Harte.

"Tandaan mo Samantha! Sa oras nang makalabas kayo ng Kastilyo dumaan kayo sa gubat. Sa timog, may mga puno doon na tutulong sainyong makatakas. " Habilin ng kawal sa kanya.

Noong makatakas na sila,

Nakaharap nila ang punong bantay. Agad silang ginapos ng mga sanga at ugat ngunit agad nagpakita si Adrian. At sumigaw ng...

"Wag kayong manlaban! Lahat ng gagawin nyong pananakit sa puno ay syang ding ibabalik nila sainyo."Sabi ni Adrian at sinunod nila ang sinabi ng kawal at Hindi nagtagal ay pinakawalan sila ng mga puno.

Nang maalala iyon ni Sam, agad niyang ikinalma Ang sarili. Kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata.

"Natatandaan nyo ba noong iniligtas natin si Joshua sa Harte?" Tanong nya.

"Ako Wala akong maalala dahil nagsunget si Aira. " Sabi ni Xavier.

"naalala ko Sam. " Sambit ni Liam.

"Liam kumalma ka! Kung anong ginagawang pananakit natin sa mga puno ay mas lalong hihigpitan nila ang pag gapos satin." Sabi ni Sam. Nang dahan dahan ng lumuwag ang paggapos ng mga ugat at sanga sa kanyang katawan.

Sumunod Naman Sina Liam, Joshua at Xavier.

Nang tuluyan na silang pinakawalan ng mga puno ay Wala na ang mga limang kabataan na kasama ni Aira.

Agad nilang nilapitan si Aira at niyakap ni Sam ang kanyang pinsan.

"Oh? Bakit kayo naririto? Papano ninyo ako nahanap?" Tanong ni Aira.

"Matagumpay na ang misyon mo Insan?" Tanong ni Sam.

"Oo naibigay ko na sakanila ang dapat nilang makuha. Ngunit may problema tayo. Nararamdaman ko ang awra ni Hex dito sa mundo Ng mga tao. Kelangan itong nalaman ni Tiya!" Sabi ni Aira.

"Hindi na. Wala na tayong oras Aira. Kelangan nating mag tungo sa Ayden. Para sa huling pagsubok ni Sam.

At dapat tayong apat na tagapagbantay ay nandoon!" Sabi ni Joshua.

"Ayden?? Ngayon ko Lang narinig Yan?"Sabi ni Aira.

Samantala mula sa di kalayuan nakatanaw si Jake sa Lima sabay sabing.

"Mukhang magtutungo na sila ng Aydendril. Sa wakas matutuwa si Jenna nito!" Sabi ng lalaki at agad naglaho.

Itutuloy....