"ANG ANAK NG BABAYLAN"
ANG NAKARAAN,
Matagumpay nilang napasok ang Ayden sa tulong ng habilin ni Selena o Jenna. Ngunit ang nag-iiwang misteryo kung bakit kaya ni Xavier basahin ang mahiwagang salita.
Habang ang Reyna ng Ayden ay magtutungo na sa kakahoyan upang siyasatin ang kanyang naramdaman tungkol sa kanyang kaibigang matalik na si Jenna.
Sina Sam naman ay nasa Kagubatan na ng Ayden at mukhang mapapasabak sila sa labanan?
SA PAGPAPATULOY...
Sa Kagubatan ng Ayden..
"Sino kayong mga lapastangang pumasok sa aking teritoryo?" Sabi ng babaeng nakasuot ng hood na itim at may hawak na pana at palaso.
Naging maalerto ang babae nang marinig nya ang ingay ng isang boses na nag uusap.
Agad siyang kumuha ng isang palaso at itinuro nya ito sa lugar kung saan nakatayo Sina Sam.
"Anong klaseng nilalang Kayo? Saan kayo nanggaling?" Tanong nya at agad pinakawalan ang palaso. Mabilis namang itinulak ni Xavier si Sam upang di matamaan. Sa kasamaang palad si Xavier Ang natamaan sa kanyang balikat.
At nawalan ng bisa ang ginawang harang ni Aira.
"Jusko xavier! " Sigaw ni Aira.
"Sino kayo?" Tanong Ng babaeng nakahood.
"Kami ang sugo ng Jamais.. Hindi kami kalaban babae!" Sabi ni Liam.
"Jamais? Ngayon ko lang narinig ang lugar o kaharian na yan? Anong ginagawa nyo dito sa Ayden?" Kumuha muli ng panibagong palaso ang babae at itinutok nya ito kay Liam.
"Subukan mo lang saktan ang mga kaibigan ko!" Sigaw ni Sam at agad nagbago ang kulay ng mata ni Sam. Biglang nag kulay itim ang mga mata ni Sam, at dahan dahan niyang itinaas ang kanyang kanang kamay at lumabas sa kanyang kamay ang kulay asul na apoy.
"Hindi na dalisay ang kanyang kapangyarihan. Aira anong gagawin natin?" Nag aalalang Sabi ni Joshua.
"Sandali, bantayan nyo si Xavier. Ako nang bahala kay Samuel." Sabi ni Aira na agad tumayo at ikinumpas ang kanyang mga kamay. Mula doon umihip ang napakalakas na hangin sa paligid at pinalilibutan nya ang kinatatayuan ni Sam.
"Hangin o hangin! Dinggin aking hiling! Gawing mong dalisay Ang kanyang dunggan!" Sabi ni Aira.
Habang ang babaeng nakahood naman ay di natinag bagkus ay umilaw pa ang dulo ng kanyang palaso.
"Magtulungan pa kayo. Wala kayong Panama sa palaso ko!" Sabi ng babae. Nang pinakawalan na nya ito papunta kay Sam.
Tyempo namang dumating si Reyna Jessel kasama si Susmihta.
Ikinumpas ni Jessel Ang kanyang kamay sa isang iglap lang ay nabali ang palaso ng babae at huminto na din ang hangin na gawa ni Aira.
"Dana? Itigil mo Yan!" Sigaw ni Jessel.
"Mahal na reyna!" Gulat na Sabi Ng babae.
Tinitigan ni Jessel Sina sam at nag wika.
"Hindi kayo taga rito sa Ayden. At kilala ko ang inyung mga kasuotan. Taga ibang mundo kayo? Sa mundo Ng mga Tao? At Jamais? " Sabi ni Jessel sabay turo Kay Sam. Pati na kina Aira, Liam, Joshua at Xavier.
"Jamais?" Sambit ni Dana.
"Oo Dana, Kung saan Isa rin itong Mundo katulad ng mga mortal, at Dalaket.
Anong ginagawa nyo rito? Papano kayo nakapasok sa Ayden? Sino ang nagbigay ng mahiwagang salita upang makapasok kayo dito? Kasama nyo ba si Jenna?" Tanong ni Jessel.
"Mahal na Reyna ako po si Aira, Prinsesa ng Aera. Narito po kami dahil sa isang utos ni Tiya Selena. Kayo daw po ang mag bibigay ng huling pagsubok saamin lalo na sa kasama namin." Sabi ni Aira.
"Aira? Selena? Hindi ko matandaan pero kilala ko ang pinuno doon si Anya." Sabi ni Jessel.
"Opo anak po ni Anya si Sam. Sya nga po pala si Sam. " Dagdag na Sabi ni Liam.
"Sandali parang Hindi na humihinga si Xavier." Sabi ni Joshua habang si Sam naman ay akay ni Aira nang mawalan ito ng malay.
"Dana? Anong sumpa o lason ang inilagay mo?" Sigaw ni Susmihta.
"Ina patawad Hindi ko sinasadya akala ko kalaban sila!" Sabi ni Dana.
"Mabuti pa sumunod kayo sa Palasyo!" Sabi ni Jessel at tinitigan ni Jessel si Xavier.
Samantala sa Jamais..
Pinaghahanap pa din ng mga kawal si Anya.
Habang unti-unti nang nasisira ang Jamais dahil sa kasamaan ni Hex.
"Sanay mag tagumpay ang mga anak natin Jenna!" Sabi ni Anya.
"Hindi ko Alam Anya Kung matatanggap ako ng Anak ko Kung malalaman nyang ako ang kanyang ina." Sabi ni Jenna..
"Hindi mo pa din ba sinasabi kay Xavier Ang katotohanan? " Tanong ni Anya.
"Hindi pa Anya, pero magtatapat ako balang araw!" Sabi ni Jenna.
"Nasaan ba Sina Theo?" Tanong ni Anya.
"Bumalik na sila sakanilang pagbabalat kayo. Hindi lang si Jenna at Selena ang tinutugis ni Hex. Pati na din kami. Sa ngayon ibabalik ko na rin ang anyo ko bilang si Selena." Sabi ni Jenna at sabay hawak sa kanyang mukha na agad namang nagbago at nagbalik sa kanyang anyo bilang si Selena.
"Pinakamakapangyarihang babaylan ka nga talaga!" Ngiting Sabi ni Anya.
Balik sa Ayden..
Sa Kastilyo ni Jessel..
"Kamusta na ang mga sugat mo?" Tanong ni Aira.
Habang sakabilang Kama Naman ay Sina Joshua at Sam.
"Alam mo napalabas ni Sam ang kanyang itim na kapangyarihan kanina. Nung nakita nyang nasaktan ka!" Sabi ni Liam..
"Liam? Pwde ba?" Saway ni Aira.
"Ayus lang naman Aira. Tanggap ko na di na magiging kami ng pinakamamahal ko! Masaya nako dahil inaalagaan naman sya ni Joshua. " Sabi ni Xavier at ngumiti sya Kay Joshua na gumanti naman Ng ngiti si Joshua.
"Pero totoo, lumabas ang galit ni Sam Nung nasaktan ka. Pero Hindi ito maganda dahil baka ang galit na Yan ay ang magaging dahilan upang gamitin sya ng kanyang ama Laban saatin." Sabi ni Aira..
Tok! Tok!
"Maari ba akong pumasok?" Sabi ni Jessel.
"Mahal na Reyna ikaw po pala?" Tumayo sina Aira, Liam at Joshua at yumuko sa Reyna ng Ayden.
"Nakikilala ko na kung saang bahagi kayo ng Jamais nanggaling.
Lakur, Harte, Andromeda, Aera at Hestiaaaa....~ teka sandali kilala ko ang iyong wangis!" Sabi ni Jessel.
"Po? " Pagtatakang sambit ni Xavier.
"Hindi ako nagkakamali, yang balat sa kamay mo nakita ko na yan sa sanggol ng kaibigan ko." Sabi ni Jessel.
"Hindi po ako anak ni Anya. Si Samuel po yun!" Sabi ni Xavier.
"Alam ko, may basbas ako noong ipinanganak ka! Hindi sa mundo ng Jamais kundi sa mundo ng mga tao. Hindi ako nagkakamali. Anak ka ng babaylang si Jenna." Sabi ni Jessel habang hawak nya ang isang bulaklak na Waling-Waling na kumikinang ang mga petals kapag nailalapit ito sakanya.
"Hindi po Jenna ang ngalan ng aking ina! Kundi si Reyna ~" natigilan si Xavier ng maalala nya noong Bata sila ni Zandro at narinig nya sa Hari at Reyna ng Hestia ang tungkol sa lihim ng kanyang pagkatao.
"Sino si Jenna? Buhay pa ba sya?" Dagdag ni Xavier.
"Hindi ko alam, pero ang salitang ginamit nyo upang makapasok dito sa Ayden ay tanging si Jenna lamang ang nakakaalam. Bakit hindi nyo tanungin ang nag ngangalang Selena?" Sabi ni Jessel..
"Nagigising na si Sam." Sabi ni Joshua na agad namang hinawakan ang kamay ng kanyang kasintahan.
"Sam kamusta na ang pakiramdam mo?" Sabi ni Joshua.
Hinawakan nman ni Jessel ang kamay ni Sam at doon nkita nya ang mga nakaraan ni Sam simula sa buhay nya sa mortal at nang makabalik ito sa Jamais. Nakita din ni Jessel si Selena sa alaala ni Sam. Pati narin si Hex at Anya.
"Anak sya ng anak ni Sitan?" Sabi ni Jessel..
"Si-sinong sitan?" Tanong ni Jessel.
Tinitigan naman ni Jessel si Aira at para bang nag uusap ang dalawa sa kanilang isipan.
Agad tumingin si Jessel Kay Sam at ngumiti.
"Sitan? Nako mabuti pa nagugutom ka lang iho, Alam mo lumaki din ako sa mundo Ng mga mortal. May dala kabang chocolate? Namimiss ko na yun kainin " ngiting Sabi ni Jessel.
"Meron po Mahal na Reyna pero nasa bag ko!" Sabi ni Sam..
Itutuloy....