Chereads / Vanguard: Blade of the Shadows / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

Napabuntong-hininga lamang si Alex. Tinapik naman ni Celestia ang balikat ng binata upang damayan ito.

"Masasanay ka rin." Wika pa ng dalaga. Muling napabuntong hininga si Alex at mabilis na hinatak ang kamay ng dalaga upang yakapin ito.

Akmang sasawayin niya ito ay napatulala na lamang siya sa napakagandang mata niti na noo'y purong ginto na. Doon niya napagtantong hindi si Alex ang kaharap niya kundi si Zedeus.

"Zedeus?" Tawag niya rito.

"Shhh... Saglit lang ito." Sambit ng binata at muling napabuntong-hininga. Sa pagkakataong iyon ay hinayaan na muna niya ang binatang yakapin siya. Marahil ay nagluluksa ito sa pagkamatay ng kanynag kapatid sa mismong mga kamay niya.

Alam niyang mahirap ito sa kalooban ng binata dahil noon pa man ang bukambibig na nito ang nais nitong magkaroon ng sariling pamilya, iyong simple at walang nahahalong inggitan at agawan ng kapangyarihan.

Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan na ngang bumitaw ang binata sa kanya.

'Salamat Alex.' wika ni Zedeus sa kaniyang isipan.

'Walang anuman bro. Alam kong miss na miss mo na si Celestia. Salamat din at lagi kang nariyan sa amin sa oras ng laban.' tugon naman ni Alex.

Bahagyang pumikit ang mata ng binata at sa muli nitong pagmulat ay nanumbalik na ang ordinaryong kulay ng mata ni Alex. Nagulat pa siya dahil yakap-yakap pa rin niya ang malambot na katawan ni Celestia. Marahan niya itong binitawan at napansin niya ang kakaibang pananahimik nito.

"Ayos ka lang Celestia?" Tanong niya.

Bahagyang tumango ang dalaga at nilisan na nila ang abandonadon mansyon sa gitna ng manggahan. Walang sali-salita silang bumalik sa hideout nila Marcus uoang makibalita sa kanilang naging lakad.

Pagdating roon ay nakita nilang seryoso ang mga ito habang tila may pinaplano.

"Buti dumating na kayo. May mahalaga kaming sasabihin sa inyong dalawa." Bungad ni Marcus at inilatag nito sa mahabang mesa ang isang malaking mapa. Mapa iyong ng kabuuan ng City A. At may mga lugar doon na merong marakang ekis na pula. Maya-maya pa ay isa-isang itinuro ito ni Marcus.

"Ang mga nakikita niyo ngayon ay ang mga lugar kung saan namataan ang mga nilalang na tinatawag niyong balrog o ulipon. Dito sila unang umatake at dito naman ang sumunod . Hanggang sa patuloy silang sumusulpot sa bawat lugar ng City A." Panimula ni Marcus.

"Kuya, markahan mo ang lugar na ito. Nakasagupa namin dito ang kapatid ni Eleazar." Sambit ni Alex habang itinuturo ang lugar kung saan sila naglaban ni Leandro. Agaran namang minarkan iyon ni Marcus at doon nila nakita ang kabuuan nito.

"Tama nga ang hinala ko." Bulalas ni Marcus at tinapik ang mapa.

"Bakit Kuya?" Tanong naman ni Alex. Aminado kasi siya na kahit pakitaan pa siya ng ganoong mapa, ay ang maiintindihan niya lang ay ang mga lugar na naroroon.

"Ang bawat pag atake ng mga nilalang na iyon ay tila may sinusunod na pattern. Tingan niyo ito. Kung pagdudugtungin natin ang bawat lugar na iyon ay makakabuo tayo ng isang simbolo. Ang Hexagram." Wika ni Marcus at napakunot ang noo ni Celestia.

"Ano ang hexagram Kuya?" Tanong ni Alex.

"Nabasa ko na ito noon. Ang Hexagram ay isang simbolo na ginagamit sa modern alchemy. Ito ang representasyon ng apat na elemento, ang apoy, tubig, hangin at lupa. Hindi ako sigurado, pero basi sa mga nakalap naming impormasyon, ito ang tinutumbok ng aming nakuhang data. "

"Apat na elemento? Hindi kaya binabalak nilang buhayin ang unang hari ng mga balrog?" Sambit ni Celestia habang tila nag-iisip ng malalim.

"Kung tama ang hinala ko, bawat lugar sa dulo nga hexagram na sinasabi mo ay may dugong alay. Doon sila pumapatay dahil bukod sa pagkain ay nag-iiwan din sila ng alay na dugo." Wika ng dalaga at lumapit ito sa mesa at itinuro ang gitna ng hexagram.

"Dito sa lugar na ito magaganap ang ritwal ng pagtawag sa hari. Kailangang mapigilan ito dahil kung hindi, manganganib ang buong mundo." Wika ni Celestia at maging sila Marcus ay nabahala sa sinabi ng dalaga.

"Ibig sabihin, mamamatay tayo kapag nabuhay ang hari?" Tanong ni Rick na halatang kinilabutan sa mga nangyayari.

"Malaki ang posibilidad na hindi natin kayanin ang hari. Bago si Zedeus ay isang malupit na hari ang namumuno sa mga Balrog. Isa siyang nilalang na kahit ang paghinga nito ay katatakutan ng kahit sino." Wika ni Celestia at napabuntong-hininga. Hindi niya alam kung kakayanin pa ng katawan niya ang laban kapag nasa harap na niya ang unang hari.

"Hindi ba't immortal ang mga balrog? Paano sila namatay?" Tanong ni Alex at napamulagat ng mata si Celestia.

"Tama, may magiging laban tayo. Ang dugo ng pinili, lason ang dugo ng pinili para sa hari. Iyon din ang pumatay kay Zedeus at sa unang hari noon. " Bulalas na wika ni Celestia. Paano niya nakalimutan ang bagay na iyon.

"Paano naman natin mahahanap ang dugo ng pinili na yan?" Tanong ni Marcus at napatingin si Celestia kay Alex.

"Nasa atin na nag dugo ng pinili. Si Alex. " Turan ni Celestia at napangiti. Tila ba pinagtagpo talaga ang mga landas nila. At ang pagsanib ng kaluluwa ni Zedeus sa katawan ni Alex ay hindi nagkataon lamang. Sinadyang pinili ito ni Zedeus dahil alam niya ang mga plano ng kanyang mga kapatid.

"Alex, iyon ang dahilan kung bakit sa katawan mo namalagi ang kalukuwa ni Zedeus. Iyon ay para protektahan ka at ihanda sa sitwasyon iyon. Alam niya ang plano ng mga kapatid niya. At hinintay niyang ipanganak ka at namahay siya sa katawan mo." Wika ni Celestia at muling nanlaki ang kanyang mata.

"May posibilidad din na kung hindi niya ito ginawa ay marahil patay ka na rin katulad ng iyong kambal. Kayong dalawa, kayo ang pinili. At maaaring nasa panganib ngayon ang buhay ng mga magulang mo." Gulat na wika ni Celestia. At mabilis itong naglaho sa harapan nila.

" Naloko na, kuya mauuna na ako." Sambit ni Alex at mabilis na sumunod sa dalaga. Gulat na gulat naman si Marcus at ang mga kasamahan nito dahil sa sobrang bilis ng dalawa.

"Anong nangyari? Nasa earth pa ba ako, bakit yung pinsan mo Marcus naging Alien na din. " Wika ni Rick at nasapo naman ni Marcus ang noo. Agad naman niyang pinaghanda amg kanyang grupo at mabilis na silang tumungo sa bahay nila Alex.

Samantala, bigla naman nagkagulo sa lugar nila Alex nang sumalakay doon ang mga ulipon kahit hindi pa man din sumasapit ng dilim. Sa dami ng mga ito ay nagsitakbuhan na ang mga tao. Tila ba nagkaroon ng zombie apocalypse nang mga oras na iyon dahil sa sigawan at pananakbo ng mga tao na tila walang paroroonan.

"Marsha, madali ka ikandado mo ang pintuan. Umaatake sa lugar natin ang mga halimaw. " Tumatakbong utos ni Thomas habang isinasara ang mga binatana.

Ngunit huli na sila, dahil may nakapasok ng mga halimaw sa kanilang bahay. Agad na kinuha ni Thomas ang kanyang itak na nakasukbit sa likod ng pintuan at iniunday iyon sa halimaw na pumasok sa kanilang bahay.

Tumakbo naman si Marsha sa kusina at kumuha ng asin sa pagbabakasakali na maitaboy niya ito gamit iyon. Ngunit nadismaya lamang siya nang sabuyan niya ito na hindi man lang ito naagnas o natinag. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman niya habang nakikipagbuno ang asawa sa mga halimaw. Lalo pa nang makapasok pa ang iba nitong mga kasamahan. Dinig na dinig din siya ang malakas na ingay na animo'y may bumagsak na kung ano sa kanilang bubongan. Napatingala siya at kitang-kita niya ang mga matutulis na kuko ng halimaw doon. Napasigaw siya at mabilis na kinuha ang kutsilyo sa mesa upang kahit papaano ay meron siyang gagamitin kung saka-sakali.

"Marsha, magtago ka sa kwarto, madali ka." Sigaw ni Thomas sa asawa habang patuloy na inuundayan ng taga ang mga halimaw na nasa harapan nito.

"Hindi Thomas, hindi kita iiwan dito. Ang mga halimaw na ito ang dahilan kung bakit namatay si Alexis. Tama ako di ba? Tandang-tanda ko ang araw na iyon." Umiiyak na wika ni Marsha habang masamang nakatingin sa mga nilalang.

"Mabuti na lamang at wala dito si Alexander. Thomas, kung mamamatay ka sa kamay ng mga hinay*pak na ito, mamamatay tayong magkasama. " Sigaw ni Marsha at walang pagdadalawang isip na iniunday ang hawak niyang kutsilyo sa halimaw na kalaban ni Thomas.

Akmang tatama na ang talim ng kutsilyo sa balat ng nilalang ay may kung anong pwersa ang humatak sa kanya papalayo rito.

Marahas niyang nilingon ang humatak na iyon at nagulat pa siya nang makita si Celestia na noo'y naghahalo na ang ginto at pula nitong mga mata.

"Alex, ikaw na ang bahala sa mga magulang mo." Sigaw nito at mabilis na hinataw ng espada ang mga ulipon na nagkalat sa loob ng bahay nila.

"Ma, Pa. Ayos lang ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Alex at napatulala lamang si Marsha sa anak. Nangilid ang luha nito at yumakap sa binata.

"Ma, tahan na, ligtas ka na. Mamaya ay darating na sila Kuya Marcus. Dito muna kayo at tutulungan ko lang si Celestia. Mamaya na ako magpapaliwanag." Wika ni Alex

"Anak, gamitin mo ito. " Wika ni Thomas habang iniaabot ang itak sa anak.

"Salamat, Pa." Tugon ni Alex at mabilis na sinugatan ang palad niya at binalot niya ng kanyang dugo ang talim ng itak na iyon.

Sa pagsugat niyang iyon ay siya namang pag-gising ng natutulog na kamalayan ni Zedeus.