Chereads / Vanguard: Blade of the Shadows / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

Gulat na gulat naman ang kanyang mga magulang sa ginawa ni Alex at doon nila nakita ang unti-unting pagbabago sa katawan ng kanilang anak. Maging ang mga mata nito at naging matingkad na kulay ginto. Lumakad si Alex papalayo sa kanila at bigla itong nawala sa harapan nila na animo'y naglaho na lamang ito ng parang bula.

Nakarinig na lamang sila ang pagsisigaw ng mga nilalang at nakita nila si Alex na naroon at nakikipaglaban sa mga ito. Pigil nila ang hininga habang pinapanood nilang makipaglaban si Celestia at Alex sa mga ito. Ilang sandali pa ay naglaho na ang mga halimaw at ang tanging naiwan ay ang mga tumpok ng alikabok sa kanilang sahig.

Mabilis na nilapitan ni Alex ang kanyang mga magulang upang tulungan itong makatayo.

"Umalis na tayo rito. Paniguradong magpapadala ulit sila ng mga alagad dito sa bahay niyo. " Wika ni Celestia.

"Ma, sumama muna kayo sa amin ha, mamaya na kami magpapaliwanag ni Celestia. Kailangan maging ligtas muna tayong lahat. " Sambit naman ni Alex at mabilis na tinungo ang kwarto ng kanyang mga magulang. Kumuha ito ng maleta at mabilis na kinuha ang mga pangunahing gamit na ginagamit nila. Tumulong na rin si Thomas sa anak at si Marsha naman ay kinuha ang mga naipon nilang pera upang dalhin iyon kung saka-sakali.

Matapos makapag-impake ay agad din silang lumabas ng bahay. Sakto namang dumating ang sasakyan nila Marcus kaya mabilis nilang nalisan ang lugar.

Habang nasa kotse pa lamang ay walang tigil na ang pagtatanimg ni Marsha sa anak. Paulit-ulit nitong tinitingnan ang katawan ni Alex kung may sugat ba ito. Nang wala siyang makita ay doon lamang huminahon ang ginang.

"Sabi ko naman sayo Ma, ayos lang talaga ako." Wika pa ni Alex.

"Ani ba talaga ang nangyayari ngayon, bakit bigla silang dumami. Akala ko ba tuwing gabi lamang sila umaatake?" Tanong naman ni Thomas.

"Walang oras ang pag-atake nila. Ginagawa lamang nila iyon dahil ang gabi ang pinakamainam na oras para sa kanila." Sagot ni Celestia.

"Patawad Ma, Pa, kung nagsinungaling ako sa inyo. Hindi na talaga ako nagtatrabaho sa restaurant. Sumali po ako sa grupo nila Kuya Marcus at sila na po ang nagpapasahod sa akin na siyang binibigay ko naman sa inyo. Ayoko lang na mag-alala kayo sa akin. " Wika ni Alex habang nakayuko.

"Kailan pa Alex?" Tanong ni Thomas.

"Mag-dadalawang buwan na din po Papa. Sorry po ." Wika ni Alex . Napabuntong-hininga na lamang siya bago niya ibinaling ang tingin sa kanyang mga magulang. Nagulat pa siya nang makita ang mga ito ng nakangiti.

"Matagal na naming alam. Sinusubukan lamg kita. Mali ang ginawa mo ngunit malaki ka na at kaya mo nang gumawa ng desisyon sa buhay mo. Hindi lang kami nagsasalita dahil gusto din namin na matuto ka at magawa mo ang mga bagay na nagpapasaya sayo." Nakangiting wika ni Thomas.

"Pero nakakatakot ang mga bagay na nangyayari sayo Alex. Ayokong mawalan ulit ng anak. Maipapangako mo ba ang kaligtasan mo?" Tanong naman ni Marsha at napatingin dito si Celestia.

"Gagawin ko ang lahat para maging ligtas si Alex, Tita." Si Celestia ang sumagot. Napangiti naman si Marsha at niyakap ang dalaga.

Pagdating nila sa hideout nila Marcus ay agad na nilang inayos ang lugar na tutuluyan ng mga magulang ni Alex. Hindi na naman naging bago ang mga ito sa lugar dahil sa halos kakilala naman nila ang mga tao roon dahil madalas din itong kasama ni Marcus sa tuwing dumadalaw sa kanilang bahay.

Noong gabi ngang iyon muli nilang napag-usapan ang mga pangyayari. Muli ay naikwento ni Celestia ang mga pangyayari noong unang panahon. Noong una ay tila ba isa lamang iyong kathang isip ngunit di kalaunan ay naging malinaw na rin sa kanila ang lahat. Kung hindi lang nila nasasaksihan ang mga iyon at paniguradong hindi sila maniniwala sa mga sinasabi ni Celestia.

"Kung ganoon, si Alex ang habol nila?" Tanong ni Thomas.

"Kung hindi ako nagkakamali at maging kayo ay kailangan nilang patay*n. Dahil malaki ang posibilidad na isa sa inyo o pareho ang nagtataglay ng dugo ng pinili. " Wika ni Celestia.

"Habang nabubuhay ang pamilya niyo ay kayo ang magiging sigalot sa kanilang paghahari. Dugo niyo ang makakapatay sa papabangong hari ng mga balrog. Minsan na din itong napaslang noon bago naging hari si Zedeus." Wika ni Celestia.

"Immortal ang mga balrog at kaya nilang mabuhay kahit ilang libong siglo pa. At ang tanging makakapatay sa kanila ay ang dugo ng pinili na isang lason para sa kanila."

"Bakit hindi namatay si Eleazar noong ininom niya ang dugo ko?" Nagtatakang tanong ni Alex

"Dahil isang ordinaryong balrog lamang si Eleazar, Alex. Kapatid nga siya ni Zedeus subalit si Zedeus lamang ang nagtataglay ng maharlikang dugo ng mga Balrog." Sagot naman ni Celestia.

Kinuha nito sa taguban ang kanyang espada at ipinakita sa kanila ang mga simbolong nakaukit doon. Naroroon sa hawkaan ang simbolo ng apat na elemento at napapagitnaan nito ang isang pulang kristal na siyang naglalaman naman ng purong dugo ni Zedeus na ginawang palamuti roon.

"Ito ang dahilan kung bakit kayang pumaslang ng balrog ang sandata ko. Dugo ito ni Zedeus na ginawang palamuti. Katulad din ito ng ginawang paghahalo ng dugo ko sa mga sandatang ginagamit ninyo ngayon. At iyong ginawa mong pagbabalot ng dugo mo sa itak kanina ay isang paraan din iyon para mapaslang mo sila." Mahabang paliwanag ni Celestia.

Tumango-tango naman ang mga kasamahan nila at bahagyang pinag-aralan ang mga sandata nila. Magkahalong pagkamangha at gulat ang namamayani sa kanilang mga kalooban habang patuloy na nakikinig sa mga kwento ni Celestia. Isa din kasi iyon sa paraan nila upang mas lalo nilang makiklala ang kanilang magiging kalaban.

Kung sindikato, adik o halang na tao lamang ang kalaban nila ay kahit wala na ito ngunit ibanh usapan na rin kung ang kalaban mo ay isang di kilalang nilalang. Bahagya din silang napapaisip , paano kung walang Celestia? Marahil ay lahat ng yao ngayon ay naging pagkain na ng mga balrog. Halos malalim na ang gabi nang maisipan na nilang magpahinga. Maging sila Thomas at Marsha ay nagpahinga na din. Habang ang dalawa naman ay nanatiling gising habang pinagmasdan ang tanawin sa rooftop ng hideout nila Marcus.

Pinagmamasdan nila ang buong paligid habang sinsamyo ang malamig na hangin sa itaas. Maingat at maigi nilang pinapakiramdaman ang bawat galaw ng mga tao upang kahit paaano ay malaman nila kung may humahalong mga balrog sa mga ito.

Sa kanilang pagmamasid ay nagawa na rin nilang magpalipat-lipat ng lugar sa paligid ng hideout nila Marcus.

"Sa tingin mo?"

"Matapos ng nangyari kanina, paniguradong nag-iipon lang ng lakas ang pangkat ni Eleazar. " Sagot ni Celestia.

"Tama ka, naaamoy ko pa rin sila, ibig sabihin ay nakakalat lang sila ngunit hindi sila gumagalaw. " Sang-ayon naman ni Alex.

"Ang mabuti nating gawin, magpahinga. Kailangan natin ng lakas. Nalalapit na ang pagpula ng buwan Alex, sigurado akong sa oras na iyon nila gagawin ang ritwal dahil iyong ang kalakasan nila. " Wika ni Celestia at napatango na lamang si Alex. Marahan na rin siyang sumunod sa dalaga nang tahakin nito ang landas pabalik sa building na kanilang pinanggalingan.

Walang kahirap-hirap nilang tinatalong ang rooftop ng mga building na kanilang dinadaanan, hanggang sa tuluyan na nga nilang marating ang hideout. Bumaba na sila matapos ikandado ang pintuan doon para masiguradong walang makakasunod sa kanila.

Kinaumagahan ay umaga pa lamang ay nasa gym na sila sa loob ng hideout. Simula noong masalinan ng dugo si Alex ni Celestia ay nagsimula na rin siyang magpalakas ng kanyang katawan. Naroroon na din ang pagkauhaw niya sa pagtuklas ng mga panibagong kaalaman sa pakikidigma. Tila ba hinahanap-hanap iyon ng kaniyang katawan. At kapag naman nakakaharap sila ng mga balrog ay tila kumukulo sa kagalakan ang kanyang dugo. Ngayon ay mas naiintindihan na niya si Celestia at ang bawat nararamdaman nito tuwing may laban.

Napahiga siya sa sahig matapos ang isang libong push-ups at napatingala sa kisame. Itinaas niya ang kanang braso sa kanyang mukha at doon niya nakita ang unang sugat na natamo niya sa unang nilalang na nakasagupa niya.

Parang kailan lang ay normal na tao pa siya na may normal na buhay. Ngayon isa na siyang mandirigma sa isang laban na sila lamang ang nakakaalam.