Chereads / Vanguard: Blade of the Shadows / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

Nagsisimula na silang kumain nang pumasok naman si Celestia kasama si Marsha. Nagkukuwentuha ang mga ito na tila ba may nakakatuwa silang pinag-uusapan.

Agad namang napatingin si Celestia sa kinaroroonan ni Alex at napansin niya ang espada sa tabi nito. Lumapit doon si Celestia at mabilis iyong kinuha.

"Nakuha mo na ang espada ni Zedeus?" Gulat na tanong ni Celestia. Tumango naman si Alex at napatingin ito sa kamay ni Celestia na animo'y nagsisimula nang umusok. Mabilis niyang inagaw dito ang espada at inilapag iyon sa mesa bago tiningnan ang kamay ng dalaga.

Napakunot ang noo niya nang makita ang sugat nito na tila ba napaso ng baga.

"Alam mong hindi mo mahahawakan ang espada, bakit mo pa kinuha." Tanong ni Alex at agad na hinatak ito palabas ng kusina. Pagdating sa clinic ay agad na kumuha si Alwx ng gamot para sa paso. Ipinahid niya ito sa kamay ng dalaga at napansin niyang hindi agad iyon gumagaling katulad ng ibang sugat nito.

"Bakit hindi gumagaling ang sugat na ito?" Nagtatakang tanong ni Alex.

"Dahil ang gumawa ng sugat ay ang espada ni Zedeus. Maging ako na sinalinan niya ng dugo ay walang ligtas sa sandatang iyan. Nakalimutan ko dahil sa sobrang pagkagulat." Sagot naman ng dalaga at lalong nagtaka si Alex.

"Pero dugo mo ang isinalin sa akin , hindi ba?"

"Dugo ko lang, pero ang kabuuan ng pagkatao mo ay si Zedeus . Kumbaga, iisa kayo. "paliwanag naman ng dalaga. Tumango na lamang si Alex at maingat na binendahan ang kamay ng dalag.

"Sa susunod, mag-iingat ka. Huwag ka nang didikit sa espadang iyon. " Wika naman ni Alex na nagpangiti sa dalaga.

"Maging ang pananalita mo ay parang si Zedeus na rin. Tara na malamang pinagtatawanan ka na ng Mama mo." Biro ni Celestia at bumalik na sila sa kusina upang ipagpatuloy ang kanilang pagkain.

Matapos kumain ay napagpasyahan na nilang mag-ensayo sa gym. Lumipas pa ang araw na naging tahimik ang kanilang mga buhay hanggang sa dumating na nga ang nalalapit na pagpula ng buwan. Abalang-abala na ang grupo ni Marcus sa paghahanda at pagmamasid sa bawat lugar sa City A na may tanda.

Walang oras na hindi nila tinatanggal ang kanilang mga mata sa monitor ng cctv ng mga lugar.

"Sir may movements na kaming nasasagap sa cctv. Tingnan niyo to'." Wika ng isang lalaki kay Marcus. Mabilis iyong nilapitan nila Marcus at Alex at doon nila nakita ang isang ulipon na may hatak-hatak na bangkay ng isang lalaki. Walang awa nitong winakwak ang tiyan ng lalaki at kinain ang laman-loob nito. Napapangiwi naman sila sa kanilang napapanood at may isa pa ngang tumakbo sa cr para masuka. Sino ba naman ang hindi babaliktad ang sikmura sa pangyayaring iyon. Rinig na rinig pa nila ang pagkapunit ng balat at laman nito at ang tila hayok na hayok na atungal ng nilalang habang nilalantakan ang kanyang biktima. Ang dugo naman nito ay ikinalat ng nilalang sa palibot mg lugar. May kung ano itong iniuukit sa lupa gamit ang dugo ng taong pinaslang nito.

"Nagsisimula sa sila sa paghahanda ng ritwal. " Sambit ni Celestia.

"Ano ang gagawin natin para mapigilan sila, Celestia?" Tanong ni Alex.

"Maghintay. Hindi na natin mapipigilan ang ritwal dahil matagal na nila itong napaghandaan. Ang magagawa lang natin ay ang sirain ito pagkatapos nila itong mailatag. " Sagot ni Celestia. Batid ni Celestia ang nakakapangilabot na mangyayari kapag sinubukan nila itong mapigilan. Alam niyang lubusang nakapaghanda si Eleazar kung kaya't hindi ito papayag na merong sumira sa plano nito. Habang iisa ang nakikita nila sa cctv ay batid niya ang oanaganib na nagkukubli sa kadiliman.

Minsan na din niyang nasaksihan ang pagiging tuso ni Eleazar. Kung nagawa nitong paslangin ang sarili nitong kapatid ay hindi ito mag-aatubiling pumaslang ng mga taong ang tanging tingin niya ay kanilang pagkain lamang.

Naningkit ang mga mata ni Celestia sa monitor at napapakuyom siy ng palad dahil sa sobrang galit sa mga ito.

"Huwag kang mag-alala Celestia, hindi sila magtatagumpay." Wika ni Alex at nginitian ang dalaga. Tumango naman si Celestia at hindi na umimik pa.

Kinahapunan ay muling tinungo ni Celestia at Alex ang rooftop upang doon magmasid. Sinasamyo nila ang hangin habang paikot na pinagmamasdan ang buong paligid.

"Patuloy pa rin ang paggalaw nila. Nalalapit na ba ang pagpula ng buwan?" Tanong ni Alex.

"Oo, bukas makalawa. At itataon ito ni Eleazar. Kailangan maunahan natin sila sa gitna at doon nayin sisirain ang ritwal." Wika ni Celestia. Napabuntong-hininga naman si Alex dahil alam niya sa sarili niya na kinakabahan siya.

'Hindi mo kailangang matakot, Alex. Tandaan mo na iisa na kayo ni Zedeus at nasa iyo narin ang Ranka na siyang espada ni Zedeus." Wika ni Celestia habang nakatingin sa langit. Napatitig lamang dito si Alex at ngumiti.

"Namimiss mo si Zedeus?"

"Hindi gaano, nandiyan ka naman. Alam kung ayaw na niyang naaalala ko siya kung kaya't sinusubukan ko ang kalimutan siya." Sambit ni Celestia at hinimas ang taguban ng sarili niyang espada.

"Alam mo bang ang taguban na ito ay ginawa namin pareho? Ito na lamang ang tanging alaala na naiwan niya sa akin. Alam kong payapa na siya kung saan man siya naroroon." Dagdag pa ng dalaga.

"Masaya siya. Kasama niya ang mga batang balrog na naunang namayapa sa kanya. Nakita ko siya. Tama ka, napakabuti niyang tao. Kung sana ay nabubuhay siya ngayon, paniguradonh magiging matalalik kaming magkaibigan. " Nakangiting wika ni Alex at natawa si Celestia.

"Sigurado kang makikipagkaibigan ka sa isang balrog?" Natatawang tanong ni Celestia.

"Oo naman, wala namang masama di ba? Sabi nga ng Mama ko, hindi basehan ang pagkakakilanlan ng isang nilalang para maituring mo itong kaibigan. Hangga't mas nangingibabaw ang kabutihan sa taong iyon ay hindi dapat natin sila hinuhusgahan."

"Wala akong masyadong kaibigan dahil, ilag ako sa mga taong alam kung dadalhin ako sa kasamaan." Dagdag pa ni Alex at lumaapad ang ngiti sa labi ng dalaga .

"Parehong-pareho talaga kayo ni Zedeus. Maging sa pananalita at pagkilos ay tila iisa na kayo. " Natatawang wika ni Celestia at marahang tinapik ang balikat ng binata.

"Ganoon ba?" Natawa na lamang si Alex at tumingala sa langit. "Siguro nga iisa kami." Wika pa niya.

"Mamasyal muna tayo." Sambit ni Alex at tumalon ito pababa sa building. Agad naman sumunod si Celestia sa binata uoang makapaglakad-lakad sila sa paligid.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapaglakad-lakad sila sa gabi nang walang inaalala. Bagaman alerto pa rin sila sa kanilang paligid, wala silang inintindi kundi ang kanilang mga sarili. Tahimik nilang pinagmamasdàn ang mga taong tila ba walang kamuwang -muwangbsa mga oangyayari sa buong City A.

Sa kanilang paglalakad ay nadapo naman sila sa plaza at doon nakita nila ang mga taong namamasyal din habang kasama ang kanilang mga pamilya at kapareha. Napatingin lamang dito si Celestia at napangiti. Ito ang katahimikang nais niyang makamtan. Iyon bang masaya ka araw-araw nang walang iniisip na iba. Tahimik ang buhay , walang gulo. Walang mga balrog.

"Sa tingin mk, makakaya ba natin ang laban?" Tanong ni Celestia sa binata.

"Dapat. Nais kung protektahan ang katahimikan ng mundo. Ayokong sa bandang huli ay pagsisihan ko ang pagkawasak nito." Wika naman ni Alex.

"Celestia, pagkatapos ng gulong ito, ano na ang plano natin?" Tanong ni Alex. Hindi niya kasi alam ang gagawin oagkatapos nito. Isa na siyang immortal ay kailanman ay mananatili siyang buhay sa haba ng panahon, kagaya ng dalaga.

"Patuloy na mabubuhay. Kapag napagod na tayo, maaari naman tayong matulog at magpahinga. " Mapait na sagot ng dalaga.

"Kaakibat ng ating sumpa ang isang misyon, Alex. Hangga't nabubuhay tayo ay mananatiling tagapagpalaganap tayo ng kapayapaan sa mundo, sa ayaw man natin o gusto. "Malungkot na wika nito.

Hinatak naman siya ni Alex at niyakap. Ramdam kasi niya ang nagbabadyang emosyon ng dalaga.

"Ayos lang , magkasama naman tayo. Minsan naiisio ko na malungkot nga ang mabuhay ng mahabang panahon, pero kung may kasama ka. Hindi ka na gaanong malulungkot. " Wika naman ni Alex at marahang tumango si Celestia at napayakap na din ito sa beywang ng binata. Nagulat na lamang sila nang bigla silang masilaw sa kung anong liwanag.

"Ah, pasensiya na. Nakakatuwa kasi kayong tingnan. Napakaganda. '' wika nang isang nakasalaming binata at meron itong inabot sa kanilang dalawa.

Natawa na lamang si Alex nang makaita ang litrato nilang magkayakap sa gitna ng plaza upang pagtakpan ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Maging si Celestia ay namangha nang makita ito.

"Ano ang tawag dito Alex? Paanong naririto tayo?"

"Litrato ang tawag diyan. Ganito ang ginagawa ng mga tao kapag nais nilang mailarawan ang mga memoryang ayaw nilang kalimutan." Sagot ni Alex at nilingon nito ang lalaking may hawak na camera.

"Boss, maari ba kaming magpakuha pa sa inyo?" Tanong ni Alex at tila natuwa naman ang lalaki.

"Oo naman. Sa isang kondisyon. Pwede ko bang magamit ang ibang kuha niyo para sa aking proyekto?" Tanong nito at napangiti lang si Alex.

"Walang problema. Kukuha lang kmi ng kopya. " Sambit naman ng binata. Matapos magpakuha ng iilang litrato ay kumuha naman sila ng tig-isang kopya sa lalaki. Tuwang-tuwa naman si Celestia sa mga litratong iyon at maingat niya iyong itinago sa kanyang bulsa. Habang itinago naman ni Alex ang naunang litrato kung saan magkayap silang dalawa.