Chereads / Vanguard: Blade of the Shadows / Chapter 19 - Chapter 18

Chapter 19 - Chapter 18

Ramdam na ramdam ni Alex ang lamig ng simoy ng hangin habang nasa taas sila ng building. Nakatanaw sila sa buong City A at pinagmamasdan ang mga taong walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Kasalukuyang inililikas ng gobyerno ang mga tao malapi sa lugar kung saan magaganap ang ritwal. Ito ay para maiwasan ang mg hindi inaasahang kamatayan ng mga taong walang kaalam-alam.

"Nailikas na ang lahat ng mga tao roon, at sa iba pang lugar." Wika ni Ruka. Hinimas naman ni Alex ang balahibo nito at tumango.

"Halos kompleto na ang ating paghahanda, Alex. Buo na rin ang grupo ni Marcus. Ikaw handa ka na ba? Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Celestia.

"Natatakot. Pero kasama ko naman kayo, kaya kakayanin kong labanan ang takot na ito." nakangiting wika ni Alex. Napangiti na din si Celestia at itinuon na ang pansin sa paligid.

Kinabukasan,

Maaga pa lamang ay naghahanda na si Alex at Celestia. Kasalukuyan nilang pinupunasan ang kani-kanilang mga espada habang nakasalampak sa sahig ng gym. Simula kahapon ay hindi na nila nagawang magpahinga pa dahilan nang maigi nilang pag-eensayo para sa nalalapit na labanan.

Mamayang gabi na ang pagpula ng buwan at magaganap na ang pagbuhay ni Eleazar sa unang hari ng mga Balrog. Wala na silang sinasayang na oras at maigi na nilang inihahanda ang kani-kanilang mga sarili para sa labanan. Maging ag grupo ni Marcus ay nakahanda na rin at ang iba pa nga ay nakapwesto sa sa mga lugar na itinalaga para sa kanila. Bawat grupo ay binubuo ng dalawampung katao at may mga back-up na din silang naghihintay sa oras ng kagipitan.

Kinahapunan ay tinungo na ng grupo ni Alex ang gitnang parte ng City A kung saan gaganapin ang pagtawag sa unang Hari. Nagkukubli sila sa isang mataas na building di kalayuan kung saan kitang-kita nila ang kabuuan ng buong paligid. Nasakto ding isa iyong malawak na parke kung kaya, malaya doong makakagalaw ang mga kalaban nila.

"Doon sa mismong fountain nila isasagawa ang ritwal dahil may tubig roon." Wika ni Alex kay Marcus.

"Sa oras na magsimula ang ritwal, matutuon doon ang pansin ng lahat ng tauhan ni Eleazar. Gagamitin naman natin ang pagkakataong iyon upang makalapit. Unang gagawin natin ay sirain ang koneksyon ng bawat lugar sa ritwal na gagawin nila at apoy lamang ang makakasira nito." wika naman ni Celestia.

Tumango naman si Marcus at agad na ibinahagi ang kaalamang iyon sa kanyang mga kasama. Sumapit ang gabi at doon nila nasilayan ang dahan-dahang pag liwanag ng pulang buwan. Napakalaki ng buwan sa kalangitan at maging ang buong lugar ay tila ba nababalutan ng pulang liwanag.

Narinig na nila ang mahinang pag-uusal ng mga Balrog. Dahan-dahan itong lumalakas sa pagdaan ng mga minuto. Naging alerto naman sila habang lumalapit sa naturnag lugar.

Kitang-kita nila ang mga nilalang na animo'y nagsasayaw sa gitna ng fountain at may kung anong likido silang isinasaboy doon. Walang pag-aatubiling lumapit doon si Celestia at Alex habang si Marcus naman at ang iilan nitong mga kasama ay nagtatanim ng mgapamapasabog di kalayuan sa kinaroroonan ng mga ito.

Habang abala ang mga ulipon at balrog sa knilang ginagawa ay tahimik naman nilang isinasagawa ang kanilang plano. Makalipas pa ang ilang minuto nanag makita na ni Alex ang sensyas ni Marcus ay walang pagdadalawang- isip naman nilang inatake ang balrog na malapit sa kanila. Dahil sa biglaan nilang pag atake ay hindi naman agad nakalaban ang mga ito. 

Huli na nang malaman nilang may kalaban sa kanilang paligid. Mabilis na iniunday ni Alex ang kanyang espada sa mga ito dahilan para maglaho na lamang sila sa harapan nito na animoy isang sigarilyong nauupos. 

Napahinto naman si Eleazar nang mapansin nito ang paghinto ng kanyang mga nasasakupan. Naningkit ang mga mga nito nang makita niya si Celestia at Alex na pinapatay ang mga balrog at mga ulipon na naroroon.

"Zedeus!" Sigaw ni Eleazar at napangisi si Alex.

"Walang anuman Eleazar. Ako na ang bahalang maglinis ng mga kalat mo." Patuyang wika ni Alex habang walang awang pinugutan ng ulo ang hawak-hawak nitong Balrog. 

"Ruka, paslangin mo ang lahat ng balrog at ulipon sa nandito." Sigaw ni Alex at lumitaw naman si Ruka sa harapan nito na lubos na ikinagulat ni Eleazar.

"Ang bakura? Imposible!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Eleazar at mabilis na inatake si Alex na agad din namang nasangga ng binata gamit ang kanyang espada.

"Pangahas ka tao." Giit na wika ni Eleazar at muling napangisi si Alex.

"Hindi ako tao, dahil isa rin akong balrog na kagaya mo." Sigaw naman ni Alex at walang pag-aatubiling inihambalos dito ang kanyang espada. Mabilis na anakailag si Eleazar sa pag-atakeng iyon.

"Tuso ka Zedeus, ginagamit mo lang ang katawang iyan upang makapaghiganti." Wika ni Eleazar. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Alam niyang hindi niya kakayanin si Alex dahil sa kapangyarihan at katauhan ni Zedeus na namamahay sa katawan nito. Patalon niyang tinungo ang gitna ng fountain at doon ay hiniwa niya ang kanyang braso habang may kung anong inuusal.

Sa pagtulo ng dugo nito sa lupa ay siya namang pagliwanag ng mga simbolo na naroroon. Maya-maya pa ay dahan-dahang nabalot ng makapal na hamog ang buong paligid na ikinatakip naman ng ilong ni Celestia.

"Isang lason. Alex lumayo ka sa lugar na iyan. " Sigaw ni Celestia at patakbong iniiwas ang binata sa lugar na iyon.

"Ano ang nangyayari?" Tanong ni Alex habang tumatakbo sila papalayo sa lugar. Kitang-kita niya kung paano nagsibagsakan ang mga ulipon at mga balrog na natitira sa lugar na iyon.

"Isang uri iyan ng lason na ang tanging nakakagamit ay ang unang hari." Sagot ni Celestia. Tumalon sila paakyat sa isang mataas na building at doon nagmasid.

"Naloko na, kahit masira pa nila ang koneksyon ng ritwal, mabubuhay pa rin ang hari. Sabihan mo silang magsuot ng proteksyon laban sa usok na iyan. Mamamatay sila kapag nalamghap nila ang usok, Alex." Wika ni Celestia na kaagad namang sinunod ni Alex. Matapos maibahagi ang impormasyon iyon ay sinabihan na din niyang umatras muna amg grupo nila Marcus at doon manatili kung saan nailikas ang mga tao.

Malakas ang kutob ni Alex na iyon amg unang poponteryahin ng hari sa oras na magising ito. Sa kanilang pagmamasid ay kitang-kita nila ang pagbuway ni Eleazar sa pagkakatayo nito. Halos pasigaw na kung usalin nito ang mga katagang tila hindi pa maunawaan ni Alex. Maigi niyang tinitigan ito hanggang sa mapansin niya ang tila pagkulo ng tubig sa fountain area. Umaangat din ito at umuusok na animo'y isang mainit na tubig. Kapansin-pansin din ang tila paglapot nito.

"Dugo?"

"Oo, purong dugo amg makakabuhay sa hari. Marahil ay matagal din nilang iniipon iyan. Bukod sa mga tao, nariyan din ang dugo ng mga balrog at ulipon na nagbagsakan kanina at amg dugo ni Eleazar." Sagot ni Celestia.

"Hindi ka kakayanin ni Eleazar dahil isa siyang mahinan balrog kung ikukumpara sayo. Kaya naisipan na niyang isakripisyo ang kanyang sarili upang matalo ka."

"Paano kung patayin na lang natin si Eleazar ngayon, para hindi niya matapos ang ritwal?" Tanong ulit ni Alex habang nakatitig kay Eleazar.

"Hindi tayo makakalapit. Kahit ang mga bakura ay mamamatay sa usok na iyan." Umiiling na wika ni Celestia. Napakuyom siya ng palad at nanlilisik na tinitigan si Eleazar. Kung nakakamatay lamang ang pagtitig ay matagal nang natumba ito sa kanyang kinatatayuan.

"Paano ang mga tao, Celestia?" Nag-aalalang tanong ni Alex.

"Kaya hihintayin nating mawala amg usok na iyan. Sa oras na mabuhay ang hari, kusang mawawala ang hamog. Doon tayo sasalakay. Nag-iisa lamg siya. Lahat ng balrog ay mabubuhay lamang ulit kapag naisagawa na niya ang ritwal. Kakailanganin niya ng oras kaya pagkakataon natin ito upang magapi siya. " Wika pa ni Celestia.

Muli na nilang ibinaling ang kanilang mga mata kay Eleazar. Patuloy ang pag-uusal nito habang patuloy din ang paghiwa nito sa kanynag braso. Umaagos mula roon ang kanynag masaganang dugo. Bumuway ito sa pagkakatayo hanggang sa mapaluhod na ito sa lupa. Tumingala si Eleazar sa langit at pakutyang tumatawa.

"Zedeus, hindi ka magtatagumpay. Katulad ng dati ay mamamatay ka pa rin sa kamay ko." Sigaw nito habang tumatawa.