Chereads / Vanguard: Blade of the Shadows / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

Sa kanyang muling pagmulat ay napatingin siya sa isang pamilyar na kisame. Hindi iyon ang bahay nila ngunit madalas din siya noon dito. Ilang minuto pa siyang natulala hanggang sa may narinig siyang ingay sa labas ng kwarto.

Boses iyon ni Marcus at Celestia.

Pilit siyang bumangon at pinakiramdaman ang sarili. Napakagaan ng katawan niya. Iyong tipong parang kaya siyang tangayin ng hangin, ngunit ramdam din niya ang pag-iinit ng kanyang dugo na tila ba nais niyang tumakbo ng napakabilis.

"Nakakapanibago." Wika pa niya habang pinagmamasdan ang kamay at paa. Normal naman iyon pero pakiramdam talaga niya ay may nagbago roon. Pansamantala muna niyang ipinagsawalang-bahala ang kanyang mga nararamdaman at nagkakad na papalabas ng kwarto. Naabutan niyang nakaupo si Celestia at Marcus sa sofa habang seryoso ang mga itong nag-uusap.

Agad din namang napalingo si Celestia sa kaniya at bahagya siyang ngumiti at kumaway rito. 

"Alex." Sambit ni Celestia at patakbo itong yumakap sa kanya. Lubha naman iyong ikinagulat ng binata ngunit di naman niya iyon sinaway pa.

"Ayos lang ako, ano ka ba." Wika pa niya at tinapik-tapik ang likod nito.

"Ayos ka lang? Muntik ka ng mamatay ah. Loko ka, bakit hindi mo pinindot yung ibinigay ko sayo, di sana ay mas napaaga ang pagresponde namin." Sermon ni Marcus. Nanggigigil siya rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Kinailangan pa niyang magsinungaling sa mga magulang nito para lang hindi mag-alala ang mga ito.

"Naiwala ko kasi Kuya." sagot ni Alex habang napapakamot sa ulo. Kumalas naman si Clestia sa pagkakayakap nito sa kanya at maigi siyang pinakatitigan.

"Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa katawan mo?"

"Yun nga ang sasabihin ko dapat, pakiramdam ko napakagaan ng katawan ko. Iyong tipong para akong tatangayin ng hangin." wika niya. Kinuha naman ni Celestia ang braso niya at inabot ang isang kutsilyo na nasa mesa. Mabilis niya itong inihiwa sa braso ng binata na lubha namang ikinagulat ni Marcus at Alex. Subalit ang mas lalong nagpalaki ng kanilang mga mata ay mabilis na paghilom ng sugat nito bago paman pumatak roon ang kanyang dugo.

"A-anong nangyari? Bakit gumaling ang sugat ko?" gulat na tanong ni Alex.

"Nag-aagaw buhay ka na ng dumating kami. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang salinan ka ng dugo ko. Ang dugo ng isang balrog." wika ni Celestia at napaupo si Alex sa sofa. Nakatulala siya habang nakatingin sa kawalan.

"Iyon ba ang dahilan kung bakit nakita ko ang mga alaala niyo ni Zedeus?" Tanong nito at nagulat si Celestia.

"Paano mo nalaman ang tungkol kay Zedeus?" Tanong ni Celestia. Bakas sa mukha nito ang matinding kalungkutan na noon lamang nakita ng binata sa dalaga.

"N-nakita ko." Sambit ni Alex at bigla siyang napatigil. Bakit nga ba niya nakita ang mga memoryang iyon? Napakalinaw na para bang siya ang naroroon noong mga araw na iyon.

"Mag-usap na muna kayo, kailangan pa naming bumalik sa presinto." Sambit naman ni Marcus at hinatak na papalabas ang mga kasama. Naiwan si Alex at Celestia na kapwa natahimik dahil sa kanilang mga natuklasan.

"Celestia, nakita ko kung paano ka salinan ng dugo ni Zedeus. At nasaksihan ko rin ang pagmamahalan niyo. Hindi ko maipaliwanag pero bakit noong nakita ko iyon ay parang iisa kami?" Wika ni Alex na noo'y gulong-gulo na ang isipan.

Napatingin naman sa binata si Celestia. Maging siya ay hindi noya rin mawari ang dahilan. Napakatagal na panahon na noong mangyari iyon. Ang huong akala niya ay mabubuhay na sila ng payapa ni Zedeus, pero sino ba ang mag-aakala na ang kapatid pala nito ang siyang papatay sa kanya. Sino ang mag-aakala na ang araw na magkasama sila ay bilang lang pala.

Walang araw at gabing hindi niya naaalala si Zedeus. Magmula noong makilala niya ito hanggang sa tuluyan siyang umibig rito.

"Alex, ano pa ang nakita mo?" Tanong ni Celestia.

"Lahat, maging ang araw na nagkakilala kayo. At ang araw na maging kayo. Maging ang araw noong lasunin siya ni Eleazar. "

"Iisa nga kayo. Hindi ko alam kung paano. Pero maaaring nasa katauhan mo ang kaluluwa ni Zedeus. Meron siyang katagang binitawan sa akin. Na kahit anong mangyari hangga't nananatili akong buhay, gagawa siya ng paraan na makabalik at makasama ako. " Malungkot na wika ni Celestia at hindi na niya napigilan ang sarili na umiyak.

"Nang mamatay si Zedeus napuno ng galit ang puso ko at hinimok ko ang mga tao na mag aklas laban sa mga balrog. Napakaraming tao na ang nakita kong namatay. Napakaraming nagbuwis ng buhay para lamang mapuksa ang mga balrog at si Eleazar ." Wika nito at napipilan ang binata.

"Hindi ko sukat akalain na darating ang araw na ito. Alex, kung nasa katauhan mo nga si Zedeus, hahayaan mo ba siyang sakupin ang katawan mo?"

"Hindi naman niya gusto sakupin ang katawan ko. Dahil kung nais niya, dapat ay noong natutulog pa ako. Hindi ako sigurado pero iyon ang pakiramdam ko. " Nakangiting wika ni Alex at muling napahikbi si Celestia.

"Tama ka, hindi nanlalamang si Zedeus. Napakabuti ng puso niya." Wika ni Celestia at marahas na pinahid ang kanyang luha.

Napatitig lang dito si Alex at tila ba may nag-uudyok sa kanya na yakapin ito. Hindi niya alam kung si Zedeus ba iyon o ang konsensya niya.

Ilang sandali pa ay hinayaan na lamang niya ang kaniyang katawan na yakapin ang dalaga. Muli namang napahikbi si Celestia nang maramdaman ang mahigpit na yakap ni Alex. Pakiramdam niya ay kayakap na rin niya si Zedeus. Hindi man niya makita ang mukha nito ay sapat na sa kanya ang isiping, nasa katauhan ni Alex ang lalaking minsang magpatibok ng kanyang puso at ang nagpabago sa kaniyang buhay.

Ilang sandali pa nga ay tuluyan namang huminahon si Celestia. Dahil sa hindi pa gaanong nakakabawi ng lakas si Alex ay muli itong nagpahinga. Isang buong araw pa silang nanatili sa apartment ni Marcus bago nila napagdesisyunang bumalik sa bahay nila Alex.

Masayang sumalubong naman sa kanila ang mga magulang nito na ikinatuwa naman ni Celestia. Ramdam na ramdam niya ang init ng oagsalubing ng mga ito na animoy isang buong taon silang nawala sa bahay na iyon kahit dalawang araw lang naman iyon.

Panay tanong at panay yakap din sila kay Alex na animo'y sabik na sabik ang mga ito sa anak.

Lumipas ang mga araw na naging tahimik ang kanilang buhay, hanggang sa isang araw ay nakatanggap sila ng tawag mula kay Marcus. Agad naman silang tumungo sa presinto kung saan ito nagtatrabaho upang makipagkita rito. Pagdating doon ay agad din silang dinala ni Marcus sa isang lugar.

" Anong lugar to Kuya?" Tanong ni Alex nang marating nila ang isang tagomg lugar sa gitna ng siyudad. Sa lawak at laki ng siyudad ay hindi mo aakalain meron isang nakatagong lugar sa gitna nito.

"Ito ang hidwout namin. Hindi ba't nasabi ko na sa iyo noon, bukod sa pagiging ulis ko sa City A ay isa rin akong special agent. Gumagalaw lang ang grupong ito kapag may mga kaso kaming hinahawakan na hindi kayang lutasin ng simpleng kapulisan lamang, tulad ngayon. " Paliwanag ni Marcus habang tinatahak nila ang madilim na landas papasok. Pagdating nila sa dulo ay sumalubong sa kanila ang isang matigas na pader. Malakas na ipinalakpak ni Marcus ang kanyang kamay at nakarinig sila ng tunog ng makenismo na animo'y umiikot. Kasabay nito ang dahan-dahang pagbubukas ng pader na nasa harapan nila.

Bumungad agad sa kanila ang isang grupo ng mga kalalakihan na agad na sumaludo kay Marcus. Gulat na gulat naman si Alex dahil sa dami ng mga computers na nasa paligid nila. Bawat isa sa mga ito ay may mga nakaupong lalaki na animo'y doon na nabubuhay ang mga ito. Isa nga sa mga ito ang tumayo at lumapit sa kanila.

"Ito na ba ang pinsan mo? At si Celestia?" Tanong nito.

"Tumango naman si Marcus at pinasunod sila sa isa pang kwarto. Doon ay naging naaliwalas naman ang lahat. Kulay puti ang buong paligid at walang ibang kasangkapan kundi ang isang malaking sofa na halos kasingputi din ng pader. Naningkit naman ang mata ni Alex nang makita ang paglabas doon ng isang babae na tila isang doctor.

"Kuya ano to?" Tanong ni Alex at agad nitong inilayo si Celestia sa mga ito.

"Huminahon ka Alex, napag-usapan na namin ito ni Celestia at sumang-ayon na siya." Wika ni Marcus at napatingin si Alex kay Celestia.

"Magbibigay lang ako ng dugo. Wala silang ibang gagawin sa akin." Wika naman ni Celestia. Napakunot naman ang noo niya kung bakit kailangan ng dalaga na magbigay ng dugo rito.

"Hindi ka ba manghihina kung gagawin mo iyon?"

"Isa akong balrog, hanggat hindi natutuyo ang dugonsa katawan ko, hindi ako manghihina. Kusa itong babalik makalipas ang ilang minuto." Paliwanag naman ng dalaga. Doon lamang nakahinga ng maluwag si Alex sa narinig. Hinaplos niya ang buhok nito at ngumiti.

"Sige, sasamahan kita, kapag may ginawa silang kakaiba sayo. Pasensiyahan tayo ,Kuya. " Banta nito sa pinsan na ikinatawa naman ni Marcus.

"Ikaw ang bahala Alex. O siya, dito na muna kayo. Siya si Doctor Mayla Andres, isa siyang scientist na under sa aming grupo. Huwag kang mag-alala. Lahat ng tao rito mapagkakatiwalaan. " Wika ni Marcus at nilisan na ang lugar kasama ang lalaking naghatid sa kanila roon.