Chereads / Vanguard: Blade of the Shadows / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Kinahapunan ay natapos na nga ang lahat ng kinakailangan nilang gawin. Pansamantalang nagpapahinga si Celestia sa maaliwalas na kwartong iyon nang pumasok si Marcus doon.

"Tapos na kayo, may ipapakita ako sa inyo. " Wika ni Marcus. Agad naman silang sumama rito at napadoad sila sa isang kwarto na puro naman armas ang kanilang nakikita.

Manghang-mangha si Celestia sa dami ng mga espadang naroroon.

"Ito ang magiging pangunahing armas ng grupo na siyang magiging kasama niyo sa pagpatay sa mga balrog. Ang mga baril namang iyon ang magiging pangalawa. Gagamitin lamang nila iyon sa oras ng kagipitan. Isa din ako sa magiging kasapi ng grupong ito kaya wala kayong dapat ipag-alala. "

"Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nalalagay tayo sa ganitong sitwasyon. Ang buong akala ko ay sa pelikula lang ito nangyayari o sa panaginip.

" Dagdag pa ni Marcus at natawa na lang si Alex. Akmang dadamputin niya ang isang espada nang pigilan siya ni Celestia.

"Hindi gumagamit ng sandata si Zedeus, Alex." wika nito at napangiti si Alex.

"Paano ako lalaban kong hindi ako gagamit ng sandata?" tanong niya. Umiling naman si Celestia at tinapik ang braso nito.

"Ituturo ko sayo." wika naman ni Celestia. Nag-ikot-ikot pa sila sa loob at doon ipinaliwanag ni Marcus ang ginawa nila sa dugo ni Celestia. Pinag-aralan pala ng mga ito kung ano ang meron sa dugo ni Celestia na wala sa dugo ng mga ordinaryong tao. Maraming test ang ginawa upang mas lalo nilang mapalalim ang kanilang pag-aaral. Paulit-ulit din ang ginagawang pag-aaral ng mga ito hanggang sa makakuha sila ng solidong resulta.

"Minsan na din itong ginamit ng mga tao noong unang panahon. Kagaya ng ginawa ni Marcus, inilapat din nila ito sa mga talibong, itak o kung ano pang kasangkapan na gawa sa bakal. Noon ay ibinababad lamang ng mga tao ang mga bakal sa dugo sa ilalim ng kabilugan ng buwa at nagiging mabisa na ito. Hindi ko alam na maari ding gawin itong parte ng mismong sandata." namamanghang wika ni Celestia habang nakatitig sa mga espadang naroroon.

"Nakapgreport na din ang mga kasama nating nagmamasid sa siyudad. Nagsisimula nang gumalaw ang mga kalaban natin. Hindi ko alam kung paano sila nakakapagparami ng ganito sa maikling panahon lamang. Para silang mag zombies na bigla-bigla na lamang susulpot at umaatake." sambit ni Marcus

"Kung ganon, kailangan na nating maghanda. Mamayang gabi, lalabas ako para magmasid. Hanggang hindi pa nakahanda ang mga ito, hindi pa kayo maaring lumabas. Ayokong matulad kayo sa mga kasamahan ko dati." Seryosong wika ni Celestia at parehong natahimik si Marcus at Alex.

Kinagabihan nga ay napagdesisyunan na nilang maglibot sa siyudad. Kasalukuyan sila nagmamasid sa taas ng isang building kung saan kitang-kita nila ang lahat ng mga taong naglalakad. Tuwang-tuwa naman si Alex dahil ito ang unang pagkakataong nasa pinakamataas siyang building sa buong siyudad pero kitang-kita niya ang mga taong naglalakad sa ilalim. Iyong tipong napakalinaw ng mga ito na tila pa kaharapan niya lang.

"Ano pa ang ibang kakayahan ng isang balrog, Celestia?" Tanong ni Alex at napatingin sa kanya ang dalaga.

Tipid itong ngumiti at inisa-isa sa binata ang mga kaya niyang gawin ngayon na hindi niya nagagawa noon.

"Ibig sabihin, kaya kong tumalon dito nang hindi namamatay?" Gulat na tanong ni Alex at tumango si Celestia.

"Kaya ko ring lumipad , parang si superman , ganun?" Tanong ulit nito at napakunot ang noo ng dalaga . Natawa naman si Alex dahil sa ekpresiyon ng dalaga sa sinabi niya.

"Hindi mo nga pala kilala si Superman. Pero pwera biro, idolo ko si superman simula noong bata pa ako. Dati naiisip ko lang paano kaya ako magiging isnag superhero." Wika ni Alex na lalong ikinagulo naman ng isip ni Celestia. Hindi kasi nito mawari kung ano ang tinutukoy nitong Superman at superhero.

Bago sa pandinig niya kumabaga. Hindi na lamang niya iyon pinansin at patuloy na nagmasid sa paligid habang inaamoy ang hangin.

"Hindi ka ba natatakot, Alex?" Maya-maya pa ay tanong ni Celestia sa kanya. Napahinto naman sa pagsasaya si Alex at nilingon ito. Ngumiti ang binata at muling nalungkot si Celestia.

"Natatakot, pero nandiyan ka naman. Kaya pinipilit kong tanggapin. Yung mga bagay na naranasan mo noon, mararanasan ko din. Pero alam kong nariyan ka naman sa tabi ko kaya hindi ako nag-aalala. Hindi mo naman ako iiwan di ba?" Wika ni Alex at napangiti si Celestia.

"Hindi kita iiwan. Sasamahan kita kahit sa anong panahon pa tayo mapunta. " Wika naman ni Celestia.

Noong gabi ngang iyon ay naging tahimik ang buong paligid. Habang nagbabantay sila ay patuloy din ang paghasa ni Celestia sa kakayahan ni Alex. Itinuro niya ang lahat ng itinuro ni Zedeus sa kanya kay Alex. At mabilis naman iyong nakukuha ng binata.

Sa pagdaan ng mga araw ay yun at yun ang kanilang ginagawa sa bawat gabi. Dahil isa nang balrog si Alex ay hindi na nito alintana ang hindi pagtulog sa arawan o gabi. Isa sa mga kalakasan ng mga balrog ay hindi nila kailangan ang pahinga lalo pa kung nasa kondisyon ang kanilang mga katawan. Nagpapahinga lamang sila kapag nasusugataan o di kaya naman ay pwersahan nilang pinagpapahinga ang katawan nila, katulad na lamang ng ginawa ni Celestia noon.

Isang gabi, habang nasa kasukalan sila di kalayuan sa siyudad ng City A, ay nakardam ng kakaiba si Celestia. Alam niyang mga balrog iyon kung kaya't inihanda niya ang sarili at si Alex. Naging alerto naman ang binata dahil ito ang magiging unang pagkakataon na makakaharap niya ang mga ito sa kanyang anyong balrog.

Habang nagmamatyag sila sa paligid ay isang pangitain ang lumitaw sa kanilang isipan. Nagkatinginan pa sila at ngumisi bago tumakbo ng napakabilis.

Sa bilis nilang dalawa ay tila malakas na hangin lang sila na dumaraan sa mga taong walang kaalam-alam. Pagdating nila sa lugaar na nakita nila sa kanilang pangitain ay agad na bumungad sa kanila ang mga ulipon na may buhat-buhat na mga taong wala nang malay.

Nasa lima ang bilang nila at alam nilang dadalhin ng mga ito ang kanilang mga bihag sa mga balrog na pinagsisilbihan nila. Mqbilis naman kumilos ang dalawa upang maagaw sa mga ito ang mga bihag ng nilalang.

Walang anu-ano'y sinunggaban ni Alex ang unang ulipon na nkita niya at mabilis na kinuha roon ang isang estudyanteng wala ng malay. Maingat niya itong inilapag sa semento at agad na binalikan ang nilalang. Gulat na gulat naman ang nilalang sa biglaan pag-atake nila. Napapaatras ito habang papalapit naman si Alex dito. Kitang -kita niya ang panlilisik ng mata ni Alex habang dahan-dahan itong naglalakd palapit sa kaniya. Unti-unti ring nagbabago ang kulay ng mga mga nito na halos ikaluhod ng nilalang.

Alam nilang isang balrog na ang kaharap nila at hindi na basta isang tao. Sa huling hakabang na ginawa ni Alex ay wala na itong nagawa kundi ang tanggapin ang nalalapit nitong kamatayan.

Biglaan din ang paghaba ng kuko ni Alex sa kanyang kaliwang hintuturo at itinusok nito sa kanyang palad. Umagos roon ang kanyang mapupulang dugo at mabilis na ipinatulo iyon sa ulo ng ulipon na nahuli niya. Kisap-mata lamang ang nagdaan nang tuluyan itong maabo sa kanyang harapan. Napangisi naman siya sa nakita.

"Tama si Celestia. " Sambit pa niya. Mataman niyang tinitigan ang dalaga habang nakikipaglaban iti sa mga ulipon. Agaran naman ang pagbibigay niya ng tulong dito. Mabilis na hinawakan niya sa mukha ang nilalang na akman susunggab kay Celestia gamit ang may sugat niyang kamay. Dahil dito ay nabalot ng dugo niya ang mukha nito. Napasigaw ito sa sobrang sakit na animo'y nasusunog hanggang sa tuluyang maging abo ang katawan nito.

Muli siyang nakaramdam ng pagkasabik sa nangyaring iyon. Animo'y kumukulo ang lahat ng dugo niya sa buong sistema niya. Tila ba naging isang hayok sa laban si Alex, isa-isa niyang pinatumba ang mga kalaban nilang ulipon at naiwang nakatayo si Celestia habang nanonood sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay naubos na nga ni Alex ang mga nilalang na umatake sa mga tao. Agad din ang pagtawag nila sa grupo ni Marcus upang matulungan ang mga taong biktima ng mga ito.

Nang makita nilang paparating na ang mga ito sa lugar na pinangyarihan ng gulo ay agad din nila itong nilisan. Yun palagi ang ginagawa nila dahil may ibang kasama si Marcus na walang kaalam-alam sa kanila at nais nila itong manataling lihim. Bilang lang din ang mga taong pinagkakatiwalaan ni Marcus at yun lang din ang nakakaalam sa kanilang dalawa ni Celestia.

Lumipas pa nga ang ilang linggo at buwan. Tuluyan na ngang napaghusayan ni Alex ang paggamit sa bago niyang kakayahan. Higit ding mas naging makapangyarihan ang dugo niya kesa kay Celestia dahil na din sa unti-unting pagkagising ng katauhan ni Zedeus sa katawan niya sa pagdaan ng mga araw.

Unti-unti na ring nararamdaman ni Alex ang presensya nito na hindi naman niya ikinakabahala. Ramdam kasi niya ang pananahimik nito at sa tuwing may kalaban lamang ito kung mangialam. Tila ba pilit nitong pinapalabas roon ang mga kakayahan niya upang mas maging malakas pa si Alex. Animo'y inihahanda siya nito sa mas malaki pang panganib na kanilang kahaharapin sa hinaharap.