Pagsapit nga ng gabi ay binalikan na nila ang lugar na iyon sa palengke. Paisa-isa nang nagsisiuwian ang mga tao at sila naman ay nagkubli sa isang gusali di kalayuan sa lugar na nakita kanina ni Celestia. Kinakabahan naman si Alex dahil ito ang magiging pangalawang beses na makakakita siya ng ulipon.
"Diyan ka lang at huwag kang lalabas kahit na anong mangyari." utos pa ni Celestia habang nakasiksik naman sa sulok si Alex na natatabunan ng malaking dram.
"Kahit hindi mo sabihin, hindi ako aalis dito. Nakakatakot kaya ang mga yun." wika pa ni Alex. Sa kanilang pag-uusap ay nakarinig sila ng malakas na sigaw mula sa looban ng palengke. Mabilis na tumakbo roon si Celestia at naiwan si Alex doon. Ilang minuto pa siyang nakatago lang doon hanggang sa makaramdam siya ng pagkabagot at sumunod na nga sa dalaga, taliwas sa una nitong sinabi rito.
Nang marating niya ang looban ng palengke ay nakita niya si Celestia na nakikipaglaban sa tatlong matipunong lalaki na nakasuot ng itim na damit. Animo'y mga bampira ito sa makabagong panahon dahil sa klase ng pananamit nito.
Nakasuot iyon ng amerikana na kulay itim at itim din pantalon habang kulay puti naman ang panloob ng mga ito. Nagkikislapan ang mga mapupulang mata nito na tila ba mga pusa sa dilim. Walang magawa si Alex kundi ang magtago sa likod ng isang poste habang ang dalaga naman ay nakikipagbuno sa mga ito.
Wala din naman siyang maitutulong dahil, wala din siyang panama sa mga ito. Kitang-kita niya kung paano nabibiyak ang mga mesa na naroroon sa oras na tumama doon ang mga katawan o atake ng mga ito. Talagang napakahiwaga ni Celestia dahil kahit doble ng laki niya ang mga nilalang na iyon ay nakakaya niya itong sabayan.
"Hindi ka na dapat bumalik pa Celestia. Siguradong hindi ito ikatutuwa ni Panginoong Eleazar. " Wika pa ng isang lalaki.
"Nasaan si Eleazar?" Tanong niya sabay unday ng taga sa lalaking nagsalita. Agaran din naman itong nakailag at tumalon ito papalayo sa kanya.
"Kahit kailan ang isang tulad mong sinalinan lamang ay walang karapatang malaman ang kinaroroonan ng aming panginoon." Wika nito at muling umatake sa dalaga. Dahil sa sobrang bilis ng atake nito ay nahirapan si Celestia na ito ay salubungin. Sinangga niya ito ng kanyang espada ngunit napatras siya nang magsalubong ang talim ng kanyang espada ang sandata ng kanyang kalaban.
Nagpatuloy ang kanilang pakikipaglaban ngunit sa pagdaan ng oras ay tila pahina naman ng pahina si Celestia.
Hindi naman malaman ni Alex ang kanyang gagawin. Napansin niya ang pagbagal ng kilos ng dalaga habang ang mga kalaban naman kito ay tila walang sugat na natatamo. Tila ba pinaglalaruan lang nila si Celestia hanggang sa tuluyan itong manghina.
Napatingin siya sa kanyang paanan at nakakita siya ng mga bato. Pinulot niya iyon at matamang tinitigan.
Nang akmang uundayan na ng saksak si Celestia ng isang lalaki ay buong lakas naman niya itong binato ng bato. Halos isang kamao din ang laki ng batong iyon kung kaya't agad na napahinto amg lalaki nang tumama ang batong iyon sa ulo niya.
"Hoy, kalalaki niyong tao pumapatol kayo sa babae. Ako ang harapin niyo. " Sigaw ni Alex at napatingin naman sa kaniya ang tatlong lalaki. Napalunok ng laway si Alex nang makitang nag-aangil sa galit ang mga ito. Kitang-kita niya ang mga matatalim nitong ngipin na animo'y sinadyang patulisin ang dulo. Namumula at nanlilisik ang mga mata nito habang masamang nakatitig sa kanya.
"Alex, hindi ka dapat sumunod " wika ni Celestia at pilit na tumayo sa kinaluluhurang lupa. Mabilis namang hinablot ng isang lalaki ang mahabang buhok ni Celestia at inangat ito sa lupa.
Nanlaki ang mga mata ni Alex dahil sa ginawa nito. Nag-aalalang isinigaw niya ang pangalan ng dalaga na para bang iti ang paraan niya upang palakasin ang loob nito.
"Mga duwag, babae lang ba ang kaya niyo? Bakit hindi niyo ako subukan at nang magkaalaman tayo?" Sigaw ni Alex at doon na nga umatake ang isang lalaki sa kanya.
Sa pagkakataong iyon ay lubos niyang ipinagpasalamat na kahit papaano ay may background siya sa pakikipaglaban. Bata pa lamang ay sinanay na siya ng kaniyang pinsan pagdating sa martial arts. Hindi man soya kasing husay nito ay husto na sa kaniya ang malaman ang basic nito.
Basic self defense at attack ang ginagamit niya.
Ito ang unang bese na magagamit niya iyon at sa isang nilalang pa na malayo sa isang tao. Ramdam na ramdam niya ang sakit sa bawat pagtama ng suntok ng lalaki. Iyong tipong para kang hinambalos ng isang hollow blocks sa katawan kahit oa isang suntok lang iyon.
Ganun pa man ay hindi pa rin siya sumuko dahil ang nais niya ay mailigtas si Celestia sa kamay ng isang lalaki.
Sa gitna ng kanilang paglalaban ay umalingawngaw sa palengke ang putok ng isang baril. Napahinto naman sa pag-atake ang nilalang habang napayuko naman si Alex dahil dito. Kasabay nito ay ang pagdating naman ng kalalakihan na may mga dalang baril.
"Itigil niyo yan kung ayaw niyong pasabugin ko ang mga bungo niyo." Pagbabanta nito. Napatingala naman si Alex ng makilala ang boses nito.
Agad namang umatras ang mga kalaban nila nang lumantad na ang iba pang kasamahan ng lalaking nagsalita. Nang makita ito ni Alex ay patakbo niyang nilapitan si Celestia upang matulungan ito.
"Ayos ka lang? Huwag ka ng mag-alala, ligtas na tayo." Wika pa niya habang inaalalayan ang dalaga.
"Babalik kami para sa buhay at sa dugong hiniram mo Celestia." Wika pa ng lalaki at mabilis na naglaho ang mga ito na lubha namang ikinagulat ng mga naroroon.
"Kuya Marcus, mabuti at dumating kayo." Wika ni Alex ngunit sa halip na kamustahin siya ay isang malakas na batok ang sinalubong nito sa kanya.
"Pumunta kami sa bahay at wala ka, sabi ni Tita lumabas ka kasama ang isang babae. Aba Alex, kailan ka pa napapasok sa basag-ulo? Hindi ba't ang sabi ko sa yo,ang martial arts ay hindi ginagamit sa pakikipag-away?" Mahabang sermon nito. Hawak-hawak naman niya ang ulo niyang nananakit dahil sa lakas ng pagkakabatok nito sa kanya.
"Kuya, hindi naman ako nakikipag-basag ulo. Self defense iyon. Alangan namang hindi kami lumaban para sa buhay namin. At hindi tao ang mga yun." Tila maiiyak na wika niya.
"Mukha ngang hindi tao yun pare. Ang bilis nawala eh. Ano ba yun multo?" Tanong ng isang kasama ni Marcus.
"Gag* may multo bang malakas manuntok,tingnan mo yang pinsan ni Marcus lamog ang katawan." Turan naman ng isa pa nilang kasama.
"Eh ano nga iyon?"
"Mga balrog. Mamaya na ako magpapaliwanag. Umuwi na muna tayo. " Wika ni Alex at pinulot na nito ang espada ni Celestia sa lupa. Ito ang unang bese na mahawakan niya ito at nagulat siya dahil sa bigat ng espadang iyon.
"Kaya mo bang maglakad?" Tanong niya sa dalaga at tumango lang ito. Siya na ang nagbitbit ng sandata nito upang kahit papaano ay hindi na ito mahirapan. Pakiramdam niya ay natatayang nasa tatlong kilo ang espadang iyon at hindi iyon pangkaraniwan.
Nang makauwi na nga sila ay doon na isa-isang ipinaliwanag ni Alex kay Marcus ang lahat. Hindi man soya sigurado kung maniniwala ang mga ito ay wala na siyang pakialam. Ang mahalaga ay maipaliwanag noya ang sitwasyon nilang dalawa ni Celestia.
"Kahit na, nandoon na ako sa gusto mong tulungan itong si Celestia pero isipin mong may mga magulang kang naghihintay rito. Paano kung mapahamak ka? Alam mo ba kung gaanong sakit ang maidudulot nun sa parents mo? Aba Alex kakagraduate mo pa lang, huwag mo namang sayangin ang buhay mo." Sermon ni Marcus at napayuko lang si Alex. May punto din naman kasi ang pinsan niya kung kaya ay wala siyang mahanap na isasagot rito.
"Sorry po Kuya,hindi mauulit." Tila nahihiyang wika niya. Naoabuntong-hininga naman si Marcus at may kung ano itong kinuha sa bulsa.
"Sa susunod na bumalik ang mga taong iyon, pindutin mo ang pulang buton. Magbibigay yan ng signal sa presinto na nasa panganib ka. Mapanganib na ang panahon ngayon Alex, nababalitaan mo naman siguro." Dagdag pa nito at napatingin siya sa mala-relong bagay na ibinigay ng kanyang pinsan.
"Salamat Kuya, tatandaan ko lahat ng sinabi niyo. Pangako hindi ako mapapahamak. " Wika pa ni Alex at napangiti na din si Marcus.
Matapos makipag-usap kay Marcus ay agaran din siyang bumalik sa kwarto niya upang tingan ang kalagayan ni Celestia. Nakahiga ito sa kama at nakatulala sa kisame nang abutan niya.
"Sigurado kang ayos ka lang?" Tanong niya at nilapitan ito. Wala naman itong sugat o akung ano pero ramdam niya ang panghihina nito. "Ano ba ang nagyari kanina?"
"Epekto ito ng mahabang pagkakatulog ko, hindi pa tuluyang bumabalik ang lakas ko. Maging ang katawan ko ag parang sa normal lang na tao. " Wika ng dalaga at napaisip naman siya.
"May malapit na gym sa pinagtatrabahuhan kong restaurant. Pwede kang magpalakas doon. Hindi ko man alam kung paano pero siguro naman makakatulong ito sayo. Kakilala ko ang nagbabantay roon kaya maipapakiusap kita." Wika ni Alex at napabangon si Celestia.
"Magiging malakas ako dun?" Tanong ulit ng dalaga na tila ba naging interesado ito. Napakamot naman si Alex at alanganing tumango.
"Siguro. Hindi ko rin masasabi kasi hindi ko naman alam ang ginagawa niyo noon para magpalakas." Natatawang wika ni Elx at napangiti naman ang dalaga.
Dumaan na naman ang gabing iyon na napagkuwentuhan nila ang buhay ni Celestia noong unang panahon. Dalang-dala naman si Alex sa mga kwento ng dalaga, pakiramdam niya ay nararating din niya ang panahon iyon.