Kinabukasan, maaga pa lamang ay dinala na niya si Celestia sa kaibigan niyang nagtatrabaho sa isang gym. Matapos ipakilala ay iniwan muna niya doon si Celestia para magtrabaho. Hindi naman kalayuan ito sa restaurant na pinatatrabahuan niya kaya madali sa kanya ang tingnan-tingnan ito kapag breaktime niya.
Habang nasa trabaho si Alex ay patuloy naman siyang iniikot ni Ken sa loob ng gym. Ipinapakilala nito ang mga kasangkapang pwedeng magamit ng dalaga. Hindi naman ito gaanong sineryoso ng binata dahil kita naman niya sa katawan ng dalaga na mahina ito at paniguradong hindi nito kayang magbuhat kahit na ang five kilos na weights.
Pero dahil matalik na kaibigan niya si Alex ay pilit pa rin niya itong inasikaso. Napapabuntong-hininga na lamang siya dahil pansin na pansin niya ang kainosentehan nito. Maganda naman ito ngunit hindi ito ang type niya sa babae. Mas gusto niya sa babae ang wild at sexy. Aminado naman siyang may angking ganda at katawan din naman si Celestia pero para sa kayang ito ay kulang pa.
"O, Celestia ayos lang ba kung iwan muna kita? Aasikasuhin ko lang ang iba nating customer." Wika ni Ken at tumango lang ang dalaga habang nakatitig sa isang malaking sako na nakakabit sa kisame. (Punching bag, kasi yun)
Nag-aalangan man ay iniwan siya ni Ken aylt nilapitan ang mga babaeng kakapasok lamang. Nilingon ito ni Celestia bago nilapitan ang kinaroroonan ng inaakala niyang sako. Tumingala pa siya upang tingnan kung bakit iyon nakakabit sa kisame bago niya ito damhin ng kanyang mga palad.
"Hi Miss, nag-iisa ka lang ba?" Tanong ng isang lalaki sa kanya. Nilingon niya ito at bahagyang tumango. Nakita naman niya ang paglapit pa ng dalawang lalaki sa kanila.
"Hi, ako nga pala si Cedric, ito ang mga kaibigan kong sina Fred at Bert. Anong pangalan mo?" Tanong nito matapos ipakilala ang sarili at ang mga kasama nito.
"Celestia." Simpleng sagot ng dalaga at muling binalingan ang bagay na nasa harapan niya.
"Tawag diyan punching bag. Ganito ang pag-gamit diyan. " Wika nito bago bahagyang pinaatras si Celestia. Nang makita nitong nasa tamang layo na ang dalaga ay buong yabang nitong pinakitaan ng gilas ang dalaga. Pinagsusuntok nito ang punching bag habang nagtsi-cheer naman sa likod niya ang dalawa niyang alipores. Nakatingin lang naman sa kanila si Celestia na animo'y pinag-aaralan ang mga galaw ng binata. Ito ang unang beses niyang malaman ang paggamit nito.
"Nakita mo ba ?" Wika nito habang mayabang na pinapakita pa sa dalaga ang mga muscles niya.
Napansin naman agad ito ni Ken kung kaya't nilapitan niya ang dalaga bago pa ito mauto ng mga lalaking iyon. Paniguradong malalagot siya kay Alex kapag may mangyaring masama dito.
"Maari ko bang subukan?" Tanong ni Celestia at tumawa ito.
"Pwede naman pero baka masaktan ka lang." Wika ni Cedric. Unang tingin pa lamang niya ay alam na niyang inosente ang babaeng iyon. Kung susuwertehin ay paniguradong matitikman niya ito mamaya. Palihim pa siyang napangisi nang lumapit na ang dalaga sa kinaroroonan niya. Tumayo ito paharap sa punching bag at buong lakas nitong sinuntok ang bag dahilan upang tumalbog ito ng malakas at maputol iyon sa kinakabitang kisame. Wasak din ang pinakakatawan nito na lubha nilang ikinagulat. Pare-pareho silang napanganga sa pagkagulat dahil sa ginawa ni Celestia. Maging si Ken ay hindi makapaniwala. Ilang beses pa niyang ikinurap ang kanyang mga mata bago nagsink-in sa utak niya ang nangyari.
'Walang hiyang Alex to', akala ko prinsesa ang dinala, amazona pala.' wika pa ni Ken sa isip niya bago dali-daling nilapitan ang dalaga.
Humingi naman agad ito ng tawad dahil sa pagkasira ng kagamitan nito. Hindi naman iyon inalala ng binata dahil mas nananaig ang paghanga niya rito. Para siyang isang scientist na nakatagpo ang isang rare na specie na gusto noyang pag-aralan.
Mabilis naman na tumakbo papalayo sa kanila amg tatlong bug*k. Hindi na iyon pinagkaabalahan ni Ken ng oras at itinuon na lamang ang atensyon kay Celestia.
Dahil nga sa nasaksihan niyang ginawa nito sa malaking punching bag ay sinubukan naman niya ito sa dumbbell weights na nakahilira sa isang parte ng gym. Saktong hindi naman gaanong crowded noong araw na iyon kaya naman ay hindi na sila nahirapan pa.
Noong una ay pinasubukan niya kay Celestia ang dalawa at kalahating kilong bigat na dumbbell sa magkabilang kamay nito oara warm up ika nga. Nang masanay na doon si Celestia ay pinalitang na ito ng limang kilo. Paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang sa parang luluwa na ang mata niya sa gulat dahil sa hindi pangkaraniwang lakas ng dalaga. Umabot na kasi sa dalawampu't apat na kilo ang dumbbell na binubuhat nito.
Kinahapunan, nang makabalik na sa gym si Alex para sunduin si Celestia ay isang malakas na batok ang sumalubong sa kanya. Agad namang bumungad sa kanya ang pagmumukha ni Ken na animo'y kanina pa naghihintay sa kanya.
"Tagal mo 'pre. Walang-hiya ka,muntik mo na akong ipahamak ah." Reklamo nito.
"Bakit, ano bang ginawa ko?"
"Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na amazona pala ang girlfriend mo ? Buti nlng kahit naiinis ako kanina,naging mabait ako sa kanyan. Naku kung nakita mo lang ang ginawa niya kanina dun sa tatlong bug*k." Pagkukuwento pa ni Ken.
Habang nag-uusap naman sila ay naglalakad na sila patungo sa kinaroroonan ni Celestia. Nakasalampak ito sa sahig na animo'y nagyo-yoga.
"Saan mo ba nakilala iyang girlfriend mo, sigurado ka bang tao yan? Ang lakas niya kakaiba. " Pahulong na wika ni Ken sa kanya.
Natawa lang naman si Alex at tinapik amg balikat nito. " Tao si Celestia, O ano, ayos lang ba na dito siya ulit bukas?" Tanong ni Alex sa kaibigan.
"Oo naman, meron naman akong private na kwarto na pwede niyang gamitin sa pag-eensayo. Eh, teka bakit nga ba gusto pa niyang magpalakas eh sa nakikita ko mas malakas pa nga siya sa akin o sa kahit sino dito?" Tanong ulit ni Ken.
"Basta, huwag ka na kasing magtanong. Kailangan lang talaga." Sagot lang naman ni Alex. Wala namang nagawa si Ken kundi ang hayaan ito. Kahit napakaraming tanong ang pumapasok sa isip niya ay sinarili na lamang niya ito.
Sa pagdaan pa nga ng mga araw ay nakasanayan na ni Celestia ang tumungo sa gym ni Ken. Tulad ng una nitong pangako ay ibinigay nito sa kanya pansamantala ang isang bakanteng kwarto para magamit niya. Doon ay muli niyang binalikan ang lahat ng aral, galaw at mga pag depensa na natutunan niya noon.
Hanggang sa unti-unti na ngang nagbabalik ang mga ito sa kanya. Dahan-dahan din niyang naramdaman ang paglakas ng kanyang katawan. Hindi na nagiging tipid ang mga galaw niya tulad nang una siyang magising. Pakiramdam niya ay nagbalik na ang tunay na Celestia.
Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa taas ng isang malaking gusali. Ilang buwan na din simula nang magising siya at sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti na rin niyang nakakasanayan ang pamumuhay ng makabagong mga tao.
Panaka-nakang nakakaramdam siya ng mga ulipon sa paligid at iyon ang mga inuuna niyang lipulin. Hindi niya alam kung kaya na ba niyang harapin ang mga balrog na higit na mas mataas ang antas sa mga ulipon at iyon din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nag-iikot ng malayo sa lugar nila Alex.
Habang tinatanaw niya ang tanawin sa itaas ay bigla namang sumagi sa isipan niya ang isang lugar. Agad din nakuha ng tenga niya ang sigaw ng mga tao na nanghihingi ng tulong. Hindi iyon kalayuan sa kanyang kinaroroonan kung kaya't malinaw iyong dumaan sa kanyang isipan.
Walang pagdadalawang isip naman siyang tumalon sa gusaling kinatatayuan niya at nagpatianod sa hangin. Isa iyon sa mga kakayahan ng mga balrog, kaya nilang gawing magaan ang kanilang sarili na animo'y kasing-gaan ng balahibo ng ibon. Kaya din nilang maglakad sa ere, tumakbo o di kaya naman ay tumalon ng mataas. Ang mga balrog kapag nasa kaanyuan ng tao ay hindi nakakalipad ngunit ang pagtalon nila ng mataas ay sapat na para dalhin sila sa nais nilang mapuntahan. Likas ding matatalas ang pandinig at paningin ng mga balrog. Kaya nilang makarinig ng bulong sa malayo at kaya nilang makakita ng malinaw sa dilim. Hindi rin problema sa kanila ang paghahanap dahil matatalas din ang kanilang pang-amoy. At isa iyon sa mga ginagamit ni Celestia kapag naghahanap siya ng mga ulipon at para makaiwas siya sa mga balrog pansamantala.
Ilang sandali lamang ay narating na nga ni Celestia ang lugar. Isa iyong paaralan at halos nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalupaan. Wala na rin masyadong tao sa lugar at tanging naririnig niya ay ang mahinag pag-iyak ng kung sino at pagmamakaawa nito.
Sinundan niya ang ingay na iyon at napadpad siya sa likurang bahagi ng paaralan. Agad na bumungad sa kanya ang isang malaking lalaki na halos punong-puno ng tattoo ang buong braso at naglalaway ito na animo'y isang asong ul*l habang nakatitig sa isang dalaga.
Akmang susunggaban na nito ang babae ay mabilis naman niya itong pinigilan sa pamamagitan mg pagsuntok dito.
Ngayon niya malalaman kung may silbi ba ang ginawa niyang pag-eensayo doon sa gym ni Ken. Walang pag-aatubili niyang pinaulanan ito ng suntok at sipa sa mukha uoang maitulak niya ito papalayo sa dalaga.
"Tagapaslang." Sigaw ng nilalang at agad itong umatake kay Celestia.