Nagbuno silang dalawa, habang ang babaeng iniligtas ni Celestia ay tumakbo na upang makapagtago sa isang ligtas na lugar.
Napangisi naman si Celestia at mabilis na inilabas ang kanyang espada sa taguban nito. Wala na siyang sinayang na oras at mabilis nang pinugutan ng ulo ang balrog niyang kalaban.
Kisap-mata lamang iyon nang gumulong na sa lupa ang malaking ulo nito habang ang katawan naman nito ay unti-unting naging buhangin. Napangiti naman si Celestia dahil sa nangyari. Isa alng ang ibig sabihin nun, tuluyan na ngang nagbalik ang dati niyang kakayahan.
Hindi pa man din lumalalim ang gabi ay nakabalik na siya sa bahay nila Alex, bitbit ang iilan sa mga pinabili ng ina ng binata.
"Tita, ito na po ang pinabili niyong pang-sahog." Wika pa niya habang inaabot dito ang supot ng binili niyang kamatis at iba pang sahog.
"Salamat Celestia, buti na lamg talaga nandito ka. May nakakatuwang na ako sa bahay. Magpahinga ka na muna, magluluto lang ako. Mamaya pa naman ang dating ni Alex." Wika ni Marsha at napangiti lang si Celestia bago bumalik sa kwarto ng binata.
Agaran naman niyang binuksan ang bintana sa kwarto ng binata at tinungo ang bubong. Mula roon ay inaamoy niya ang ihip ng hangin kung may mga Balrog o Ulipon na gumagala sa lugar. Nang mapagtanto niyang malinis ang hangin ay itinuon naman niya ang pansin sa mga taong dumaraan sa lugar.
Kung tutuusin, ang lugar na kinaroroonan niya ay katulad din ng bayang kinamulatan niya. Kung hindi lang dahil sa mga malalaking gusali at mga kakaibang sasakyan ay iisipin niyang ito pa rin ang bayang iyon.
Napakalaki ng ipinagbago ng mundo simula nang mapagdesisyunan niyang matulog sa haba ng panahon. Ngunit para sa kanya ang mga nangyari noon ay tila ba kahapon lamang. Malinaw pa rin sa alaala niya ang mga mukha ng kanyang mga kasama habang kasama niya itong nakikipaglaban sa kampon ni Eleazar. Maging ang mga masasayang araw nila noon ay alalang-alala pa niya.
Magkaganun pa man, ay alam niyang hindi na niya maibabalik pa ang panahong iyon. Sa kanyang pagmamasid ay bigla-bigla na lamang siyang nakaramdam ng pananakit sa kanyang dibdib. Iyong tipong may tumarak na isang punyal sa kanyang puso. Nagsimula na ring tumahip sa kaba ang kanyang puso na hindi niya maintindihan.
Ito ang pangalawang pagkakataong nangyari ito sa kanya at isa lamang ang dahilan nito.
Nasa panganib si Alex!
Mabilis siyang tumalon mula sa bubong patungo sa kabilang bahay upang mas madali niyang marating ang restaurant na pinagtatrabahuan nito.
Nang marating naman niya ang kugar na iyon ay agad niyang ipinagtanong sa mga taong naroroon kung nasaan si Alex. Kibit-balikat lamang ang itinutugon ng mga ito sa kanya.
Nagpalinga-linga pa siya sa pagbabaka-sakali na makakita siya ng taong nakakakilala kay Alex. Sa kanyang paghahanap ay nakasalubong nga niya ang isang binatang kakalabas lamang ng restaurant. Nakasuot pa ito ng unipormeng kapareha ni Alex.
"Paumanhin,nakita mo ba si Alex?"
"Si Alex ba? Aba, kanina pa ang out nun, Miss." Sagot naman nito na lalong mas nagpakaba sa dalaga. Nagpasalamat siya rito at tahimik na nilisan ang lugar. Habang nasa daan siya ay maigi niyang sinusundan ang mga bakas na naiwan ng binata.
At napadpad nga siya sa sakayan ng jeep na madalas sakyan ni Alex. Ngunit nagtaka pa siya ng bigla na lamang nawala ang bakas ng amoy nito. Maigi pa noyang sinuyod ang lugar ngunit tila biglang nawala ang amoy ng binata o sinadyang burahin iyon sa hangin.
Samantala, sa isang malayong lugar kung saan maagang nagtatago ang haring araw, sa ilalim ng isang malaking gusali ay naroroon si Alex. Nakahiga sa isang malaming na semento habang ang mga mata ay nakapiring at ang kamay naman niti at paa ay nakatali.
Sa higpit ng pagkakatali nito ay ramdam niya ang hapdi sa bawat pagpupumiglas niya. Kaka-out pa lamang niya sa trabaho at naglalakd siya patungo sa sakayan ng jeep mg bigla siyang hablutin ng kung sino at isinilid sa isang sako. Naramdaman na lamang niya ang pagsakay nito sa kanyan sa isang sasakyan at doon ay tila may naamoy siya na siyang nagpawala naman sa kanyang ulirat.
Nang tuluyan na nga siyang magising ay maramdaman na lamang niya na nasa isang malamig na lugar siya, nakatali ang kamay at paa at wala din siyang makita. Ibig man niyang sumigaw ng tulong ay alam niyang wala din itong magagawa.
"Mukhang gising na ang ating panauhin. Alisin na ang kanyang piring." Wika ng isang banayad na boses. Naramdaman na lamang niya ang bahagyang pag-angat ng kanyang ulo at pagkatanggal ng takip sa kanyang mata.
Mariin siyang napapikit nang maramdaman siya ng pagkasilaw sa biglaang liwanag na sumalubong sa kanya.
"Biruin mo nga naman at dito pa tayo sa panahong ito muling magtatagpo, Zedeus." Wika muli ng isang abnayad na boses.
Nang maimulat na ni Alex ang kanyang mga mata ay doon lamang niya napagtantong isang matipunong lalaki pala ang nagsasalita. Matangkad ito at katamtaman lamang ang laki ng katawan. Matangos ang ilong nito at bahagyang singkit naman ang nanlilisik nitong mga mata. Mapupula rin ang labi nito na animo'y gumamit ito ng kolorete sa labi. Ang mga mata naman nito ay kakulay ng mga mata ni Celestia.
"Sino ka at ano ang kailangan mo sa akin?" Tanong ni Alex.
"Hindi mo na ba ako natatandaan? Mahal kong kapatid? Iyan ba ang nagagawa ng pagsanib mo sa katawan ng isang mortal? Ano naman ang mapapala mo? Kaya pala nakadikit sa taong ito ang tagapaslang, dahil naririyan ka." Wika pa nito na lalong mas nagpagulo ng isip niya. Hindi niya makuha kung ano ang nais nitong ipahiwatig. Sino ba ang tinutukoy nito? At paano sila naging magkapatid gayong nag-iisang anak mga siya ng mga magulang niya. At imposibleng magkaroon ng anak sa labas ang kanyang ama dahil alam niya kung gaano nito kamahal ang kanyang ina.
"Hindi kita maintindihan, sino ka ba?" Muling tanong niya at tumawa ito ng malakas.
"Ako si Eleazar. Kapatid ko si Zedeus,ang nag-iisang taksil sa lahi ng mga Balrog." Wika nito at biglang sumagi sa isip niya ang pangalang oalaging nababanggit ni Celestia sa kanya.
Eleazar? Ang mortal na kalaban ni Celestia? Ang hari ng mga Balrog?
"Ikaw si Eleazar?"sambit niya at kumislap ang mga mata ng nilalang.
"Mukhang marami nang naikwento sayo ang tagapaslang. Ngunit tao, hindi pa ba niya naikwento na isa rin siya sa amin? Ang tagapaslang, na siyang pinagsalinan ng dugo ng taksil kong kapatid."
Napakunot ang noo ni Alex dahil sa sinabi nito. Ramdam na ramdam niya ang kakaibang kilabot sa bawat katagang binibitawan nito. Hindi niya maipagkakailang sobra ang paglatakot niya sa nilalang na iyon at isa lang ang nais niya sa mga oras na iyon. At yun ay tumakbo na mabilis upang makalayo rito. Ngunit ano ang magagawa niya kung kahit ang paggalaw ng katawan ay hindi niya magawa.
Alam niyang isang balrog si Celestia subalit nananaig pa rin dito ang pagiging tao. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng pagkatakam sa tao maliban sa unang araw ng kanilang pagkikita. Hindi niya alam na may mas malalim pa palang sekreto kung paano siya naging isang balrog. Ang buong akala niya ay isa sa mga magulang ni Celestia ang balrog kung kaya kalahati ng dugo nito ay isang balrog.
Hindi na naisip na nasalinan lamang ng dugo si Celestia ng isa sa mga kauri ng nilalang. Muling napakunot ng noo si Alex dahil isiping iyon. Bakit sinalinan ng dugo si Celestia? At bakit si Celestia?
Mga tanong na biglang namutawi sa kanyang isipan ngunit hindi niya mahanapan ng kasagutan. Wala din siyang saliatang maibabato sa nilalang dahil maging siya ay lubhang naguguluhan na.
"Nais mo bang iapaliwanag ko sayo?" Nakangising wika nito. At tiningnan na lamang niya ito ng masama habang pilit na inaalis sa pagkakatali ang kanyang kamay. Kahit pa ramdam na niya amg pagkasugat ng kamay niya ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay makatakas siya roon at para makauwi na.
Akmang magsasalita pa iti ay bigla naman itong napatigil dahil sa pag-amoy ng dugo ni Alex. Biglang naging purong pula ang mga mata nito at nakatingin lamang ito sa kanya habang umaangil.
Bigla namang kinabahan si Alex dahil sa napansin niya ang paglalaway nito. Hindi niya maintindihan kung bakit maging ito ay may ganoong reaksiyon sa amoy ng dugo niya. Una niyang nakita ang ganoong reaksiyon kay Celestia at ngayon naman kay Eleazar.
"Ngayon ko naintindihan kung bakit sa taong ito mo naiisipang sumapi kapatid ko. " Wika ng nilalang habang pinapahid ang laway na umaagos sa bunganga nito habang papalapit sa binata.