Chereads / Vanguard: Blade of the Shadows / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Isang malakas na tilaok ng manok ang gumising kay Alexander sa kanyang pagkakahimbing. Pagmulat niya ay nakatungo sa kanya ang manok na panabong ng kanyang ama. Bumangon siya at napakamot dahil dito.

"Pa, ano ba, bakit ba ang hilig-hilig mong ipagising ako kay Brendo. Sabi ko naman sayo nakabili na ako ng alarm clock." Reklamo niya habang papalabas ng kwarto bitbit si brendo. Itinali niya muna ito sa labas ng kanilang bahay bago niya tinungo ang kusina kung saan nakangiting nagkakape ang kanyang ama at nagluluto naman ng almusal ang kanyang ina.

"Aba't magrereklamo ka pa talaga, kung hindi dahil kay Brendo ay hindi ka magigising. Kanina pa tunog nang tunog yang alarm clock mo, hindi ka magising-gising kaya ayun tinapon ng Mama mo sa basurahan. " Wika ng kanyang amang si Thomas. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin sa malaking basurahan na nasa kusina nila at tunay ngang naroroon na ang kanyang bagong biling alarm clock na ngayon ay wasak na.

"Sabi ko naman sa iyo, hindi mo na kailangang bumili ng ganyan. Si brendo lang eh ,kita mo gising ka kaagad. Aba, mag-imis ka na at mali-late ka sa unang araw mo sa trabaho." Utos ng kanyang ama kaya dali-dali naman siyang pumanhik sa banyo upang maligo. Pagkatapos niyang magbihis ay mabilis na din siyang kumain ng almusal upang kahit papaano ay may laman ang tiyan niya sa unang araw ng kanyang trabaho.

Graduate ng Culinary si Alexander at kamakailan lamang ay natanggap ito sa pinag-applyan niyang restaurant sa City A. Dala-dala ang kanyang bag ay agad niyang tinungo ang sakayan ng jeep upang makarating sa kanyang pinagtatrabahuan. Kulang-kulang isang oras din ang gugugulin niya sa byahe upang marating ang City A.

Pagsakay sa jeep ay agad niyang tiningnan ang cellphone niya kung anong oras na. Nasa ala-sais trenta na ngga oras na iyon at alas-otso pa ang pasok niya. Kailangan malarating siya roon ng maaga upang magawa pa niyang alamin ang kanyang mga gagawin sa araw na iyon.

Nasa sentro lang din ng City A ang restaurant na kanyang papasukan. Napapalibutan ito ng malalaking gusali at iyon ang isa sa pinakamalaking restaurant na naroroon. Swerte na nga kumbaga si Alexander dahil matanggap siya roon kahit baguhan pa siya. Nang marating na niya ang naturang restaurant ay agad na siyang pumasok upang magreport sa kanyang manager.

Nang makita naman siya nito ay agad siyang nilapitan ng manager niya. Isang middle aged na babae ang kanyang manager, siguro ay nasa kwarenta na ito. Agad niyang binati ito at itinuro naman sa kanya ang kusina kung saan siya magtatrabaho.

Nalula naman siya nang makita ang malawak na kusina. Para tuloy biglang umurong ang tapang niya dahil sa kaba. Hindi niya alam kung kakayanin ba niya ang trabaho roon. Ipinakilala naman siya ng manager niya sa mga taong naroroon. Nang makaalis na ito ay agad naman siyang binigyan ng kanyang superior ng isang baldeng sibuyas at maliit na kutsilyo.

"Ito ang unang trabaho mo? Aba, dapat matibay ka. Hindi basta-basta ang trabaho sa kusina. Hindi ito katulad ng inaakala niyo noong nasa eskwelahan pa kayo. " Wika nito. Nakasuot ito ng itim na chef jacket at may itim na chef's hat din ito na siyang palatandaan ng kanyang position sa loob ng kusina.

"Opo, Chef Danny." Sagot naman ni Alexander at sinimulan ng balatan ang mga sibuyas sa balde. Dahil sanay siya sa mabibigat na gawain sa bahay ay hindi niya ininda ang trabahong iyon. Mabilis niya itong natapos at pinaghigas naman siya ng malalaking kaldero at kawa sa lababo. Hindi nagreklamo si Alexander at itinuon na lamang ang kanyang atensyon sa paghuhugas.

Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang oras ng kanyang uwian.

"O, ano pang ginagawa mo diyan. Kapag oras ng uwian, umuwi na." Tawag sa kanya ni Danny.

"Opo, Chef." Sagot naman niya at mabilis na inayos ang mga hinugasan niyang mga kaldero. Bahagya siyang tinapik ng matanda sa balikat at tumawa ito.

"Siguraduhin mong babalik ka bukas." Wika pa nito. Ngumiti naman si Alexander at tumango rito bago magpaalam. Bago umuwi ay dumaan muna siya sa kanyang manager upang kunin dito ang susi ng kanyang locker. .

Halos gabi na nang marating niya ang kanilang bahay.

"Kamusta ang unang araw?" Bungad na tanong ni Thomas sa anak.

" Ayos naman Pa, medyo nakakapagod nga." Wika niya habang hilot-hilot ang balikat. Nangalay yata iyon nang maghugas siya ng mga kaldero kanina.

"Sa una lang iyan anak, aba'y masasanay ka din.'' sagot naman ni Thomas sito. " O, may kanin na at ulam doon sa lamesa. Kumain ka na at nakakain na kmi ng iyong Mama. Pagkatapos mong kumain magpahinga ka na, baka mapuyat ka na naman." Wika pa nito. Kakamot-kamot na tinungo ni Alex ang kusina at nakita niya ang kanin at ulam na tinutukoy ng ama niya. Napangiti naman siya dahil paborito niya ang ulam nila. Sinigang na baboy.

Matapos kumain at hugasan ang pinagkainan ay pumanhik na siya sa kwarto niya upang magpalit ng damit at magpahinga.

Samantala, sa isang dako ng City A, sa isang abandonadong bodega at isang grupo ng kalalakihan at mga babae ang masayang nagsasayawan. Malalakas na tugtog at hiwayan ng mga taong nagsasaya habang ang mga ito ay lulong sa alak. Walang kamuwang-muwang ang mga babaeng iyon na iyon na pala ang magiging huling kasiyahan na kanilang madarama.

Isa-isang lumapit sa kanila ang mga lalaking iyon at niyakap sila. Natuwa naman ang mga babae dahil napakagu-guwapo naman kasi ng mga lalaking iyon. Matipuno ang katawan at mababango. Ngunit isa lng pala itong pagbabalat-kayo. Sa pagyakap na iyon ng mga lalaki ay hindi na sila nakapumiglas nang biglang tumarak sa leeg nila ang mga ngipin nito na siyang sumugat sa kanilang mga leeg dahilan upang umagos doon ang masaganang dugo. Pilit man silang nagpumiglas ay wala na silang nagagawa dahil animo'y hinihigop ng mga ito ang kanilang mga lakas. Umikot ang kanilang paningin dahil sa mabilisang pagkawala ng kanilang mga dugo.

Dahan-dahan ding nagbago ang kaanyuan ng mga babae. Ang dating batang-bata at makinis nilang mga balat ay unti-unting kumulubot na animoy tumatanda sila. Namumuti na rin ang kulay ng balat nila dahil sa kawalan ng mga dugo at ang mga mgagandang mukha nila ay maihahalintulad mo na sa isang matandang matagal ng namayapa.

Nang bitawan iyon ng mga lalaki ay nagpahid pa ang mga ito ng bunganga. Nakangisi ang mga ito at pinagsisipa ang mga babaeng noon ay naghihingalo pa. Hindi pa doon nagtatapos ang kanilang kalbaryo, dahil kahit nawalan na sila ng dugo ay naroroon pa din ang kakarampot nilang buhay. Isa iyon sa mga abilidad ng mga makabagong balrog. Sa pagtalikod ng mga lalaking iyon ay siya naman paglabasan ng mga mabababang uri ng balrog na kung tawagin nila ay Ulipon. Nilapa ng mga ulipon ang katawan ng mga naghihingalong babae at winasak ang mga tyan nito upang makuha ang laman-loob nila. Iyon ang kasiyahan ng mga ulipon sa oras na matapos kumain ang kanilang mga panginoon ay siya namang paglapa nila sa mga biktima. Karumaldumal ang ginagawa nila dahil nais nila ay ang mga buhay pang biktima dahil mas nasasarapan sila kapag nakakaramdam pa ng sakit ang kanilang kinakain.

Matapos manginain ng mga ulipon ay muling nagsibalik ang mga ito sa kanilang pinagtataguan. Ang mga bangkay ng mga babaeng kanilang kinain ay hinayaan na lamang nila doon. Wala silang pakialam sa katawan ng kanilang biktima dahil ang mahalaga lamang sa kanila ay malamnan ang kanilang kumakalam na sikmura.

Dumaan pa ang isang buong araw nang matuklasan ng mga tao ang mga bangkay na iyon. Agad na rumesponde sa lugar ang mga kapulisan upang mag-imbestiga.

"Mukhang, hindi tao ang may gawa nito. Parang aswang." Wika ng isang pulis na agad namang tinutulan ng kasamahan niya.

"Anong aswang ang pinagsasabi mo. Wala ng aswang sa panahon ngayon. Ang sabihin mo isang psychotic killer ang may gawa nito. Baka naka-droga." Wika naman ng isa.

"Maari, pero kaya ba ng naka-droga ang higupin ang dugo ng biktima niya? Tingnan mo ito. Walang natira kahit isang patak ng dugo. At base sa pananamit ng mga ito mga pr*stitute ito na nagtatrabaho diyan sa may Red District. " Wika ng naunang pulis na nagsalita. Napaisip na rin ang mga kasama niya dahil amy punto naman ito.

Dahil wala silang makitang witness sa lugar ay kaagaran din nilang isinarado ang kaso. Wala din naman silang makuhang matinong sagot sa mga katanungan nila kahit ipagpapatuloy pa nila ang pag-iimbestiga.

Kinabukasan ay pumutok ang balita tungkol sa mga bangkay na natagpuan sa abandonadong bodega. Marami ang kumalat na haka-haka at naalarma ang mga tao. Subalit wala pa rin kasagutan sa kanilang mga katanungan.

Naging usap-usapan din ito maging doon sa trabaho ni Alex. Habang naghuhugas siya ng mga ginamit ng kanyang mga kasama ay naririnig niya ang pag-uusap na iyon ng mga kasamahan niya.

"Naku, kaya kayo, huwag na kayong dadaan sa lugar na iyon kapag malalim na ang gabi. " Wika pa ni Danny habang nililinis ang station nito.

"Sus, Chef Dan, babae lang ang binibiktima nun. Narinig ko mga pr*stitute daw sa red district ang mga biktima. Panigurado lalaking mga adik ang suspek." Wika pa ng isang cook.

Napalingon naman si Alex sa kanila. Nagtataka siya dahil madalas na daan niya iyon patungo sa sakayan ng jeep. Wala naman siyang napansin noong nagdaang gabi.

Kinagabihan nga ay muli siyang dumaan doon. Medyo ginabi siya ng konti dahil sa dami ng hugasin at mga lilinisin. Nang masipat niya ang bodega ay agad siyang napahinto nang mapansin niya ang isang babaeng nakatayo sa malapit sa pintuan ng bodega.

Tatawagin niya sana ito nang biglang may sumulpot na nilalang sa harapan nito na nakapag paatras sa kaniya. Napakapangit at nakakatakot ang wangis nito na hindi mo maintindihan. Para itong bangkay na buhay dahil sa itsura nito. Napakabilis din nang kilos nito na animo'y mga pusa. Akmang susunggaban na nito ang babae ay tila ba kusang gumalaw ang kanyang katawan dahilan upang siya ang tamaan ng kalmot ng nilalang. Napasigaw siya sa sakit at gulat na gulat naman ang babae dahil sa pagsulpot niya.

Kitang-kita ni Alex ang pagliliwanag ng mga mata ng babae habang binubunot nito ang isang espada sa kanyang tagiliran. Isang hambalos lamang niyon ay tumalsik sa semento ang ulo ng nilalang. Ang akala niyang babaeng walang kalaban-laban ay isa palang amazona. Napalunok siya nang magtama ang kanilang paningin.

Napaluhod naman ang babae na tila ba nanghihina ito. Mabilis itong nilapitan ni Alex habang binabalewala ang sugat na tinamo niya sa nilalang.

"Ayos ka lang Miss? May sugat ka ba?" Tanong ni Alex at nagulat pa siya nang muli itong tumitig sa kanya. Namumula kasi ang dapat ay itim nitong mga mata. Iyong tipong nag-aagaw ang pula at gintong kulay na tila ba hinuhumaling siya.