Chereads / THE BILLIONAIRE'S PART-TIMER / Chapter 29 - Chapter 28

Chapter 29 - Chapter 28

PASADO alas-siyete ng umaga nang magising si Zack. Inot-inot siyang bumangon at sumulyap sa side table. Kumilos siya upang abutin ang telephone at tinawagan ang dalaga. It's already 7 am at she's not awake? Naiinis na naman siya sa isiping iyon dahil may pasok pa siya sa opisina.

He dials up the local number and hears Zairah's phone ringing in the other line, but she's not picking up the phone. Shit! What is she doing? Inis na binagsak niya ang ang telepono at bumangon. Maingat siyang lumipat sa kaniyang wheelchair na nakakaya na naman niya. Shit this life! Damang-dama rin niya ang paghihirap habang inalalayan ang mga paa.

Ayaw niyang maaga pa lang ay nababadtrip na siya. He can't control that temper even he wanted to calm. Pagkapasok pa lang niya sa kwarto nito, nakita niya ang dalagang tanging mukha na lang ang nakasilip sa pagtatalukbong ng comforter.

"Zairah! Zairah! Wake up! I don't want to be late today," hiyaw niya. Hindi pa rin kumikilos ang dalaga kaya muli siyang nagsalita. "Zairah, ano ba?!" bahagyang tumaas na rin ang boses niya.

Marahang nagmulat ang mga mata ng dalaga ngunit naningkit lang ito habang inaaninag siya. "Zack..." anas nito. Tila may kakaiba sa boses nito na tila nahihirapan.

Naalarma siya. "Zairah..." Mabilis niyang pinindot ang button ng wheelchair upang lumapit dito. Dinama nito ang noo ng dalaga. Ang init! Shit! Nagmamadali siyang sumampa sa kama nito kahit hirap na hirap siya sa kalagayan niya. "Zairah!"

"Zack...." tanging sambit lang ng dalaga.

Nakasampa na siya sa gilid ng kama. "Zairah! Why don't you called me...shit!" Nataranta na siya. Mabilis niyang tinawagan ang mga kasambahay sa telepono upang pumanhik.

"A-Ayos lang ako..."                

"No! You're not fine!" Bumaling siya sa kabilang linyang may sumagot na. "Aling Lukring, tawagin mo si Leo at come here at Zairah's room, now! Mamaya niyo na itanong basta magmamadali kayo!" Sabay bagsak niya sa telepono at muling binalingan ang dalaga. "Zairah!" Hindi niya alam ang kaniyang gagawin gayong may kapansanan siya at tanging pag-aalala lang ang maibibigay niya.

Maya-maya pa ay naroon na sina Aling Lukring at Leo na driver niya. Mabilis itong nakalapit sa kanila sa higaan upang alamin ang nangyari.

"Zack! Anong nangyari?" tanong agad ni Aling Lukring. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Leo!"

"Sir?"

"Buhatin mo si Zairah. She has a fever, and we must rush her to the hospital!"

"Ho? Okay, Sir!"

"Diyos ko! A-Anong nangyayari sa iyo, Zairah!" nag-alalang tanong ni Aling Lukring.

"Aling Lukring, could you please get my cash and cards at my room. Alam mo na kung nasaan iyon! Sumunod agad kayo ni Ann sa Lucas Medical Hospital!"

"S-Sige, Zack!"                           

Nagkakagulo ang mga tao sa bahay na iyon nang isugod ang dalagang si Zairah sa hospital. Mataas ang lagnat nito sa hindi malamang dahilan. Kahit ang binatang si Zack ay naibsan ang galit sa dalaga at napalitan ng pagnanais na madala ito sa pagamutan. Bakas sa mukha niya ang takot para dito dahil ayaw niyang may mangyari sa dalaga. Ayaw man niyang aminin sa sarili niya ngunit malaki ang puwang ni Zairah sa puso niya. Yes. There's something in her that could thaws his rigid heart.

DALAWANG ORAS ang lumipas bago lumabas ang kilala niyang doktor sa naturang ospital habang pinapakalma niya ang sarili. Nasa isang tabi si Aling Lukring habang hindi rin mapakali at taimtim na nagdarasal na sana maayos lang si Zairah.

"Zack, ayos lang kaya siya? Kaya pala hindi na siya kumain kagabi at nagsabi na lang na matutulog na siya. Akala ko ay pagod lang siya," maluha-luhang sambit ni Aling Lukring.

"I don't know, Aling Lukring. Let's wait for the doctor's findings." Wala na siyang lakas na makipag-usap pa dahil sinumpa na niyang ayaw na niyang pumasok muli ng hospital pero kailangan niyang gawin.

Lumabas na ang lalaking doktor sa emergency room at iyon na ang pinakahihintay nila upang malaman ang resulta tungkol sa dalaga. Si Doktor Adrian Villanueva na kakilala ni Zack at batchmate niya noong college days.

"Zack..."

"Yes, Adrian? How is she?"

"Hey, stay calm. She's okay right now. Anemic ang patient as the results shows on her CBC. She needs a blood transfusion now or else mauuwi sa malalang sakit ito."

"Anong type ng dugo?" tanong niya. Mas lalo siyang nag-aalala sa sitwasyon nitong kailangan itong salinan ng dugo.

"Type AB, Zack. Nakipag-coordinate na ako sa Red Cross at⸻"

"I'm type AB. I can give her my blood."

"Are you sure?" Tiningnan siya nito at tila nag-aalangan sa sitwasyon niya.

"Zack, hintayin na lang natin ang⸻"

"No! I can't wait for that! I'm healthy enough, and I'm sure of that."

"Pwede rin akong mag-donate!"

Napalingon sila sa pamilyar na boses na walang iba kung 'di si Raven. Nagkatinginan pa sila ng matalik niyang kaibigan.

"Okay! I think, kailangan na natin e-undergo kayo ng test. And nice to see you, Ranzel!" wika ni Adrian sabay napangiti.

"Nice to see you, Doc Adrian."

Hindi na siya tumutol pa na mag-donate rin ang matalik niyang kaibigan. Kailangan ni Zairah ng tulong sa ngayon kaya isinantabi muna niya ang kung anong naramdaman niya rito. Iba ang pakiramdam niya sa tuwing napapalapit ito kay Zairah. He has been felt something different and that was...jealousy! Yeah and he admitted that ever since the day Zairah told him that Raven had courted her.

"She will be alright," sambit ni Raven sa kaniya matapos silang kuhanan ng dugo.

"Yeah," tipid niyang tugon.

Nakaupo na lang sila upang ipahinga ang katawan. Halos tig-isang bag ng dugo ang nakuha sa kanila at sapat na raw iyon para sa kakailanganin ng dalaga. Hinihintay nilang maging maayos ang pagsasalin sa loob ng emergency room.

"I suggest that Zairah will never working at John's company. Makakaapekto ito sa kalusugan niya kung sakali," suhestiyon ni Raven.

"I will do that if she's okay."

"Good. At huwag mo sana siyang papahirapan at susungitan."

"Hindi ko ginawa iyon."

"Do you love her?" seryoso nitong tanong.

Napaisip siya sa tanong ni Raven dahil ayaw muna niyang magbigay ng konklusyon. Hindi pa siya handang sabihin kung ano man ang nararamdaman niya at hindi pa rin siya sigurado sa bagay na iyon.

"That silence means, yes?"

"Do you love her?" ibinalik niya ang tanong dito.